Chapter 7.2

1756 Words
Si Nonoy ang nagdala ng bag at sapatos ko habang pasan ko naman ang bag ni Chase. Lulan sa likod ni Chase, tinahak naming tatlo ang daan pabalik sa Brgy. Mahayag. Ilang minuto pa lang ang lumipas, nag-aalala na akong napalingon kay Nonoy. May kabigatan kasi ang bag ko para sa build ng katawan niya. “Noy, buksan mo ang unahan ng bag ko,” utos ko habang tinatahak namin ang daan pababa. Nang buksan ni Nonoy ang unahang bulsa, malaking KitKat ang bumungad sa kanya. Napansin kong kuminang ang mga mata ni Nonoy. Nilingon niya ako, nagtatanong ang mukha niya kung ano ang gagawin sa tsokolate. Napangiti ako. “Sa ‘yo na ‘yan, Noy. Ang bagal kasi nitong Kuya Chase mo kaya kainin mo habang naglalakad tayo,” pabiro kong wika. “Binabagalan ko talaga para mas matagal pa kitang makasama.” Oh, gosh! Mabuti na lang talaga at nasa likod ako ng lokong ‘to! Nabibigla ang puso ko sa mga sinasabi niya. “Maraming salamat po, Ma’am,” wika ni Nonoy at binuksan na ang tsokolate. Kumuha siya ng maliit na piraso at inabot ito kay Chase. Napatitig kami ni Chase sa bata at sabay na napangiti. “Para sa ‘kin?” tanong ni Chase. Nahihiya na tumango si Nonoy. Hindi na nagdalawang-isip pa si Chase na kainin ang hawak na tsokolate ng bata. Pagkatapos ni Chase, ako naman ang sinubuan ni Nonoy. Naubos naming tatlo ang tsokolate saktong pagdating namin sa baryo. Nasa van na ang mga kasama namin at kanina pa kami hinihintay. Nagpasalamat kami ni Chase sa magkapatid na nakasama namin ngayon sa aming pamamasyal. Binigay ni Chase ang kanilang bayad saka kami nagpaalam. Pagdating namin sa van, naabutan naming nakabusangot ang mukha ng Beach Girls. Sina Ben, Lester, at Judy naman ay mahimbing na ang tulog. Mukhang napagod sila sa paglalakad. Si Anthony kumakain lang habang nakaupo sa driver seat. May sariling mundo naman si Georgia sa upuan habang suot ang kanyang earphones. Hindi niya siguro napansin ang pagdating namin? O baka mas pinili niya na lang na ‘wag kaming pansinin? “Natagalan kayo,” bungad ni Paul na galing sa likuran ng sasakyan. Dahan-dahan akong iginiya ni Chase pupunta sa upuan ko bago niya kinausap si Paul. “Pasensya na. Alis na tayo.” Hinawakan ni Paul si Chase sa balikat at nakangiting tumango. Unang pinapasok ni Paul si Chase at siya na ang nagsara sa pinto ng sasakyan. Katahimikan ang bumalot sa ‘min hanggang sa nakabalik kami sa hotel. Kanya-kanya na ng baba sila Joan nang tumigil ang sasakyan namin sa parking area. Hindi man lang sila nagpaalam. Mukhang may nangyari habang wala kami ni Chase. “Huwag mo na lang silang pansinin, Miss Catherine,” wika ni Lester sa ‘kin habang kinukusot ang kanyang mata. Kagigising niya lang. Napatango na lang ako sa kanya habang sinusundan ng tingin sila Joan. Nang mawala sila sa paningin ko, ibinaling ko ang aking atensyon sa loob ng van. Naiwan pa sa loob sina Georgia at Judy. Mahimbing pa rin ang tulog nila. Hinawakan ako ni Chase sa balikat sabay senyas sa mga kaibigan niya na ihahatid na muna ako. Nagpasalamat ako kina Anthony bago sumunod kay Chase. Pagkarating namin sa main entrance ng hotel, hindi niya na ako sinundan papasok. “You should rest,” aniya. Sumulyap ako sa direksyon ng van at sumenyas kina Anthony na mauuna na ako, tumango lang sila sa ‘kin. Napangiti ako saka hinarap si Chase. “Thank you,” wika ko. Nag-enjoy ako ngayong araw, pero hindi ko ‘to sasabihin sa kanya. Sa sunod na lang baka isipin niyang napasaya niya ako. “Sa sunod ulit,” nakangiti niyang tugon. Pumasok na ako sa glass door at tumakbo naman si Chase papunta kina Lester. Pahakbang na sana ako nang makita ko ang ginawa ni Chase. Napakunot ang aking noo nang bigla niyang kargahin si Georgia in bridal style. Napahawak ako sa aking dibdib. Ano ‘tong nararamdaman ko? Nah. Napagod lang siguro ako sa paglalakad kaya sumisikip ang puso ko. Tama nga si Chase, kailangan ko nang magpahinga. Napalingon ako muli kay Chase. Marunong din pala siyang magmalasakit minsan. Pagdating ko sa kuwarto ko, agad din akong naligo at nagbihis. Pagkatapos ay ipinagluto ko na lang ang sarili ko dahil tinatamad na akong bumaba. Nang matapos ako sa ritwal ko, diretso na ang tungo ko sa mala-ulap kong kama. “Ahh, yeah. This is what I call a vacation.” Nakangiti kong binuksan ang phone ko at tiningnan ang mga litrato namin kanina sa kuweba hanggang sa makita ko ang mga kuha ni Chase sa ‘kin. Hindi ko napigilan na matawa at nagpagulong-gulong sa kama dahil sa awkward photos ko. Tae, mukha nga talaga akong napilitan lang na magpa-picture. Ang pangit ko nga! “Wala man lang akong matinong kuha . . .” Napatigil ang daliri ko sa pag-swipe nang makita ko ang isang stolen shot ko. Second to the last itong litrato sa gallery ko. It means kinunan siya bago pa sinabi ni Chase ang weirdest countdown niya kanina. Ang candid ng kuha ko rito, ah. Nakatayo ako sa gitna ng hugis-puso na bato habang naka-posisyon ang kanang kamay ko sa likod ng aking tainga. Naalala kong ginawa ko nga ‘to kanina. Ang sagabal kasi ng buhok ko kaya inipit ko sa tainga ko. “Crap, ba’t ganito ang itsura ko?” Mariin akong napatitig sa sarili kong mukha. Kumikinang-kinang ang mga mata ko habang nakatingin sa camera. Kumurba rin ng konti ang labi ko na para bang masaya ako sa mga oras na ‘to. Hindi ako ‘to! Hindi ako ngumiti ng ganito kay Chase, no! Nagpagulong-gulong ako ulit sa kama nang, hindi ko namamalayan, na nasa dulo na pala ako. Lumikha ng malakas na ingay ang pagbagsak ko sa sahig. Habang sinasamsam ko ang malutong kong pagbagsak, biglang tumunog ang phone na hawak ko. Napakunot ang aking noo nang mapansin ko ang pangalan ng caller. “Mr. Right?” patanong kong basa rito. Wala akong maalala na may sinave akong number na ganito ang pangalan. Sino naman kaya ‘to? Teka, baka scam ‘to? End ko na lang. Pagkatapos kong pindutin ang end call, bumangon na ako at nahiga ulit sa kama. Nasa kalagitnaan na ako ng pagse-send ng mga litrato ko kina Elle at Yurii nang makatanggap ako ng mensahe galing kay Mr. Right. “Hi, Catherine. Si Chase ‘to,” basa ko sa mensahe. Ah, si Chase lang pala. “Ha? Si Chase!” Napaupo ako at ilang beses na binasa ang mensahe na galing kay Mr. Right para masiguro na hindi mali ang pagkakabasa ko. Si Chase nga! Paano niya nakuha ang number ko! Agad ko siyang tinawagan para alamin kung paano kami humantong sa ganito. “Hello, my Catherine!” masigla ang boses ni Chase mula sa kabilang linya. “Paano mo nakuha ang number ko, ha?” mataray kong tanong. Narinig kong tumawa si Chase. “Ayaw kong i-share ‘tong galawan ko baka gayahin mo. Pero dahil special ka sa ‘kin, I’ll tell you. Kanina sa kuweba, I memorized your number kaya natawagan kita ngayon.” Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Nagawa niya ito in a short period of time? Ibang klase talaga ‘tong si Chase. Napasandal na ako sa headboard ng aking kama at mala-CEO na tinitigan ang aking mga kuko. Right, CEO nga pala ako. “Anong kailangan mo?” tanong ko kay Chase. “I miss your voice. Mabuti na lang talaga at nakuha ko ang number mo.” Kahit hindi ko nakikita ang mukha ni Chase, nai-imagine kong malapad siyang nakangiti sa ‘kin ngayon. Tsk, miss niya raw ako. Ilang oras pa lang kaming hindi nagkikita. Akala mo naman ang layo namin sa isa’t isa, no. “Ang corny mo,” wika ko sa kanya. “Bahala nang corny basta ‘yon ang totoo. I told you already, ayaw kong magsisi sa huli. Gusto kong sabihin ang naramdaman ko sa ‘yo hangga’t maaari,” biglang sumeryoso ang boses ni Chase. “I-I get it. Huwag ka nang magpaliwanag.” Sheesh, nagbabago na naman ang paraan ng pananalita niya. He’s scaring me. “Nag-enjoy ka ba ngayon?” tanong niya. “Umm, medyo. Ayos lang naman.” I’m telling you guys, hindi ako aamin na nag-enjoy talaga ako. “Mabuti naman. The day after tomorrow may pupuntahan kaming beach ng mga kaibigan ko. Isasama ulit kita.” Na-excite ako dahil sa sinabi ni Chase nang bigla kong maalala sila Joan. Huwag na lang pala. “Sayang. Hindi ako makakasama. May gagawin ako,” palusot ko. Natahimik si Chase sa kabilang linya. Maya-maya pa ay nagsalita rin siya. “Kung sila Joan ang iniisip mo, huwag ka na lang mag-isip. Ganyan talaga sila sa kahit sinong babae.” May kumalabog sa kabilang linya kaya napakunot ang noo ko. May bumagsak yatang gamit pero mukhang hindi apektado si Chase. “Tsk, nagseselos ako. Mabuti pa sila iniisip mo, ako hindi,” nagtatampo niyang wika. “Hoy, umayos ka nga. Kahit magtampo ka pa riyan, hindi kita susuyuin,” prangka ko. Narinig kong napabuntonghininga si Chase. “Grabe ka. So ano? Sasama ka sa ‘min o sasama ka?” tanong niya. “Pareho lang ang dalawang sinabi mo,” saad ko. “Exactly, kaya wala kang choice kundi ang sumama. No buts, Catherine. Susunduin din kita sa Biyernes.” Huminga ako nang malalim bago ko sinagot si Chase. “Fine. Patayin ko na. Matutulog na ako.” Narinig kong napabuntonghininga siya ulit. Isa pa talaga, makokonsensya na ako sa sinabi ko. “Ok. Sleep well, my Catherine.” Tinapos ko na ang tawag saka pagbagsak na nahiga sa kama ko. Nilapag ko ang aking phone sa nightstand pagkatapos ay nakipagtitigan ako sa kisame. Kaya ko namang ayawan si Chase pero hindi ko maintindihan ba’t pumapayag lang ako sa sinasabi niya. Ang masama pa ngayon ay nakakaramdam na ako ng konsensya sa mga ginagawa ko sa kanya. I’m not saying na wala akong konsensya, ha. Napansin ko lang na nagiging sensitive na ako for Chase. Siguro . . . kaya hindi ako makaayaw sa kanya dahil niligtas niya na naman ako ngayong araw sa mga alaala ko kay Arthur. Damn. Dito lang ako bukas buong araw. I can’t believe I’m saying this pero sana dumating agad ang Biyernes. Ayaw kong mag-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD