FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Nagising ako at doon ko na pag tanto na wala ako sa kwarto namin ng asawa ko at ng mga bata. “Akalain mo ‘yan? Sa tanda mong ‘yan tinablan ka parin ng trangkaso?” Tanong ni Madrid sa akin na kina lingon ko. Luminga linga ako sa paligid ko kaya hindi ko agad nakita ang gagawin nito. “Hindi naman ako katulad mo, tumanda kana sa edad mong ‘yan wala ka paring asawa. Bakit kasi hindi mo pa pakasalan si Kuya Thunder? Baka mauna ka ni Av—— s**t!” Daing ko ng sikmuraan ako nito habang nakahiga. “Tigilan mo ako matagal na kaming tapos ni Thunder..” sagot nito. “P-pero mahal mo pa nakikita ko sa mga mata mo. Kung ako sayo mag papaka-totoo na lang ako. Hindi naman mahirap gawin ‘yun..” sagot ko habang hinihimas ko ang sarili kong sikmura. Hindi ito kumibo kaya

