LARA
Nakalayo na kami sa mercenary hall pero anong ginagawa ng lalaking ito sa lugar na 'to? Hindi ba't dapat ay nandoon siya para sa mga pumasa ng pagsusulit? Ano bang problema nito? Hindi pa ba ito tapos sa pang-aasar saakin?
"Hearthopia, I need to talk to you," hinahabol nito ang paghinga nang masigurong nakalapit na ito saamin. Tumigil ito at bumalik sa dating ekspresyon ang mukha -seryoso at blanko.
"Anong pag-uusap pa ba ang kailangan mo chief? Andami mong delay ah. Daig mo pa ang babaeng hindi mapakali kapag walang buwanang dalaw," napipikong sagot ni Amber.
"Hindi ikaw ang kausap ko. Kaya pwede bigyan mo kami ng space ni Lara... ni Miss Hearthopia," masungit nitong sabi sabay irap kay Amber. Masungit talaga ang lalaking 'to.
Tinaasan naman nito ng kilay ni Amber saka nagpameywang bago nagsalita. "Hearthopia, Hearthopia. Napakapormal mo. Hindi bagay. Dapat sana sinabi mo na lahat kay Lara ang mga hinaing mo sa buhay bago ka pa nasuntok. Tsk!"
"I said not you." Matalim ang titig nito kay Amber. Pagkatapos no'n ay nilagpasan niya ito para kausapin ako. I heard him twist his fingers as he did during our battle.
Amber froze.
Nagulat ako sa ginawa nito kay Amber. Alam kong kaya niyang manipulahin at gawing parang bato ang kalaban pero nagugulat parin ako kahit na minsan ay naging biktima na niya ako. "A-anong ginawa mo kay Amber? It's not necessary!"
Lumapit ito saakin. Napaatras ako ng ilang talampakan pero hindi ito tumigil sa paglapit. Hanggang sa itinukod ko paharap ang aking kaliwang kamay para pigilan siya at huwag nang paikliin ang distansyang namamagitan saamin.
"She'll be fine. Babalik siya sa dati pagkatapos nating mag-usap," seryosong sabi nito. His gaze almost shattered my whole being. His deep blue frozen eyes on mine. Makapangyarihan talaga ang mga titig nito.
Nailang ako at bumawi ng tingin. "What do you want?" tipid kong sabi. Kailangan ko lang tanungin ang pakay nito para matapos na ang nakakailang na sitwasyon.
"I-I'll let you in," nagdalawang isip pa ito sa sasabihin. Halatang hindi nito gusto ang mga nangyayari.
"Ano?"
Umiwas ito ng tingin. Halatang nahiya sa pagbabago ng desisyon niya. Napabuntong hininga ito at parang nag-ipon ng lakas ng loob para magpaliwanag. Parang hindi ito sanay sa ginagawa. "Look, Lara... ang totoo niyan, you passed. It's just that-"
"Just what?" I raised a tone. "Naglolokohan ba tayo o sadyang hindi mo lang talaga alam kung gaano kahalaga saakin ang makuha ang batong 'yan?" halos pabulyaw kong sabi. I felt betrayed. Again.
Tila nagulat naman ito sa halos pasigaw kong boses. Pinanlakihan ako nito ng mata na parang nakahanda sa kahit na anomang pagsugod na gagawin ko. "Hey, chill. I was about to give you this kaso sinuntok mo na ako." Hawak nito ang golden stone na inilahad para damputin ko sa palad niya. His facial features soften a bit. Mas nagmukha siyang tao.
Hinablot ko ang golden stone nang hindi bumabawi sa titigan namin. Napansin kong napalunok ito nang bumaling ang tingin ko sa lalamunan niya pabalik sa mukha niya.
"Is that a yes?" nalilito nitong tanong.
"Anong agenda mo?" nagpipigil kong sabi. "Bakit kailangang pahirapan mo pa ako at ipahiya? Bakit kailangan mong gawin ang lahat ng 'yon tapos sasabihin mong pumasa ako?"
"Look, Miss Hearthopia. This is just part of the test. I needed to know something about you bago kita ipasa. Ngayon, kung tatanggapin mo ang batong yan it's a yes. If not, a 'no' is the right option."
