Chapter 5.1

1975 Words
Ilang oras na ang lumipas simula nang makausap ko sila Yurii. They told me na kailangan kong matuto na tumanggap ng tulong. Pero hindi ako sigurado kung tama bang tanggapin ko ang alok ni Chase. Ayaw kong magsimula ng gulo. Sa lahat ng p'wedeng mangyari, ‘away’ talaga ang pinaka-ayaw ko. Nakaka-drain ng lakas. Kaya binabalanse ko ngayon ang sinabi ni Chase para naman malaman ko ang angkop kong maging desisyon. "Nahawa na siguro ako sa kabaliwan ni Chase . . ." Tumagilid ako sa paghiga at humarap sa nakabukas na malaking bintana. Nakapatay ang lahat ng ilaw sa silid at ang liwanag lamang na nanggagaling sa buwan ang aking kaagapay sa karimlan. "Dahil 'to sa tip ni Yurii, eh," bulong ko sa 'king sarili. Kung hindi niya sinabi na maghanap ako ng lalaki rito sa isla, hindi sana nasali si Chase sa usapan. Wala naman kasi akong ibang kilalang lalaki rito kundi si Chase lang. "Ahh, kailangan kong humingi ng tawad kay Georgia dahil sa nagiging takbo ng isip ko ngayon." Napayakap ako sa aking unan saka malalim na huminga. Napagtanto ko na nakalimutan ko ng panandalian ngayong araw si Arthur dahil sa kakulitan ni Chase. Dahil sa involvement niya, na-divert ang aking buong atensyon sa ibang bagay. Kaya naisip ko . . . baka effective nga ang sinabi ni Yurii. Baka p'wede nga akong magpatulong kay Chase na maka-move on. Napasabunot na lang ako sa sarili ko sabay kuha sa phone na nakapatong sa nightstand. Anong oras na ba? Nadadala lang siguro ako ngayon sa katahimikan. Baka magbago pa ang desisyon ko bukas. "Damn, ala-una na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok." Pabagsak kong nilapag ang phone ko. Hindi ko na alam kung ano’ng dapat kong gawin. Tama bang pumayag akong tulungan ni Chase pero masasaktan ko naman si Georgia? O hahayaan ko na lang na mawala 'tong nararamdaman ko kay Arthur ng dahan-dahan? Crap! Baka abutin na naman ako ng limang taon nito! E, three months lang ang palugit ko! Argh, bahala na bukas! Hahayaan ko muna si Chase na kumbinsihin ako ulit. Alam kong gagawin niya 'to dahil pursigido talaga siyang tulungan ako. Papakinggan ko muna ang panig niya tapos ang tungkol naman kay Georgia . . . Like what the heck! Excuse me! Impossible ko nga palang magugustuhan si Chase. Hindi siya pasok sa standards ko, ‘no. Walang dahilan para magustuhan ko ang lokong 'yon. Safe ka, Catherine. Safe. KINABUKASAN, nagising akong determinadong mahanap ang sagot sa tanong na pumuyat sa 'kin. Nakadepende sa sasabihin ni Chase ngayon ang magiging sagot ko. Bumangon ako sa kama at dumiretso sa banyo. Puyat pa ako pero sinunod ko pa rin ang 6 AM na alarm ng phone ko. May dapat akong gawin ngayon na matagal ko ng hindi nagagawa. I'm going to test the waves. At exactly 6:20, tapos na akong magbihis. Pagkababa ko, may ilang staff na ng hotel na bumati sa 'kin pero wala pa gaanong tao na pakalat-kalat sa loob. I made my way to the beach. When I arrived, tranquility greeted me. Hawak-hawak ang surfboard ko, napapikit ako nang umihip ang malamig na hangin. Alas-sais trenta pa lang ng umaga pero nandito na ako sa tabing-dagat. Ang tagal na noong huli ko ‘tong ginawa. "I feel so alive," wika ko sarili. Naglakad ako papunta sa dagat. Hanggang sa ang lakad ko ay unti-unti nang naging takbo. Musika sa tainga ko ang ingay na nililikha ng kalikasan sa aking paligid. Although hindi lang ako mag-isa rito ngayon, dahil may magjowa na naghahalikan sa ilalim ng niyog ilang metro ang layo sa 'kin, ayos na rin kaysa mamaya pa ako mag-swimming. 'Wala ng alon mamayang alas-otso, Ma’am.’ Ito ang sabi ni Pauline nang tunungin ko siya kahapon. Kaya inagahan ko talaga ang pagpunta ko rito para masolo ko ang dagat at magawa ang libangan ko―surfing. Ayaw ko nang magpa-importante dahil hindi lang ako ang guest dito. Ayos na sa 'kin 'yong special treatment na natanggap ko kahapon. Never again. "Hello, dagat," bati ko sa asul na karagatan na nasa aking harapan. "It's just you and me today." Sinuot ko ang surfboard leash ko na konektado sa aking board saka ako lumusong sa malamig na tubig. Naka-two-piece lang ako kaya ramdam na ramdam ko ang temperatura ng dagat. Iniwan ko ang t-shirt at short na suot ko papunta rito ro’n sa isang bakanteng cottage. Babalikan ko pa naman sila mamaya. Nanginig ang buong katawan ko nang yakapin ako ng malamig na tubig. At tulad ng normal na tao, napawiwi na ako. At least hindi 'to swimming pool, ‘no. Naglakad ako papunta sa malalim na bahagi habang hila-hila ang surfboard ko. Nang maramdaman kong hindi na masaling ng aking paa ang buhangin, sumakay na ako sa board at nagsagwan gamit ang aking kamay para makapunta pa sa mas malalim. Tumigil ako sa parteng maraming isda. Dahil sa sobrang linaw ng dagat, hindi ko na kailangan ng goggles para makita ang nasa ilalim ko. "Excuse me, fishes," wika ko kahit alam kong hindi naman nila ako maiintindihan. Humarap ako sa dalampasigan saka naupo sa ibabaw ng surfboard ko at pinagmasdan ang hotel na nasa aking harapan. Nasa'n kaya ngayon si Chase? Nakahanda na ba ang mga sasabihin niya para pilitin akong pumayag? O nagbago na ang isip niya? Gusto ko na talagang bumitaw kay Arthur pero hindi alam ng puso ko kung paano. I’m unfamiliar with this pain. This feeling is new to me. Napalingon ako nang maramdaman ko ang paparating na alon. Huminga muna ako nang malalim bago ako taob na nahiga sa aking surfboard. Kung hindi mo na talaga alam kung anong gagawin mo, walang masamang sumubok ng ibang paraan para iligtas ang sarili mo. Nagpunta ako sa isla na ‘to dahil gusto kong makalimot. Ang buong akala ko madali lang bumitaw sa tao na ilang taon mong pinatuloy sa puso mo, hindi pala. Pakiramdam ko pati sarili ko mawawala kapag binitawan ko si Arthur. I’d be honest. I need help. Gusto ko nang mapalaya ang sarili ko. Kung hindi epektibo ang takasan si Arthur, I’d do anything to let him go. Wala na akong ibang nais pa kung ‘di ang harapin ulit siya na may ngiti sa aking labi. I want Arthur to be happy. Kahit na hindi na ako ang dahilan ng pagngiti niya ngayon. Kahit hindi na ako . . . gusto ko pa rin siyang makitang masaya. Gano’n naman dapat, ‘di ba? Damn, naiiyak ako. "Okay. Here I go.” Malungkot akong napangiti habang pinapakiramdam ang durog na durog kong puso. Hinayaan ko lang ang alon na itulak ako patungo sa dalampasigan. Nang maramdaman kong nasa tamang anggulo na ako. Walang kahirap-kahirap akong tumayo sa ibabaw ng board at dinala ang aking sarili kasabay ng alon. Napapikit ako nang humalik sa balat ko ang preskong hangin. How I wish na pagmulat ko ng aking mga mata ay nasa dalapampasigan si Arthur, nakangiti habang nakatingin sa 'kin. May hawak na tuwalya para ibalot sa nanginginig kong katawan pag-ahon ko. Then, he'll kiss my cheek and praise how amazing I am with the waves. How I wish na gano'n ang mangyari. Subali’t nang imulat ko ang mga mata ko, walang Arthur na sumalubong sa 'kin. My heart cracked. "Crap." Pinukpok ko ang itaas na bahagi ng aking tainga habang naglalakad ako pabalik sa pampang. Napasukan yata ito ng tubig-dagat. Pakiramdam ko may nakabara, eh. "Need any help?" Oh, f*ck! Napatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot sa harapan ko si Chase. His arms are wide open in front of me. Naka-white t-shirt at shorts lang siya habang hawak ang isang blue towel. Gulat akong napatingin sa nakangiti niyang mukha. Napaaga ang pagtatagpo namin. Hindi pa ako handa! "No, thanks," tugon ko at nilagpasan na siya. What am I doing! Stupid, Catherine. Dapat tinanggap mo na lang nang makapag-usap na kayo. Bago pa man ako makalayo