“Sigurado ka ba talaga dito, Ambassadress?” kabang bulong na tanong sa akin ni Kowru habang naglalakad kami kasunod ng butler ng mansion na pinuntahan namin ngayon. “Good question, Kowru,” matipid na tugon ko dito sabay pilit na ngiti sa butler na napalingon sa amin, “Actually I think hindi na importante kung sasagutin ko pa ang tanong mo diba? It’s not like may chance pa tayong mag back-out diba?” kabadong sagot ko sa aking personal guard na nanginginig na inayos ang kurbata ng suot na black suit. Naglabas na lang ito ng magkahalong buntong hininga at kinakabahang mahinang tawa as we continue our pace habang binabagtas ang marangya at malawak na patio ng pinuntahan naming villa sa puso ng isa sa pinaka exclusive village dito sa Pilipinas. Modern Victorian Era ang style ng landscaping a

