Chapter 8.1

1691 Words
Biyernes. Biyernes na! Pagkatapos akong tawagan ni Chase noong nakaraan, hindi na siya nagparamdam pa kinabukasan. Kaya naman ako, si Catherine Grace Diaz, na hindi naghahanda sa tuwing walang exact time na binibigay sa ‘kin, ay alas-kuwatro pa lang gising na. Walang nasabing oras si Chase kaya inagahan ko ang alarm ko. Alam kong may kasalanan din naman ako dahil hindi ako nagtanong. Pero siya pa rin ang dapat na sisihin dahil hindi niya ako naalalang sabihan. Remember? Siya ang nagyaya sa ‘kin. “Walang hiya ka, Chase . . .” Napasabunot na ako sa sarili ko dahil sa sobrang pagkainip. Kanina pa ako rito sa sala at ala-siyete na mga, bes. Wala pa rin kahit anino man lang ni Chase. Sana naman kung may change of plan, i-inform din ako, ano? Para na akong tanga rito tapos inaantok na talaga ako. “Makabalik na nga lang sa kuwarto.” Naiirita na ako, itutulog ko na lang ‘to. Saktong pagtayo ko sa sofa, may kumatok sa pinto. Umm . . . nagbago na pala isip ko. Gusto na lang pala mag-swimming. Nagmamadali kong kinuha ang bag ko saka ako tumakbo papunta sa pinto. Nang buksan ko ‘to, bumungad sa ‘kin ang preskong mukha ni Chase. His soft hair, dazzling smile, eyes that can see through my soul, they greeted me as if they were all made for me. Teka, ano ba ‘tong pinagsasabi ko? “My Catherine!” sigaw niya sabay kurot sa aking pisngi. Nakasimangot ako outside pero deep inside tuwang-tuwa ako. Kahapon . . . hindi ako makatulog nang maayos. Kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko sa tuwing ipipikit ko na ang mga mata ko. Pagkatapos ng ilang araw kong pahinga kay Athur, akala ko hindi na ako iiyak ulit. Pero nakakulong pa rin pala ako sa mga alaala ng kahapon. Habang mag-isa akong nakahiga sa kama ko kagabi, pakiramdam ko nasa isang selda ako. Nagawa kong iwaksi sa isipan ko si Arthur for two days because of Chase. I need more. Gusto ko pa ng maraming araw na ganito. “Ang tagal mo.” I rolled my eyes at him. “May pinuntahan ako kaya hindi kita agad nasundo. Huwag ka nang magtampo, ha? Lika, kiss na lang k―” Itinulak ko ang mukha niya gamit ang palad ko saka ako naglakad patungo sa elevator. E, kung kiskisin ko kaya mukha niya sa pader. “Catherine, naman!” Napanguso si Chase at sumunod din naman sa ‘kin. Habang nasa loob kami ng elevator, naramdaman kong unti-unting gumaan ang pakiramdam ko. Ang tali na nagpapasikip sa dibdib ko ay dahan-dahan nang lumuluwag. Malalim akong huminga at napangiti sa aking sarili. Nilingon ko si Chase na inosenteng nakatayo sa gilid ko. Nakatingin siya sa salamin na nasa tabi niya at pasimpleng inaayos ang kanyang buhok. “What?” tanong niya nang mapansin na nakatingin ako. Napailing lang ako at itinuon na ang aking atensyon sa pinto ng elevator. I made the right choice. Pagdating namin sa parking area ay agad din kaming sinalubong nila Anthony. Nag-fist bump sila ni Chase habang ako naman ay parang tanga lang na yukod nang yukod sa kanila. Nakakalimutan ko ang edad ko sa tuwing kasama ko ang mga kaibigan ni Chase. Pakiramdam ko teenager din ako. It’s actually nice, seryoso. Napatingin ako sa hippie van na nasa likuran ni Anthony. Nasa loob na sila Georgia at komportable na sa mga upuan nila. Hindi ‘to ang van na ginamit namin last time, ah? “Nagustuhan mo ba?” Napalingon ako kay Paul na kakalabas lang sa hotel na tinutuluyan nila. Mukhang may kinuha siyang gamit. Tumango ako at nakangiting tinapik ang hippie van. “Pambarkada ang vibes,” saad ko. “Of course! Sinadya ko talagang palitan ‘yong unang van dahil ang bigat ng atmosphere sa loob. Mabuti na lang pumayag ‘yong nirentahan ko.” May pag-aalinlangan akong ngumiti dahil sa sinabi niya. Hindi lang pala ako ang nakaramdam ng gano’n. “Oh, siya! Sakay na kayo.” Naglakad na si Paul patungo sa driver seat. Mukhang siya ang nakatokang mag-drive ngayon. Nauna akong pumasok sa loob nang mapansin kong magkalayo ang dalawang bakanteng upuan. Napatigil ako sa paghakbang dahilan para bumangga sa ‘kin si Chase. Nag-aalala niya akong hinawakan sa braso saka sumilip sa balikat ko. “Ano ‘to?” tanong niya nang mapansin ang setting arrangement ng mga kaibigan niya. Ang vacant seat lang ay sa tabi ni Georgia at sa tabi ni Joan. Kung isa sa kanila ang makakatabi ko, ako na lang ang magmamaneho. Mas gugustuhin ko pang makatabi sa unahan si Anthony kaysa sa kanila. Hindi naman sa choosy ako pero parang gano’n na nga. “Upo na kayo.” Ngumisi si Joan sa ‘min. No way. Hindi ako tatabi sa ‘yo kahit ano’ng mangyari at hindi rin kay Georgia. “Chase, tabi ka na lang kay Georg. Medyo masama pa ang pakiramdam niyan kaya alalayan mo muna.” Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi ni Joan. Ah, bumabawi sila sa ‘kin ngayon. Okay, okay. Sumandal si Chase sa balikat ko at walang gana na napabuntonghininga. Tinapik ko na lang ang pisngi niya sabay tulak sa kanya palabas. Napatingin silang lahat sa ‘min. “Paul, p’wedeng ako na lang ang mag-drive? Please?” Napakurap si Paul nang makita ang puppy eyes ko. Kinakabahan siyang napalingon kay Chase na hindi na maguhit ang ekspresyon ng mukha. Oh, come on. Mas gugustuhin ko pang makipagpalit kay Paul kaysa maupo sa loob. “A-Ah . . . um . . . Marunong ka bang mag-drive?” nag-aalalang tanong ni Paul sa ‘kin. Of course, sweetheart. Sampu lahat ang kotse ko at plano ko pang dagdagan. May lisensya rin ako pero siyempre hindi ko ‘to sasabihin sa kanila. One word is enough. “Oo.” I smirked at him. Naglakad na ako papunta sa driver seat at pinagbuksan ng pinto si Paul. Puno ng pag-aalinlangan ang mukha niya pero bumaba rin siya at lumipat sa likod. Nginitian ko si Anthony na nakaupo sa tabi ko. Puno ng pagkamangha ang mga mata niya na nakatingin sa ‘kin habang kinakabit ko ang aking seatbelt. Naupo na rin si Chase sa tabi ni Georgia habang ang atensyon niya ay nasa akin. Ganyan nga, behave. Sinimulan ko nang paandarin ang van at nakangiting sinalubong ang preskong ihip ng hangin. I feel so free. Surfing and driving is freedom for my soul. Saglit kong nilingon si Anthony saka itinuon ang mga mata ko sa daan. “Ilang oras ang biyahe papunta sa beach?” Napasandal siya sa kanyang upuan sabay kagat sa hawak niyang mansanas. “Thirty minutes lang ang biyahe papuntang Barason Beach. Diretso ka lang dito,” tugon niya. Tumango-tango ako. Unconsciously, napatingin ako sa rear mirror ng sasakyan. Nadatnan kong nakasandal na ang ulo ni Georgia sa balikat ni Chase habang si Chase naman ay nakasandal naman kay Georgia. Agad akong napaiwas ng tingin nang may maramdaman akong hindi kaaya-aya. Sheesh, ano bang pakialam ko kung ganyan sila matulog? Ang beach ang pinunta ko rito. Pagdating namin, agad din na nagtungo ang kababaihan sa banyo. Magbibihis daw sila. Hindi talaga mga witty. Ako? Sinuot ko na ang two-piece ko sa hotel pa lang. “Ikaw? Hindi ka magbibihis?” Napatingin si Chase sa shorts at loose shirt ko. Umiling lang ako sa kanya sabay kuha ng bag ko sa loob ng van. Ilang minuto ang lumipas bago nakabalik sila Georgia sa parking area ng beach. Nang makompleto kami, sabay kaming nagtungo sa cottage na ni-reserve ni Lester noong isang araw pa. Habang naglalakad kami, napapalingon ang mga nakakasalubong namin dahil kina Georgia. I won’t deny it. Maganda talaga ang hugis ng katawan nilang apat pero mas nangingibabaw si Georgia. Tumigil kami sa isang cottage na gawa sa kawayan saka nilapag sa mesa ang dala naming mga pagkain. Ang ilang lalaki sa katabi naming cottage ay napapalingon na rin kay Georg. Hindi na siguro na tiis ni Chase ang titig nila kaya inabutan niya na si Georgia ng tuwalya. ‘Yong tuwalya rin na ipinahiram niya sa ‘kin no’n. I . . . I dont really care. “Gamitin mo muna ‘to kung hindi ka pa maliligo.” Naningkit ang mga mata ko dahil sa ginawa ni Chase. I clicked my tongue. Alam kong close na sila sa simula pa lang pero, ewan, naninibago ako. “Chase, samahan mo muna ‘ko. Naiwan ang soft drinks sa van.” Tumango si Chase kay Anthony saka naglakad palabas ng cottage. Napatingin na lang ako sa likod nilang dalawa habang naglalakad sila palayo. Paglingon ko sa direksyon ni Georgia, nakalagay na sa balikat niya ang tuwalya ni Chase. Joan and her friends is teasing her. “Sana all may tuwalya ni Chase,” parinig ni Rosie. Napasandal na lang ako sa kahoy na upuan at umaktong may binabasa sa phone ko. Pinupuntirya nila ako. “Kayo . . .” Sabay kaming napalingon ni Judy kay Joan. “‘Yan na ba ang pang-swimming n’yo?” Nagkibit-balikat lang si Judy sa kanila at ipinagpatuloy na ang paglalaro sa phone niya. Ilang sandali pa ay itinaas niya ang suot na t-shirt para ipakita ang kanyang two-piece. Pumalakpak si Joan saka ibinaling sa ‘kin ang atensyon. Sa totoo lang kaunti na lang talaga mapupuno na ako sa kanila. Ba’t ba target ako ng mga batang ‘to? Sila na nga itong may nagawa sa ‘kin tapos parang ako pa ngayon ang gusto nilang humingi ng tawad sa kanila. Argh, ganito rin ba kami nila Yurii no’n? I’m sure hindi. Mababait kami, ‘no. “Ikaw, Ma’am?” Napataas na ang kilay ko kay Joan pero agad ko rin namang ibinaba. Hindi ako magpapadala sa kanya. “Hindi pa naman ako maliligo,” I answered, smiling. Napangiwi lang siya sa ‘kin at nakipagdaldalan na kina Rosie. Akala ko lulubayan na nila ako pagkatapos, pero ang pagtanong niya pala sa ‘kin ay simula pa lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD