“Walang tatayong hindi busog ha?!” malakas na utos ng lalaki sa aming mga nakaupos sa palibot ng hapag-kainan habang sunod-sunod na inilalapag ang malalaking servings ng kanin, chami at longganisang lucban na kahit tatlong matanda at dalawang bata lang kami sa lamesa ay mukhang pang sampung katao ang nakahain, “Tirahin nyo yan at wag mahihiya! Hala sige! Sugod!” “Wait wait!” singit ng maliit na batang babae sa tabi ko, “Let’s pray first okay? In the name of the father…” Tinapunan ko ng meaningful na tingin si Kowru na nakahalata naman at ginaya naming sabay ang pagsisign of the cross ng mga bata habang nakangiti sa amin meaningfully ang lalaking kalong si Sherro na nakapikit ang mata at taimtim na nagdadasal. “Amen…” tapos ng bata na ginaya namin at nagsimula na din sa wakas ang pagkain

