Bakit nga ba ako nagugulat pa?
As I sat down sa tabi ni Elesa sa reception area ay hindi ko mapigilang hindi mapahanga sa lugar na pinagdausan ng second part ng selebrasyon.
Nakapalibot sa gilid ng pabilog na dance area ang mga lamesa samantalang sila Adeng at Daniel naman ay nasa isang elevated platform naka pwesto direct north ng lugar.
We are all eating with at least a hundred of guests under the open air and surrounded by trees and fireflies.
Iniilawan kami ng hindi mabilang na maliliit na mga lampara at nag eenjoy sa saliw ng orchestra.
Ngayon lang namin napuna nila Torri na karamihan para sa mga bisita dito eh mga negosyante o mga matataas ang katungkulan sa Akimrea.
Ang kapatid na lalaki at nanay lang ni Adeng ang confirmed kong inimbita niya sa side niya maliban sa aming mga katrabaho niya.
Pero kahit nandito din ang halos buong account agents ng Akimrean Swift, kakaunti pa rin kami kumpara sa mga mukhang importanteng tao sa side ni Daniel.
“Okay, na curious na talaga ako. Ano ba talaga trabaho niyang si Daniel,” bulong ko kila Elesa, Torri at Summer na tulad ko ay kain lang ng kain, “Alam ko mas mataas pa sa building ng Consitechland ang credit limit kung may limit pa nga ang credit card nya. Pero di ako authorized I access ang personal info niya o source of income,” tanong ko sa kanila.
Nagtinginan kami nila Elesa at Torri kay Summer na umubo ng kaunti at uminom ng tubing bago sumagot, “Okay fine. Manager access ako so ako sasagot ganoon?” tumango kami at napailing na lang ito bago napatingin sa bagong kasal na nagsasayaw na ngayon paikot sa bonfire habang nilalagyan ng mga alahas ang pouch na nakasabit sa lalaki, “Daniel Reid is from one of the most prominent and wealthy clans of the Kingdom of Akimrea. If Crown Prince Hoshiro’s Utsuwa Clan holds the communications sector, The Reid Clan controls the infrastructures sector of the kingdom. Actually most if not all buildings here are made by their clan or in one way or another, involved in the construction kaya ganyan na lang kadami ang mga negosyante sa paligid.”
“So this wedding’s second purpose is to attract business partners?” hula ni Elesa sabay subo ng saging na saba na may chocolate syrup.
Tumango tango naman si Summer bago napakaway kaming apat kay Adeng na nag wawave sa amin.
“That and big deal na may isang Hyillian na makakasal sa isang myembro ng alta sociedad ng Akimrea. It’s not everyday or even every decades na may isang Hyillian na makakapangasawa ng someone from the Kingdom’s elites,” sunod naman ni Torri.
Napatingin si Summer kay Hoshiro na seryosong kausap si High Priestess Yella sa kabilang side ng area, “If I’m not mistaken, ang huling prominent wedding between a Hyillian and Akimrean elites ay yung sa mga magulang ni Hoshiro. Yung nanay niya ay Reyna ng Akimrea habang isang government employee ang tatay niya.”
“Naaalala ko pa kwento ng lola ko. Katakot takot na handaan ang nangyari. Imagine, a first after several centuries, may Hyillian na nakapangasawa ulit ng isang royalty, much less, head of kingdom pa kaya daw walang pakundangan ang month long celebration ng Hyillia at Akimrea,” sunod naman ni Elesa na ang rice cake naman ang tinitira ngayon.
Napatango na lang ako.
Akala ko basta lang neighboring country ang tratuhan ng Hyilia at Akimrea. Turns out they are tied with blood also.
“Nga pala, Ambasadora ka pala! Wala kami kaalam alam hah?” taas kilay na sabi sa akin ni Torri.
Umiling naman ako sabay inom ng wine, “Nako sa pangalan lang. Believe me sa pangalan lang. Anyways, kilala nyo ung mga bagong dating?” sabi ko sa mga kasama ko sabay turo sa isang grupo ng mga lalaki na kakarating lang at dumeretso kila Adeng at Daniel.
Nagbow ang mga ito bago nag abot ng isang clear box na may ribbon sa couple.
Kung hindi ako nagkakamali ay isang set ng mamahaling satin cloth ang mga ito.
Medyo tumahimik ang karamihan sa mga bisita as we all silently observed the newcomers’ actions.
Matapos nilang makipag kamay at bumati sa bagong kasal ay dumeretso ang mga ito sa pwesto nila High Priestess Yella at Hoshiro.
Ang High Priestess naman ay ngumiti at tumungo sa mga bagong dating na mga nagsiluhod sa kanilang isang tuhod sa tapat niya.
“Uyghuristanians,” may halong inis na sambit ng mga kasama ko sabay nagpatuloy na sa pagkain.
Bumalik naman ang ingay at ang magaang atmosphere ng handaan ng nagsimula na ang sayawan ng mga bisita kasama nila Adeng sa paligid ng malaking bon fire.
Parang wala ding pakialam sila Elesa, Summer at Torri na nagsimula ulit ang chismisan habang nagsisikainan.
Samantalang hindi ko naman maiwasang hindi titigan ang mga bagong dating, lalong lalo na ang lalaking ngayon ay seryosong nakikipag usap sa kunot noong si Hoshiro habang patingin tingin lang sa paligid ang mga kasamahan niya at ang iba ay umiinom ng iniabot sa kanilang wine.
I admit Hoshiro have one of the most handsome face I’ve ever seen in my life (and that’s saying something dahil sa Riksent pa lang ay kotang kota na ang mga mata ko). Pero ang nakikipag usap sa kanya ngayon na nakasuot ng red at violet colored official sash ay hindi rin papahuli sa looks factor.
Matangos ang ilong nito at ang ganda ng hugis ng mukha. He is also absentmindedly combing his hair with his hands only na nagpadagdag sa pagka angas at guwapo ng mukha nito.
Na para bang kayang kaya nyang makakuha ng babae without even trying.
Na hindi ko naman kokontrahin dahil as of now, ilang mga babaeng bisita na ang titig na titig sa kanya.
“Ambasadora, kung hindi daw po nakaka abala. Maari sana daw kayong makausap ng sarilinan ng High Priestess?”
Napatingin ako sa isang handmaiden ni Yella na nakayuko sa tagiliran ko.
“Naku. Oo naman. Masusunod,” mabilis kong sagot bago nag paalam sa mga kasama ko na tuloy pa rin ang chismisan at kainan, this time kasama si Daniel at Adeng na kinawayan ko sabay turo sa handmaiden as if to say na pinapatawag ako bago ako umalis at sinundan ang handmaiden papunta sa isang sulok ng reception area.
Hindi nagtagal at medyo nakalayo na kami sa handaan at naglalakad kami sa isang pathway sa gitna ng parang hindi matapos na kagubatan until we reached a clearing where a woman is patiently sitting at a wooden bench facing an artificial lake reflect the stars in the sky in its waters.
“High Priestess, nandito na po ang Ambasadora ng Pilipinas as you requested,” magalang na sabi ng handmaiden.
Napalingon naman ang pinuno ng Hyillia at ngumiti, “Salamat Linda. Iwan mo na kami at mamahinga ka muna,” mabait na sabi nito sa babae na nagpasalamat bago yumuko at lumakad na palayo na sa amin.
“Halika Verna. Upo ka dito sa tabi ko,” tawag sa akin ng High Priestess sabay turo sa bakanteng space ng bench.
Sumunod naman ako at umupo sa tabi niya.
Hiya akong tumingin sa kanya kaya dineretso ko ang aking mga mata at nagulat ako sa aking nakita.
Fireflies hovering lazily just above the water in the lake while the stars and the moon shining brightly. Aakalain mo na nasa tubig lang ang buwan at ang mga bituin sa sobrang liwanag at linaw ng repleksyon.
“Beautiful, isn’t it?” tanong ng High Priestess na nagpabalik sa aking isipan sa kinauupuan ko.
Tumango naman ako at huminga ng malalim, “Opo. Only the skyline of Hyilliopolis at a cloudless night can rival this.”
