"B-Baliw ka ba! 'Wag kang magbiro ng ganyan, Chase," saad ko. Malungkot siyang napangiti sa 'kin.
"I know you'll say that, but I'm serious. Gusto talaga kita, Cath." His voice sounds sincere. Nahihirapan akong tanggapin ang katotohanan na hindi lang siya nagbibiro.
Naisuklay ko na lang ang daliri ko habang nakatingin ako sa malungkot na ekspresyon ni Chase. Nandito kami ngayon sa ilalim ng isang puno na malapit sa hotel. May mga lights na nakasabit sa sanga na nagbibigay liwanag sa 'min. Damn. Dumagdag lang ang temperatura ng ilaw sa mood.
"Nasabi mo lang 'yan dahil naaawa ka sa 'kin. Gusto mo lang pagaanin ang loob ko, Chase. Besides, ilang araw pa lang tayong magkakilala. Don’t tell me na-love at first sight ka sa ganda ko?" Mahina akong natawa.
"Paano kung ‘oo’?” Napalunok ako nang marinig ko ang seryoso niyang tugon.
“s**t. Hindi nga?” hindi makapaniwala kong tanong. Nasapo ni Chase ang kanyang noo saka mariin akong tinitigan.
“Cath, listen. Unang kita ko pa lang sa 'yo sa pantalan, iba na ang naramdaman ko. Ayaw kong magsisi sa huli kaya sinasabi ko 'to ngayon." I can feel it. Gusto akong hawakan ni Chase pero pinigilan niya ang sarili niya.
"Answer me honestly, Chase. Kaya ba gusto mo akong tulungan dahil gusto mo ako? 'Yan ba ang tunay na dahilan mo?" tanong ko.
"No . . . I mean yes.” Naisuklay niya ang daliri dahil sa pagkasiphayo. “Argh, how should I say this? I can feel your pain right now, Cath. Kaya gusto kong makalimutan mo agad ang taong pasakit lang ang dulot sa 'yo at nang ang pagmamahal ko na ang tanggapin mo.”
Napakurap ako dahil sa sinabi niya. Ang seryoso na ng atmosphere sa pagitan namin pero ewan ba't natatawa ako.
"Urm . . . totoo na napagdaanan mo na rin ang napagdadaanan ko ngayon?" Napangiti ako nang biglang nataranta si Chase. Hey, I’m not doubting him. I’m just asking.
"T-Totoo ang sinasabi ko sa 'yo! Nasaktan na rin ako noon at . . ." biglang humina ang kanyang boses, "may mga kaibigan akong tumulong sa 'kin. Pero ikaw, Cath, mag-isa mo lang na ginagamot ang sarili mo. Napahanga mo ako."
Tuluyan na akong natawa kay Chase. May sense naman pala siyang kausap minsan. Mas nangingibabaw lang talaga ang kakulitan niya. Anyway, hindi ako basta-basta madadala sa ganito.
"Oo na. Naniniwala na ako sa 'yo." Nginitian ko si Chase.
"Naniniwala ka nang gusto kita?" masigla niyang tanong sa ‘kin. His expression is hopeful.
"Hindi. Naniniwala na akong naaawa ka lang sa 'kin at gusto mo lang na makatulong." Tinalikuran ko na si Chase at nauna nang naglakad sa kanya. Palihim akong napangiti. I know my limitations. Matatanggap ko pang maging kaibigan si Chase pero potential lover? Nah.
"Argh! Cath naman!" Tumakbo siya papalapit sa 'kin at sumabay sa paglalakad.
"Friends, Chase," nakangiti kong wika. Hanggang kaibigan lang ang ma-o-offer ko sa 'yo. Napabuntonghininga si Chase sa tabi ko.
"My heart is ready for you, Cath. Pero mukhang ang puso mo ang hindi pa handa sa 'kin. I'll wait hanggang sa ako na ang hawakan mo." Malamlam ang mga mata niya habang nakatingin ito sa 'kin.
