•Lilac• "Anong nangyari sayo Lilac? Nakatulala ka na naman. Kanina pa kita napapansin may problema ba?" Tiningnan ko si Persephone at ngumiti dito. Nasa mansyon kami ngayon ng mga De Silva, kanina ko pa iniisip ang ginawa ni Szellous sa opisina ko. "May iniisip lang ako, salamat nga pala sa pag-invite sa amin dito. Namiss ng anak ko yung mga kalaro niya eh." Tumawa si Persephone at tiningnan ang mga batang nagtatakbuhan. Nanlalaki ang mata ko nang makita na pumasok si Hades, Ezekiel at Craige. Nilingon ko si Persephone, nanlalaki rin ang mata nito na nakatingin sa tatlo. Mabilis itong lumapit kay Hades, napasunod na rin kami sa kanya. "Anong ginagawa niyo dito? May iba ba kayong kasama?" agaran kong tanong habang tinatago sa likuran ko si Lucas. Delikado na at baka makita nila ito, tu

