Chapter 7-Operation: Brave Heart

2595 Words
AMBER This is it! Panahon na para hanapan ng jowa ang bestfriend kong si Fhaun at baka sakaling tubuan ng puting pakpak at maging kasing bait ni Alvis. I have done my reasearch sa mga posibleng prospects. Nahanapan ko na ng paraan kung papaano ko iseset up ang tagpo ng mga ito kay Mistress Fhaun. Hawak ko ang match-making list na pinaghirapan ko at pinag-isipang mabuti. Hindi ako pwedeng pumalya sa misyon na 'to dahil dito nakasalalay ang forever ni Mistress Fhaun. "Patingin ng listahan," pangungulit ni Kaiser habang naglalakad kami sa kalagitnaan ng merkado ng Cairos. Tinangka nitong agawin saakin ang listahan pero mabilis ko itong siniko sa sikmura. Malakas ang tawa ni Cael nang makitang naisahan ko ang kapatid niya at halos hindi nakahinga sa ginawa kong pagsiko. Nasa likuran ko lang ang mga ito na parang mga batang nakikiusyoso habang nasa harapan namin sina Lara at Alvis na kanina pa nagtatawanan. Nakakairita ang gestures ng dalawa at parang walang Amber na nasasaktan para kay papa lulu. Gosh! I really hate you papa lulu. Baka maubos ang kapangyarihan ko kakabantay kay Lara sa mga umeepal na boys. Malaki na ang ibabayad mo saakin pagbalik mo! Kakalbohin kita! Naisaloob ko habang naglalakad parin sa maingay na palengke ng Cairos. Pupuntahan na namin ang unang sasabak sa lupit ni Fhaun. Ang unang ex-boyfriend ni Mistress Fhaun na si Conrad Sanch. Antaray ni Fhaun, nagkajowa naman pala eh. Si sir Conrad ang nagmamay-ari ng pinakamalaking weapon gallery sa buong Cairos. Biyudo at may isang anak. Dati itong miyembro ng league of defense ng Cairos at nagkakilala sila ni Mistress Fhaun dahil kay reyna Elmaea. Hindi na ginamit ni Alvis ang light transmission technique nito dahil wala ito sa misyon. Mahigpit na pinagbabawal ng mercenary guild ang paggamit ng keeps kapag nasa pampublikong lugar at kung hindi naman kailangan. Dahil isang anghel na matuwid si Alvis, hindi ko parin ito napilit na gamitin ang kakayahan niya kahit na ilang pagpapa-cute pa ang ginawa ko. Buti pa si Laurent, he can break the rules anytime for his friends. Kaya team Laurent ako forever. "Sabi mo, ang unang boyfriend ni Mistress Fhaun ay isang sundalo ng Cairos dati?" usisa ni Kaiser. Sinabayan ako nito sa paglalakad. Nakatrench coat ito ng kulay brown at nagbalat kayong isang ordinaryong mamamayan lang ng Cairos dahil sa suot nitong peluka. Ganon din sina Cael at Lara na nakagayak ng pangkaraniwang kasuotan. Naka-wig ng kulay itim si Cael at si Lara nama'y nakasalamin ng makapal. Wala sa itsura ng mga ito ang pagiging mga anak ng hari. Gone are the purple, red, gold and silver na dati'y kulay lang ng mga maharlika o reiol. Lahat ng mga mamamayan ay pwede nang magsuot ng kulay maharlika. Tinanggal na ng haring Holoma ang color coding na naging simbulo ng diskriminasyon sa loob ng maraming taon. "Mukha kang tanga sa wig mo," irap ko kay Kaiser na halos idikit ang mukha sa pisngi ko para lang matignan ang listahan ko. Halos nalanghap nito ang hininga ko nang bulyawan ko. Tila nalason naman si Kaiser sa pagsigaw ko sa kanya ng malapitan. He shook his head so incessantly as if trying to gather his consciousness. "Woah! Amoy isda ang hininga mo. Ano bang kinain mo?" Natampal ko ito sa mukha ng di oras dahilan para matawa si Cael sa aming likuran. Malakas ang tawa ng kapatid ni Lara. Walang tigil habang nakasunod saamin. "Mahal ka niyan Amber kaya balewala sa kanya kapag pinipisikal mo siya. Gawin mo ng madalas!" Natawa din si Kaiser sa sinabi ng kapatid. Tila umayon ito at hindi na tumutol pa. "Tigilan niyo ako! Kayong magkapatid ah, pagbubuholin ko kayo pagkatapos nito," angil ko sabay irap at mabilis na naglakad para maabutan sina Lara. Sa wakas ay nakarating kami sa weapon gallery ni sir Conrad. Napakalaki ng shop nito at masasabi kong ito ang pinakamatagumpay na weapon shop ng Cairos. Pinagbuksan kami ng