[8] Inscrutable Letter

3858 Words
"Haaay! Ang bibigat naman ng mga bag niyo! May mga bato ba sa loob nito?!" "Alam mo Lie, napakabungangera mo." "Huwaw! Nagsalita ang hindi." "Don't compare me to yourself. Mas mataas ang level ko kesa sayo." Nabaling ang atensyon naming tatlo sa bagong pasok na dalawa. Mula ba nung umalis sila dito ay nagbabangayan pa rin sila? What the? Padabog nilang inilagay ang mga bag namin. "Alam niyo, ang iingay niyong dalawa." Ani Tyrone. "Shut up!" sabay na sigaw nila sa kanya. Tumaas agad ang dalawang kamay ni Tyrone, tila sinasabi nito na nagsusurrender siya. "Guys, please awat na." nahagip ng mga mata ko ang dalawa pang papasok. Si Mev at Azra, may dala rin silang bag. Siguro dito rin sila maglulunch kasama nila. Nakita ko sa peripheral vision ko na tumingin si Mev sakin at ngumiti. "Ro!" masiglang tawag niya sakin sabay akbay. Bigla naman akong nainis pero pinipiglan ko lang ilabas. Feeling close talaga ang isang 'to. "Oy Tyrone, sa'n ka pupunta?" tumigil sa pagbabangayan ang dalawa at natuon ang atensyon sa kanya. "B-bibili lang ako ng tubig sa caf." Sabi niya at nakayuko itong lumabas. He's weird, alright. Kinuha ko ang pagka-akbay ni Mev sakin at sinukbit ang bag ko. Aalis na 'ko, do'n nalang ako sa library manananghalian. Mas masaya kung wala ako dito. I'm just an outcast here, nothing more. Tumayo na ako at tinungo ang pinto. "Woi Ro, bibili ka rin ba ng tubig?" huminto ako at umiling. "R-Rosella, hindi ka sasama maglunch s-samin?" tanong ni Von kaya umiling ulit ako. "Huh? Bakit?" ngayon naman ay si Kylie na ang nagtanong. Marahan akong lumingon. "May pupuntahan ako." Sabi ko at tuluyan nang lumabas. Ayoko silang maistorbo sa kanilang pananghalian. Tatahimik lang naman ako sa isang sulok, hindi nila ako papansinin kaya mas mabuti nang umalis nalang ako doon kesa pilitin ang sarili sa isang grupo ng tao na hindi ka naman kailangan. Wala naman silang mapapakinabangan sakin. Things will get better kung hindi ko sila kasama. No connections attach. Tinahak ko ang daan patungong library. Mahigpit kong hinawakan ang strap ng bag ko. Masama ito. Hindi ako pwedeng makihalo-bilo sa kanila. Kapag iiwasan ko naman sila ay nandyan si Mev para kulitin ako. Hindi pa nila ako lubos na kilala at wala akong balak na ipagsabi sa iba ang pinakatagong sikreto ko. Huminto ako sa paglalakad nang pumasok ang isang tanong sa isip ko. Paano kung may nakakaalam ng sekreeto ko? Well, I'll to be more careful this time. Buti nga hindi na ako nilapitan ni Kystella para mapag-usapan namin ang matatamong kamatayan niya sana. I hope she fully forgot about that. Dahil kung hindi, hindi ko alam ko kung ano ang tamang salita ang ilalabas ko saking bibig. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may isang tao na makaalam sa sikreto ko. I'm sure that he or she will take advantage of it. Hindi, hindi pwede. Walang maaaring may makaalam ng sikreto ko, kahit pa sa mga taong malapit sakin. Pinagpatuloy ko na ang paglalakad patungong library. I can finally be alone even it's just a short period of time. I'll be in my inner peace. Pumunta ako sa pinakadulong bahagi ng library at do'n naupo. Ang likod at kaharap ko ay isang malaking bookshelf, only for one person ang inupuan kong table. Nilabas ko na yung lunchbox ko, nagsign of the cross muna ako at sinimulang kinain ang pananghalian ko. Katabi ko ay ang bintana kaya nararamdaman ko ang malamig na simoy ng hangin na pumapasok sa loob. Hindi ko sadyang mapatingin sa isang babae na may kasamang tatlong lalaki. Nakatalikod sila kaya hindi ko makita ang mukha nila. Masaya silang nagkekwentuhan habang papalabas ng gate. Biglang sumampa ang babae sa nasa katabing lalaki niya na nasa kanan. Kahit nagulat ito ay nabalanse niya naman ng tama ang katawan niya at ang bigat ng babae. Pinutol ng isang kaluskos ang tingin ko sa tatlo. May pagtataka kong tinignan ang paligid. Sa'n ba nanggagaling ang tunog na 'yun? Nang marinig ko ulit ito ay tumingin ako sa ilalim ng lamesa. Parang do'n kasi nanggagaling. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ito. Isang pamilyar na kahon. Paanong— bakit— anong ginagawa niya dito? Paano siya nakapasok? Tahimik kong iniusog ang upuan sa likod ko saka lumuhod sa harap niya. Kaya may pala naririnig ko akong pagkuskos kasi kinakamot niya ang kanyang katawan gamit ang maliit na paa niya. Nakatalikod siya sakin kaya hindi niya alam na nandito ako. Kunwari akong naubo, kinukuha ang atensyon niya at hindi naman ako nabigo. Agad itong tumahol at pinipilit na lumabas ulit sa box nang makita ako nito. I put my index finger to my lips, pinapatahimik siya pero walang tigil pa rin siya sa pagtahol. How come he's here? How did he got here? I pat his head at dinilaan niya ito. Ngumiti ako, this puppy is sweet. Hindi niya dapat nararanasan ang ganitong sitwasyon. Bakit kaya kahit anong buti ang ginawa at pinapakita mo sa tao ay masama pa rin ang tingin nila sayo? Insecurity and envy is not the best reason to put it on. Oo nga pala, wala pa akong may naisip na ipangalan sa kanya. Habang nilalaro siya ay may nakita akong papel sa loob ng box nito. Hindi ako nag-atubiling kinuha ito at binuklat. You should give him a name :) Agad na bumilis ang t***k ng puso ko. H-how... how did this person knew? Paano niya nalaman? Hindi ko alam kung babae o lalaki ang sumulat nito but I know one thing for sure— he or she knew. It knew na minsan ko nang pinupuntahan ang tutang ito. He or she also knew na pumupunta ako sa isang eskinita na tambakan ng mga basura. A stalker. Wala na akong ibang naisip pa. May sumusunod sakin? Ngayon lang ito nangyari sakin. I have a bad feeling about this. Kinuha ko ang takip ng lunchbox ko at naglagay ng kaunting pagkain. Sa susunod ko nalang bigyang pansin ang taong sinusundan ako, aalahanin ko muna ang tutang ito. Nilagay ko ito sa loob ng box niyang nagsisilbing tirahan niya. Inamoy-amoy niya ito ng ilang segundo at hindi niya kinain. Weird. Kadalasan, kapag binibigyan ko siya ng pagkain ay agad niya itong kainin. Oo nga, mukhang malaki ang tyan niya. Siguro, ang naglagay sa kanya dito at ng note ay pinakain siya. Ano kaya ang ipapangalan ko sa kanya? Wala pa rin akong maisip na ipapangalan sa kanya. Lumingon ako sa nang marinig ang pagbukas ng pinto sa library, maririnig mo talaga dahil sobrang tahimik dito. Buti at hindi na tumatahol ang tuta. Tinignan ko kung sino. Tatlong babae, may hinahanap sila sa isang bookshelf. Kailangan ko nang umalis dito. Pero paano na siya? Iiwan ko nalang ba siya dito? Hindi pwede. Niligpit ko na ang pinagkainan ko saka sinukbit ang bag sa balikat. "Be quiet a little, okay?" sabi ko sa kanya pero nakatingin lang siya sakin habang nakalabas ang dila. Heh, as if naman na maiintidhan ako nito. Sinira ko na ang box saka binitbit. Hinintay ko muna na makalayo ang dalawang babae, malapit kasi sila sa pinto. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at umaksyon agad nung umalis na sila. Malalaking lakad ang mga inihakbang ko. Paglabas ko sa library ay agad kong tinungo ang daan papuntang garden. Saan ko kaya siyang pwedeng itago? Ahh, alam ko na, sa garden ko nalang muna siya ilalagay. Kaunte lang ang pumupunta doon dahil karamihan sa mga estudyante dito ay doon sa sikat na tambayan tumutungo. Walang g**o kong narating ang garden. Binagalan ko na rin ang lakad ko. Nilagay ko siya sa likod ng isang malapad na plant box. Buti at matatangkad ang mga halaman at bulaklak ang nakatanim dito kaya hindi agad-agad siya makikita. Inilagay ko siya sa damuhan at saka ko binuksan ang kahon. Nagpagulong-gulong siya at parang nahihilo. I smiled, marahil nahilo siya sa pagkakabitbit ko ng kahon. Idagdag mo pa na medyo mabilis ang lakad ko. Hinimas ko ang katawan niya. Umikot-ikot siya katulad sa mga pangkaraniwang ginagawa ng ibang aso at dahan-dahang humiga. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pagbuka ng bibig niya, sinyales na inaantok siya. "Babalikan kita mamaya. Wag ka lang maingay." Spot. 'Yan ang pumasok na ipapangalan ko sa kanya. At kapag Spot ang naiisip ko ay siya agad ang unang papasok sa utak ko. Mas mabuti na ang maikli at simple na pangalan para mabilis siyang sumagi sa isip ko. Sinara ko na ang kahon at saka umalis. Tumingin ako saking relos, meron pa 'kong limang minuto na natitira. Limang minuto para magmadali papunta sa building ko at sa 3rd floor. Umalis na ako sa garden. "Hmm? Rosella?" nilingon ko ang tumawag ng pangalan ko, isang babae. Teka, kilala niya 'ko? May kinakain siyang kendi. Lumapit siya sakin habang ngumunguya. "Rosella Escobardo right?" kahit nagtataka ay hindi ko pinahalata sa kanya. I looked at her using my serious gaze. Tumango ako bilang sagot sa tanong niya. Medyo umatras ako nung iniabot niya ang kamay niya sakin. Pagtingin ko ay may tatlong piraso ng Curly Tops na chocolate. "Gusto mo?" lahad niya sakin pero bahagyan akong umiling. First of all, bakit niya 'ko kinakausap? Second, I'm just a nobody in the face of others so why bother talking and giving attention on me? She just shrugged at binulsa ito sa palda niya. "Tara na, late na tayo sa klase. For sure magsusungit na naman si Ma'am Alba." Sabay lampas sakin. Wait, kilala niya si Ma'am Alba? Ang English Subject teacher namin? Paano— hindi kaya kaklase ko 'to? Ganon na ba talaga ako kawalang pakialam at hindi pinagtutuonan ng pansin ang iba na pati mga kaklase ko ay hindi ko kilala? Una si Von tapos ngayon siya. Lumakad na 'ko, nakasunod lang ako sa likod niya. Well, she's kinda familiar to me. Parang nakita ko na siya kung saan. Meron talaga, nakita ko na siya kama-kailan lang. Nilakad namin ang daan patungong classroom. Tahimik lang kaming naglalakad. I wonder, what's her name? Sa ilang taon na ako dito sa school ay bago lang siya sa paningin ko. Alam kong isa sa mga dahilan do'n ang mailap ako sa iba, pero ngayon ko lang talaga siya nakita. Hindi ko siya nakita last year. At doon ko naalala ang babaeng nakita ko kanina sa library. Tama, yung may kasamang tatlong lalaki na namataan kong palabas sa school. Akalain mo 'yon, classmate ko pala siya. Hindi ko ito inaasahan, hindi ko rin inaasahan na lalapitan niya 'ko. Pagdating namin sa classroom ay lahat ng mata ay nasa amin. Naconscious naman itong katabi ko samantalang ako ay tamad na nakatayo. Great, late for the second time. Para yatang sinasanay ko ang sarili ko sa pagiging late. "Pinapasagot ko sa mga kaklase niyo ang ginawa kong mga riddles pero kahit isa sa kanila ay walang tumayo at naglakas loob na sagutin ito. Even the top 1 of your class can't." sabay tingin niya sa direksyon ni Azra na ngayon ay nakayuko. Maybe she's not fond of this kind of thing. "Now that the two of you are late, answer the riddles on the board, this is your punishment for being late." Masungit nitong sabi samin. Umawang naman ang bibig ng katabi ko habang unti unti nililingon ang ulo sa board. 