Napailing na lang ako habang nakangiti ako kay Chase. Masaya na ako sa kung ano ang mayro'n kami ngayon.
Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad, narating din namin ang entrance ng Malipay Hotel. Hinarap ko si Chase para magpaalam.
"Dito na ako," wika ko.
"Um. Nasa kabila kami." Tinuro niya ang two-storey building na katabi ng hotel na tinutuluyan ko. Parte pa rin siya ng Malipay Hotel pero pambarkada yata siya. I'm not sure.
"Sige, pasok na ako." Tinalikuran ko na si Chase nang bigla niya akong tawagin.
"Teka, Cath." Napalingon ako sa kanya at patanong siyang tinitigan. Napakamot siya sa braso niya saka nahihiya na tumingin sa 'kin. Ba't bigla siyang naging ganyan?
"Ano?" iritado ang tono ng boses ko.
"Ba't nagagalit ka?" naguguluhan niyang tanong.
"Kasi hindi ako sanay na nag-aalangan ka. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin." Napangiti si Chase sa 'kin, tila ba hudyat ang sinabi ko para bumalik siya sa normal.
"Sinubukan ko lang naman baka mas magustuhan mo ang mahiyain na ako," napangisi siya.
"Huwag na. Mas nakakairita," diretso kong wika habang nakapameywang ako.
"Ito naman! Sama ka sa 'min bukas. Susunduin kita sa kuwarto mo."
"Sa'n?" Napakunot ang aking noo. Ano na naman ang balak ng lalaking ‘to?
"Pupunta kami sa Masirom Cave. Gusto kitang isam—No. Isasama talaga kita. Tomorrow, 5 AM, susunduin kita. Good night, my Catherine."
“Ayaw k―oi!”
Nakatakbo na palayo si Chase bago ko pa man matapos ang aking sasabihin. 'My Catherine' niya mukha niya. Hindi ako sasama, no!
MADALING ARAW pa lang ay busy na ako. Nakalagay na sa backpack ko ang tissue at snacks na pinabili ko kay Pauline kagabi. Nakahanda na rin ang iba pang gamit ko katulad ng pampalit na damit kung marumihan man ang suot ko.
Saktong alas-kuwatro ay handa na akong sunduin ni Chase. Yeah, I know. Sinabi kong hindi ako sasama pero nagbago na ang isip ko. At walang masama kung magbabago ang isip n’yo, ok? It's normal.
Nakahiga lang ako ngayon dito sa sala habang hinihintay ang sundo ko. Akmang magpapatugtog na ako para aliwin ang aking sarili nang may marinig ako kumakatok. Napabalikwas ako ng bangon at marahan na inayos ang nagusot kong damit bago naglakad patungo sa pinto. Huminga ako nang malalim saka ko pinihit ang doorknob pero hindi si Chase ang bumungad sa 'kin.
"Magandang umaga, Miss Catherine. Ipinabibigay po ito ng manager namin sa 'yo. Tea po 'yan, Ma'am." Malapad ang suot na ngiti ng bellboy pero ako, mukha lang naman akong nalugi.
"T-Thank you." Tinanggap ko ang isang box ng green tea na hawak niya at sumenyas na p'wede na siyang umalis. Napabuntonghininga ako habang sinusundan ng tingin ang staff patungo sa elevator. Crap, umasa ako.
Matamlay akong napatitig sa binigay sa ‘kin. Siguro hindi na ako susunduin ni Chase dahil sinabi kong hindi ako sasama. Walang hiya talaga ang lalaking 'yon.
"Ba't ang sama ng tingin mo sa tsaa?" Napaigtad ako nang biglang may magsalita malapit sa tainga ko. Paglingon ko, tumambad sa 'kin ang mukha ni Chase. K-Kanina pa ba siya rito?
Nakabihis na siya. Nakasuot siya ng plain navy blue shirt, dark blue Adidas shoes, at grey shorts habang pasan ang itim niyang backpack.
"Good morning," nakangiti niyang bati. Napakurap ako.
"G-Good morning," tugon ko sabay iwas ng tingin. Magkatulad ang kulay ng mga damit namin! Pati kulay ng bag ko pareho rin kay Chase!
"Handa ka na pala," ngumisi siya.
"Wala akong choice. Mapilit ka, eh." Naglakad ako papasok at kinuha ang aking bag. Iniwan ko lang sa ibabaw ng mesa ang box ng tsaa at lumabas na sa silid.
Ilang beses na napakurap si Chase nang makita niya ang suot ko. Mukhang napansin rin niya ang unexpected matchy-matchy naming outfit. Napairap na lang ako at isinara na ang pinto nang makaalis na kami rito. Bahala na. Ayaw ko nang magbihis. Ito na ang napili kong OOTD ngayon.
Pagkababa namin ni Chase, nakahanda na ang isang puting van sa labas ng Malipay Hotel. Nakahiga na sa loob ang mga kaibigan niya. Si Anthony at si Judy lang ang gising sa kanila.
"Good morning, Catherine," bati sa 'kin ni Anthony nang makalapit kami.
"Good morning," bati ko naman.
Umikot siya papunta sa driver seat at naupo na sa tabi ni Judy. Ang dalawang bakanteng upuan sa dulo ng van ang nakahandang puwesto para sa 'min ni Chase. Dahan-dahan kaming pumasok sa loob dahil ayaw namin na makaistorbo. Pero si Anthony, walang pag-aalinlangan sa ginawa niya.
"Masirom Cave, here we come!" sigaw niya dahilan para maalimpungatan ang iba nilang kaibigan.
"Halimaw ka talaga, Anthony! Magpatulog ka naman!" daing ni Lester.
Ngumisi lang si Anthony at pinaandar na ang sasakyan. Ito na ang simula nang mahabang byahe namin. Napatingin ako sa labas ng bintana para sana mag-sight-seeing pero madilim pa ang paligid. Sayang.
"Inaantok ka pa?” Napalingon ako kay Chase. “Sandal ka sa balikat ko." Nginitian niya ako pero isang suntok lang sa balikat ang natanggap niya sa 'kin.
"Aray," mahina siyang napadaing sabay ngiti. "Sige, kung ayaw mo, ako na lang ang hihiga sa balikat mo."
Nakasandal na ang mabigat na ulo ni Chase sa akin bago pa man ako maka-angal. Sinubukan kong itulak ang noo niya pero mala-ipoxy ang kapit nito sa balikat ko. Napa-tsk na lang ako at hinayaan na siya sa nais niya. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Chase. Sige lang. Araw mo 'to.
"P'wede sa hita mo na lang ako?" Sa pagkakataong ‘to, nalukot na ang itsura ko dahil sa sinabi niya.
"Dudurugin ko talaga ang bungo mo, Chase," banta ko habang nakatuon ang aking atensyon sa labas ng bintana. Chase chuckled.
"On second thought, kontento na pala ako sa ganito. As long as kasama kita, ayos na ako."
Hindi ko na siya kinibo. Ilang araw pa lang kaming magkakilala ni Chase pero kung umasta kami sa harapan ng isa't isa parang tatlong taon na kaming magkasama. Siguro dahil sa ugali ni Chase. Madali siyang pakisamahan, mahirap nga lang intindihin minsan.
Pasimple ko siyang nilingon. Mahirap na baka mahuli niya ako at sabihan na ninanakawan ko siya ng tingin. Lahat pa naman sa kanya may meaning.
"Ang pangit matulog . . ." sambit ko habang nakatingin sa mukha niya. Mahimbing na ang tulog ni Chase sa balikat ko.
Ibinaling ko na ulit ang atensyon ko sa labas. Naninibago ako sa sarili ko. Ito ang unang beses sa buong buhay ko na may pinayagan akong ibang lalaki na humiga sa balikat ko maliban sa pamilya ko . . . maliban kay Arthur.