isang lalaki na may pilat sa kanang pisngi. Nasa edad treinta ito paraas. Magiliw itong bumati saamin na parang sanay na sanay na sa pagbibigay ng magandang serbisyo. "Nasaan si sir Conrad Sanch?" mabilis kong tanong sa lalaki bago pa ito nakapagtanong kung anong sandata ang sadya namin. Hindi namin kailangang magsayang ng oras. Kailangang maipon ang tatlong prospects bago magdapit-hapon. "Nasa bahay pa po. May mensahe ba kayong nais iwan?" magilie paring tanong ng lalaki. Agad kong inilabas ang tarheta na naglalaman ng kunwari'y liham ni Mistress Fhaun kay Conrad saka inabot sa lalaki. Nagpakawala ako ng matamis na ngiti bago nagsalita, "kailangan namin ng isandaang piraso ng shuriken at gusto ng amo namin na si sir Conrad mismo ang magdala nito sa kanya." "Pero miss-" hindi nito alam ang itatawag saakin. "Amber," pagpapatuloy ko nang hindi parin kumukupas ang ngiti saaking labi. "Miss Amber, hindi po gawain ni sir Conrad ang pagdedeliver ng mga sandata. May mga tao pong gumagawa no'n para sa shop." Napakamot ito ng ulo na tila ayaw pa sa pinapagawa ko. Nililibot naman nina Lara ang buong gallery at tila walang alam sa ginagawa ko. Napansin ko pang tila naaaliw sina Cael at Kaiser sa mga espada. "Ibigay mo na lang 'yan please pretty boy?" Prinitty boy na kita kahit hindi totoo. Kapag umangal ka pa, gagamitan na kita ng dark spell ko. "Kasi po-" Hindi ko na pinatapos ang lalaki. Hindi ko na rin kinailangan ang wand o ano mang bote sa poku bag ko para mapasunod ang lalaki. Sinubukan kong gamitan ito ng dark incantation na pinag-aralan ko sa nakaraang mga buwan. I whispered, "torquem mandata... torquem mandata... torquem mandata." Torquem mandata, isa iyong makapangyarihang dark incantation na nangangahulugang "chain of commands". Ibig sabihin, sa oras na banggitin ng lalaki ang utos ko kay Conrad at susunod ang huli sa anumang gustuhin ko. Ito ang unang beses na sinubukan ko ang incantation at tila umubra ito sa natulalang lalaki. "Amber?" Lara cut the silence. May paghihinala sa mga titig nito habang papalapit saakin kasunod si Alvis. Nangungusap ang mga mata nito at tila nang-uusig. Did she see it? Tanong ko sa sarili ko. "What did you do?" Lara asked with a gaze of scrutiny. Kilala ako nito kaya hindi ko rin siya masisisi kung bakit nagtataka ito't hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. "Pinakiusapan ko lang yong lalaki," I lied. Naguilty ako, pero kinailangan kong gawin'yon para hindi na magduda si Lara. "Lara felt something dark around the corners. Nag-alala lang siya," Alvis explained. Marahil ay para ipaliwanag kung bakit naging ganoon na lang ang reaksyon ng matalik kong kaibigan. "Naramdaman ko ang presensya ng darkness kaya akala ko'y baka napano ka na at sinapian ng kung ano," pagpapaliwanag ni Lara. "So okay na ba ang una nating prospect?" Bumawi ako ng ngiti. Lusot ako. Ngumiti uli ako saka pinasadahan ang listahan. "We're done here. For sure bago magdilim ay nandoon na si Sir Conrad sa academy. Don na tayo sa next love interest ng gandang si Fhaun." "Saan yan?" halos magkasabay na tanong ng magkapatid na Cael at Kaiser. "Sa Southun. Medyo malayo," reklamo ko at pagpaparinig kay Alvis. "Malayo nga," Kaiser agreed. Kahit papano'y may ginawa ring matino ang lalaki. Nakatingin lang ito saakin. Parang alam nitong ayaw kong magbiyahe ng halos limang oras papuntang Southun kaya siguro sinoportahan ako nito sa aking hinaing. "Aabutin tayo ng pasado sa tanghalian kapag nagbiyahe tayo papunta do'n." Nang makalabas kami sa gallery ni Conrad ay saka nagsalita si Alvis. Ramdam nitong ang desisyon niya na lang ang hinihintay ng lahat. "Baka kahit ngayon lang Alvis?" susol pa ni Lara. Pati ito'y naisip na rin ang sitwasyon. Nagpalipat-lipat ng tingin saamin si Alvis. Naintindihan kong hindi na kami gaya ng dati na pupwede pang baliin ang batas sa tuwing gugustuhin namin. Iba na kasi ang lahat, isa na