•Lilac• "Paano na 'to, Trayne? Sa tingin ko alam na ni Seve ang totoo at sa pag-uugali ng lalaking iyon sigurado ako na pupunta na yun dito." Ginulo ko ang aking buhok, nagising ako nang marinig ko ang sunod-sunod na pagtunog ng cellphone ko. Kung hindi ang mga notifications ko, ay ang mga tawag naman ng mga reporter at mga staff ko. Muntikan pa akong mapamura kanina sa harapan ni Lucas, mabuti nalang dumating si Trayne at pinakalma ako. "Mommy, bad boy na po ba ako? So-sorry po sa ginawa ko mommy, di ko naman po sinasadya. Huwag na po kayong magagalit sa akin." Napaluhod ako para magkapantay kami ni Lucas, kasalanan ko rin naman ilang taon ko siyang itinago sa mga tao. Wala rin itong kaalam-kaalam tungkol sa ama. Pinahid ko ang luha na dumadaloy sa kanyang pisngi, mas nasasaktan kapag

