“You can us―” Hindi niya naituloy ang sasabihin nang biglang tumunog ang phone sa bulsa ng kanyang shorts. Napatingin muna siya sa ‘kin bago ito sinagot.
“Hello? Ah, sorry, sorry . . . Okay, sige. Babalik na ako.” Ibinulsa ni Chase ang phone saka ako hinarap. Matamis siyang ngumiti sabay kamot sa kanyang batok.
“Kailangan ko nang bumalik sa restaurant. Please, huwag kang matakot sa ‘kin, Cath. Gusto ko lang makatulong. I hope you’ll consider my offer. I’ll see you later.” Wala sa sarili akong napatango sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Chase sa mga oras na ‘to.
Nang marinig ko ang pagsara ng elevator, naibuga ko na lang ang hininga ko. I’m breathing the whole time pero pakiramdam ko pinipigilan ni Chase ang paghinga ko. Gusto niyang gamitin ko siya para makabitaw kay Arthur. ‘Yon ang gusto niyang sabihin sa ‘kin, ‘di ba? Obvious ba masyado sa galaw ko na may dinadala ang puso ko? O si Chase lang ang nakapansin nito?
"I can't. Hindi ko kayang makita kang apektado pa rin sa gusto mong takasan. Naranasan ko nang masaktan tulad mo, Cath. Halata sa kilos mo na nahihirapan kang bumitaw kaya narito ako para tumulong."
I can feel his sincerity when he said he’ll help me. Kaya ba gusto akong tulungan ni Chase dahil napagdaanan niya na rin ang pinagdadaanan ko ngayon?
Ni isang beses hindi pa ako humingi ng tulong sa ibang tao maliban sa pamilya at mga kaibigan ko. Hindi ba parang mali itong ginagawa ko? May girlfriend na si Chase. Kailangan kong respetuhin ang relasyon nila kahit na ang nais lang ni Chase ay makatulong. I bet masasaktan si Georgia kapag nakita niyang lumalapit sa ‘kin ang boyfriend niya.
Isinara ko na ang pinto at naglakad papunta sa banyo. Hinubad ko ang damit ko at hinayaan itong magkalat sa sahig saka ako tumayo sa ilalim ng shower head. Hinayaan kong mabasa ang buong katawan ko, umaasang maibsan man lang nito ang bigat na dala-dala ng aking puso.
Kaya kong makalimot nang mag-isa. Hindi ko kailangan ang tulong ni Chase. Nariyan ang mga kaibigan ko para magbigay ng advice. P’wede ko ring aliwin ang sarili ko rito sa isla. I can handle this.
Nilagyan ko ng shampoo ang buhok ko at kinuskos ito hanggang sa bumula. Handa ko ng kalimutan ang mga sinabi ni Chase nang may mapagtanto ako.
Kanina nang makita ko ang litrato ni Queenie sa restaurant, ang unang pumasok sa isip ko ay magkulong sa aking kuwarto at umiyak na lang para pagaanin ang loob ko. Nakahanda na akong bumalik dito sa hotel pagkatapos ko sana na tulungan si Karen na maglinis ng nabasag kong baso. Pero biglang dumating si Chase at, sa isang iglap, nagbago ang takbo ng araw ko.
Kung hindi siya dumating kanina, mag-isa sana ako ngayon sa silid ko, ginagamot ang sugat sa paa at ang sugat sa aking puso. Buong araw lang sana akong nakahiga rito at hindi ko sana nakilala si Dr. Ganaba. Dahil kung hindi nabanggit ni Chase na may sugat ako, I swear pagbalik ko na rito sa hotel ko pa 'to mapapansin. Hindi ko na siguro maiisipang lumabas kaya ako na lang ang gagamot sa sugat ko. Kung ganito nga ang nangyari, wala sana ako rito sa banyo ngayon.
Chase changed everything. Dahil lang sa ginawa niyang pagdala sa ‘kin sa clinic, umiba na ang lahat. Siguro kung hindi nagkrus ang landas namin kanina, umiiyak lang ako sa mga oras na ‘to sa ibabaw ng kama ko.
“Chase Austria . . .” sambit ko habang nakatingin sa aking palad. Ang palad na dinilaan ng loko na ‘yon. Ano bang makukuha mo sa pagtulong sa ‘kin?
Mabilis pa sa kisap-mata na sumapit ang alas-otso ng gabi. Pagkatapos kong maligo kanina, hindi na ako lumabas at nanatili na lang sa kuwarto ko maghapon. Nanood lang ako sa Netflix ng kung ano-ano. At nang magsawa ako, sinubukan kong magluto sa tulong ni YouTube. Naging masaya ang araw ko kahit na madalas na bumisita sa isip ko si Arthur. Hindi ito makakabuti sa ‘kin, alam ko, pero at least hindi ako umiyak maghapon.
“Seryoso ka!” Tumango ako kay Yurii sabay kagat sa hawak kong strawberry. Nandito ako ngayon sa living room kaharap ang laptop ko. It’s already 9:24 in the evening.
“F*ck! Gusto kong suntukin ang sarili ko.” Napasandal na si Elle sa upuan ng kanyang kotse sabay suntok sa manibela. No worries. Naka-park yata siya somewhere.
Nag-FaceTime kami ngayon dahil hindi ko na kayang hintayin na magkita pa kami ulit para lang sabihin na ikakasal na ang ex ko. Elle is blaming herself right now after I told them na si Queenie ang fiancée ni Arthur. Base sa reaskyon ni Elle, mukhang hindi niya rin alam na karelasyon ng nirekomenda niyang modelo ang ex ko.
“Damn. Alam kong may boyfriend siya pero hindi ko inasahan na si Arthur pala,” paliwanag ni Elle sa ‘min. Yurii snort at her.
“Dapat inalam mo,” taas-kilay nitong sabi.
Nasampal na lamang ni Elle ang sarili dahil sa sobrang inis. Napairap na lang si Yuri sa kanya saka napailing.
“Anyway, tanggalin mo siya, Cath,” utos nito sa ‘kin bago uminom sa hawak niyang glass wine. I think nasa isang isla rin siya. Naririnig ko kasi ang tunog ng dagat sa background.
“Nah, ayaw ko,” malungkot akong napangiti.
“Bakit?” usisa ni Elle na mukhang naka-move on na sa nalaman niya tungkol kay Queenie.
“Ibang usapan na ang trabaho. Private life namin ‘to,” paliwanag ko sa kanila. Lumambot ang ekspresyon ng mga kaibigan ko pagkatapos na marinig ang aking sinabi. Napangiti na lang ako sa kanila.
“’Yan talaga ang nagustuhan ko sa ‘yo. Gosh, I want to hug you right now,” ani Yurii.
“Gusto ko kiss sa ‘kin,” singit naman ni Elle.
“Kami na lang yata ang hahalik sa ‘yo hanggang sa tumanda ka. Maghanap ka na ng boyfriend, oi!” Nagtawanan kami dahil sa sinabi ni Yurii.
Sa aming tatlo, si Elle ang wala pang naging boyfriend since birth. Si Yurii, no comment. Hindi ko na mabilang ang lalaking lumalapit sa ‘min dahil hinahanap siya.
“It will come. Hintay lang kayo ng kaunti. Pero kung wala talaga, maglalagay na lang ako ng WANTED BOYFRIEND sign sa labas ng studio ko,” natatawa na tugon ni Elle.
“Ay! Maganda ‘yan. Tell me when ang hiring dahil tutulungan kitang mamili,” excited namang saad ni Yurii.
Natawa na lang ako habang nakikinig sa kanila. Ito si Yurii, dapat may asawa na ‘to ngayon. Tinakasan lang naman niya ang fiancée niya for personal reasons. Ewan ko lang kung hanggang ngayon nagtatago pa rin siya. Sa aming tatlo siya lang ang hindi ko pa nakikilala ang pamilya. Hindi rin naman siya nagkukuwento kaya hindi na kami nagtatanong ni Elle.
“Kumusta ka nga pala riyan, darling? Nakakalimutan mo na ba ng kaunti si Arthur?” Matamlay akong napangiti dahil sa tanong ni Yurii.
“Isang araw pa lang, mare,” sabat ni Elle sa kanya. Napahawak si Yurii sa kanyang baba at napatango.
“Ah, oo nga pala. Gusto mo ng tip para mabilis kang maka-move on? Kasi si Arthur five years nang naka-move on sa ‘y―”
“Yurii!” saway ni Elle.
“What? Totoo naman, ah? Kung mahal niya pa talaga si Catherine, hindi siya makakahanap ng iba do’n. Our beautiful friend here is broken hearted because of him. Si Catherine ang talo dahil siya ang hindi bumitaw.” Natahimik ako dahil sa sinabi ni Yurii.
Napairap si Elle. “Iba talaga kapag may experience since birth.”
“Shut up, Newbie. Ako ang coach n’yo rito!” Humalakhak si Yurii saka tinungab ang laman ng hawak niyang baso. Pagkatapos ay ibinaling niya ang atensyon sa ‘kin at tinuro ako.
“Listen, Cath. First boyfriend mo si Arthur kaya nahihirapan kang makalimot. Ganyan kapag first time, darling. Ang magandang tip sa ‘yo ay maghanap ka ng bagong lalaking diyan.”
Nababaliw na siguro ako. Dahil nang sabihin ni Yurii na maghanap ako ng bago, si Chase ang pumasok sa isip ko. What the heck!
“No way!” bulalas ko.
“Anong ‘no way’? There’s no other way, gaga. Kaya fight na. Sa ganda mong ‘yan imposibleng walang magkakagusto sa ‘yo, ‘no. Oh. By the way, I like your hair color. Anong kulay ‘yan?” Nilagyan ulit ni Yurii ng wine ang baso niya.
“Sunflower blonde,” tugon ko.
“Bagay sa ‘yo, umiba ang awra mo. Anyway, sundin mo ‘yong sinabi ko, okay?” Napailing ako nang mag-flash back bigla sa isip ko ang mga nangyari kanina.
“A-Ayaw ko! May iba pang paraan!” sigaw ko.
Umarko ang kilay ni Yuri. “Oh, ba’t ka sumisigaw? Ahh, mayro’n nang pumuporma sa ‘yo, ano?” Napangisi siya.
“W-Wala, ah. May girlfriend ‘yon,” depensa ko.
“Bingo!” Yurii exclaimed.
“Sayang,” wika naman ni Elle habang tinatanggalan ng plastic ang hawak na burger. Nilapit ni Yurii ang nakangisi niyang mukha sa screen kaya napaigtad kami.
“P*ta, Yurii!” sigaw ni Elle mula sa kabilang linya pero hindi man lang siya nito pinansin.
Ngumisi si Yurii sa ‘kin. “So, anong pangalan?”
“H’wag na.” Napaiwas ako ng tingin.
“Ohh, maangas ba?” natatawa niyang tanong.
“Isang manyak,” tipid ko namang tugon at ipinagpatuloy na ang aking pagkain.
“Oi! Type ko ang mga ganyang lalaki. Say his name, darling.”
Matalim kong tinitigan si Yurii kaya napaayos na siya ng upo habang tumatawa sa ‘kin. Sandaling katahimikan ang bumalot sa ‘min hanggang sa naisipan kong magtanong.
“Kayo . . . ano’ng gagawin n’yo kung may mag-offer ng tulong sa inyo?” Nakakuyom ang mga palad ko habang hinihintay ko ang sagot nila. Ewan ba’t kinakabahan ako.
“Hmm, ako? Depende sa sitwasyon. Kung malaki ang maitutulong niya sa ‘kin, ba’t ko naman aayawan?” sagot ni Elle.
“I agree,” sang-ayon ni Yurii sa kanya. “Walang masama na tumanggap ng tulong lalo na kung alam mong hindi mo na kaya. Bakit, Cath? May nag-offer ba ng tulong sa ‘yo?”
“Umm, yeah,” tugon ko kay Yurii.
“Sino?” usisa niya.
Napapikit na lang ako sabay kagat sa aking ibabang labi. Next time, I promise. Sasabihin ko sa kanila ang tungkol kay Chase. Sa ngayon, huwag na muna. Hindi pa siya karapat-dapat na ikuwento sa mga kaibigan ko.
“Sa sunod na lang ‘pag worth it nang banggitin ang pangalan niya sa inyo. At saka malalim na ang gabi, kailangan na rin natin na magpahinga.” Napangiti sila Yurii sa ‘kin.
“Fine. Ayusin mo ang puso mo riyan. If you need someone to talk to, nandito lang kami.” Nag-heart sign si Yurii sa ‘kin. Ginaya naman siya ni Elle na busy sa pagkain.
“Thank you.” I smiled at them. “Good night. See you soon, my sweethearts.”
“Good night, Cath. Love you!” Isinara ko ang laptop na may ngiti sa labi.
Nang salubungin ako nang katahimikan, agad din na napawi ang suot kong ngiti. Napabuntonghininga na lamang ako sabay sandal sa sofa.
Now, what should I do?