itong mercenary keeper at may sinusunod itong Guild Rules na pinangako niyang isasapuso noong ordainment. Alvis sighed deeply. Alam nitong wala na itong takas sa kakulitan namin. "Maybe sometimes we can bend the rules for friendship and brotherhood." "Yes!" bulalas ko. Napasuntok pa ako sa hangin na labis na ikinatuwa ng lahat dahil para akong nanalo sa pustahan. "Let's go somewhere hidden para walang makakita," anito. Naglakad na ito palayo sa mataong merkado ng Cairos. Sumunod naman kami. Ilang minuto ang inabot bago kami nakahanap ng lugar na walang tao -sa likod ng palengke kung saan maraming puno at talahib. Namiss ko ang pakiramdam ng under lightning transmission. 'Yong tipong hinihila ako ng enerhiya pataas na halos maghiwalay ang katawan at kalukuwa ko tapos in an instant para kang ibabagsak ng mabigat na enerhiya sa isang bagong lugar. Naexcite ako. "Sa'n tayo?" Alvis asked. Nginitian pa ako nito nang magtama ang aming tingin. "Long River Valley, bayan ng Ayuman, Southun," basa ni Kaiser sa listahang kanina'y hawak ko. Napansin nito ang panlilisik ng mga mata ko kaya agad na nagpaliwanag, "nahulog mo 'to kanina habang kausap mo yong mama sa may gallery kaya pinulot ko." "Akin na 'yan!" mabilis kong hinablot ang listahan. Nahulog ko habang kausap ko yong lalaki kanina? Ibig sabihin nawala ako sa sarili habang sinasagawa ang dark incantation? Gosh! Hindi maganda 'to. "I know that place. Malapit do'n ang bayan ko." Tila natuwa naman si Alvis sa narinig. Sa itsura nito'y parang sinasariwa niya ang mga ala-ala ng kanyang paglaki sa Southun. "Kapit lang. Let's go!" Napakapit kami sa balikat ni Alvis. Pagkadapong-pagkadapo ng palad ko sa balat niya ay naramdaman ko ang malakas na hila pataas. Hindi pa ako nakakahinga ay nasa Long River Valley na kami. That was so fast! "Oh wow!" narinig kong sabi ni Lara habang sapo ng palad nito ang dibdib. Napakurap-kurap pa ako para sa mabilisang pagbawi ng aking mga mata sa pagkakasilaw dahil sa lightning transmission. Nahinto ang panlalabo ng aking paningin at bumungad saakin ang isang napakagandang tanawin. Nasa harapan kami ng isang napakalinis na ilog na nasa gitna ng disyerto. Isang buhay na buhay na ilog sa gitna ng napakainit na disyerto. Mabuti na lang at may mga nagsitubuang palm trees sa gilid ng ilog kaya hindi kami masyadong nahirapan dahil sa init ng disyerto. "Dumadaan itong ilog na 'to sa limang bayan ng Southun. Ito ang bumubuhay sa sa buong Southun," Ani Alvis. Alam na alam nga ni Alvis ang lugar na hinahanap namin. Ilang minuto lang ng paglalakad nang matagpuan namin ang bahay ni Andro Raguin, ang crush ni Mistress Fhaun noong araw. Isa itong white-winged keeper. Simple ang naging pamumuhay ni sir Andro. Nakatirik ang batong bahay nito ilang metro mula sa ilog. Halos punuin ng palmera at cactus ang bungad ng bahay nito na sa tingin ko'y siya mismo ang naglandscape. According to my research, isa itong mahusay na artist and at the same time mahilig sa mga halaman. Kakatok na sana kami sa pintuan ni sir Andro nang boluntaryo kami nitong pinagbuksan. Nagkatinginan pa kami dahil sa tinuran ng mama na parang alam nito ang aming pagdating. "Naramdaman ko ang intensyon ng pagpunta niyo kaya agad akong tumigil sa pagpipinta para salubungin kayo. Kamusta si Fhaun?" the old man said without hesitation. Hinuha ko'y gwapo ito noong kabataan niya kaya siya naging crush ni Mistress Fhaun. Matangos ang ilong nito at nangungusap ang mga mata. Infairness, may taste si Mistress Fhaun. "Sir Andro," buwelo ni Lara na tinangkang magpakilala muna, "ako po si-" "Lara Hearthopia Holoma, kasama ang mga kapatid mong si Caelius Hearthopia Holoma at Kaiser Holoma. Kilala ko na kayo bago pa kayo isilang." Natatawang sabi ng lalaki. Lumabas ito sa pintuan at nagpatiunang tumungo sa hardin kung saan may lilim ng mga palm trees ang gazebo nito sa gilid. Sununod naman kami na punong-puno ng katanungan sa utak. Hindi ko napaghandaan ang mga pangyayari. Wala sa mga sinaliksik kong libro na may kakaibang kakayahan ang crush ni Fhaun bukod sa pagiging white-winged keeper nito. Naupo ito sa gitna ng gazeebo. Tatlo ang upuang nasa lamesa. Naupo si Lara at Amber sa harap nito habang nanatili kaming nakatayo sa kanilang likuran. Halos lamunin kami ng katahimikan at hinintay na muling magsalita ang matanda. Hindi naman kami nito binigo. "Fhaun was a good friend. Alam kong matagal na panahon na ang lumipas pero sariwa parin sa isip ko ang lahat. The reason why she remains single until now is because of what happened before." "Ano pong nangyari?" Awtomatikong usisa ko. Ganito ang mga impormasyong hindi ko palalagpasin dahil wala ito sa libro! "She fell inlove with the dark master. Ginamit siya ng dark master para mapalapit at mahulog sa bitag ang magkapatid na Amry at Elmaea which happened. Nililigawan ko no'ng mga panahong yon si Fhaun, but I had to surrender dahil sa pagsulpot ng dark master. Mas kinailangan ako ng tungkulin ko." "Nagpanggap na tao ang dark master?" Alvis solicited for an answer. He sounded so curious. "Yes, and he successfully tricked Fhaun. It broke her heart. Marahil hanggang ngayon, maghihilom parin ang sugat na iniwan nito sa kanya. Kung maghilom man, mahihirapan na itong magmahal muli dahil sa laki ng iniwan nitong bakas ng sakit." Andro sighed to keep himself relieved, "Napakamasayahing babae dati ni Fhaun. Exactly opposite to what she portrays now." "C-can you help us get her old self? The old happy Fhaun?" It sounded like I was asking a favor. Halos mapa-cross fingers ako habang hinihintay ang sagot niya. "I can help. Pero hindi ako ang taong kayang magbalik sa dating ngiti ni Fhaun. I know someone who could," the old man sadly said. Bakas sa mulha nito ang kagustuhang makatulong kahit papa'no. "Sino?" we chorused almost with a tone of excitement. "Alvis Runes," tawag nito sa lalaki sabay senyas na lumapit ito sa kanya. Nang makalapit si Alvis kay Andro ay saka ito bumulong sa lalaki. Tila nagulat pa si Alvis sa sinabi nito pero bumalik din sa kalmado nitong anyo pagkatapos. Alvis released a deep breath. Parang may nalaman itong mahalagang impormasyon na gumulat sa kanya kaya pilit niyang pinapakalma ang sarili. "Okay guys, hands on my back. We're going somewhere," boluntaryong pumagitna si Alvis. His face a bit troubled. Mabilis na pinatong ni sir Andro ang palad nito. Sumunod naman sina Lara at Cael. "Where are we going?" taka kong tanong. Napalingon din ako sa gulat na si Kaiser. "We're going West. Don't mind the list Amber," Alvis commanded. Tumango pa ito para kumbinsihin kaming kumapit na sa kanya. "Let's go," dinig kong sabi ni Kaiser bago ko naramdaman ang paghawak nito sa palad ko. Bago pa ako makapagreact ay naramdaman ko uli ang upward pull na dulot ng lightning transmission. The next thing I saw was the blue waters of Westeros. Nasa harap kami ng pintuan ng isang bahay na gawa sa bato. Ang natatanging bahay sa isla kung saan kami napadpad. Bakit kami nasa Westeros at bakit ako sinabihan ni Alvis na idisregard ang nasa listahan? Paano na ang plano kong dream date ni Mistress Fhaun? "Trust the old man Amber. I can see his pure heart," narinig kong bulong ni Alvis. Naramdaman ko pa ang pagtapik nito sa balikat ko. Kumatok si sir Andro. Nakatatlong uli pa ito bago may pumihit sa seradura ng pintuan. Halos pigil ang aming paghinga habang nakaantabay sa taong dudungaw sa pintuan. Naglangitngit ang malaking pintuan sa pagbukas nito. Pinunit ng tunog nito ang katahimikan sa buong paligid. The door was half opened, it revealed a handsome face of a guy with white silky hair. Halos napanganga kaming lahat sa taong nagbukas ng pinto para saamin. This came by surprise at hindi ko napaghandaan ang muli naming pagkikita. "S-Silex!?" ###
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD