“Verna? Ayos ka lang?” Napakurap ako at bumalik sa paningin ko si Tito Brycen na mukhang nag-aalala dahil nag space out ako. Tumango ako agad, “I’m fine. Naisip ko lang gaano kaswerte ang mga anak mo sa iyo.” “At kung ano ang pakiramdam kung may ama ka na ganito din sa iyo?” balik tanong nya sa akin na nagpaiwan sa aking nakanganga at basag ang depensa. How can he possibly know that? Wala pa ni isang tao ang nakakahula ng iniisip ko spot on. Just how? “Paanong…” sambit ko na nagpangiti naman ng malungkot sa kanya. “You are good at keeping a poker and hard to read face Verna. I give you that much. Pero nahalata ko pag tungkol sa usapang pamilya na ang dali mo nang mabasa,” he said quietly while staring at my eyes directly, “Nung mabaling sa pamilya usapan natin, your face showed

