Chapter 3

1572 Words
Nakarating ako ulit sa hallway kung saan kami nagkita ng lalaki kanina. Nasa likod ko ang pintuan na pinasukan ko kanina ng mag “grand entrance” ako. Lumingon lingon ako at hindi ko siya makita. Napabuntong hininga na lang ako at napailing. Who am I kidding? Either late na ako at nainip na siya o he never intended to wait for me in the first place. After all, sa ngitian na lang nyang mala Drei, I have to make sure I will not take him seriously. If ever we will meet again, that is. “There you are bitch.” Napalingon ako sa aking likuran at nakita ko ang not just one, not two or three or four or five but more than a dozen tandangs na parang kukuyugin na ako sa next na paghinga ko. “How dare you?” Pinilit kong wag paikutin ang aking mga eyeballs dahil sayang ang effort. “Because I am daringly, dareful. A daress.” Iyon sanang nasa taas ang isasagot ko mula sa isang cliché na line na natutunan ko sa isang palabas sa tv sa pantry pero hindi ko na nagawa dahil right before my very eyes ay mga namuti ang mga ito na parang binabaan ng dugo sa mga mukha. Nanlaki ang mga mata, nangatal ang kanilang mga panga at dahan dahang umatras bago nag si iritan ng signature at trademark na palahaw ng mga babae sa horror movies bago sila tagain, i chainsaw o pakitaan ni lotus feet at tumakbo na parang hinahabol sila ng mga bumbay na naniningil ng utang sa 5’6. “Not to brag or anything but I know I am good looking,” sabi ng isang pamilyar ngunit malamig na boses sa likod ko, “But I am used to girls running to me not from me back when I lived around these parts.” Nakahinga ako ng malalim bago ko hinarap ang lalaking nasa likod ko. Well he is not bragging. Eerie he might be but he IS handsome. “Did you scare them or something?” taas kilay na tanong ko dito. Nagkibit balikat ito bago nilagay ang kanyang mga kamay sa likod ng kanyang ulo at ngumisi sa akin, “It’s not my intention. As I said earlier its natural, I guess.” “Anyways, good job on flooring those crazy girls and kicking them to obscurity. Nice entrance,” thumbs up na sabi niya sa akin. “Thanks to you. I guess. Placebo effect, it may be. But thanks for the moral support,” sabi ko sa kanya na nagkibit balikat lang. “Whatever you want to believe. Come, I’ll bring you to the main entrance,” sabi niya sa akin at nagsimula na kaming maglakad sa deserted hallway side by side. “What’s your name anyways?” tanong ko sa kanya. “Dex,” tipid niyang sagot sa akin. Sumulyap ako sa kanya and the moonlight touches his face in a mysterious way. Na para bang parte siya ng dilim at ng liwanag ng gabi or something. Lumingon din siya sa akin bago ngumiti sa akin ng ubod ng tamis, “I knew what happened at the throne room and I wanted to thank you for making the right choice.” Hindi na ako nag aksaya ng laway para tanungin sya kung paano niya nalaman seeing that he is freely walking around the castle and I have a strange feeling that he belongs to a certain prominent family here to be privy of such private conversation. “You don’t have to thank me. I didn’t do it for him only. I also did it for myself. I know there is something more for me out there. Wherever it is,” sagot ko sa kanya honestly. I truly believe na meron pa at madami pang mangyayari sa istorya ng buhay ko. Napatigil kami sa paglalakad ng makakinig kami ng malakas na tugtugan at palakpakan sa hindi kalayuan. “If there is one thing I will ever regret when I leave this country, it is not about me declining to be the ruler of Riksent but the fact that I missed again the chance to have an autograph of Winry. Twice. Twice now I missed my chance,” nanghihinayang kong sabi kay Dex nang nagsimula na ulit na kaming maglakad. May katagalan din kaming tahimik na naglalakad. Kung hindi ko nga siya nakikita eh aakalain kong wala akong kasabay dahil parang wala akong makinig na mga yabag mula sa kanya. “You know, Verna. You remind me a lot of my sister. I know a bit of your life,” bigla nyang basag sa katahimikan sa pagitan naming dalawa, “She was alone for so long too, you know? Braved her life all on her own. Learned to do everything by herself.” “Some kind of brother you are,” tipid kong sangat sa kanya. Dex laughed sadly and turned his eyes away from me, “Yep. I’ve left her behind not once but twice in one lifetime.” “I can’t understand why. But I am sure you have your reasons to leave her. Right?” pilit kong pangunawang tanong sa kausap ko na medyo bumagal ang paglalakad. “I did. And I can’t even tell her why. That all I ever want is to let her live her life the way she wanted it to be. Not because she has to do what I can’t finish myself. Not because she is something else and not because she has to fulfill her duty.” “Then tell her. What’s keeping you from doing it?” taking tanong ko sa kanya. Umiling siya at parang malalim na tiningnan ang katawan niyang oddly ay nag goglow sa liwanag ng buwan sa labas ng mga bintanang nadadaanan namin. “I want to. But for some reason, I can’t say it myself,” naguguluhang sabi niya more on to himself than me, “I’m not making any sense right?” natatawang tanong niya sa akin. Bumuntong hininga naman ako at umiling, “Nope. But I kind of understand. There are things in life that only you can make sense of.” Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang malawak na corridor at tumigil sa paglalakad si Dex. “Verna. You are yearning for a happy ending right? You want to see for yourself what your books are telling you when you are just a kid? Why?” seryosong tanong niya sa akin. “Seriously, Dex. Have you heard everything in the throne room?” taka kong tanong sa kasama ko na parang alam lahat ng nangyari sa akin. Tumango ito sa akin, “Yes, everything. And I still thank you for making the right choice. From the bottom of my heart, beating or not, thank you. But answer me, why? Why do you want to see it so badly?” giit na tanong niya sa akin. Hindi ko mawari pero nakaramdam ako ng lungkot at pagtangis sa aking puso at napakurap ako sa kanya, “Maybe. Maybe because I don’t really believe at happy endings,” confess ko kay Dex, “Maybe I want to see, no experience it so badly because I want to assure myself that all of my childhood fantasies are real. All of the stories in my books, the books that gave me childish hopes can happen in real life. That there is a chance that it will happen to me too. So I have to see it for myself.” To my surprise ay malumanay na ngumiti sa akin si Dex bago nilingon ang corner ng corridor kung saan kami nakatayo. “What if I tell you that any moment now, you will have the chance to see for yourself the ending you always yearned for?” makahulugang sabi niya sa akin before smiled at me sincerely, “Will it be happy? Or will it end in tragedy? Your decisions will decide the outcome of her story once and for all.” “I don’t understand what are you sa---,” naputol ang pagsasalita ko ng isang malakas na putok ng baril ang pumainlalang sa paligid kasunod ang mga hiyaw sa lengwaheng hindi ko alam. Mabilis kong nilingon ang pinanggalingan ng putok pero wala akong makita. Pero parang nasa direksyon ng main entrance. “Dex, let---. Dex?” malakas kong hiyaw ng mapansin ko na wala na pala akong kasama sa corridor. Nawala ang lalaking nandidito lamang kanina. “DEX? DEX WHERE ARE---,” sigaw ko pero isang malakas na putok na naman ang nakinig ko at isang pamilyar na boses ang kasabay nito. “RYNA! WAIT! PLEASE!” Boses ni Travis iyon! Ryna? Pangalan ata iyon ng babaeng nakilala nya sa UK? Nandito siya? Mabilis kong iniikot ang aking paningin sa aking paligid para pilit hanapin si Dex pero nawala lang itong parang bula. Magkakasunod na putok pa at sigawan ang nakinig ko kasunod ang isang malakas na pagsabog ang nag udyok sa akin na puntahan ang pinanggagalingan ng kaguluhan. Pinilit ko na lang isipin na tumakbo para humingi ng tulong si Dex. Halos matalapid ako sa pagtakbo dahil sa heels at gown na suot ko kaya pinugit ko ang magkabilang gilid ng aking damit para makagalaw ng mabuti ang aking mga binti at hinubad ko ang aking heels bago binagsak na lang ito at nagtatakbo na papunta sa main entrance na mukhang sentro ng kaguluhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD