Chapter 2

2136 Words
“Mother, can we not go through with this? She,” umpisang sabi ni Travis sa nanay niya pero lilingon pa lang ito para titigan siya ay umatras na agad ang dila ng pobreng anak. Napailing naman sila Stacie at Louise kay Travis na ngayon ay masama ang tingin sa sahig. Napakamot naman sa ulo si Denal at nagkibit balikat naman si Summer habang pinag aaralan ako ng matandang konde. Nilingon ako ulit ako ni Kady at this time ay mas pormal na ang ayos ng mukha niya. She means business. And I’m not sure now If its best for my health to find out. “Ambassadress, I have invited you here this night to confirm something.” “Confirm, your highness?” tentative kong tanong. Tumango ito sa akin at wala sa loob na nilingon ang nakatungon anak, “To confirm if my instinct is correct and to ask you.” Pigil hininga akong naghintay ng kasundo niyang sasabihin. “To ask you if you would like to be the next Grand Duchess of the Aristocratic Dukedom of Riksent?” walang halong birong tanong sa akin in a straight face ni Kady. Then suddenly it all makes sense. Ang personal letter. Ang sayaw. Ang mga babaeng halos magpatayan na kanina. Ang sinabi ni Drei sa akin. Tama siya. May sense naman bakit nagsasabungan silang lahat. Not just a simple dance is at stake this night. Heck, yes future. Future ni Travis, ng bansa niya, ng alyansa nila at future ko. This is not just a simple birthday party or an event. Napunta ang mga mata ko kay Drei na ngayon ay nakangiting nakangiti sa akin at nagpapadala ng message na “You have no idea all along what you are getting yourself into.” Of all the intelligence I know I have, sa pagkakataong ito wala akong maisip na maitanong. For once in my life, a situation made me a fool. “Ambassadress, this is not a joke of any sort. I became very interested in you years ago when you and Travis first met at Versalia University. I tried to learn everything about the girl who managed to steer a boy from self destruction to a path of renewal and hope. You are a woman of substance, a woman with brains and steadfastness to boot. Years have past and time only made you stronger. I am privy with the ongoings in the relations of your country so when I heard of your promotion by the request of the benevolent and wise High Priestess of Hyillia herself, it only confirmed my suspicion. The theocratic ruler saw the same thing I saw in you. A woman worthy of trust, respect and power,” seryosong sabi sa akin ng dukesa. Hindi halos maprocess ng utak ko ang sinabi niya pero pilit kong inaantindi ang lahat. If you are in my position, you will be buried under stress, surprise and information. Nagpatuloy si Kady, this time in my mother tongue, “Ambasadora, hindi, Verna, sa pagkakataong ito, bilang isang ina ng aking bansa at ng aking anak, iniaalok ko sa iyo ang pagkakataong mamuno sa pangalan ko, ang mapangasawa ang anak ko at ang pumalit sa aking trono. Sa lahat ng mga babae kanina na alam kong alam mo rin na wala sila sa kalingkingan ng pangunawa mo, ikaw lang ang babaeng nararapat para sa anak ko at para sa Riksent.” To tell you all the truth at this point, na blangko na ang utak ko. You are being offered point blank a chance to marry a handsome royalty, be a Grand Duchess and to rule one of the most powerful and wealthy nation in the world. Ang mga taong nasa tamang pag iisip ay sasagot ng isang malakas na “OO”. Pero as I looked at Travis right now. I can see resignation in his face. It’s not like he is disgusted by the idea. It’s just that I think it’s his duty to follow his mother and his country na wala na siyang pakialam sa mangyayari sa kanya. Now I know that being a royalty is not all parties and photo ops. Somehow, after many years, I pity him the way I did when we first met. Gaya ng dati, pinagpapabahala na lang niya sa tadhana ang buhay niya. Not unlike now, na hawak ko ang buhay niya. Gaya ni Kady ay naghihintay ng sagot ko ang ibang mga royalties sa silid na ito. Except kay Drei na hindi nawawala ang ngiti sa mga labi. Na para bang alam na niya ang mangyayari. Maybe he do know. Considering we met earlier and he knew of my crazy antics and thoughts. Bumalik ang tingin ko kay Kady na nakatitig na nakatitig sa akin. Muling nag bow ako ng malalim at huminga na rin at pumikit para ma refresh ng mabilis ang pag iisip at puso ko. Tumayo ulit ako at nag straight body bago nakipag eye to eye sa dukesa. “It was a generous offer, really, Grand Duchess. Anyone in their right minds will accept such a kind offer,” simula ko na mukhang nagpakalma sa kanya. Nakita ko ang panic sa mga mata ni Travis. Gulat sa mga mukha ni Stacie at Louise samantalang napatango naman ang ibang mga baron at baroness. Maging ang tahimik na tatay ni Travis ay mukhang nakahinga ng maluwag. Ang mga mukha naman ng magulang ni Louise ay resignation. Na para bang wala na silang magagawa at panatag na tapos na din sa wakas kung ano mang problema nila. Nakangiti naman sa akin si Drei knowingly. Kady is now smiling at me. She celebrated too soon. “But sadly, I’ve never been in the right state of mind since I was born,” nakangiti kong sagot sa kay Kady na mabilis na nagpawala ng ngiti sa mga labi nito. Mukhang naeskandalo naman ang iba sa sinagot ko. “All my life I’ve dreamed of becoming a princess, a royalty. To marry a handsome man in shining armor, like the ones I’ve read in my fairy tale books since I was just a little, orphan girl. I’ve dreamed of living in a castle just like this. To be known not just a parentless girl from a terrible war but to be known as a wife to a powerful man. And right now, all of those and so much more is being offered to me for the taking. Just three letters away from the life I’ve always yearned for,” I said in an almost croaking voice and I knew I’m seconds away bago magsimulang mamasa ang mga mata ko. Humakbang ng isa si Louise papalapit sa akin, at ngayon ay katapat na nya ang nakatayong si Kady. “Then why not take it? This is real, Verna. All you have to do is say those three letters and your dreams will finally be a reality,” curious na tanong niya sa akin na para bang hindi niya maisip kung ano ang nasa isip ko. Umiling ako at napangiti ako despite of myself, “Above else, I dreamed of a happy ending. I’ve dreamed of experiencing it myself,” tumingin ako kay Travis na ngayon ay hindi makapaniwalang nakatitig sa akin, “And I know that if I take the offer, I will seal not just myself but also another person in a life full of regrets and loveless years. I don’t mind if I keep on searching for my happiness but I know that I will never have a chance to reach it if I commit myself to a dream that will destroy another,” sabi ko hindi lang sa mga tao sa paligid ko kundi pati na rin sa sarili ko. Kind of a way para iaffirm ang sarili ko na hindi pa tapos ang istorya ng buhay ko at hindi lang ito ang paraan para makuha ko ang masayang endng na pinapangarap ko para sa sarili ko at para na rin sa makakasama ko. “So my answer is no, your highness,” sabi ko directly kay Kady na surprisingly ay nakangiti sa akin, “I know I may be out of the line by saying these but these words are from my mouth as a girl, not as an ambassadress. I hope you will let your children choose their own dreams and happy endings,” tumingin ulit ako kay Travis who is smiling fondly at me, “Alam ko na meron ka pang happy ending sa story mo. Kung kaya ko pang maghanap at maghintay, sure ako na nandyan lang ang tunay na kapartner mo. Maybe, just around the corner. Keep on looking and I hope I will be there to witness when your hopes and dreams finally came true,” masaya kong request sa konde tapos tumingin din ako sa kapatid nitong si Stacie at sa pinsan nyang sila Louise at Drei bago ngumiti, “After all, you are all royalties already, count, prince and princesses already. Ang tanda ko na, maybe I am past reading books and I want to see a live adaptation of happy endings from my books. But this time, true to life naman.” “Well said,” nakangiting sabi sa akin ni Baron Daryl at tiningnan niya si Kady, “So I guess this already means you will have to stay in power for quite a while, huh?” To my surprise, napapailing na tumawa si Kady at tumingin sa akin, “Right. Thank you Verna for dashing my hopes for an early retirement.” Napangiti din ako despite of myself at magalang na tumango, “Thank you also for misleading me, your highness. Here I thought I will just attend some random party and get a chance to eat expensive, high class cuisine for free when the truth is I am an unknowingly participant to a literal manhunt.” Nagtawanan kaming lahat sa sinabi ko at finally ay nawala na ang ere ng kaba at bigat sa paligid namin. “Really, Verna? Ang buong akala ko ay worried ka sa akin. Yun pala, handa ko lang ang habol mo?” nakakalokong tudyo sa akin ni Travis na lumapit na sa akin at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap. Yakap ng pasasalamat. “I am worried, a bit. Kung buhay ka pa nga. But more so sa handaan mo. Goodness, simula ng umalis ako sa Versalia Island, naghirap na ang dila ko at hindi na ako nakatikim ng mga pagkaing mas mahal pa sa isang buwang sahod ko ang isang serving,” I said matter of factly as Louise and Stacie came forward to shake my hand and give me a girly group hug after Travis, “I hope hindi pa ako blacklisted sa mga handaan ng Tripartite Alliance Nations after all of this?” half joking kong tanong sa dalawa kong kayakap na lumingon sa kanikanilang mga magulang na mga nagsingitian sa akin. “You don’t need to worry from now on, ma Cherie,” masayang sabi sa akin ng emperadora ng Scandinavia, “You will be eternally welcome to our lands.” “Hindi mo na kakailanganin pa ng pahintulot iha,” sabi naman ng matandang Visconde, “Sa pinakita mong katapangan at lawak ng pag-iisip sa harap naming lahat. Isang malaking karangalan ang maging parte ka ng lahat ng okasyon dito.” Sumangayon din ang tatay ni Travis, “Indeed. My wife is right. You really are a woman of knowledge”. “Pakiramdam ko hindi lang ambasadora ang maaabot mo,” matter of factly said by Summer. Umiling naman ako at tumungo, “Actually, hindi ko na itutuloy ang mandate ko in the next few months. Politics, I think is too stressfull and murky for me. I’d rather work as a call center agent.” “Why no?” naeskadalong tanong naman ng nanay ni Drei sa akin, “With a woman of your caliber, you can handle power quite well. Turuan mo nga ang anak kong ito,” inis na sabi niya sabay sapak sa ulo ng kakamot kamot niyang anak. Ilang casual exchange pa hanggang sa lumapit ang isang sundalo sa amin para sabihing oras na para sa finale ng event ngayong gabi. “Winry?!” exclaim ko ng maulit ni Emperor Kyrus kung sino ang finale performer, “Naku nakalimutan ko! Hihingi pa naman ako ng autograph!” panic kong sabi sa sarili ko habang naglalakad ako kasabay siya dahil nauna na ang iba sa hall. Nang makarating na kami sa pintuan papasok sa hall ay bigla kong naalala ang pangako ko sa lalaki kaninang nakausap ko kaya pinauna ko na ang emperador. Kilala ko man o hindi, nangako pa rin ako. Besides, I have to thank him for giving me the confidence boost earlier. Placebo effect or not.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD