Nagising akong masakit ang buong katawan ko. Una kong napansin nang tingnan ko ang paligid, nasa di kilalang silid ako.
Nang subukan ko tumayon ay halos mapasigaw ako sa sobrang sakit ng gitna ko!
" A-Ahh!" Di ko mapigilan maiyak sa sobrang hapdi ng p********e ko. Ngayon ko lang napansin na wala pa rin akong saplot, tanging kumot lang ang tumatabing sa kahubdan ko. Nang bumukas ang pinto ng silid ay pumasok si Lucas na may dalang tray. Kaagad itong lumapit sa akin matapos ilapag sa mesa ang dala. Mabilis itong lumapit para alalayan ako.
" Don't move, " Mahinahon niyang sabi.
"A-Ang sakit ng katawan ko, Lucas! Bwesit ka!" Sigaw ko sa kanya. Tinalikuran niya ako at saka pumasok sa isang pinto na tingin ko closet.
Kaagad din ito lumabas doon na may bitbit ng damit at short.
" Wear this, " Inabot niya sakin ang mga ito.
Sinamaan ko siya ng tingin. Nang hindi ako gumalaw siya na ang kusang nagsuot ng mga iyon sa akin.
Medyo nailang pa ako habang nakatingin siya sa katawan ko. Pakiramdam ko muling nag iinit ang paligid habang nasa harap ko siya at malaya niyang nakikita ang kahubdan ko.
Napakagat labi na lamang ako at saka nag iwas ng tingin sa kanya.
Matapos niya ako mabihisan, inaya niya akong kumain.
Kahit naiinis ay pinili kong sumunod para wala ng away pa. Ayaw ko makipagtalo lalo ngayon naasama ang pakiramdam ko.
Saka ko na siya uusigin kapag magaling na ako. Tsk.
"Ikaw ba nagluto nito?" Tukoy ko sa pagkain.
" No, It was manang Tessa," Napatango ako. Siguro kasambahay nila.
" Lucas, k-kaninong bahay 'tong pinagdalhan mo sakin?"
" My house," Maikli niyang sagot.
Nagpatuloy kami sa pagkain. Nang matapos ay kaagad niya itong dinala sa kusina. Pagbalik ay saka niya ako binuhat para dalhin sa banyo.
" T-Teka, A-anong gagawin mo? Masakit pa Lucas, " Kinakabahan kong sabi. Narinig ko siyang tumawa kaya nahampas ko siya sa braso.
" I'm not going to f**k you if that's what you think," Ibinaba niya ako bathtub.
Pagkatapos ay tinitigan ako ng may lambing.
"I know your still sore from last night," He said.
" Let me take care of you, " wala na akong nagawa pa. pinaliguan niya ako pagkatapos ay binihisan. hinayaan niya naman ako matulog. sobrang sama ng pakiramdam ko, ganito pala kapag nabibirhenan. kung alam ko lang sana di na ako pumayag!
Kanina pa lumabas si Lucas pero hanggang ngayon hindi pa ito bumabalik.
Napabuntong hininga na lamang ako.
Hindi ko mapigilan magtakan kinikos niya. dati naman ay isa siyang maginoo at mapagbiro.
Bakit ngayon ay bigla na lang siya naging cold. itong pagdukot niya at pagdadala sa kin sa bahay niya, anong ibig sabihin nito?
Sigurado hinahanap na ako nina mama. mag aalala sila kapag nalaman nila na wala ako sa bahay.
Naisip ko rin ang mga binbintang ng mga tao noon kay Lucas, totoo ba ang mga iyon? pero bakit naman niya gagawin ang pagpatay sa ilang kababaihan noon? Ang rinig ko pa, nang matagpuan ang mga bangkay ng mga babae ay tadtad iyon ng saksak sa ibat-ibang parte ng katawan, Wasak ang maselang parte. durog ang mukha. tanging palatandaan sa katawan gaya ng tattoo, alahas, at iba pa. wala rin mga saplot nang matagpuan ang mga ito sa isang abandonadont bahay na ang hinala pa ng iba ay kay Lucas daw.
Sa totoo lang, hindi naman talaga ako naniniwala sa mga iyon, may parte sa puso ko na nagsasabi na biktima siya ng maling akala ng ibang tao.
Siguro iba ang may gawa nun pero dahil walang maituro, kaya si Lucas ang naging kasangkapan lalo na't isang outcast ito sa kanilang bayan noon.
Marami ang nagsasabi na si Lucas daw ay anak ng mag asawang kriminal. dahil ang kanyang nanay ay napagbintangan din noon na siyang pumatay sa sariling mga magulang. ang kanyang tatay ay nakulong naman dahil sa salang pagpatay sa kanyang matalik na kaibigan.
Nalaman ko lang ang mga yan nong naging close kami ni Lucas. nililigawan na niya ako noon. at nagawa niya iyon ikwento sa akin dahil gusto niya raw na alam ko ang background niya bago ko siya sagutin.
Hindi ko maiwasan mapangiti nang muling maalala ang aming nakaraan noong college.
Isa si Wilson sa nagbabala sa akin noon na layuan ko si Lucas. pero hindi ko iyon magawa.
Alam ko sa sarili ko na mahal ko siya noon pa mang una kaming nagkita sa loob ng book store. bumibili ako noon ng libro nang mabangga niya ako.
Nagsilaglagan ang mga dala ko maging ang bag ko. siya nang pumulot at saka pauli-ulit siya nag sorry. Handa na akong sigawan siya kaya lang- s**t! ang gwapo!
Kaya imbis na magalit ako, nagawa ko pang ngumiti sa kanya ng pagkatamis-tamis sabay sabing -
" Hi, my name is Freya," nakita kong nagulat siya sa ginaw ako. pero ngumiti din at nagpakilala.
" Lucas, Lucas Cielo Valdrema," ang sagot niya.
and the rest was history. saka ko na ikwento sa inyo pag hindi na ako busy, hmp!
Balik tayo sa kasalukuyan.
Kailangan ko makiusap sa kanya na pauwiin ako. kailangan ko malaman ang totoong dahilan niya bakit niya ako iniwan noon pagkatapos niya akong tanongin para maging girlfriend. tapos iiwan din pala ako sa ere!
I need to find the truth behind it.
***
Matapos kung alalahanin ang aming nakaraan, natulog ako at paggising ko nagulat ako nang nasa paanan ng kama si Lucas.
Tahimik. pero nakatitig sa akin. wala akong mabasa sa kanyang mukha. basta nakatingin lang siya sa akin. ano kayang iniisip niya?
Bumangon ako.
" Lucas, pwede ba ako makauwi na? alam ko nag aalala na sina papa at mama sa akin,"
hindi siya sumagot kaya napalunok ako.
" Hindi naman ako magsusumbong sa kanila sa ginawa mo. at saka... " tumitig ako sa kanyang mga mata.
" Babalik naman ako dito, " napansin ko na natigilan siya. napabuntong hininga siya bago tumayo.
Lumapit siya sa akin,. naupos sa tabi ko at marahang hinaplos ang mukha ko. napapikit ako dahil sa kakaibang init na nanggagaling sa simpleng haplos ng kanyang kamay.
" Stay with me, Freya, I can give you all you want just stay. here. wit me," mahina ang kanyang boses animoy nakikiusap.
"Pero Lucas, ayoko mag alala ang pamilya ko. kagagaling lang ni Mommy sa sakit, baka atakehin na naman yun kapag nalaman na nawawala ako," hindi siya sumagot pero nanatiling nakatitig sa akin.
" Please... pangako, babalik ako. kung gusto mo... pumunta ka sa bahay namin ipakilala pa kita sa kanila," alok ko pa.
He smiled. " That's a great offer, but... hindi pa rin kita papayagan umuwi," halos manlumo ako sa tigas ng mukha niya!
nakakainis siya!
" Nababaliw ka na talaga! ano? ikukulong mo 'ko dito sayo? gagawin mo ko parausan mo pagkatapos ano?" umiwas ako sa kanya at saka bumaba ng kama. tiniis ko ang kirot sa pagitan ng aking mga hita.
gusto ko lang umalis sa haplos niya! baka. bumigay na naman ako!
"Papatayin mo nalang ako pag wala ng pakinabang sayo gaya kung paano mo pinatay ang mga babaeng yon?!"
" Bullshit!" napaigtad ako nang malakas niyang sipain ang isang mesa sa harap ko!
Natumba ito at nangabasag ang mga nasa ibabaw!
Galit na galit siyang tumingin sa akin. mabilis niya tinawid ang pagitan namin at saka hinagip ang leeg ko para sakalin!
" L-Lucas!" mahina kong sambit habang hawak ko ang kamay niya na nasa leeg ko.
Namumula ang kanyang mga mata at wala ako makita doon kundi galit!
Nanlilisik it habang nakatitig saakin.
" Sa oras na tumakas ka sa poder ko, mangyayari ang lahat ng sinabi mo! papatayin kita!"
"B-bitiwan m-mo 'k-ko!" dalawang kamay na ang ginamit ko para pigilan siya pero bingi siya sa daing ko. mas dama kong lalo pa ito humigpi sa leeg ko!
No! ayoko pa mamatay!
" Your mine! mine. Mine alone!" sigaw niya sa mukha ko.
Ginamit ko na ang buong lakas ko para makawala sa kanya pero balewala ito sa lakas niya!
Mas lalo pa niya ako idiniin sa pader! binalot na ako ng takot kaya ang ginawa ko, Tinuhod ko ang bayag niya!
"Ugh! f**k!" daing niya sabay ng pagbitaw niya sa leeg ko!
Wala akong sinayang na oras. kahit dama ko ang sakit sa leeg ko maging sa p********e ko, nagawa ko pa rin siyang lapitan para muling bigyan ng isa pang sipa sa panga!
Bumulagta siya sa lakas niyon!
" Isa kang kriminal! so, totoo nga na ikaw ang pumapatay sa mga babae noon? wala kang kwenta! Mabuti na lang pala na hindi natuloy ang pagsagot ko sayo noon. dahil hindi ko maatim na maging boyfriend ang isang gaya mong kriminal!"
Umiiyak kong sigaw sa kanya habang nakikita kong namimilipit siya sa sakit ng gitna niya. sapo-sapo pa niya iyon. buti nga sa kanya, basagin ko nalang kaya yan ng tuluyan?
Pagtapos ay mabilis na akong lumabas ng kwartong yun at iniwan siya na nasa sahig.
Paglabas ko ay naabutan ko ang isang matandang babae na tila paakyat dito sa taas. may dala pa itong mga basket na may lamang nakatupiny damit.
Napatitig siya sa mukha ko. marahil nagtataka sa ayos ko.
Pero hindi ko siya pinansin at saka ako nag deri-deritso sa pagbaba.
" Iha, saan ka pupunta? si senyorito? nariyan ba sa taas?" narinig kong tanong niya pero hidni ko siya pinansin.
Hidni ako bastos pero wala ng oras. baka pigilan pa niya ako!
Lakad- takbo ang ginawa ko pababa ng hagdan hanggang sa makalabas ako ng bahay!
Pero nasa malaking gate palang ako ng marinig ko na ang malakas na tinig ni Lucas!
" FREYA!!!"