6 riddles on the board, tigta-tatlo ang aming sasagutin. Tatlo sa kaliwa at tatlo sa kanan. "Uwaaaa, shet. Bobo pa naman ako sa mga logic games." Rinig kong bulong niya. Hmmm, siguro ako nalang ang sasagot. Pero hindi ibig sabihin no'n ay sinasalo ko ang responsibilidad niya, para matapos na agad 'to at ipatuloy agad ang klase. "Let me answer them both , Ma'am." Sabi ko at agad na binalingan niya ako ng tingin ang kaninang mga mata niyang nakatingin sa board. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagbaling ng tingin ng katabi ko. "Sige, if you insist then, the board is all yours." Sabi niya at tumabi sa board. Lalakad na sana ako patungo do'n nang pinigilan ako ng katabi ko sa pamamagitan ng paghawak saking braso. "Sigurado ka ba? Ikaw lahat 'yan sasagot?" bulong niya tumango ako na hindi tumitingin sa kanya. "Kahit na bobo ako ay kayang kaya ko 'yang sagutin pero baka matatagalan ng minuto o oras bago ko ito masagot." 'yan rin ang iniisip ko. "You can sit now, Shiana." Sabi ni Ma'am at narinig ko ang yapak ng sapatos niya paalis. Nararamdaman ko ang guilt na pumapalibot sa kanya kanina nung nakipag-usap siya sakin. Ahh, so Shiana pala ang pangalan niya. Don't worry, kaya ko ito. Binasa ko ang unang riddle sa board. (a/n: makisagot rin kayo guys.) 1. I have two hands but I can't scratch myself. What am I? Sinagutan ko ito, this is easy though. 2. I have a neck but no head. What I am? Hindi sa pagmamayabang but seriously? This is too easy to make my hand move fast by answering it. 3. What has a heart that doesn't beat riddle? I answered it correctly. I'm sure na maperfect ko ito. 4. I eat everything that is thrown away. Medyo napaisip ako ito pero agad ko naman ito nasagutan. 5. I'm see through and walk through walls. Hmm? This is also part of the human body. 6. What instrument you can hear and can sing but can't touch? And finish. I'm 101% sure that I answered them correctly. Humarap ako sa buong klase saka bahagyang iniyuko ang ulo. "Let's see if you answered them all correct. You can take your seat." Tinanguhan ko si Ma'am bago pumunta saking desk at umupo. The first riddle that I answered clock made her hand check it. Tama naman talaga, may dalawang kamay nga ang orasan pero hindi naman nila ito ginagamit para kamutin ang sarili nila. The second one also got a big check of which I answered bottle. No comment, basta tama ang sagot ko. She also give a long and big check on the third riddle that I answered the King of Hearts in a deck of cards. Isasagot ko sana ang Queen of Hearts pero nakalagay ang salitang 'doesn't beat riddle' kaya instead of Queen of ay King ang sinagot ko. And it also means na palaging nasa taas na rango ang King and no card that can beat him dahil kahit anong gawin mo ay panalo talaga ito, the Ace is rather exceptional. Shempre walang nakalagay na kahit anong hint sa riddle na Ace ang tamang sagot. And the word 'beat', so it's heart. Nag-aalanganin pa siya sa ika-apat na riddle, siguro pinapakaba ako na baka mali ang sagot ko. Katulad ng ginawa ko kanina but in the end, she put a check on it, dahil tama naman talaga ang sagot ko na garbage can. Thrown away, ibig sabihin ay mga basura na. Ang ikalimang riddle ay nilagyan niya rin ng check. How come not dahil inisip ko talaga ang riddle na 'yan. See through and can walk through- a ghost of course. Meron pa kayang iba na see through and can walk through walls besides a ghost or a soul? Diba wala na? So ayun, tama nga ako. And the last riddle was my favorite. Hindi ako nagdalawang isip na isagot ang voice dahil may hint na siya— you can hear and can sing it but can't touch. Hindi ako nagbase sa salitang instrument, if you take it literally, ang totoo n'yan ay wala naman talagang instrumento na hindi mo mahahawakan. Isang tingin ko lang sa salitang hear and sing ay pumasok agad sa isip ko ang salitang boses na naging