Chapter 3-Dustup

2481 Words
Weak. Frozen. Powerless. That's what I felt as Priam started the battle silently. Nagawa na ito dati saakin ni Cael. He froze all my keeps and made me powerless for a moment. Hindi maaring maging isang taker din siya at may kakayahan siyang patayin ako dahil isa sa bawat nakatakdang henerasyon lamang ang pwede maging total keeper at taker. Kami 'yon ni Cael, wala nang iba pa. Pinilit kong humakbang palapit sa kanya. Susunugin ko siya sa oras na dumapo ang mga palad ko sa katawan niya. Pero parang pasan ko ang isang daang toneladang bigat sa aking mga paa at kamay. Papaano nagagawa ng isang tri-keeper na kontrolin ang anim kong properties? Anong klaseng kakayahan meron ang lalaking ito? Halos manginig ang pang-ibaba kong bibig nang pilitin kong gumalaw uli ngunit parang isang malamig nang yelo ang aking katawan. Kumislap ang asul niyang mga mata kasunod ang pagngisi niya ng nakakaloko. "You have the six keeps Hearthopia. Now prove it." Narinig ko uli ang baritono nitong boses na tila isang malamig na yelong lumulusot sa bawat hibla ng aking kalamnan. Nagngitngit ako sa sobrang pagkadismaya. Hindi ako pwedeng mabigo. Sumisigaw sa gigil ang utak ko pero sadyang isa nang bloke ng yelo ang aking katawan. Ramdam kong umaakyat na ang lamig patungo sa aking dibdib. Biglang kumirot ang bahaging iyon ng katawan ko na tila bawat ugat na nakadikit dito'y binubuhusan ng nagyeyelong tubig. Nagsimula na rin akong pagpawisan ng malamig. Nangangatog ang tuhod ko na tila hindi na kakayanin ang bigat ng aking katawan. "Try harder," bulong nito pero dinig ko parin. Tila hinahatid ng hangin ang kanyang malalim na pagbulong. Isang beses pang kumislap ang mga mata nito. It was heavy; both the gravity and the weight on my back. I tried to keep standing still. I failed. Napangiwi ako ng todo nang bumagksak sa marmol ang dalawa kong tuhod. Kumawala ang malakas kong sigaw dahil sa sobrang kirot. Halos mabingi ang buong location five. Nang akmang babagsak na ang aking katawan ay naitukod ko ang dalawa kong palad at nilabanan ang malakas na hila ng lupa. Konting-konti na lang at tuluyan nang manlalamig ang aking puso at gulugod sa likod hanggang sa wala na akong maramdaman. Pinilit kong magpakawala ng hangin gamit ang aking bibig para maibsan ang masikip na sensasyon pero walang nagbago matapos kong magbuga ng hangin. Kasunod non ay halos masuka ako sa mabigat na pwersang sumisipa sa aking sikmura. Nanghina ako. "Ahhh!" Nangilid ang mga luha sa aking mata nang halos sakalin ako't gilitan na ng hininga ng lamig sa aking katawan. Laurent. Laurent... tanging sigaw ng utak ko hanggang sa kusa nang nagsara ang mga talukap ko. Wala akong nararamdamang hanging pumapasok sa aking baga. Malamig na ang buo kong katawan. Wala akong maramdaman maliban sa papahinang kabog ng aking dibdib. Tila isang lampara ang aking pusong nauupusan na ng apoy. Nawawala na ang liwanag na nagbibigay buhay sa buo kong sistema. Isang ihip na lang at sasakupin na ako ng kawalan. Lubbb... Dubb... Bago natigil sa huling pitik ang puso ko, narinig ko ang isang boses. Lara. Huwag kang bibitaw. Huwag kang susuko... Laurent! Sigaw ng utak ko. Nadugtungan ang papatigil kong t***k ng puso. Laurent! Lara... ang marinig ko ang boses nito saking utak. Isang kuryente 'yon sa aking katawan. Hindi ko alam kung totoo ang boses nito o bahagi na naman ng mga ilusyong binuo ng pangungulila ko sa kanya. "L-lau-laurent!" Pautal-utal kong sabi. Umapaw ang init sa aking dibdib. Hanggang sa maramdaman kong parang tinutunaw ng aking buhay at umaapoy na dugo ang mga yelong bumabalot sa aking mga ugat. Kumalat ang mainit na likido sa loob ko hanggang sa maramdaman ko ang aking mga kalamnan. Nagawa kong igalaw ang aking mga daliri pati ang