THUNDER LAVISTRE “Hindi maganda ang lagay ni Flame, mataas pa rin ang lagnat nito. Gawin niyo na lang, ito ang plano..” wika ko ng marinig ko ang sinabi ni Earl. “Sige sasabihan ko si Ava..” sagot ni Earl sa akin. “Close kayo ni Ava?” Hindi ko maiwasan na hindi mag tanong dito. Nilingon ako nito bago sumagot. “Kailan ka pa nag karoon ng pakialam? Nah, siya lang ang nagsabi sa akin ng plano ni Flame..” sagot nito at pag tatanong. Umiling na lang ako at nag salita. “Nagulat lang ako, sabagay hindi ito malabo matagal kayong nag kasa——” naputol ako ng mag salita si Earl. “May gusto ka ba sa kanya?” Tanong nito na kina lingon ko ng marahas. “Anong sinasabi mo?!” Gulat na tanong ko dito. “Wala!” Sagot ko dito. “Kung may gusto ka magsabi kana hindi ‘yung pasimple ka pa, halata ka naman. H