bunga ang isang malaking kurba ng check na katabi lang nito. Riddles really make you dizzy and confused. "Well, as expected from the top 3 of the class." Sambit niya at pinagpatuloy na ang klase tungkol sa palaisipan. Dalawang oras lumipas ay natapos na ang dalawang subject sa hapon. Pagkatapos ay vacant time then, dalawang subject na naman ang tatapusin. Ako ay kailangan kong puntahan si Spot. Hoping na tulog pa rin siya at hindi lumakbay ang maliliit at makukulit niyang mga paa. "Rosella, salamat pala kani— o-oy! Rosella!" patakbo akong lumabas sa classroom. Wala dapat may makakita sa kanya. Dahil panigurado ay aagawin siya mula sakin. Gustong gusto ko siyang alagaan kaso inaalala ko si ate. Maybe I'll try to ask her about it. Gusto ko talaga siyang kunin, para kahit papaano ay may kasama ako at makakausap sa bahay kapag weekends. May nilalaro kapag nabored ako. Pagdating ko sa garden ay agad akong nagpunta sa likod ng isang plant box kung saan ko siya nilagay. Huminga ako ng maluwag nang makitang nandito pa rin ang kahon. Mabuti at hindi ito kinuha. Pero ang pinagtataka ko ay bukas ang isang kabilang side ng karton. Napamura ako ng mahina sa walang oras. Totoong wala siya. Baka pinilit niyang lumabas. Paano na 'to? Ang laki-laki ng school para hanapin siya. I have only 30 minutes to find him. Kung mamayang uwian pa ay panigurado nakalabas na siya sa school. Tumayo na 'ko sabay halubhob ng garden, nagbabasakaling mahanap siya. Medyo may kalakihan rin ang garden na 'to, maglalaan talaga ako ng oras para hanapin siya. Tatahakin ko na sana ang medyo madilim at walang mga halaman na parte ng garden nang may narinig ako ng yapak ng mga paa sa d**o. Tumalikod ko at bumungad sakin ang pigura ng isang lalaki. "Woooh! Napagod ako do'n ah," nakahawak sa magkabilang bewang at yumuyuko ang ulo na sambit niya. Humihingal siyang tumingala saka napangiwi ang mukha. Anong ginagawa niya dito? Bakit napadpad siya dito? Anong pakay niya? Ang layo kaya ng classroom sa garden. Nakuha ko ang atensyon niya nung lumapit ako sa kanya. "Oy Ro, nandyan ka lang pala." Paminula niya. Magtatanong na sana ako kaso inunahan na niya 'ko. "Sinabi ni Kylie na sundan daw kita at dito ako napadpad." Tinignan niya ang paligid sabay kamot ng ulo. At bakit naman sinabi 'yon ni Kylie sa lalaking 'to? "Garden ba 'to?" hindi ko siya pinansin at nilapitan ang box. Ang aalahanin ko muna ay si Spot. Saan kaya nagpunta ang tutang 'yon? Habang nag-iisip ay naramdaman ko ang paglapit niya sakin. Umupo siya sa damuhan katabi ko. "Bakit may box d'yan?" minsan ang sarap iduck tape nitong bibig niya. Ang daldal niya masyado, kay lalaking tao pa naman. May binulong pa siya pero hindi ko marinig. "Teka, ba't may lampin sa loob ng box? May nakatira ba d'yan?" tumango ako ng isang beses. "Talaga? Ano?" siya rin ang isa sa mga dahilan ko kung bakit gusto kong mapakalayo-layo sa kanila. Ang ingay ng bibig. "Tuta," "Haaaah?! 'Yan ba ang box na pinupuntahan mo sa isang eskinita na tinatampakan ng basura?" dahil sa sinabi niya ay automatic na lumingon ang ulo ko sa kanya. Paano niya nalaman? Hindi kaya... hindi kaya siya ang sumusunod sakin? Siya rin ba ang naglagay ng note sa box? Siya rin siguro ang naglagay kay Spot sa library but I don't have any evidence so my accusations are nothing. Todo iling siya at winawaygay niya pa talaga ang kamay niya. Siguro nahalata niya ang tingin ko. Sino ba naman kasi ang hindi dahil nakataas ang kilay ko na parang pinagsususpetyahan siya. "No! Mali ang iniisip mo, hindi kita sinusundan 'no. Nagkataon na pareho tayong daan na tinatahak at nakita kita sa isang eskinita, sa tampakan ng mga basura at nakita ko itong kahon," sabay tingin niya sa box. "Then, I saw you feeding your food inside your food to the box. So I wonder, bakit mo naman ibibigay ang pagkain mo sa loob ng kahon? 