Chapter 21

1806 Words
Hindi ko sinagot si Yishein which seems to be perfectly fine with her as she drives carefully. Kinabukasan after ng kasal ni Adeng ay nagpasya ako na magpalamig muna sa Pinas kahit isang linggo lang or something. Pero laking gulat ko na lang ng harangin ako ng Airport Guards ng Hyillia at sabihan na revoked na ang passport ko at hindi ako makakalabas ng bansa. I didn’t even bother asking for the reason because we all knew here kung sino ang may pakana nito. Kahit saan ako magpunta sa labas ng condominium building ko ay laging may nakabuntot sa aking mga civilian soldiers ni Hoshiro. I mean, sino pa ba ang magpapabantay sa akin? Papunta sa trabaho at pauwi. Papunta sa kainan. Shopping kasama si Elesa etc. ay laging may ilang mga sundalo na nakamasid at nakasunod sa akin. I bet mas madami pa sila pero hindi ko na mahalata ang iba dahil nga mga naka plain clothes lang ang mga ito. Pero I know they are out there. Ramdam ko ung pakiramdam na pinagmamasdan lagi ako, binabantayan at sinusundan kahit san ako magpunta. Ilang beses na akong sinusubukang kausapin ni Hoshiro pero hindi ako nagpapatinag hanggat di niya sinasabi sa akin ang dahilan bakit ganoon na lang ang galit niya sa bansa ni Ravinder. Considering the fact na open naman ang trade ng langis and other manual labor ng Uyghuristan sa Hyillia at Akimrea. Sinubukan kong magtanong sa mga kakilala ko at sa mga katrabaho ko pero curiously, iniiwasan nila akong sagutin. “Girl, alam ko naman na mahal na mahal ka ni Mochabits back when she was living. In fact, ikaw ang kaisa-isang tao maliban sa akin na hindi niya sinubukang murderin. And I really, really love you for that. But as much as I want to answer your question. It’s a taboo here and I think you better ask the Crown Prince himself since, it’s rather, personal and at the same time, sensitive issue. Sorry talaga,” paumanhin ni Elesa one time na kinulit ko siya if she has the idea bakit ganun si Hoshiro. Same din nila Adeng, Torri at Summer ang sagot. Sinubukan kong i-search sa internet pero mukhang censored ang anything related to Uyghuristan at personal infos nila Hoshiro at Ravinder. Maging ang political ties ng Hyillia, Akimrea at Uyghuristan ay hindi ko din maaccess. And those are the reason bakit hindi mawala ang galit ko kay Hoshiro kahit ilang beses pa itong nagmakaawa sa akin. I remembered one time na umalis ito ng condominium na basag ang panga dahil tinuhod ko ang mukha nya ng lumuhod ito sa harap ko para mag sorry pero ayaw sagutin ang tanong ko. I never answered his calls or his daily messages. Sinoli ko lahat ng ibinigay niya. Pinanganak ako na ayaw na pinaglilihiman ng impormasyon. Add that to the fact na Alumni ako ng Vasque Faction and one of if not the most irritating thing to us is being denied of crucial information. I ignored him. Oo hindi ko makalimutan si Hoshiro. Paano mo makakalimutan ang taong dahilan bakit may isang batalyon ako ng sundalo na walang pagod na nakabuntot sa akin? Add that to the fact na weekly nabisita sa akin si Yishein. Hindi ko matanggihan ang kapatid niyang i accommodate at kausapin. Or often times, samahan sa pag gala with Elesa. I cannot forget the fact na sinubukan nya akong ipagtanggol sa kapatid niya (that alone deserves my utmost respect dahil isang malaking lakas ng loob na pumanig sa ibang tao na hindi mo kadugo much less against sa kapatid mo). Also the fact na kaya ako nakalayas ng gabing iyon ay dahil pinigilan niya si Hoshiro na habulin ako at bwisitin pa. I know she is spying for her brother pero I just decided to ignore it. As if naman may magagawa ako. I know Yishein is keeping the direct command of the soldiers tailing me. Making sure I won’t do anything suicidal (sinubukan kong tumalon mula sa isang mataas na platform at honestly gaga ata ako dahil kung hindi nagsisulputan ang mga sundalo sa likod ko ay tyak baka nangalas na mga buto ko) at ang lumabas ng bansa (ilang beses din akong nagtry lumabas ng bansa pero may nakikita lagi akong sibilyan na mukhang sundalo na katabi ng mga Airport authorities na humaharang sa akin). Sinubukan ko ding mag request sa High Priestess ng intervention pero nganga pa rin ako. Turns out, hawak ng Akimrea ang defense, international relations at communications ng Hyillia in turn for Hyillia taking care of the culture and religious needs ng Akimrea. So kahit gusto pa daw ako tulungan ni High Priestess Yella ay hindi daw niya hawak ang international relations sector ng bansa nya. I just give up and lamely trying to live the rest of the past few months working non stop at ang weekly visitation ni Yishein to check on me. Hindi na nagpakita ng pagmumukha niya si Hoshiro after I broke one of his ribs noong yumakap ito sa kanang binti ko at nagmamakaawang parang tanga sa harap ng madaming tao sa lobby ng condo. I kicked him hard sa tadyang bago walang lingunan na iniwan ito na namimilipit sa sakit at nagiiyak sa sahig. I really wanted to hurt him, shame him. He is technically a sovereign country leader. Para makasuhan ako or something para madeport ako. I am done with Hyillia. Kahit makulong okay lang. Wala naman pinagkaiba ang katotohanan dito. Nang malaman ko na fake lang pala ang akala kong freedom ko dito ay hindi na ako natutuwa sa buhay ko sa Hyillia. Balik Pinas na lang ako at baka tumulong pa ako sa nalalapit na national elections para kay Lycan. But no, I am imprisoned here. Bawat galaw ko may bantay. All because the man I considered my family is from an undesirable country here. “What made you change your mind Ate?” magiliw na tanong sa akin ni Yishein. Huminga ako ng malalim at tumingin sa labas ng bintana ng kotse, “I don’t know. Siguro first time kong mag tanim ng sama ng loob at first time ko ding malaman na hindi ko kayang magalit ng napakatagal na panahon. Also I decided to accept the fact that I can’t do anything to change the situation anyways. I am stuck here and my moves are numbered.” “Oh cmon Ate Verna. It’s not so bad once you get used to it,” alo ni Yishein sa akin as she smiled through the rear mirror, “That’s basically my life in the whole. Laging may bantay, laging denumero ang kilos. Kuya just wanted you to be safe. Technically, you are not just an Ambassadress. I already said it to you diba? In the eyes of us Akimreans and our laws, you are our Presumptive Queen.” Tumikhim ako at umiling, “Yishein, please. Let’s not talk about this. Sabi ko sa iyo ayaw ko ng topic na yan. Besides, we don’t even have any relationship.” “Hah! As if you need any. I admit, hindi ko ipagtatanggol mali ang ginawa ni Kuya sa iyo ng gabing iyon. But I can tell you that he did it because he loves you so much, he can’t bear to think of… of consequences,” sabi ni Yishein seriously, “That was the first time he ever showed any intense emotions and protective behavior since I was just a young kid. To be honest, medyo duda ako sa iyo at sa kanyang close to bordering obsession sa iyo Ate,” confess sa akin ng kasama ko. Napatingin ako sa kanya at nagtagpo ang aming mga mata. “But when I heard what you said to Volkner that night. How my brother loses his control, your rebuttals to him? I knew that moment you are a girl worthy of my brother’s love. Wala na syang bukang bibig kundi Verna, Verna. Verna this, Verna that. Alam mo si Verna…. For years and years. Now I know why he really cherishes you. My brother’s pride and ego is nothing but huge. Pero nung makita ko siyang lumuhod sa harap mo? I know he is serious. He is willing to forego anything for you.” “You do know I never said I love him right?,” singit ko sa kanya. Umiling si Yishein, “No problem. As long as you don’t say it to other guys. Me and my country is fine with it. Besides,” ngumisi siya sa akin, “Those are over rated words anyways. Thrown around like a useless garbage to anyone who cares. I’m a girl too and I know what’s really happening there in your chest.” Somehow, hindi ako makasagot sa sinabi niya. Kapareho lang din ng sinabi ni Elesa. I might not say it but I definitely know what I really feel. “Anyways. It’s only a matter of time. Besides, makikilala mo ngayon si Kuya Rensho. Promise napakabait nun at complete opposite ni Kuya Hoshiro. Kakagaling niya sa Pinas from a special envoy mission. I bet kasama din niya si Raizon yung cute na kapatid niya. Ilang taon din naming di nakita ang mga pinsan naming yun!” excited na sabi sa akin ni Yishein. We talked along the way pero ilang minuto ang lumipas at biglang tumunog ang phone ni Yishein. “Princess Yishein Utsuwa here. This is an emergency line soldier. You better have good reasons to use this encrypted signal,” malamig na sabi nito. Tumahimik si Yishein ng ilang saglit at kita ko kung paano takasan ng kulay ang kanyang mga mukha at manlaki ang kanyang mga mata. “Copy. I’ll be heading there with the Ambassadress with our convoy. Send in the Galax and Novum Forces to the scene. Inform the High Priestess and her personal guards sa lalong madaling panahon. Order a kingdomwide red alert. Put all soldiers to maximum readiness.  I want the all gates leading to and from the Kingdom closed until further notice. That’s an order. Do it,” iyon lang at natapos na ang call at nilingon ako ni Yishein. “Ate Verna. I’ll explain when we get there. Please secure your seatbelt and you might wanna close your eyes,” bilin nito sa akin. Matapos kong macheck ang aking seatbelt na fastened naman ay biglang nagtanong si Yishein, “All set Ate?” “Ano?” “Good. Kapit lang!” sabi nya sa akin then she suddenly stepped on the gas at pinaikot ang manibela. Napairit ako ng umikot ang kotse namin papunta sa kabilang direksyon at kumambyo na sya bago pinaharurot ang sasakyan namin kasunod ang anim na mga guards nya and if I’m not mistaken, we are joined by several combat helicopters going to the same direction. I don’t know why pero nakaramdam ako ng kaba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD