Gabi ang normal na oras ng kasal dito.
Isa sa malaking pagkakaiba sa Pinas kung saan kadalasan ay umaga o tanghali ang kasalan.
“Oh my stars! I know big time ang jowaers ni Adeng pero this is insane!” gulat na exclaim ni Elesa ng makarating kami sa tapat ng Yellan Grand Temple.
Halos hindi na makadaan ang aming sinasakyang limousine sa dami ng media people sa labas ng templo.
Animo’y umaga sa sobrang liwanag na nanggagaling sa mga flashes ng camera at sa lightings.
“Anak ng bituin. Pati Uhyghur Dynast Media nandito din? Hyillian Starry Media, Akimrean Monarchial News Agency! Is that? No way! CNN, BBC at PTV? What the hell are they even doing in Adeng’s wedding? Just who is Daniel really is?” hindi makapaniwalang tanong sa kawalan ni Torri as our limo moved slowly against the sea of flashes of reporters.
Hindi ko na masyadong napansin pa ang mga bagay na kinagugulat nilang dalawa dahil nakatuon ang atensyon ko sa Yellan Grand Temple.
I’ve been to Riksent before and I know what grandeur is.
But this one, said to be the seat of power of both state and religion of Hyillia exudes neither power nor majesty.
Instead, you can feel its mysterious aura combined with the prestige its exuding.
Parang pinaghalo bang kastilyo at simbahan ang dali sa pakiramdam.
It is a place where you can feel utter respect yet there is something ethereal sa mala dome nitong outer structure.
Like most Hyillian buildings, the whole structure seems to be made of black glass reflecting the starry night above. Para ngang nagiging invisible sa mga mata mo ang gusali at aakalain mong bumaba lang ang mga bituin malapit sa lupa.
But the two are completely worried right now are absolutely correct.
Ang daming tao talaga sa labas.
“Oh girls? Walang atrasan. Ewan ko sa inyo pero naka diaper ako. Buti na lang. Baka mapaihi ako sa kaba,” natatawang biro sa amin ni Winter na nakaupo sa tabi ng driver ng tumigil sa tapat ng templo ang aming sinasakyan.
Hindi na kami nakasagot ng bumukas ang pintuan sa tabi ni Winter at may lalaking umabot ng kanyang kamay.
“Oh ano na? Kayo pang effort sa pag memakeup kayo pa ang kabado ngayon?” puna ko sa dalawang parang any moment ay mag hahyper ventilate na sa kaba.
“Buti ka may experience ka na sa Riksent! Kami! Grabe! Major debut natin ito Torri!” napapailing na sabi ni Elesa ng mamataan namin na may dalawang lalaki na naka suit and tie ang papalapit sa labas ng pintuan ng kotse.
Tumango naman si Torri habang sinampal ng foundation ang mayamn nitong dibdib, “Tama ka, baka eto na ang break na iniintay natin. Matutupad na rin ang pangarap kong madiscover at maging starlet!” birong sagot nito kay Elesa.
“Well at any rate, isipin na lang natin na hindi tayo si Verna. We still have it easy,” pagpapakalma ni Elesa sa sarili niya sabay tingin sa akin, “Good luck girl! Una na kami sa iyo!”
Iyon lang at bumukas na ang pinto at magkasunod na lumabas ang dalawa na magkasabay inakay ng dalawang lalaking abay din at sumara na ulit ang pinto hanggang sa maiwan na akong mag isa sa loob ng sasakyan.
Lumipas ang ilang saglit at bumukas ulit ang pinto but this time to my surprise pag bukas nito ay nakita ko si Hoshiro in his black suit and tie wearing the blue and white sash of the Akimrean Royal Family with his crown secured in his right belt kneeling in front of the car door.
His eyes staring at mine.
Shining as always whenever he looked at me.
Iniabot niya ang kamay niya sa akin na kinuha ko naman as he helped me get out of the car.
Umulan ng flashes at sigawan sa paligid namin and all I can really see is him smiling at me apologetically as we walked up the stairs leading to the main door.
What is happening to me?
Ang daming tao sa paligid namin pero lahat sila ay blurred habang si Hoshiro lang ang maliwanag sa paningin.
Inilapit niya ang bibig niya sa aking tenga, “Verna favor. Kinulit ako ng state media namin na mainterview ka ng mabilis. Can you humor my countrymen for a bit? They are really curious to see you in their television.”
Bago pa ako maka angal ay may isang magandang babae na mapustura at naka blazer na pang reporter kasunod ang isang cameraman at ilang mga support staffs na humarang sa dinadaanan naming dalawa.
“Studio, this is Kiru live in the Nuptials of Adrianne of Hyillia and our very own Daniel Reid of the Reid Clan. Right now, nasa harap ko si Crown Prince Hoshiro of the Utsuwa Clan with non other than the elusive Ambassadress Plenipontentiary and Extraordinary of the Philippines to Hyillia, Verna Vera Ferta of the State of Versalia Island and the rumored girlfriend of our liege! Totoo ba ang mga bali balita na kayo ang matagal na kasintahan ni Lord Hoshiro?” excited na tanong nito sabay tutok ng hawak niyang mic sa bibig ko.
Napalingon ako kay Hoshiro na todo ang tango sa akin.
“No. Hindi ko siya kasintahan. Ni minsan,” mabilis kong sagot sa reporter na nagpangiwi kay Hoshiro.
Napakurap ang reporter bago humarap sa camera, “Studio, mukhang ang tanging totoo na haka haka ay ang kabagalan ng ating prinsipe. Ano ang live pulse survey ng mga Akimrean Viewers?”
May pinakinggan ito from her earphones bago inilipat ang mic sa tapat ni Hoshiro, “Lord Hoshiro, ayon sa latest live surey. I regret to inform you na dismayado ang 99.88 percent ng mga Akimreans sa pinakita mong kabagalan. The loudest suggestion is that you better secure her as soon as possible using all the resources of Akimrea at your disposal for the stability of our kingdom,” naiiling na sabi ng reporter sa kasama ko na nagkakamot na ngayon ng likod ng kanyang ulo at parang tanga na nagpepeke ng tawa habang pinagpapawisan.
Dahil siguro sa masama kong tingin sa kanya.
“Uhm, I promise I will do everything. Just leave it to me,” sagot nito sa reporter na mukhang hindi satisfied sa sagot niya pero mukhang out of time na sila kaya tumango na lang ito.
“That answer will suffice. For now, your highness,” matipid nitong sagot bago lumingon sa akin at genuine na ngumiti ng matami8s, “Thank you very much for your time, Ambassadress. Our people expect your visit to your future kingdom real soon,” bago pa ako makasagot ay tumalikod na ito sa akin at humarap na sa camera.
“I have sent the message of our people to our royal couple here. That’s all for now studio. Babalik ako mamaya para sa mga susunod na updates sa kasalang ito. Kiru Kirikyo of Hyillian Affairs reporting for Akimrean Monarchial News Agency, live in Yellan Temple, Hyilliopolis, Hyillia.”
Iyon lang at mukhang naputol na ang telecast nito dahil lumingon ito sa amin at magalang na yumuko.
“Its really an honor to meet you personally. I really hope the next time na mainterview kita, sa Akimrea na,” bago pa ako makasagot sa reporter ay humarap ito kay Hoshiro at umiling, “Bagal mo Hoshiro! Nakakadalawang kambal na ako nanliligaw ka pa rin sa first love mo? Aba! Ano hinihintay mo? Makaisang dosena kami ni Jire?! Anak ng bituin ka nga naman oo. Pack up guys! Change venue!” sigaw nito sa mga crew nya na nagtatawan at yumuko sa harap namin bago mabilis na umalis sa harapan namin at pumwesto sa hindi kalayuan.
“Hoshiro…,” simula kong sabi ko sa kasama kong talagang pinagpapawisan na.
Pero umiling ito at itinuro ang isang babae na wedding organizer ata na nakaway na sa amin.
“Mahuhuli na tayo Verna. Tara na,” pasimpleng lusot nito sabay hatak sa kamay ko at mabilis na kaming naglakad papasok ng templo,