This is hopeless, I can't believe I lost him just like that. Ilang buwan ko ring siyang pinakain at inalagaan kahit na minsan lang ko lang siya binibisita ay napamahal na siya sakin. Hindi ko akalain na sa isang magulong sitwasyon lang ay nawala agad siya na parang bula.
Hindi ko sinasabi na ang naglagay sa kanya sa library ay siyang may kasalanan dito but to put it in, siya naman talaga ang dapat sisihin kung bakit nawawala na ngayon si Spot. Ugh! Who ever that person is such a major sakit sa ulo. Jeez! Tss.
"Kung aso ako ay sa basurahan agad ako pupunta para maghanap ng pagkain." Out of nowhere niyang sabi. Napaisip ako, I kinda agree with him. Kung isa kang tambay at paligoy-ligoy na aso ay sa basurahan agad ito tutungo.
Wala na akong ibang choice pa dahil wala rin namang pumapasok saking isip na ideya. Nagsimula kami sa freshmen's building. Organised na ang mga basura sa lahat ng grade levels kaya hindi na kami mahihirapan pa. Bawat classroom ay nasa labas ang basurahan nila nakalagay.
Pero ilang minuto lumipas sa paghahanap ay hindi namin nakita si Spot kahit buntot niya ay wala talaga. Sumunod kami sa sophomore's building. Nagsimula na rin kaming magtanong-tanong sa mga estudyanteng lumalabas-pasok sa mga classrooms nila pero sa huli ay bigo pa rin kami.
Umupo muna kami ni Mev sa isang wooden bench malapit sa puno ng manga. Magpapahinga muna kami kahit sandali lang. Para kasing nawawalan na rin ako ng ganang hanapin si Spot
"Wooooh! Kapagod. Nasa'n na kaya ang tutang 'yon? Ang likot at kulit naman niya. Pinapahirapan pa tayo eh." Shempre dahil tuta 'yon, likas na sa kanila ang pagiging hyper at energetic. Ramdam na ramdam ko rin ang pagod niya nung nagsalita siya. Pinapaypay niya rin ang sarili niya gamit ang kamay niya. Pawisan kaming dalawa sa paghahanap sa kanya. Naman oh, sa'n na kayang lupalop na dimensyon nagpunta ang tutang 'yon?
Isusubsob ko sana ang ulo ko kaso naalala ko wala palang mesa sa harap namin kaya ang ginawa ko ay ipinatong ko ang aking braso sa sandalan ng bench at doon ko isinubsob ang aking mukha. Nakakapagod, sa sobrang pagod ay parang gusto kong humiga.
"Tama na ang pagpapahinga. Tara na, kailangan natin mahanap si Spot bago bumukas ang gate. May 20 minutes nalang tayo para mahanap siya." Sambit niya sabay tayo. Tamad akong tumayo at tinahak ang daan papunta sa junior's building. Jeez! Nasaan na kaya ang tutang 'yon? Pagod na kami sa kakahanap sa kanya. Tsk. Kailangan namin siyang mahanap bago may kumuha sa kanya at iuwi siya.
The last chance we have is our building. Please I hope this time ay makita na namin si Spot. Nagsuggest si Mev na maghugas muna kami ng kamay na sinang-ayunan ko naman. Pagkatapos naming hugasan ang aming kamay ay sinimulan na namin ang paghalubhob sa building namin.
Dahil walang hiya itong kasama ko ay tinanong niya ang mga schoolmates namin kung may nakita raw ba silang paligoy-ligoy na tuta.
Karamihan ay babae ang tinatanungan niya kaya kapag nilampasan na namin ang classroom nila ay tumitili ang mga ito, halatang kinikilig. Ngumingisi lang siya, minsan ay lilingon at kinikindatan niya ito. Mas lalo tuloy silang tumili. Babaero siguro 'to. Ganon na ba kagwapo ang kasama ko para kiligin sila?
Maganda naman ang charisma niya kaya malamang pa sa malamang ay maraming babae ang mahuhumaling sa kanya but I'm not one of them.
Sunod naming pinuntahan ang kabilang classroom. Buti at wala silang klase, siguro vacant rin nila o baka hindi sumulpot ang teacher nila. Sinimulan na magtanong si Mev sa kanila na may kasamang paglalandi. I rolled my eyes. Habang naghahanap ako sa basurahan at siya naman ay nakikipaglandi— I mean nagtatanong ng impormasyon sa mga babae ay hindi nakatakas sakin ang isang lalaking papalapit sa direksyon namin.
Hindi mapigilan na lumaki ang mga mata ko sa nakita kong dala niya na parang isang sanggol ang pagbitbit nito. Teka, namamalik mata lang ba ako? Si Spot ba 'yan? At si Tyrone ang lalaking hawak na hawak sa kanya. May ngiti niyang nilalaro si Spot. Kahit na malayo pa sila ay ako na ang nag-abalang lumapit sa kanila. Huminto ako sa harap niya na ikinatigil rin niya.
"Rosella/Tyrone," sabay naming banggit sa isa't isa. Napunta ang atensyon ni Spot sakin at bigla itong tumahol at nagpupumilit na makawala sa pagkahawak ni Tyrone sa kanya. Ibinaba naman siya ni Tyrone at patakbong itong lumapit sakin.
Nadulas pa siya sa kulay gray at kumikinang na sahig sa sobrang pagmamadali niya pero hindi niya ito pinansin, lumalabas na dila pa rin siyang ipinagpatuloy ang paglapit sakin. Lumuhod ako sabay hinimas-himas ang katawan niya.
"It seems like you knew each other," nakita ko sa peripheral vision ko na umupo si Tyrone sa harap ko. Tumango lang ako bilang sagot.
"May pangalan ba siya?"
"Spot," sabi ko habang nilalaro pa rin siya. Minsan ay tumatahol ito at dinidilaan ang kamay ko.
"I bet, nakuha mo ang pangalan niya sa malaking putting bilog na nasa kaliwang mata niya." Halata ba masyado? Ganon rin kasi ang sinabi ni Mev sakin. Wala eh, wala na akong may naisip na ibang ipapangalan sa kanya.
"Oh! Siya na ba 'yan?" narinig ko rin ang paglapit ni Mev samin at tumabi siya sakin.
"Hahaha! Tama nga ako Ro! Tama ang sinabi ko sayo nung pinangalanan mo siyang Spot dahil may mga spots siya sa kanyang katawan." Magiliw na sabi niya.
"Magkasama kayo?" tanong ni Tyrone. Tumigil ako sa pakikipaglaro kay Spot nung lumapit siya kay Mev at nakipaglaro rin sa kanya.
"Oo eh, hinanap kasi namin itong makulit at energetic na tutang 'to. Lumabas kasi siya sa maliit na box na nagsisilbing tirahan niya." Paliwanag niya.
Tinignan ko ang crest niya. "Saan mo siya nakita?" bumaling ang atensyon niya sakin na kaninang nakatingin kay Spot.
"Ah, nakita ko siya sa garden. Hinahalukay ang mga bulaklak at d**o. Nagtaka ako kung paano siya nakapasok kaya naisip ko na isama ko nalang siya sakin. Naawa kasi ako dahil mag-isa lang siya." Ibig sabihin ay nagpumilit talaga na lumabas si Spot. Akala ko may kumuha talaga sa kanya. Pero hinaluhhob ko na ang garden, imposible na hindi ko siya nakita. Siguro pag-alis namin ni Mev ay do'n lang agad siya nagpakita, sakto naman na nakita siya ni Tyrone.
"Wala ka bang may nakitang kahon do'n?" ani Mev at umiling naman si Tyrone.
"Anong gagawin mo sa kahon?"
"Doon kasi siya nakatira." Then silence succumb us. Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Hindi pa rin tumitigil ang masayang paglalaro ni Mev at ni Spot sa isa't isa. Hindi ko akalain na magiging close agad silang dalawa sa unang pagkikita palang nila.
"Ah! Alam ko na," tumigil sa paglalaro si Spot sa kanya at pumagitna samin. 'Yun pala ay kakamutin niya ang kanyang ulo.
"What if, iuwi mo nalang siya sa inyo Rosella?" bahagya akong umuling.
"Huh? Bakit naman hindi?"
"Kahit gustuhin ko ay hindi pa rin pwede,"
"Bakit nga?"
"Allergic ang ate niya sa aso," 'yan sana ang isasagot ko pero naunahan na ako ni Tyrone.
"Anyway, what are we going to do with Spot?" oo nga 'no. Hindi 'yon pumasok sa isip ko. May klase pa nga pala kami, nawala 'yon sa isip ko. Ang inaalala ko kasi ay ang kondisyon ni Spot ngayon.
"Ibabalik nalang natin ulit siya sa kahon, magiging ligtas siya kung doon pa rin natin siya ilalagay." Suhestyon ni Mev na sinang-ayunan namin.
"But what if, lumabas na naman ulit siya? Maybe this time, kung saan saan na siya pupunta."
"Hmmm, hindi ko alam. Edi hanapin natin siya ulit, wala tayong ibang choice kundi 'yan nalang."
"He won't," sabay silang tinignan ako na nagtataka. Tumayo na 'ko at sabay rin silang tumayo.
"Huh? He won't what?"
"A dog has it's own loyalty. He won't do such thing to the person he knew as his master." Sabi ko at naunang lumakad.
Nagmamadali ako dahil may klase pa kami, iilang minuto nalang ang natitira ay mags-start na naman ulit. Sumasabay lang sa paglalakad ko si Spot sakin. Ang cute cute niya tignan dahil halos takbuhin niya na ang mga hakbang ko.
Mabuti at walang mga guro kaming nakakasalubong. Lumingon ako at nakita ang dalawa na masayang nag-uusap. Nasa ulo ang dalawang kamay ni Mev at prenteng lumalakad samantalang si Tyrone naman ay nakapamulsa. Good for them, mukhang close na agad sila.
Walang g**o namin narating ang garden. Binuhat ko si Spot at nilagay siya sa loob ng kahon niya. Pumalibot siya, umupo sabay tingin sakin habang lumalabas ang dila. I don't know his breed pero tuta pa lang ay ang talino na. I pat his head like everyone's normally do to a dog.
"Oy Ro, sasama rin ako sayo mamaya ah." Bahagya ko silang nilingon at nakita ko ang pagsiko ni Tyrone sa tagiliran niya.
"What? Gusto ko rin kasing makita ulit si Spot." Kahit na hindi ko makita ay alam kong ngumunguso siya na parang pato. Parang bata rin itong namamaktol. Tumango nalang ako bilang sagot at narinig ko ang pagsabi niya ng 'yes!'.
Habang tinatahak ang daan putungo sa classroom ay nakarinig ako ng pagkalam ng isang tyan. Teka, sakin ba nanggagaling 'yon? Tumingin ako sa kaliwa ko, nakatingin kasi si Tyrone eh. Nakita ko si Mev na nakapeace sign habang nahihiya ang mukha.
"Mukhang naging bunga sakin ang paggutom sa paghahanap kay Spot,"
"Caf muna tayo, nagugutom rin ako. Ano sayo Rosel? Sasama ka ba o mauuna ka nalang?"
Hindi ako nag-atubiling sumagot ng "Sasama,"
"Nice!" masayang sambit ni Mev. Nakita ko rin ang pagngiti ni Tyrone. Tss. Kung ano man ang iniisip nila ay nagkakamali sila. Sumama ako sa kanila dahil nagutom rin ako sa paghahanap kay Spot. Imbes na diretso ang daan namin ay lumiko kami sa kaliwa. Pagdating namin do'n ay kaunti lang ang mga taong kumakain. Ang iba ay tumatambay lang at masayang nagpapalitan ng mga kwento nila.
Si Mev ay pumunta sa section na puro matatamis na pagkain. Naglalaway ang mukha niya ng makita niya ang mga ito. Kulang nalang ay kuminang ang mga mata niya.
Magkasama naman kami ni Tyrone na pumipili ng makakain. Pagkatapos namin pumili ay tinuro niya ang isang bakanteng table malapit sa crystal glass wall ng caf. Hindi naman ako nagreklamo dahil puro tango lang naman ang ginagawa ko. Pupuntahan na sana namin ni Mev ng kusa na itong lumapit samin. Akala nga namin matatagalan pa siya sa pagpili ng makakain.
Halos sundin ko na rin ang pagkunot noo ni Tyrone pero nananatiling seryoso ang mukha ko. Eh paano kasi, nag-order talaga siya ng marami. Sa tray na dala niya ay may pinggan ng isang sliced cake, dalawang fries, isang burger, at dalawang coke in can. Hindi halata na matakaw siya, ganon na ba talaga ang gutom niya sa paghahanap kay Spot?
"Iro, ang dami naman n'yan. Mauubos mo ba lahat 'yan in 15 minutes?" ni-one hand ni Mev ang tray sabay pakita ng hinlalaki niya.
"Shempre! Ako pa. Gutom na gutom talaga ako eh."
Sumimangot naman ang mukha ni Tyrone. Alam ko iniisip nito, akala niya ay hindi kami magtatagal dito, ilang minuto nalang kaya time na pero etong Mev na 'to ang magpapatagal samin dito sa loob. Pumunta kami sa tinurong pwesto ni Tyrone.
Nilagay pa nga lang niya ang tray ay agad na naman itong bibili.
"Hala ka, nakalimutan ko bumili ng yogurt. Teka lang guys, babalik ako." Hay nako, ewan ko ba do'n. Bahala siya d'yan basta ako ay kakainin ko na itong siopao ko.
Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na si Mev. Nagulat naman ako, pagharap ko kasi ay nakalahad sakin ang kamay niyang may coke in can na binili niya kanina.
"Here," tinitigan ko muna ito. Nahagip ng mata ko ang tray. What? Ganon siya kabilis kumain? Grabe. Ubos na ang lahat ng kinain niya. Patay gutom.
"Oh diba? Sabi sa inyo eh, mabilis akong kumain. And take this, wala 'yang suhol libre 'yan promise." Bumalik ulit ang tingin ko sa nilahad niya, maingat ko naman itong kinuha mula sa kanya. Tila, lahat ng inis ko sa kanya ay nawala.
"Salamat,"
"You're welcome. So, tara na? Balik na tayo sa classroom. For sure ay super duper major late na tayo." I can't control to smile again, pero patago lang. Tumayo na rin ako at sabay naming nilabas ang cafeteria. Nilakad na namin ang daan papunta sa classroom.
Malapit na sana kami sa classroom ng marinig namin ang ingay sa loob. Teka, anong nangyayari d'yan?
"Hindi ba dapat nagsisimula na ang klase?" sinilip namin ang mga katabing classrooms, oo nagkaklase na nga sila pero bakit samin ay maingay?
"Sayang, tatambay pa sana ako sa caf." Ani Mev. Si Tyrone ang nagbukas ng pinto at bumungad samin ang mga kaklase naming may sari-sariling mundo.
Pumasok na kami. Pumunta na ako sa upuan ko habang ang dalawa ay lumapit sa pumabilog na grupo.
"Wala si Ma'am Science?" rinig kong tanong ni Mev.
"Absent sabi ni Ma'am Eril, in-annouce niya kanina nung pumasok siya dito. Sandali nga, sa'n nga pala kayo nagpuntang dalawa? At bakit asdfghjkl." Hindi ko na narinig pa ang huling sasabihin ni Kylie dahil binulong niya ito.
"Ahh, may hinanap kasi kaming tu— hmmphmm!"
"Shh! Iro." Natawa nalang ako sa kanila. Alam kong balak nilang sabihin sa iba ang nangyari kanina, ang paghahanap kay Spot. Lalo na si Mev, napakadaldal talaga niya.
Tutal dumagdag ang vacant time ng isa pang oras ay mag-aaral nalang ako. Siguro doon sa library nalang ako, hindi ako dito makakapagconcentrate dahil ang ingay. Kinuha ko ang mga librong gusto kong aralin sa ilalim ng desk ko. Isa-isa ko itong binuklat dahil baka may naipit na bagay o ano at tama nga ako, meron nga.
May nakaipit na papel sa libro ng Physics. Kinuha ko naman ito at binasa.
I miss you and your smiles. Please bring them back :(
'Yan ang nakasulat sa papel. Nakakunot ang noo ko habang binabasa ko ito. Sino na naman ang naglagay nito sa Physics kong libro? Tumingin ako sa paligid, alam kong isa sa mga kaklase ko ang naglagay nito sa libro ko. Ang tanong ay sino? Sino naman ang magtangkang maglagay nito dito sa libro ko?
Ahad ko naman kinuha sa bulsa ko ang papel na nakuha ko kanina at binuklat. I want to know if the note I got from Spot's box and the note that I just found in my book will match. I want to know if they match. And to my dismay, it's not. Hindi pareho ang penmanship nilang dalawa, magkaiba. Umaasa ako na magiging magkatulad silang dalawa pero hindi.
Natapos na ang vacant namin kaya balik na ulit sa klase. Pinipilit kong makinig pero lumalabas lang ito sa kabilang tenga ko. Kada makikita ko kasi ang papel ng notebook ko ay sumasanib ulit sa isip ko ang dalawang sulat. Ang sulat na nakita ko kanina sa libro ko ay sigurado akong isa sa mga kaklase ko ang naglagay no'n pero yung sulat na nakuha ko sa kahon ni Spot ay hindi ko alam.
Taimtim kong tinitignan ang dalawang sulat na hawak ng kaliwang kamay ko, habang ang isa naman ay nakapatong sa notebook ko hawak hawak ang ballpen. Nasa ilalim ito ng desk ko at hindi makikita ng iba. Nagkukunwari akong nagte-take down notes pero ang totoo nyan ay iba ang ginagawa ko. Napagitla ako ng marinig ko ang school bell, uwian na.
"Class dismissed." Tumayo kaming lahat, bid goodbye to our teacher and bowed. Sinimulan ko na rin ayusin ang mga gamit ko, ready to go where Spot is. Sinadya kong magpahuli kaya nung ako nalang mag-isa ay nilisan ko na ang classroom. Pagbaba ko ay nahagip ng mata ko ang tatlong pamilyar na pigura.
Nakaupo sila sa isang parihabang sementong upuan na pumupwesto sa damuhan. Nakatalikod sila sakin. Ba't nandito pa sila? May hinihintay ba sila? Nagtatawanan sila ni Mev samantalang si Tyrone ay tahimik na nakikinig sa kanila. Halos nag-eecho na nga ang tinig ng tawa niya sa hallway.
Lumingon si Mev na agad ikinatalon ng mga balikat ko. Hindi ko inaasahan ang paglingon niya dahil busy siya sa pagtawa. Napa-O naman ang bibig niya nang makita ako sabay sabi sa dalawa at lumingon rin sila sa direksyon ko. From the minute they turned their heads to me, parang gusto kong umatras at tumakbo.
Nakita ko rin ang pagliwanag ng mukha ni Kylie pero si Tyrone ay nananatiling seryoso ang mukha. Umiwas ako ng tingin sa kanila.
"Ro!" this time ay napahawak ako saking dibdib. Pagtingin ko ay nandito na sa harap ko si Mev, asong ngiti ang umuukit sa labi niya. Ang dalawa naman ay papunta palang.
"Hinihintay ka namin," saad niya. Ako? Hinihintay nila ako? Bakit? May kailangan ba sila sakin?
Hindi ako sumagot, bagkus ay nakatingin lang ako sa crest niya. Nang makalapit ang dalawa ay binati ako ng isang awkward 'hi' ni Kylie at ngiti naman ang ginawiran sakin ni Tyrone. Lumapit sakin si Mev na siyang ikinaatras ko ng kaunti.
"Sorry Ro pero aksidente kasing lumabas sa bibig ko ang tungkol kay Spot. Kinukulit kaming dalawa ni Kylie na magkwento tungkol sa kanya kaya ayun, gusto niya daw makita ito, hindi naman namin siya mahindian." Bulong niya sakin. Ahh, so that's why she's with them. She wants to see Spot.
"Sorry talaga Ro." Mev said as he stepped back. Umiling naman ako.
"It's fine,"
"T-talaga?" she uttered.
"These two also wants to see him," ang pagtutukoy ko sa dalawa.
"Kyaaaa! I can't wait to see him!" sabi niya sabay talon na parang bata na binigyan ng paborito niyang kendi.
Pinagitnaan ako ng dalawa habang nasa kaliwang bahagi naman si Kylie, katabi ni Mev. Masaya silang nagkukwentuhan about kay Spot, habang kami ni Tyrone ay tahimik lang.
Pagdating namin sa garden ay pinuntahan ko kaagad kung saan nakalagay si Spot. Bubuksan ko palang sana ang kahon ng bigla lumabas ang ulo niya na parang kabute. Agad niya kaming tinahulan ng makita niya kami.
Pinipilit niya ang sarili niya na lumabas sa kahon pero hindi siya nagtagumpay kaya ako na ang nagpalabas sa kanya. Paglabas niya ay mas naging excited siya, umikot ikot siya na parang hinahabol ang buntot niya.
"Awww! Ang cute ni Spot!" she said in awed. Tumigil siya sa paghahabol ng buntot niya nung binanggit ang pangalang Spot at saka niya tinignan si Kylie. Tumatakbo itong lumapit sa kanya at tumayo ito na parang sinasabi niya na magpapabuhat siya. Nakuha naman ni Kylie ang gusto niyang mangyari at binuhat siya.
She almost want to squeeze the poor thing's face. Masaya niyang inikot-ikot habang buhat na buhat si Spot.
"Woi! Sali ako d'yan! Laro tayo habulan!" parang batang sabi ni Mev sabay lagay ng bag niya sa damuhan at nakisamang maglaro kay Kylie at Spot. Ako naman ay umupo lang at tinignan sila, ang saya saya nila.
Hinahabol ni Spot si Kylie at nagpapahabol naman siya, kasunod na humahabol kay Spot ay si Mev. Kung ganito lang sana kasaya araw-araw, hindi ako mag-aalala. I would not worry the evil curse inside me. I miss this kind of fun feeling.
But I think, this is not how things need to be. Hindi ito ang gusto ni tadhana para sakin. Iniisip ko noon, siguro pinanganak lang ako maging loner, weird at freak. Full of sorrows, darkness, dead colors and sadness life.
I will treasure this moment, I will remember this until my death comes in front of me and take my soul. I also want this moment to last but it seems like my curse is always meddling in my way. It always distracting and disturbing me from my happy moments.
Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Tahimik lang kami, hindi nag-iimikan. Walang nagtangkang magsalita sa pagitan namin. Hindi ko alam pero nakakaramdan ako ng awkwardness. Noon ay hindi ko naman ito nararamdaman, noon ay wala naman akong pake pero... bakit ganon?
"Wounds has it's own healing progression, Rosel. So what seems to bother you? Anong problema? Natatakot ka ba dahil akala mo hindi na maghihilom ito?" Biglaang sambit ni tyrone. Accurate. That's an accurate guess. But this is not a wound, Tyrone. It's not because this is a scar. And I know scars don't heal dahil nandito pa rin ang marka ng mga masasamang memorya ng buhay ko.
"Hindi sa lahat ng oras Rosel ay matatakot ka nalang. Wag mong hayaan na kainin ka ng takot. Learn to be strong. Hindi para samin kundi para sa sarili mo because that's how it makes you a better version of yourself." Mali ka Tyrone. You're also not halfway there. Hindi ko ito ginagawa para sa sarili ko kundi para sa inyo. Para sa kapakanan ninyo.
"Thank you," nakita ko sa gilid ng mata ko ang paglingon ng ulo niya sakin.
"Pardon?" wow, parang sinasabi niya na hindi ako nagpapasalamat.
"I said thank you." Bingi ba 'to? O baka hindi siya makapaniwala sa sinabi ko?
Nakita ko ang kaninang gulat niyang mukha ay napalitan ng ngiti.
"You're welcome." Sabi niya sabay tingin sa dalawang naglalaro pa rin kay Spot hanggang ngayon.
I will hardly forget this day because I want this moment to remember, always.