buong bisig at katawan ko'y wala na sa kontrol ni Priam. Pagbangon ko'y sumalubong saakin ang walang emosyong mukha ng tri-keeper. Kumislap na naman ang mga asul nitong mata. Umiwas ako ng tingin, hindi ko alam kung automatikong ginawa 'yon ng aking utak o sadyang naging reflex na ng aking katawan bilang isang depensa sa posibleng pag-atake niya. Pinakiramdaman ko ang paligid. Walang pagbabago sa aking katawan. Normal parin ang aking pagkilos. "Can't move?" Mahina ngunit makahulugang tanong ng lalaki. Nakatayo parin ito sa sentro ng platform at walos walang pinagbago sa postura at ekspresyon ng mukha. Nasa mata nito ang dahilan kung bakit ako napaparalisa. Kaninang iniwasan ko ng tingin ang mga mata niya nang bigla itong kumislap, wala akong ibang naramdaman. "I c-can't m-move!" Tumawa ito ng pagak. Halatang natutuwa itong nakikita akong nahihirapan. "Now, I'll freeze you to death." Nagkunwari akong nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan. Hindi ako gumalaw at pinaniwala siyang paralisado parin ako. Nagsimula na ito sa kanyang plano. Mula sa kanang hintuturo nito'y nagpalabas ito ng isang usok hanggang sa dumami at kumalat ito sa buong paligid. Naramdaman ko ang pagkagat ng lamig sa aking mga paa dahil sa nagyeyelong usok na ikinalat niya. The fith location was mantled by smog. Gagawin niyang yelo ang buong paligid kasama ako? Nataranta ako sa naisip. Kahit na pagkukunwari ang hindi ko pagkilos, hindi parin ako nakakasiguro kung malulusutan ko ang gagawin niya. Kailangan kong makaisip ng paraan kung paano ko siya matatalo. Narinig ko ang pagpitik ng kanyang mga daliri. Kumilos ang nakakalat na usok na parang may sariling buhay at mabilis na naipon ang mga ito palibot saakin. Kaagad kong inipon ang malakas na enerhiya ng apoy sa aking dibdib. Kung gagawin niya akong yelo, tutunawin ko ang yelo niya kasama siya! Hindi ako nagkamali sa naisip. Inipon niya ang malamig na usok palibot saakin hanggang sa balutin ako nito ng yelo. Literal na nanlamig ako at hindi nakakilos dahil nasa loob na ako ng isang bloke ng yelo. Hihintayin kong ibaba niya ang kanyang depensa saka ako susugod para tunawin siya at ng yelo niya. Napatiim ang mga bagang ko sa naisip. Naaninag ko siya mula sa yelong nakabalot saakin. Naglakad ito palapit sa kinaroroonan ko. Wala paring emosyon sa mukha nito-sinlamig ng yelo niyang kapangyarihan. Dinoble ko ang nakaipong enerhiya ng apoy sa aking dibdib hanggang sa isang metro na lang ang pagitan namin. Ibinaba nito ang nakataas na kamay na ginamit niya para gawin akong yelo saka bumuntong hininga na paarang dismayado sa ipinamalas ko. Mabilis. Nagngingitngit. Walang impit. Pinadaloy ko ang naipong enerhiya ng apoy sa magkabila kong braso. Nabalot na rin ang katawan ko ng apoy kaya nalusaw ng wala pa sa dalawang segundo ang yelong nakabalot saakin. Sa pagkatunaw ng yelo, sumalubong sa mukha ko ang nagulat na mukha ni Priam. Yumuko ako ng mabilis at inipon ang aking pwersa sa aking tagiliran patungo sa kanan kong kamao. Mula sa baba ay pinaakyat ko ang umaapoy kong kamao patungo sa sikmura ng lalaki. Susunugin ko ang lamang loob mo! Sigaw ng utak ko habang palakbay ang kanang kamao ko palapit sa kanya. Nagulat pa ako nang halos hindi ito kumilos at hinintay ang pagdapo ng umaapoy kong kamao sa kanyang sikmura. Hindi naman ako nagpigil at mas lalong pinalakas ang enerhiya sa aking bisig. "Ahhhhh!" Napasigaw ako nang pakawalan ko ang malakas kong suntok. Tinamaan ko siya sa sikmura. Nagsalubong ang kamao ko at ang katawan niyang sing tigas ng yelo. Biglang bumuo ng usok ang sagupaang 'yon na parang nagsasalpukang apoy at tubig. Nasunog ko ang kasuotan nito pero tila parang wala siyang naramdaman sa aking suntok. Nagtama ang aming mga tingin -ang nagtataka kong mga mata at ang nanlilisik niyang titig. Bago pa kumislap ang mga mata nito ay mabilis na akong tumalon paatras saka ko pinakawalan ang isang malakas na fire ball. Laking gulat ko nang hampasin lang niya itong parang isang laruang bola. Tumilapon ang fire ball sa isang gate at sumabog 'yon ng malakas. Balewala lang sa kanya ang malakas na fire ball? "Hearthopia, masyado pang maaga para magsayang ka ng enerhiya. Hindi pa ako nakakapagsimula." Dinig ko ang baritono nitong boses. Boses na halos kahawig ng kay Laurent. "Ngayon, simulan mo nang ipakita na karapat-dapat ka sa mercenary guild ng Cairos." kalmado nitong sabi saka ngumisi ng bahagya. Kung kaya ko lang tawagin ang mga tagapangalaga ng aking six keeps... Kung kaya ko lang. "Ako na lang ang aatake. Susubukan ko ang iyong depensa." 'Yon lang ang nasabi nito bago ko napansin ang mabilis na pagkilos ng kanyang kanang binti pahampas saakin. Binalot ko ng aking earth keep ang buo kong katawan at mabilis na nasangga ang sipa nito gamit ang dalawa kong bisig. Napaatras ako ng ilang pulgada sa sobrang lakas ng pagsipa nito. Naramdaman ko ang kirot sa aking mga bisig. Hindi ko pa halos naibuwelo ang aking mga tuhod upang umatras at lumayo sa kanya ay nagawa na niyang pakawalan ang kanyang energy ball pahampas saakin. Naiiwas ko ang aking katawan at daplis lang ang inabot ko sa kanang binti. Sumabog ang lupang kinalalagyan ko kaya napatalon ako palayo sa kanya. Gamit ang aking wind keep, pinalutang ko ang aking sarili at mabilis na bumuo ng energy ball. Pinaghalo ko ang aking wind and light keep. Pasugod na si Priam nang pakawalan ko ang malakas na boltahe ng kuryente. Mabilis ang mga pangyayari pero nagawa parin niyang kontrahin ang aking kapangyarihan. Gamit ang nga palad nito, inipon niya ang mga hibla ng kuryenteng kumawala sa mga palad ko at nagawa niyang kontrolin ito bilang sarili niyang enerhiya. Nagmistulang mga lubid na ako ang nakagapos ang mga kidlat na pinakawalan ko. Tila isang magnetong hinihila ako palapit na siya ang may kontrol. Nawalan ako ng kontrol sa kuryenteng kumakawala sa aking mga palad at naangkin iyon ni Priam. Binigkis ng hibla ng kuryente ang magkabila kong palad hanggang sa mawalan ako ng kontrol dito. Suddenly, Priam raised the thread. Lumutang ako ng ilang metro pataas. Bago ko pa tangkaing kumawala mula sa kuryente kung saan ako nakatali ay naramdaman ko na ang paggalaw ng hibla paikot. Iwinasiwas ako ni Priam paikot habang hawak parin niya ang kabilang dulo ng electric thread. Ilang saglit pa ay ibabalibag na ako nito sa lupa. 'Yon ang nararamdaman ko. Kailangan ko siyang mapigilan. Kailangang makagawa ako ng paraan. Hindi ako maaaring mabigo. Kailangang makuha ko ang golden stone. Napakapit ako ng mahigpit sa tali ng kuryente. Napasigaw ako ng malakas bago ko pinabulusok mula sa magkabila kong palad ang malakas na kombinasyon ng dark at fire keeps. Pinadaloy ko sa electric thread na 'yon ang umaapoy kong itim na kapangyarihan hanggang sa lamunin nito ang bawat kuryenteng nadadaanan. Nang maramdaman ko ang huling pagbuwelo ng tali at ibabalibag na ako pabagsak sa lupa ay dinoble ko ang kumbinasyon ng fire and dark keeps. Nakaabot ito sa kamay ng lalaki bago niya magawang iwasiwas ako pabagsak. Sa reaksyon nito'y tila napaso siya sa aking dark fire kaya mas lalo ko pang pinausbong ang itim na apoy na 'yon. Sinubukan niyang depensahan ang kanyang katawan nang tinangka niyang balutin iyon ng matigas na yelo pero natupok parin ng apoy ang pang-itaas niyang kasuotan hanggang sa mapaso na siya. Tila nanghina ito nang masagi siya ng apoy kaya sinamantala kong hilain siya palapit gamit ang taling hawak namin pareho. Pansin kong nawala ito sa sarili nang makakita ng dark flame. Nahila ko siya palapit. Nang halos dalawang pulgada na lang ang layo nito, mabilis ko uling binalot ng apoy ang kaliwa kong kamao. Mula sa naipon kong pwersa sa tagiliran ay pinakawalan ko paikot ang aking kamao patungo sa kanyang mukha. Narinig ko ang tunog ng nadurog nitong buto sa mukha dahil sa malakas kong kamao na noo'y balot ng earth, fire and dark keep. Naputol ang taling nagbibigkis saamin at tumilapon ito ng ilang metro. Nagawa parin niyang balansehin ang kanyang katawan kaya paluhod siyang bumagsak sa lupa kasabay ng pagtulo ng dugo mula sa pumutok niyang labi. Mahina siya sa apoy. Isang konklusyong nabuo ng utak ko. Mabilis siya, malakas at may kakayahang kontrolin ang kapangyarihan ng iba maliban sa apoy. Tumayo ang tila nainis na lalaki sabay pahid sa dugo gamit ang likod ng kanyang kanang palad. Kumislap na naman ang mga mata nito at tuluyang hinubad ang gutay-gutay nitong saplot. Tumambad sa harapan ko ang makinis at matipuno nitong pangangatawan na marahil ay banat sa training. Nanlilisik ang mga mata nito at tila handa na akong durugin anumang oras na magsimula ito. Nang tuluyan itong makatindig ay isang malakas na hanging may dalang kidlat ang bumalot sa kinatatayuan niya. Napansin ko ang pag-angat ng malakas nitong aura na tila ngayon lang niya pinakita. Ito na ba ang tunay niyang lakas? Ibig bang sabihin ay hindi pa niya nilalabas ang tunay niyang kapangyarihan kanina? "Huwag mo akong maliitin Hearthopia. Hindi porke't nagawa mo nang madaplisan ang aking mukha ay nangangahulugang kayang-kaya mo na ako." Isa 'yong banta mula sa kanya. Naramdaman ko ang lakas ng kapangyarihang nananalaytay sa aura nito. Pinalakas pa niya ang enerhiyang nakabalot sa katawan niya na halos itulak ako palayo ng malakas na hanging balot sa kuryente. Sa kabila ng lahat, nagawa ko paring salubungin ang kanyang enerhiya. Tumindig ako at binalot ng flame of six keeps ang aking katawan. Gagamitin ko lahat ng natitira kong lakas para makuha ang golden stone. Kahit na ano pang mangyari, hindi ako susuko! "Ahhhhhhhh!" Malakas ang naging pagtugon ng enerhiya sa aking katawan kasabay ng aking pagsigaw. "Haharapin ko ang sino mang magtatangkang pigilan ako para mahanap si Laurent!" Kumilos ng mabilis si Priam. Tila isang kometang patungo sa kinaroroonan ko. Binuo ko ang isang malakas na bolang kombinasyon ng fire and dark keep. Sasalubungin ko siya gamit ang itim na bolang apoy na 'to! The clash created a very strong outward force. Kumawala ang mga hibla ng kuryente nang magkasalubong ang mga kapangyarihan namin ng chief commander. Halos mabiyak ang lupang kinatatayuan ko sa sobrang lakas ng banggaan. Naramdaman ko kung gaano kalakas ang tinatapon na enerhiya ng aking katunggali. Nanginig ang bawat kalamnan ko hanggang sa manghina na ang aking tuhod. Walang gustong sumuko saamin, ubusan ng lakas at kapangyarihan. Ilang segundo pa nang tangkain kong padaluyin at pakawalan ang kombinasyon ng anim kong keeps para pasabugin ang kalaban, isang malakas na boses ang narinig namin sa kawalan. Hinuha ko'y taga council of magic ito na nangangasiwa sa pagsusulit. "Chief Commander Cloud, maari ka nang tumigil. Tapos na ang pagsusulit." 'Yon lang at mabilis na umiwas si Priam palayo sa akin habang nasa kamay ko parin ang energy ball na gawa sa anim kong keeps. Nang lingunin ko ang lalaki'y naglalakad na ito palayo sa fifth location na parang walang naganap. "Wait!" malakas kong tawag sa lalaki. Tumigil ito para pakinggan ang susunod kong sasabihin. "Bakit tinapos ang laban? P-pumasa ba ako?" hininihingal kong sabi. Naghintay ako ng kasagutan. Wala akong ideya kung anong susunod nitong sasabihin. Hindi natapos ang laban at naka-isang suntok lang ako. Hindi ko alam kung pumasa ako o hindi. ###
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD