“Ano ang mas gusto mo? Ito o ito?” magiliw na tanong sa akin ng kasama kong lalaki. Huminga na lang ako ng malalim at napasulyap kay Kowru na napapangisi sa kinalalagyan ko ngayon. Bwisit na bata, natutuwa pa sa dinadanas ko ngayon. Oh well. No pain, no gain. “Parang mas maganda itong orange for me,” sagot ko sabay inilapit ko aking mga mata ang makintab na singsing, “Citrine Quartz may not be the most valuable or expensive stone pero ang ganda ng orange color nya at nirerepresent ang Vasque perfectly.” “Perfect! I’ll take this,” masayang sabi ng kausap ko sa akin sabay tango sa nakangiting jeweler sa harap namin na mabilis sumunod at inayos na ang lalagyanan ng ring. “I still don’t know how this is related to my request,” maingat kong tanong sa lalaking nag abot ng credit card sa ca