'Yun pala papakainin mo ang tutang nakatira sa loob n'yan." He explained. Heh, talaga lang ha? Totoo kaya ang sinasabi niya? Paniniwalaan ko ba ang lalaking 'to? I don't trust people, lalo na't kapag siya. Napakadaldal pa naman niya. Iniwas ko ang tingin sa kanya nung inilingon niya ang kanyang ulo sakin. "Promise! Cross my heart, nagsasabi ako ng totoo. Nakita lang talaga kita." Hindi pa rin kasi nawawala ang pagtakaka sa mukha ko. "The note," Tinignan ko ang crest ng uniform niya. "Naglagay ka ng note?" kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko. "Note? Anong note ang sinasabi mo?" so, hindi siya ang naglagay. Ibig sabihin ay hindi siya ang lalaking sumusunod sakin, hindi rin siya ang naglagay kay Spot sa library. Siguro iwawala ko itong pagsususpetya sa kanya. Ramdam ko naman na totoo ang sinasabi niya. "Kung may tuta pala d'yang nakatira, sa'n na siya?" tanong niya. Hindi ako sumagot. Ayokong may kasama ako na hanapin si Spot. Tumayo ako at naglakad paalis. "Ro?" sinundan niya naman ako. Can't this guy mind his own business? At tsaka, totoo bang sinabihan siya ni Kylie para sundan ako? Or is he just making excuses? "Sa'n ka pupunta?" hindi ako sumagot. "Rosella Escobardo," mabilis pa sa alas kwatro akong huminto nang pagbanggit na pagbanggit niya ang buong pangalan ko. Nilingon ko siya at seryoso ang mukha niya kahit nasa crest lang niya ang tingin ng mga mata ko. Akala ko puro kalokohan lang alam niya't ginagawa niya. He also has a side of seriousness. Ilang minuto naging ganon ang gawi namin, naramdaman ko pa nga ang pagdampi ng hangin sa mga balat namin. But he suddenly burst to laughter. Nakahawak pa sa tyan. What the. Jeez. Hindi ko alam kung ilang segundo siya naging ganon. Pagkatapos ay tumingin siya sakin habang pinapahiran ang namumuong luha sa mata niya, tears from his laughs. Tumayo siya ng maayos at lumapit sakin. He's weird. Weirder than me. "Kahit kailan talaga napakaseryoso ng mukha mo," I hissed and continue to walk. Wala akong oras para sa mga biro niya. "Hey, wait. Saan ka kasi pupunta? Importante ba 'yan?" sinundan niya 'ko. "Ang sungit mo talaga," natatawang sabi nito. "You don't care," mariin ang pagkakasabi ko pero likas na napakatigas talaga ng ulo nito. Hinawakan niya ang braso ko at pinaharap ako sa kanya sabay hawak ng magkabilang balikat ko. "Sabi mo kanina, may nakatirang tuta do'n sa box pero pagtingin ko ay wala naman," he said while holding his chin. "I, there for, conclude that he's missing." He assured. Wow, magaling nahula na rin niya. Tss. Slow-poke. "Wait a sec, may pangalan ba siya?" "Spot," diretsong sabi ko. Wala na ibang dahilan kung bakit kailangan ko pa siyang itago dahil nalaman naman niya na. "Kaya pala umalis ka para hanapin siya," inayos niya ang kanyang uniform, parang hinahanda ang sarili. For what? "Alright then, let's go." Sabay lampas sakin. Teka, anong ibig niyang sabihing let's go? Hindi ako umalis sa pwesto ko. Nakatayo lang habang tinitignan ang papalayong pigura niya. Nang maramdaman niyang hindi ako sumusunod sa kanya ay tumalikod siya. "Oh?" lumapit siya ulit sakin. Medyo nagulat ako nung hinawakan niya ang pulupulsuhan ko at hinila. Hinila ba talaga? More like, kinaladkad. "Tutulungan kitang hanapin si Spot." Sabi niya. Nakatingin lang ako sa batok niya. Ahh, kaya pala iniayas niya ang kanyang uniform. Umiwas agad ako ng tingin nung lumingon siya sakin. Kahit na hindi ko siya tignan ay alam kong nakangiti siya. That smile, I hate that smile.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD