Nakita ko siya sa lobby ng palasyo. Nakaupo at may hawak na kumpol ng lavender. Suot nito ang puting uniporme ng mercenary guild. May kahabaan na ang kanyang buhok na lagpas balikat at mukhang dalawang araw na itong hindi nag-aahit dahil sa papatubo na nitong balbas. It made him look more manly... more handsome. I guess.
Anlaki na ng pinagbago nito. Naging mas matipuno ang pangangatawan at mukhang mas naging matikas. Nandoon parin ang maamong mga mata na gugustuhin kong makita sa mga panahong kailangan ko ng kaibigan.
"Alvis," mahina kong tawag. Bakas sa boses ko ang galak sa muli naming pagkikita.
It's been six months since the last time we saw each other. Anim na buwan bago ito umalis para sa isang misyon bilang isang mercenary keeper. Umalis ito kasama ang pangakong tutulungan akong mahanap si Laurent.
Awtomatikong lumitaw ang magiliw nitong ngiti nang makita ako. Gaya ng dati, nandoon parin ang kakaibang ningning sa kanyang mga mata tuwing makikita ako. Alam ko, hindi ko tinatanggi na may gusto saakin si Alvis. Matagal na itong nagpapahiwatig pero sadyang nirespeto lang nito ang namagitan saamin ni Laurent kaya hindi na ito naglakas ng loob para sabihin saakin ang nararamdaman niya.
He is such a good guy. Hindi siya mahirap mahalin. Kung pwede lang turuan ang puso, matagal ko na sigurong sinimulang pag-aralan ang mahalin siya.
"Lara, kamusta ka?" bati nito sabay kabig saakin. Sununod kong naramdaman ang mainit na yakap nito saakin. Nasamyo ko na naman ang minty heaven scent nito na nagpapaalala saakin noong gabing dinukot ako. "Balita ko ngayon ang pre-ordainment test niyo ni Amber? How was it?"
Hindi ako agad nakapagsalita. Sa lahat ng taong kakilala ko, kay Alvis ko lang hindi kayang magsinungaling. Nahalata ng lalaki ang kawalan ng salitang sasabihin ko. Nakita ko ang mahinang pagtawa nito at pag-iling na nangangahulugang tila alam na niya kung anong nangyari.
"Priam made it hard?" kunwari'y hula na nito pero sa tono ng kanyang pananalita'y tila alam na niya kung anong ginawa ni Priam. "That's one perk of being a total keeper Lara. Most people would pick on you," tinapunan ako ng makahulugang titig ng lalaki nagpatuloy, "because you're special."
Nailang ako sa usapan. Hanggang ngayon may konting ilangan pa kami ng lalaki. Hindi na 'yon natanggal. Tingin ko'y mas lalo pang nadagdagan nang umalis ito at matagal na hindi kami nagkita. Wala akong makapang salita ng mga ilang segundo. Hanggang sa humanap ako ng palusot para maputol ang nakakadeliryong ilangan at katahimikan.
"P-para kanino ang hawak mong bulaklak?" usal ko. Mabuti na lang at naisip kong gawing palusot ang bulaklak.
Tila nagising naman ito at nagulat dahil hawak parin niya ang mga bulaklak. Natawa ito ng bahagya at pinutol ang pilit na halakhak para magsalita. "For you, ofcourse."
Tinanggap ko ang mga lavender at mabilis na sinamyo. Napansin kong natuwa ito nang amoyin ko ang mga bulaklak. "Lavenders. How refreshing. Salamat, Alvis maupo ka."
Naupo ito sa kabilang dulo ng mahabang sofa at umupo ako sa kabila namang dulo paharap sa kanya.
"Galing ako ng Gorgos. Those flowers came from the hidden forest of Gorgos. Naisipan kong dalhin 'yan dito kasi alam kong magugustuhan mo... and I'm glad you liked them."
I smiled back as I met his gaze.
Nabanggit nga nitong pupunta siya sa Forgotten City o ang Gorgos. Isang bansa ang Gorgos na isang karagatan lang ang pagitan sa Cairos. May mga naririnig na akong katiwalian sa Gorgos na marahil ay naging bahagi ng misyon ni Alvis. Pakiramdam ko'y may dalang balita si Alvis galing Gorgos.
"K-kamusta ang Gorgos?" usisa ko.
"Wala na kaming naabutan," malungkot nitong simula. "Tanging abo na lang ng siyudad ang naabutan namin at ang masaklap ay wala kaming naabutang buhay. May nga masasamang pwersa parin sa mga karatig bansa Lara, at ang masaklap ay hindi nila kilala kung sino ang pasimuno ng lahat ng 'to. Wala pa kaming nahahanap na ebidensyang makapagtuturo saamin sa pasimuno ng lahat."
"A-anong plano niyo?" nag-aalala kong tanong. Hindi ko naitago ang pag-aalala sa aking mukha.
"Babalikan namin ang Gorgos para mag-imbestiga. Baka sa susunod na dalawang lingo. Depende sa utos ng mga kasapi ng hari sa mga karatig na bansa. Nakadepende ang lahat sa Royal Allegiance kung saan kasali ang ama mo."
Sa nabalitaan ko, pakiramdam ko'y kailangan kong mas pagtuonan ng pansin ang mga pangyayari sa mga karatig bansa. Naramdaman kong kailangan kong tumulong. "Is there any help na kayang ibigay ng Cairos aside from sending mercenary keepers?"
"The neighboring countries need you Lara." Diretsahang sabi ni Alvis.
The words kept me shut for a while. Biglaan ang mga balita. Hindi ko napaghandaan.
"Ikaw lang ang total keeper sa henerasyong 'to. Base sa nakita ko, mas malala pa sa mga tenebris ang mga kalaban sa labas ng bansa natin. You are the one who is only at par with what's lurking out there. They need you Lara." Alvis made his point. Hindi na ito nagpaliguy-ligoy pa.
Natigilan ako ng mga ilang segundo. Papaano ko ipapaliwanag kay Alvis na hindi na ako sinlakas ng dati? Na wala na saakin ang anim na gabay ng six properties. I swallowed the surprise poured upon me and disguised to be in perfect composure.
Alvis seemed to have believed my balanced steel reaction. Naniwala itong ako parin ang dating Lara na kayang tapatan ang kapangyarihan ng dark master at kayang pabagsakin ang pinakamalakas na dragon sa mundo.
"Did Priam ask you to convince me?" Hindi ko na naitago ang pagdududa sa aking mukha. Alam kong may kinalaman ang lalaking 'yon sa mga sinasabi ngayon ni Alvis.
Tumango ang lalaki. His gaze was genuinely true and sincere. "Hindi naman ako papayag sa gusto niya kung alam kong hindi 'yon ang mas nakabubuti. Priam knows we need a total keeper in our guild to help on this mission."
Umiling-iling ako. Naramdaman ko uli ang inis sa lalaking 'yon. Alam niyang kailangan ako sa guild, anong dahilan niya para ipahiya ako at huwag ipasa kunwari sa pagsusulit?
"Lara, I'm sorry kong tinaon ko pa sa pagdalaw ko ang pangungumbinsi ko sa'yo," sinsero nitong paumanhin. He never fails to be genuinely honest and true. Laging siya ang batayan ng katapatan at kabutihan.
"Kilala kita. Alam kong gagawin mo kung ano ang tama. 'Yong paniniwala mong kapag ginawa mo ang tama, ginagawa mo ang mas nakabubuti. I understand."
Lumapit ito sa kinauupuan ko. Laking gulat ko nang hawakan niya ang mga palad ko. Naramdaman ko ang mainit nitong palad na sumakop sa mga daliri ko. Seryoso itong tumitig saakin na tila buong buhay niya ay normal na sa kanya ang mga ganoong diretsong pagtitig. Nag-init ang mga pisngi ko.
"Lara," naramdaman ko ang pagpisil nito sa palad ko, "pag-isipan mong mabuti ang lahat ng 'to. Alam kong nahihirapan ka pang magdesisyon dahil sa paghahanap mo kay Laurent pero alam kong kapag nandito siya, gugustuhin din niyang gawin mo ang tama. Laurent maybe sometimes stubborn but he's just most of the time."
Dahan-dahan kong binawi ang aking mga palad. Narinig ko pa ang palihim na buntong-hininga ng lalaki.
"Pag-iisipan ko. I have until tomorrow para makapagdesisyon. Pero salamat Alvis," tumitingin ako sa lalaki na nakangiti na uli, "salamat sa bulaklak, sa pagdalaw mo."
Mas lumuwag ang ngiti ng lalaki. Balik sa dati ang usapan namin. Marami itong naikuwento tungkol sa pagiging mercenary keeper niya. Ang pakikipaglaban sa iba't ibang uri ng nilalang. Ang agdiskubre sa kanyang mga natatagong kakayahan. Naibalita rin nito ang tangkang paghahanap kay Laurent pero sa kasamaang palad ay naunsyami ito dahil sa matinding sinapit ng Gorgos.
Nasa kalagitnaan ito ng pagkukwento nang isang nakakabinging boses ang biglang sumingit sa usapan.
"Mga traydoooooor!" Si Amber at ang maingay nitong bunganga. Nakabusangot ito at halatang hindi nagustuhan ang nakitang masayang kwentuhan namin ni Alvis.
"Amber!" Bati ni Alvis sa babae na parang balewala naman ito sa sinigaw kanina.
"Huwag mo akong ma-Amber Amber! Hindi porket guwapo ka ay pwede ka nang magpa-cute kung kani-kanino! Not with mama lala! Nooooo! Never!" parang batang naupo sa gitna si Amber habang nakade-quatro at nakahalukipkip ang mga kamay.
"Amber?!" awat ko sa nababaliw kong kaibigan.
"Huwag mo rin akong ma-Amber Amber Lara!" then, she became teary eyed. Akala ko'y bahagi 'yin ng biro niya. Pero hindi. Hindi na pala bahagi 'to ng kakwelahan niya. "H-how could you hurt papa lulu when all he thinks about is you? H-ha-hahow?"
Nagkatinginan kami ni Alvis. Mukhang seryoso na nga ang drama nitong si Amber. Alvis' gaze looked like what-am-I-gonna-say-to-comfort-her? He looked doomed.
"Amber," Alvis said bravely, though in the history he never became close to her dahil sa Laurent versus Alvis issue according to Amber, "it's not what you think. H-hindi ko inaagaw si m-mama lala kay papa lulu." Finally he was able to say it. Napatingin pa ito saakin bago tinapik at hinimas ang likod ni Amber. Alvis looked relieved.
"Amber, dumadalaw lang si Alvis. Hindi mo ba siya namiss?"
Humikbi ang babae. Mukhang may dinaramdam. "Namiss." Nagpalipat-lipat ito ng tingin saamin ni Lara. Nilunok pa nito ang bikig sa lalamunan bago nakapagsalita. "I'm not against Alvis. I don't hate you being around Lara, maybe sometimes... I-I just, I just miss us. Namiss ko si papa lulu, si Silex, si ruru na ayaw nang isoli ni Mistress Fhaun at ng chismoso kong pusa. Namiss ko kayo, pati si Silex. Everything changed pagkatapos nating lumabas sa Cairos Academy. I miss the feeling of being happy and inspired. I miss the A-Team." Tuluyan nang humagulgol si Amber. Hindi na nagpapigil.
Matagal na pala nitong inipon ang kalungkutang dala ng pagkakahiwa-hiwalay ng A-Team. Hindi ko alam kung bakit ngayon lang umabot sa sukdulan ang pangungulila niya. Marahil ay nang makita niya kaming nagtatawanan ni Alvis ay naalala niya ang samahan ng grupo dati. Kung paano sila maglambingan at magpatayan halos ni Silex sa harap namin. 'Yong panahong pagagalitan siya ni Laurent dahil sa mga abubot niya at malalaking maleta tuwing may lakad kami. Kung paano niya ako tuksuin kapag kaharap si Laurent. Kung paano magbangayan si Alvis at Laurent. 'Yong mga panahong parang ang turingan namin sa isa't isa'y magkakakabit na buhay na hindi pwedeng paghiwalayin. Namiss ko din ang pakiramdam na ligtas ako sa gitna ng panganib dahil alam kong hindi ako nag-iisa.
Nasaan na kaya ang iba?
"Hoy Lara, moment ko 'to. Ba't ikaw naman ang umiiyak diyan?" singhal saakin ng nagpupunas-luhang si Amber.
Hindi ko namalayang naluha ako sa pagbabalik tanaw kong 'yon. Bigla akong nahiya nang lingunin ko sina Alvis at Amber. Nakita ko sa mga mata nito ang kalungkutan at pangungulila dahil sa iisang rason, ang A-Team.
"I'm sorry," paumanhin ko sabay punas sa tumulong luha sa aking kanang pisngi.
"It's okay. I understand." Mahinang sabi ni Alvis.
"Humh," buwelo ni Amber. Alam kong sa mga ganong entrada ng pananalita nito'y may naisip na naman siyang gagawin. "Diba wala naman kayong gagawin bukas?"
Napailing ako kasabay ni Alvis.
"Tutuparin ko na ang pangako ko kay Mistress Fhaun." Naexcite na bulalas ni Amber na halos mapalundag sa kinauupuan.
"Ano 'yon?" Sabag kaming napatanong ni Alvis. Nagkatinginan pa kami nang nakakunot ang noo.
"Hahanapan ko na ng jowa si Gandang Mistress Fhaun! Panahon na para matapos ang napakahabang paghihintay sa forever ng antique beauty ng Cairos Academy!" Amber gasped in exasperation. "Are you in or out?"
"Sama kami!" Biglang sumulpot si Cael kasama si Kaiser mula sa pintuan. Halatang kinausap na ng mga ito ni Amber.
"Okay. Kasali ako diyan!" Napasigaw din si Alvis.
"Sige. Sasama ako sa pakulo mo madam Amber!" Napa-oo ako ng di oras. Ramdam kong kakailanganin namin 'to para maibsan ang pangungulila namin sa isa't isa.
"Alright! This is Operation Kilig ni Fhaun!"
Sabay-sabay kaming napahalakhak sa ipinangalang misyon ni Amber.
"Bukas na 'to ah! Agad-agad kasi mamayang gabi, magreresearch na ako ng mga wannabees!"
###