Halos durugin ko ang golden stone sa aking palad nang marinig ko ang sagot nito. Gusto kong pumasa dahil sa napakarami kong dahilan. Pero ang malamang halos walang maibigay na rason kung bakit ako pinaglaruan ng lalaking 'to ay mas lalong naging mabigat sa kalooban ko ang lahat.
I've been broken and somebody still wants me crushed into smaller pieces. Hindi makatarungan.
"Say yes or no Miss Hearthopia. Say yes and you'll go back to the mercenary hall with me and Miss Frost or say no and give back the golden stone," kalmado nitong sabi.
Inilahad ko ang ginintuang bato ng gemini sa aking palad. Tila nabasa naman nito ang pagtanggi ko sa alok niya kaya akmang dadamputin na niya ito nang bigla kong balutin ng itim na apoy ang aking palad. Halos ubusin ko ang enerhiya ng pinaghalong dark at fire property sa aking kamay para malusaw ang gintong bato.
Nanlaki ang mga mata ni Priam sa nasaksihan. Nalusaw at naging likido ang golden stone sa harap nito. "Holly s**t. What are you doing?"
"This is how I say NO," i said calmly. Nang masiguro kong lusaw na ang bato at halos dumaloy na ang lahat ng bahagi nito sa lupa ay saka ko tuluyang pinigil ang pagpapalabas ng apoy sa aking kamay.
"You're impossible!" sigaw nito.
"Ibalik mo na sa huwisyo si Amber. Aalis na kami," tugon
ko sa nagngingitngit na lalaki.
Wala naman itong nagawa. Sa isang pitik ng kanyang mga daliri ay muling bumalik sa dati si Amber.
Katahimikan ng ilang segundo.
"Oh Lara? What happened?" gulat na tanong ng babae.
"Aalis na tayo Amber. Kailangan ko nang magpahinga. Pagod na ako." Totoong pagod na talaga ako sa lahat ng pangyayari sa araw na 'to. Pagod na din yata ako sa lahat ng panlilinlang. Nauna na ako sa paglalakad at naramdaman ko ang mabilis na yapak ni Amber palapit saakin.
"Mukhang ginulantang mo ang ungas na 'yon Lara. Anong nangyari? Kinindatan mo?" pabirong hirit ni Amber na napahawak sa bisig ko na parang walang nangyari.
Ngumiti ako sa kaibigan at lihim na dinamdam ang mga sinabi ni Priam.
Hindi ko alam kung anong naging kasalanan ko sa nakaraan kong buhay at naging gan'to kalupit ang tadhana saakin. Pagkatapos ng kaguluhang ginawa ng pagiging Hearthopia ko akala ko'y magiging maayos na ang lahat. Sa sumunod na buwan, iniwan ako ni Laurent. Walang paalam. Sa kagustuhan kong mahanap siya, sinubukan kong maging mercenary keeper pero hindi parin sang-ayon saakin ang kapalaran. Bumagsak ako ng hindi alam kung bakit. Tapos babawiin ng chief commander mercenary guild ang desisyon ng walang masabing dahilan.
Masakit mapaglaruan mg tadhana. Pero mas masakit 'yong pinaparusahan ka ng paulit-ulit kahit sinusubukan mong mamuhay ng tuwid at tama.
"Alam ko kung anong nangyari sa six keeps mo Lara!" pinutol ng paglilitanya ng utak ko ang boses ni Priam. Natigilan ako sa sinabi nito.
Papano niya nalamang wala na saakin ang mga na tagabantay ng anim na elemento? Papaano niya nalaman ang sikretong ako lang ang nakakaalam?
"Alam ko kung bakit hindi mo na sila matawag nitong mga nagdaang taon. Alam ko kung anong nangyari kay Laurent Hale at kung bakit ito nawala bigla. Ang pagkawala ng anim mong gabay ay may kinalaman sa pagkawala ni Laurent."
Sunod-sunod. Parang pasabog na bigla na lang gumulat saakin. Hindi ko napigilan. Hindi ko napaghandaan.
"Oh gosh Lara." Yon lang ang nasabi ni Amber. Pati ito ay nagulat din sa sinabi ni Priam.
"S-sino ka ba talaga? Anong alam mo?" malakas kong tanong sa lalaki. Sinalubong ko uli ang mga titig nito.
Nakatingin ito ng diretso saakin na parang walang kasinungalingan sa lahat ng sinabi niya. "Marami akong alam. Mula sa kung paano mo nilagyan ng seal ang itim na libro at kung paano itinago ang pagkawala ng anim mong gabay. Laurent knew your secret, but he did not tell you."
"Nasaan si Laurent?" napalapit ako kay Priam. Pero pinigilan ako nito gamit ang kakayahan niyang gawin akong bato. My feet felt numb. I can't move an inch.
"Malalaman mo ang lahat ng 'yan kapag dumalo ka sa ordainment ritual. It's just a yes or no Lara. I have my reasons kung bakit ako mismo ang humarap sa'yo sa fifth location. I know you already have your answers and I have explained myself." His voice seemed sincere. Tumalikod na ito saakin at naglakad palayo. Hindi na ito tumigil o lumingon pa.
Nang masiguro niyang malayo na ang distansya nito saakin ay nakita kong itinaas nito ang kanang kamay saka pinitik ang mga daliri para ibalik ako sa normal. Bumagsak ako sa lupa kasabay ng pagbagsak ng mga luha sa aking mga mata. "Laurent knew how I lost my six guardians. Pero bakit kailangan niyang umalis?"
Naramdaman ko ang mga bisig ni Amber. "Lara, let's get you home first. Ako rin ay nagulat sa sinabi ng Priam na 'yon pero kailangan mo munang umuwi at magpahinga. Hinihintay ka na nila Cael."
Nahimasmasan ako sa sinabi ni Amber. Naramdaman ko pa ang pag-akay nito saakin kasabay ng marahang paghaplos niya sa likod ko para tumahan. Napapikit ako at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili.
Alam kong magiging mahirap pero wala naman akong ibang choice kundi huminga at magpatuloy. Malayo na ang narating ko. Ngayon pa ba ako susuko?
"Lara tara na. Uwi na tayo."
***
Pinagbuksan kami ng mga kawal. Sinalubong naman kami ni Kaiser na halatang natuwa sa presensya ni Amber.
"Ate, kamusta ang pagsusulit?" magiliw nitong tanong saakin habang nakangiti pero alam kong sa iba nakatuon ang mga tingin nito.
"Huwag mo munang kulitin si Lara kasi pagod 'yan," masungit na sabat ni Amber.
"Eh ikaw pwede?" hirit pa ni Kaiser sa nagsusupladang si Amber.
"Wala ako sa mood," paarteng sabi ni Amber. "Marami pa akong gagawin, kailangan ko pang pagplanuhan ang susunod na blind date ni Mistress Fhaun na napakachoosy. Kala mo kagandahan." Napahagikgik si Amber sa sinabi.
"Tulungan kita. Magaling ako sa mga ganyan," nagsisimula na namang kulitin ni Kaiser si Amber. Nakita ko pa ang halos pagkurap-kurap ng mga mata nito sa kaibigan ko -nagpapacute.
Bagay na nakasanayan ko na. Magkukulitan tapos magkakapikunang parang mga bata hanggang sa mag-away. Minsan umabot na nagkagamitan sila ng kapangyarihan at nawasak ang silid aklatan ng palasyo. Pero hindi na naulit dahil sa banta ng amang haring ipagtatali sila ng ilang buwan hanggang sa magkasundo.
"Nasaan na si Jolly mo?" tanong uli ni Kaiser kay Amber habang papasok kami ng palasyo.
"Na kay Mistress Fhaun. Nagtatagisan sila ng talino. Sinusulit ni Fhaun 'yong chismosong pusa para malaman kung magkakaasawa at magkakaanak pa ba siya." Natawa si Amber. Malakas at nakakabingi. "Kung may goddess of hope, malamang si Mistress Fhaun na 'yon." Tumawa uli ang babae na sinabayan naman ni Kaiser.
Iniwan kong nagbabalitaan ang dalawa nang mapansin ko ang pagdating ni Cael na tila may dalang balita. Nakangiti ito at parang kinikilig sa ibabalita saakin.
"Ate, may bisita ka. Manliligaw mo yata kasi may dalang bulaklak," nanunudyong bungad saakin ni Cael.
"Hah? Eh sino?" taka kong tanong.
"Alvis daw," natatawang sabi nito saka ako tinapunan ng makahulugang tingin.
###