Chapter 19

1823 Words
Akala ko makakakita ako ng hilera ng mga upuan gaya ng sa isang simbahan sa loob ng templo. O dikaya mga rebulto ng mga banal o mga chandelier na malalaki. But, As I walked at the grassy pathway, nakalimutan ko na nasa loob ako ng isang templo or nasa gitna ng isang capital citu. How can I explain it? It’s like… It’s like im inside a huge gigantic greenhouse dome. And all around me are flowering plants, trees of all kinds, vines crawling everywhere. I looked around and saw thousands upon thousands of fireflies lighting the surroundings. Ang tanging guide namin papunta sa sentro ng templo ay ang mga nakasabit na mga shrine lamps in a shape of falling stars. “Tumingin ka sa taas, Verna,” bulong sa akin ni Hoshiro. I looked up and I almost fell over sa nakita ko. Ang glass dome ng templo ay dahan dahang bumababa para ipakita ang kalangitan ng Hyilla that is now twinkling with countless stars illuminating everything below. Inakay ako ni Hoshiro as we follow the lead of Torri, Elesa, Summer and their partners walking in front of us. May live orchestra somewhere in this jungle like place na tumutugtog ng wedding march with a twist of folk music of Hyillia. Ilang saglit pa ay namataan ko na unahan namin ang isang burol kung saan sa tuktok ay nakita ko si Adeng kasama ang isang matangkad na lalaki na tiyak na si Daniel. Adeng is wearing this flowing black shrine gown adorned with countless diamond while her hair is beautifully braided with star clips. Her face filled with utmost joy and happiness nang mamataan niya kaming mga kaibigan niya na naglalakad papalapit sa kanya. Nakita ko sa paligid ang mga bisita na umaakyat papunta sa tuktok ng burol at nagsisiupuan sa mga wooden benches sa paligid ng peak. Tumigil kami ni Hoshiro sa paanan ng burol at hinayaan namin na maunang umakyat ang mga kaibigan ko bago sumunod sa kanilang mga yapak as instructed by the shrine guard. Nang umaakyat na kami ng burol ay nakita ko ang isang mataas na obelisk o patusok na sculpture na bato na nakaturo sa isang malaki at maliwanag na bituin sa kalangitan. When we finally arrived at the top of the hill, I almost forgot to breathe when I see how majestic and mysterious the wedding venue is. Sa likod ng burol ay bumaba ang mga glass panels para maging open space ang paligid namin and all I can see are the endless twinkling skies behind the vast mountain ranges ng Hyillia. “We should bow Verna,” sabi sa akin ni Hoshiro. I looked at him and imitated ang pagyuko niya sa harap nila Adeng at Daniel na ngayon ay nakatayo sa harap namin. Nakasuot ng matching shrine robes ang groom ni Adeng while he smiled at us and thanked us for coming. Inakbayan ni Daniel si Hoshiro samantalang inilagay ni Adeng ang kamay nya sa aking bewang bago kami pinaghiwalay ni Hoshiro. “Dito ka uupo girl. Tabihan mo ang tatlong T.H Starlets na mga ito. Magsisimula na ang ceremony,” natatawang sabi niya sa akin as she asked me to sit besides Torri, Elesa and Summer na nagtatawanan, “Quiet girls! Wag nyo naman ako ipahiya! Kahit ngayon lang! Makisama naman kayo!” natatawang pakiusap nito sa mga katabi ko na naghahagikgikan. “Oo na teh! Basta promise mo kami lagi ung focus ng nuptial video mo ha?” sagot ni Torri habang nakipag high five sa amin si Elesa. Naiiyak na tumango at nagpasalamat siya then lumakad na siya papunta sa harap ng isang shining, twinkiling star inspired altar sa gitna at tumabi kay Daniel na nakatayo at parang may hinihintay. Then suddenly a hymn of I bet no less than a hundred voices was heard all throughout the temple accompanied by the unseen orchestra. Singing and humming praises to the skies above us. “Hymn to the Stars,” bulong ni Summer at biglang namatay lahat ng liwanag mula sa mga nakasabit na lantern sa paligid namin at ang tanging pinagmumulan na lamang ng liwanag ay ang kumikinang na altar at ang mga bituin sa kalangitan. Our praises… Our hymn… Our voice… Our life… To the stars we lift our spirit high… For our gratitude is too much… Yet too much praises are never enough… May the heavenly diamonds watch over us… Who cares if we don’t live to see the sun…? Only the stars will be there on our side… We’ll wait for the wandering woman from the dream island… Who cares if we have to wait for her a thousand nights…? His white star vessel will be on her sights… We have waited long enough… Yet too much waiting is never enough… Her guide, his love shining bright… May she guide the three nations to reign forever in flight… Hmmmmmmmmm………………… Nagtaasan lahat ng balahibo ko and I felt the song pierced my heart. Ang dami ko nang nakinig na kanta sa buhay ko pero ngayon lang ako naapektuhan ng kanta gaya nito. Nawala ang atensyon ko sa nakinig ko ng nakita kong may isang babae na umakyat galing sa kabilang side ng burol. She is very motherly looking. Wearing a simple white and black shrine regalia fitting for a woman who I guess she are. Tumayo siya sa likod ng altar sa harap ng ikakasal habang nagsiyukuan kaming lahat as her handmaidens and handmeisters announce her arrival. “Her Starry Eminence, The Twentieth Yella, High Priestess of the Theocracy of Hyillia, Guardian of the Star Temple,” malakas nilang announced. “Please, at ease,” magiliw na sabi ng High Priestess sa aming lahat at nagsiayusan na kami ng tayo, “Nandirito tayo sa harap ng mga bituin para saksihan ang pag iisa ng mga liwanag ng dalawang nagiibigang ito. Nawa’y gabayan kayo ng mga tala sa napili ninyong daan na tatahakin,” solemn nitong sabi as she stared at the couple before glancing at the starry night sky. “Daniel, saksi ang mga bituin, pinapangako mo ba na mamahalin mo si Adrianne, hindi iiwan kahit ang kalangitan ay magbaga, ang mga bituin ay magbaksan sa lupa at ang mga bundok sa paligid natin ay bumalik sa karagatan?” seryosong tanong ni Yella. “Pinapangako ko,” matamis na sabi ni Daniel kay Adeng na nagpaiyak naman understandably sa babae. Tumango si Yella at hinarap naman ang bride. “Adrianne, saksi ang mga bituin, pinapangako mo ba na mamahalin mo si Daniel, hindi iiwan kahit ang kalangitan ay magbaga, ang mga bituin ay magbaksan sa lupa at ang mga bundok sa paligid natin ay bumalik sa karagatan?” tanong ni Yella. Naiiyak na tumango si Adrianne at lumuluha ng tahimik, “Opo, pinapangako.” Sinundan ko sila Torri, Summer at Elesa na lumapit sa dalawang nasa tapat ng alhar at nakita ko naman ang mga lalaki sa pangunguna ni Hoshiro na kinuha ang isang malaking night black na sedang belo na puno ng mga mamahaling diamante mula sa altar at inabot sa aming mga babae ang kabilang dulo nito bago nagsimula ulit umimik ang high priestess ng Hyillia. “Sa harap ng mga taong malapit sa inyong mga puso at buhay. Nawa’y ang belong hawak nila ang maging simbolo ng mabituing kalangitan na laging gagabay sa inyo sa inyong pagsasama.” Gaya ng turo sa amin days before the wedding, maingat na ibinalabal namin sa dalawang kinakasal ang belo at yumuko sa isang binti ang mga lalaki samantalang lumuhod naman kaming mga babae sa madamong tuktok ng burol habang nakatitig sa dalawang nakatayo sa harap ng altar bilang pagbibigay pugay sa kanila. “Sa biyaya ng ating mga ninuno na mga tala na ngayon sa kalangitan. Magsama kayong dalawa ng matiwasay at maligaya. Sa harap ng mga bituin, patunayan ninyo ang inyong walang hanggang pagmamahalan,” basbas ni Yella sabay tungo. And finally… The bride and groom shared their first kiss as husband and wife. “Magsitayo kayo mga minamahal na kaibigan at pamilya! Ipagdiwang natin kasama ng mga bituin ang kanilang unang hakbang sa bagong buhay mag-asawa!” Inalalayan kami ng mga kapareha namin para tumayo at sa gulat ko ay nagliwanag ang buong dome sa paligid namin. Napaltan ng halos nakakasilaw na puti at dilaw na sinag ang mga nakasabit na lantern sa paligid at sa kalangitan ay nagsabog ang hindi mabilang na fireworks as if the stars themselves are bursting from happiness and joy. Nagpalakpakan at hiyawan ang mga bisita habang nagkangitian naman kami nila Torri, Elesa at Summer as we congratulate Adeng and her new husband. Pumainlalang ang masayang harana ng orchestra as the guests throw petals to the newly wed and us in front of the altar. Tumabi sa akin si Hoshiro at ngumiti ito ng matamis bago tumingin sa kalangitan na ngayon ay puno ng mga makukulay na fireworks at spotlights. I followed his lead and also looked above the skies. This is my first time attending a wedding ceremony. I only saw catholic weddings sa t.v but this is something else. It’s short and very very sweet and solemn and I can’t help but wish in my wildest dreams na balang araw maging ganto rin kaganda ang kasal ko if ever. I’m so busy staring at the skies na hindi ko namalayan na kaming dalawa na lang pala ni Hoshiro ang natira sa tapat ng altar. Nakalayo na sa amin ang ibang mga abay ni Adeng. While the couple themselves are surprisingly standing in front of us. Grinning and pointing someone behind us. Lumingon kami ni Hoshiro sa likod namin at nakita naming nakangiti ng matamis sa amin. “Ang huling pareha na naiwan sa tapat ng altar ng bituin ang sinasabing itinakda ng mga bituin na susunod sa kinasalan,” magiliw na sabi nito. Automatic na nagsimula na akong lumayo pero hinawakan ni Hoshiro ang aking kamay at hinalikan ito. “Pinapangako ko, susundin ko ang nakatakda. Diba, Verna?” makahulugang tanong niya sa akin. Nablangko lahat sa paligid ko at siya lang nakikita ko. Sa halip na magsinungaling pa ako sa sarili ko, pati na rin sa harap ng mga tao dito, I just decided to let my heart do the thinking. “Bituin lang ang makakapagsabi niyan,” I answered him meaningfully. Natawa naman si Hoshiro at nagliwanag ang kanyang mga mata, not unlike when we first met each other. Hinawakan niya ang aking mukha at hinalikan niya ang aking noo. I just closed my eyes as I heard the cheering of Adeng and the other guests. I won’t say I am expecting something to happen just because of some silly and old superstition. Pero sa daming nangyari sa buhay ko na hindi ko akalaing totoo, tanga na ako kung sasabihin kong imposible ang gustong mangyari ni Hoshiro para sa amin. As I said it. I’ll let the stars decide in time… For now, sugod na sa reception!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD