ALVIS Nicali Sin, ang class S assassin na nagtangka sa buhay nina Lara at Miranda. Naririnig ko na ang pangalan nito bago pa ako maging mercenary. Isa ito sa pinakamatinik na assassin sa bansa ng Arihua, isang bansang pinamumugaran ng mga bandido at mga mamamaslang. Karamihan sa mga mamamayan nito ay sinasanay sa murang edad upang maging assassin. Kung isa siyang class S, nangangahulugang malakas ito at hindi pupwedeng maliitin. Sanay ito sa labanan, lalo na sa p*****n. "Nicali Sin, class S assassin?" tumawa ng pilit si Amber na halatang napikon dahil sa paggambala nito saamin lalo na sa usapan nila ni Silex. "Nicali Sin, assassin na dapat kaliskisin ngayon din!" Mabilis na sumugod si Amber habang nakahanda sa palad nito ang water whip na gawa sa tubig. Lumukso ito ng mataas saka pinak

