“Kaya siguro ayaw mag-two-piece dahil may tinatago,” humagikhik si Rosei.
Tumaginting ang mga tainga ko dahil sa sinabi niya. Okay . . . makikinig na muna ako sa kanila. Kapag sobra na ang lumalabas sa poisonous nilang mga bibig, hindi na ako mananahimik pa. I’ll give them a chance to express themselves.
“Baka may balat sa puwit!” Nagtawanan pa lalo silang tatlo dahil sa sinabi ni Annie. Tahimik naman si Georgia habang nakikinig sa usapan nila. Base sa itsura niya, wala siyang intensyon na makisali sa ginagawa ng mga kaibigan niya. Playing safe ba?
“Shush! Baka marinig kayo ni Ma’am.” You moron. Sa lakas ng mga boses n’yo nag-aalala ka pang maririnig ko kayo? How stupid, Joan.
Sa sinasabi nila ngayon, mas nakikilala ko na ang baho nila. I’m guessing isa siguro sila sa mga nagsasabi ng ‘Stop body shaming’ pero nangunguna naman sa pag-body shame? What for? For show? For popularity? Hypocrites.
Ano namang masama kung may balat sa puwit? Kung may stretch marks? Kung may imperfections sa katawan? It’s not something to be ashamed of. These small details make us unique. It serves as our mark as valued women. Oh, please. Girls, you don’t have to insult others just to feel superior to them. Marami pa nga talaga kayong dapat na matutunan.
Napatayo na ako sa aking upuan sabay lagay ng phone ko sa bag. Napalingon sila Joan sa ‘kin kaya matamis ko silang nginitian.
Wala akong sasabihin sa kanila dahil baka gamitin pa nila ito against sa ‘kin. Just because I’m not talking back ibig sabihin ay takot na ako sa kanila. Alam ko lang talaga ang ginagawa ko. I have an image to protect. Hindi ko kailangan na magpadalos-dalos dahil lang sa mga babaeng ‘to. Pero hindi ko rin sila p’wedeng hayaan lang sa ginagawa nila. Baka masanay, eh. Mahirap na baka dumami pa ang biktima nila.
I locked my gaze at them. Watch and learn, sweethearts.
Tinalikuran ko sila at dahan-dahan na hinubad ang suot kong short. Hindi pa man ako natatapos, may narinig na akong kalabog mula sa kabilang cottage. Sa kanan naman namin, may nabilaukan na. Napangisi ako. Mga lalaki talaga.
“F*ck . . .” rinig kong sambit ng isang napadaan lang.
Nilapag ko sa ibabaw ng bag ang shorts ko at sunod kong hinubad ang suot kong t-shirt. Mas lumakas ang bulungan na naririnig ko sa paligid pero hindi ko na ‘to binigyang pansin. Nilapag ko na lang ang t-shirt ko kasama sa shorts ko saka ako humarap sa dagat.
Wala pa akong planong maligo. Pero dahil sa bibig ng mga kasama ko rito, mas pipiliin ko pang magbabad na lang sa dagat. Matalim kong nilingon si Joan na ngayon ay tulala nang nakatingin sa ‘kin. Ayan, ha. Enough already.
Naglakad ako palabas sa cottage at napalingon na nga sa ‘kin ang lahat ng lalaki rito sa panig namin. Hindi lang naman ako ang naka-two-piece rito sa beach. Halos lahat nga ng babae rito pareho rin sa ‘kin ang suot, may ibang mas revealing pa nga. Naninibago lang yata sila white bikini ko.
Anyways, hindi ko ‘to ginawa para mapalingon sila ‘kin. May gusto lang akong ipakita kina Joan, ang heart-shaped birth mark sa lower back ko. Now, did I feel less pretty because of this mark? No.
Naglalakad na ako patungo sa dagat nang may marinig akong pamilyar na tinig. Agad akong napatigil at iniharang ang aking kamay sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Napalingon ako sa nagsasalita. Nakabalik na sila Anthony.
“Yeah, ang lakas nila this season. Palab―”
Hindi na naituloy ni Chase ang sasabihin nang makita ako. Napansin ko ang pagtiim ng kanyang bagang at ang paghigpit ng hawak niya sa dalawang case ng beer. Nakaramdam ako ng kiliti sa aking tiyan pero hindi ko na ‘to binigyang pansin. I flip my hair at Chase. Ipinagpatuloy ko na ang aking paglalakad papunta sa dagat na hindi siya nililingon.
Nang tumama sa mga paa ko ang tubig-dagat, hindi ko napigilan na mapangiti. Agad din akong naglakad papunta sa malalim at sumisid. Pag-ahon ko, malayo na ang distansya ko sa pampang. Then, I saw Chase. Nakasimangot siya habang nakatingin sa ‘kin.
“Loko . . .” sambit ko. Sumenyas siya na bumalik na. I think ayaw niyang sabihin ang pangalan ko dahil ang daming nakaabang na lalaki sa paligid.
Nakangiti akong umiling sa kanya. His dark eyes are staring intently at me. Maya-maya pa ay lumangoy na rin ako pabalik sa pampang. Kagaya ng isang alon na ang dalampasigan ang hantungan.
“Hey!” Napako ako sa aking kinatatayuan nang biglang maghubad si Chase sa harapan ko. Kaaahon ko lang tapos ito ang ibubungad niya sa ‘kin! Illegal ‘to!
“W-What are you doing?” Napapalingon na sa ‘min ang mga tao sa paligid. Nang tuluyang mahubad ni Chase ang kanyang damit, mabilis niya itong nilusot sa ulo ko para maisuot sa ‘kin.
Nakatingin lang ako kay Chase the whole time. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. H-He’s acting cute!
“Ayan.” Habol-hininga siyang tumingin sa ‘kin. “Now, everyone will know you’re mine.”
Hindi ko na napigilan ang tawa ko. Gusto ko siyang hampasin ngayon mismo pero ayaw ko namang sirain ang mood. Hindi ko talaga siya maintindihan minsan.
“Thank you,” wika ko sabay pakita sa kanya ng aking suot. Natawa sa ‘kin si Chase saka ako hinawakan sa beywang.
“Kain na tayo baka ikaw pa ang makain ko.” Napaiwas ng tingin ang mga lalaki pagkakatapos na marinig ang sinabi ni Chase. This jerk. Sinadya na talagang lakasan ang boses niya para marinig siya ng lahat, geez.
After naming mananghalian, bumalik din agad sila Paul sa dagat. They’re enjoying the time of their lives. Habang ako, nandito sa buhangin, binabantayan ni Chase. Ayaw niyang hubarin ko ang t-shirt niya!
“Anong kalokohan ‘to?” tanong ko habang nakahawak sa maliit na timba na binigay ni Chase sa ‘kin.
Ibinaba niya ang suot na sunglasses at matamis akong nginitian. Nakahiga siya sa isang sapin na may payong, isang metro ang layo sa ‘kin.
“Gawa ka ng sand castle. Don’t worry, hindi naman ako maliligo.” Loko ba siya! Wala akong pakialam kong ayaw niyang maligo!
“Ako gusto ko,” seryoso kong sabi sabay hawak sa laylayan ng t-shirt niya. Pero agad din akong nilapitan ni Chase para pigilan ako. Matalim niya akong tinitigan.
“Catherine, this beach is not safe for you. Lahat ng lalaki ngayon dito ay inaabangan ka. Kaya sumunod ka na lang sa ‘kin, okay? P’wede kang mag-swimming basta huwag mong hubarin ‘yang damit ko.” Napuno ng pag-aalala ang mukha ni Chase.
Now that he mentioned it, halos lahat ng pinuntahan kong beach noon kasama si Arthur ay pribado. Kaya kahit na anong klase ng two-piece pa ang suotin ko, ayos lang dahil si Arthur lang ang naro’n. Masyado akong nadala sa kagustuhan kong mag-enjoy ngayon. I forgot to take care of myself.
“Umm,” tugon ko kay Chase.
Iginiya niya ako papunta sa dagat. Pagkatapos ay inilipat niya ang kanyang higaan malapit sa puwesto ko.
Habang mag-isa akong lumalangoy, may biglang lumapit sa aking dalaga. I think nasa high school pa lang siya. Napataas ang kilay ni Chase nang mapansin niya ang babae.
“M-Miss Catherine?” Napakurap ako nang banggitin niya ang aking pangalan. N-Nakilala niya ako?
“Ack! Ikaw nga, Miss. Kailangan pa kitang lapitan para lang makasiguro. Hindi po kita na kilala agad dahil sa kulay po ng buhok n’yo. Pero . . .” Tinuro niya ang kanyang puso. “Kilalang-kilala ka nito!”
“A-Ah, hi.” She looks excited to see me. I don’t know how to respond.
“Ako si Luna, Miss! Fan po ako ng Grace!”
Hindi ko na maalala kung ano’ng nangyari pagkatapos magpakilala ni Luna. Basta ang alam ko lang mahaba-haba ang naging kuwentuhan namin. She’s really talkative.
Natapos ang swimming namin na si Luna lang ang ka-bonding ko. Nag-enjoy akong kausap ang isang high schooler. Nagulat nga ako nang malaman kong ang dami niyang alam tungkol sa product ng Grace. I couldn’t help but to admire her. Gosh. I hate to admit this, but I had another great day with Chase.
“Nag-enjoy ka?”
Nakarating na kami ngayon sa hotel at narito kami ni Chase sa harapan ng kuwarto ko. Napangiti ako sa kanya. May nakilala na naman akong solid customer ng Grace dahil sa lalaking ‘to.
“Yeah, it’s fun.” Ayan na. Umamin na ako.
“I’m really glad to hear that. Sapat nang marinig kong napasaya kita ngayon.” Hinaplos ni Chase ang buhok ko saka ako nginitian.
“Umm, thank you.”
Pagkatapos kong magpasalamat kay Chase, ngumisi lang siya sa ‘kin at nagpaalam nang aalis. Wala siyang sinabi kung may lakad ba kami bukas. Wala siyang sinabing lugar na pupuntahan namin. He just left without any invitation for tomorrow.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko may kulang.