Nakinig kong napatawa ng mahina ang katabi ko, “I must confess, I agree. Especially pag nasakay ako sa elevator ng isa sa mga buildings dito. I feel somewhat vain, admiring the beauty of my own nation.”
Hindi na ako sumagot sa sinabi niya dahil honestly speaking kinakabahan ako.
Honestly speaking kahit mabait siya sa pananalita niya. I cannot ignore the fact that she is my employer and a power leader of not just a nation but also of one of the most influential religion in the world.
“Kaya kita pinatawag dito para siyempre makausap ka ng harapan at humingi na rin ng paumanhin dahil sa pakiramdam ko ay hindi sapat ang assistance na ibinigay ng Hyillia sa iyo noong maaksidente ka sa Riksent. As the High Priestess of Hyillia and as a mother, I deeply regret what I feel was a lack of care and help na naranasan mo,” malumanay na sabi nito.
Napalingon ako sa High Priestess at nakita ko na nakayuko ito sa harap ko.
Napailing naman ako agad, “Naku wala po iyon! Actually ako nga po ang dapat mag sorry dahil hindi naman po official ang pagpunta ko doon pero lumabas na pinadala ninyo ako doon in official position. Natatakot ako na baka masira ko reputasyon ng Hyillia. Dahil sa…. Dahil sa mga nagawa ko.”
“No need to feel worried, Verna,” alo niya sa akin as she held my hand and squeezed it gently, “Actually, I was privy with the information of what really happened and I must say I am very impressed. Few people, can fight for what they believe is for the best. Conviction mo pa lang ay kahanga-hanga na.”
“Ginawa ko lang ang nagawa ko para sa sarili ko,” matipid kong sabi sa kanya.
“Yet, as the Grand Duchess said to me, your selfish reasons as you claim it is the only reason why her son is even alive, her daughter in law and her family reconciled and I agree, the reason why their dukedom is still stable. Yes shaken and unnerved but still standing. All thanks to your selfishness,” makahulugang sabi niya sa akin as she smiled at me fondly.
Napatungo na lang ako at tumahimik.
I honestly don’t know what to say.
“Gusto ko din magpasalamat sa pagtanggap mo sa posisyon mo. Even though I know it’s additional work and you are not the type of woman who enjoyed titles and political attention,” sabi niya sa akin, “I am glad Jeff got you. Now if my son is a bit more like you then I will rest easy,” natatawang sambit niya sa akin as she smiled to herself and shook her head in resignation.
Son?
So may anak siya?
“Ako nga po ang dapat magpasalamat dahil madami kayong kinuhang kababayan ko para magtrabaho dito,” sabi ko sa kanya.
“Well, you Filipinos are rather hardworking so it is a wise choice and based on your performance alone, why won’t I do so?” natatawang sabi niya sa akin na parang wala lang ang ginawa niya.
Naguilty naman ako dahil far from perfect ang performance ko sa trabaho, “Nakakahiya nga po ang pinag gagagawa ko sa trabaho. Hindi nga ho ako maka perfect ng metrics.”
“I don’t seek perfection Verna. I honestly detest those who pursue it. Walang perpekto sa paningin ko maliban sa mga bituin. All I want is for everyone to do their best at kung ano makakaya nila. Besides, perfection differs from who is seeking it. Well let’s just say that your performance, to my eyes and to your workmates is perfection. So wag mo alalahanin and keep on doing what you can, all right?” motherly niyang tanong sa akin.
“Right,” sang ayon ko sa kanya.
“By the way. What can you say about the wedding, Verna?”
Bumalik sa alaala ko ang napakagandang kasalan kanina, “Gusto ko balang araw ganun din ang kasal ko.”
Sa halip na sumagot ay tumawa na lang ng mahina ang High Priestess bago tumayo at yumuko sa akin, “Salamat sa oras mo Verna. I hope you will continue to live your life here with us. We will meet again.”
Iyon lang at lumakad na ito palayo pero napatigil ito bago tumingala sa kalangitan.
“Come what may Verna. Pinapangako ko sa mga bituin sa kalangitan. Ako mismo ang magkakasal sa iyo. Come what may,” makahulugang sambit niya bago lumakad muli hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.