kay Chase, itinakip niya sa ulo ko ang hawak niyang tuwalya. Napatigil ako sa paghakbang at marahan na hinawakan ang malambot na tela. Bigla kong naalala si Arthur, pero hindi ganito ang pagbigay niya sa 'kin noon. Arthur is a true gentleman unlike this guy. "P'wede mo namang ibigay nang maayos," reklamo ko. Thank goodness. Kailangan ko na rin talaga ng tuwalya dahil nilalamig na ako. Naiwan ko kasi ang akin sa ibabaw ng kama dahil sa sobrang pagmamadali. Yeah, I know. Medyo sabog lang. Pero hindi ko naman masisisi ang sarili ko. Matagal na akong hindi nakakapag-surfing kaya hindi ko mapigilan na ma-excite. "Mas magandang ganyan," wika ni Chase. Naglakad siya papunta sa harapan ko at hinawakan ang tuwalya na nasa aking ulo. His hands are gentle; I can feel them on my hair. Pinapatuyo ni Chase ang buhok ko. Ito pala ang dahilan ba't niya nilagay ang towel sa ulo ko. Heh. Ang cheesy. Napatingala ako kay Chase habang patuloy pa rin niyang pinupunasan ang aking buhok. Matutulungan ba talaga ako ng lalaking ‘to? Baka kalokohan lang ang gawin nito sa ‘kin. Napangiti si Chase nang mapansin niyang mariin akong nakatingin sa kanya. "Ang pogi ko, ano?" He grins at me. "Yeah, gwapo nga." Saglit siyang napatigil sa ginagawa dahil sa sinabi ko. Malapad siyang napangiti sa ‘kin saka kinurot ang aking ilong. "Ano’ng nakain mo? Ang honest mo yata ngayon." Mahina ko siyang sinuntok sa dibdib. I'm trying to be considerate here. Chase chuckled. "Susulitin ko na 'to. So ano . . . pumapayag ka na ba sa offer ko?" tanong niya at tuluyan na akong binitawan. "Ba't ba ang persistent mo?" Natawa ako kay Chase. Siyempre konting pakipot din. Todo tanggi ako kahapon, baka isipin niyang ang bilis ko lang madala. Ipinagpatuloy ko na ang aking paglalakad habang nakalagay sa balikat ko ang asul na tuwalya. Sumabay naman sa 'kin si Chase, suot ang ‘sang malapad na ngiti. "I swear. Gusto lang talaga kitang matulungan at . . ." Napatigil siya at saglit akong nilingon. "Type kita." Hindi ko napigilan na matawa dahil sa aking narinig. Napatingin ako sa nakangiting mukha ni Chase. He is staring at me like I'm the most precious thing in the world. Ba't biglang naging ganito ang takbo ng usapan? "Shut up. Huwag mo kong idawit sa relasyon n’yo ng girlfriend mo," pananaray ko. Napakunot ang noo ni Chase. "May girlfriend? Ako? Teka, hindi ko girlfriend si Georgia, oi!" Malakas siyang tumawa. Oh, really? Gosh! Kulang na lang lumuhod ako kagabi dahil sa labis na konsensya. Hindi naman pala sila in a relationship. Mukhang si Georgia lang ang may romantic interest sa loko na 'to. Salamat naman. Nabawasan din ang bagahe na dinadala ko. Ngumisi si Chase sa 'kin. "Ikaw, ah. Hindi pa nga tayo nagseselos ka na." Nahampas ko na lang siya sa braso dahil sa sobrang inis. Wala akong interes sa 'yo loko! "Please, I'm 28 years old. Hindi ako pumapatol sa mas bata sa ‘kin," walang pag-aalinlangan kong wika. Mas inilapit lang ni Chase ang mukha niya sa 'kin sabay hawi sa basa kong buhok. "I'm 20 years old, Catherine. Ano namang masama kung type ko ang mas matanda sa ‘kin?" Nakipagtitigan ako kay Chase. Walang gustong magpatalo sa 'min kaya ginamit ko na ang awtoridad ko. Hinawakan ko ang tainga niya at pinihit ito gamit ang buong lakas ko. Ang angas mo, ha. Tingnan natin kung hanggang saan ang tibay mo. "A-Aray! Masakit!" Napaupo na si Chase sa buhangin habang nakahawak pa rin ang kamay ko sa kanang tainga niya. Ang yabang mo kanina tapos ito lang pala magpapatumba sa ‘yo. Naku, Chase. Huwag ako. When I taught everything is going my way, hinila ako ni Chase sa beywang at mabilis na umibabaw sa 'kin. “Got you.” Napakurap ako habang nakatingin sa nakangisi niyang mukha. Crap! Baka may makakita sa 'min dito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD