Chapter 4

1277 Words
Birthday “Kuya, ano gusto mo breakfast?” magiliw na tanong sa akin ng kapatid ko sa akin pagkababa ko ng second floor ng bahay naming sa Calmar, Lucena, “Actually madaming pagpipilian! May Spanish bread at may bread na Spanish! Ano gusto mo?” seryoso niyang tanong sabay turo sa isang nakakalungkot na balot ng tinapay sa lamesa na mukhang may isang linggo na mula ng inanak ng panederya. I looked around our house at parang walang nag iba. Sa totoo lang, hindi naging madali sa amin ng kapatid ko ang buhay matapos ang gyera. Naghirap ang mga magulang naming at napilitan kaming ibenta ang bahay na puno ng alaala. Sa kagustuhan na din namin ng kapatid ko ay itinago namin ang aming sitwasyon sa aming mga malalapit na kaibigan na kayang kaya kaming pagpatayuan ng isang mayamaning village para sa aming dalawa lang (hindi exaggeration) dahil siguro, gusto na ding matuto naming tumayo finally sa sarili naming mga paa after all the years na naging sandalan na naming silang lahat. Lumipat kami sa isang maliit pero payak na barangay at nagpatayo ng bahay na bungalow. Hindi rin naging mabuti ang nakaraang gyera sa aming mga magulang. Dumaan sa sakit ang ama at naghirap din ang aming mga ina sa buhay. Umuwi kaming dalawa galing sa frontlines ng gyera sa Versalia para lang madatnan ang kalunos lunos na lagay ng aming mga pamilya. Halos malagas ang mga angkan at ilan sa aming mga minamahal na malalapit na kaanak ang kinuha sa amin ng mga terorista. Sobrang guilt at pangungulila ang naramdaman namin. Nagawa nga naming makatulong para mailigtas ang bansa pero wala kaming nagawa para iligtas ang sarili naming pamilya. Ang hirap. Sobrang hirap. Hindi naman kami mayaman ng kapatid ko. Kaya lang kami nakapasok sa Versalia ay dahil na din sa tulong ng mabuti naming tito na kapatid ng tatay namin. Pero simple lang talaga at malayo sa karangyaan ang buhay naming dalawa bago kami pagmabutihan ng tiyuhin naming at pag aralin doon. Pero syempre, nasanay kami na napapaligiran ng pera at mamahaling bagay. Lalo’t higit at malaki ang sinasahod ng kapatid ko sa naging sideline niya bilang Media Idol ng Versalia kaya nakaya naming makipagsabayan hindi lang sa buong university kundi lalo’t higit sa mga kafaction namin sa Zymeth na pangalwa sa pinakamayaman at una sa kayabangan (totoo). Kaya ng umuwi kami at sinubukan naming mag simula sa simula pagkatapos ng buhay sa isla ay talagang literal na gumapang kaming magkapatid. Ang ekonomiya ng Pilipinas, kung wasak na bago magkagyera ay lalo nang walang pag asa matapos masalanta ng terorista. Sira ang mga taniman, imprastraktura, negosyo at kalsada. Dumating sa punto na nasabi ng kapatid ko na mas madali na syang makakapasok sa langit kesa makahanap ng trabaho. At that point, alam kong hindi siya nagbibiro. Kung ano anong trabaho ang pinasok naming dalawa. Kailangan dahil nabuntis ng asawa niyang si Mystogan ang kapatid ko a few days before the war reached its decisive point. And he also died heroically saving countless of refugees, students and patients aboard the sinking Rayse Hospital Ship that was hit by an enemy attack. May anak siyang kailangan padedehin at may pamangkin at kapatid akong kailangan suportahan. Sim Seller, Cashier, Service Crew, Crew sa Tronix, Waiter, Salesman hanggang sa pinalad kaming makapag call center ng medyo naging stable na ang Pinas sa mata ng mga Kano. Ang hirap sobra sa BPO. Literal na kain, tulog, trabaho over and over again for more than a year at masaya kami kahit ganun ang naging buhay namin. Nakakain ulit kami ng masasarap nakatulong sa mga magulang at nakabili ng mga luho na akala namin ay sa Versalia Island lang namin mararanansan. A few months after Mystina Denise was born (named after her late husband and to my joy, after me) sa tulong nila Mother Superiors Hazel and Sherri (that ominously proclaimed that someone *better* than Alyssa was born). Ilang buwan lang matapos niya ipanganak ang pamangkin ko ay surpresa akong binisita ng mga magulang ni Silveria. Si Silveria ang isa sa pinakamalapit na tao sa akin sa aking boring na buhay. She is a Phidoch native but like me, an avid fan of books, writing, psychology at daldalan. We have the same age at same hate sa buhay may asawa na nakapag close sa aming dalawa instantly. She is a full Norweigian woman born and raised in the Philippines, specifically, Versalia Island kung saan may special business ang kaniyang mga magulang. You can just imagine my surprise ng isang araw habang pilit kinakausap ng kapatid ko ang biba niyang sanggol ay dumating sa pintuan namin ang naulilang mga magulang ng kaibigan ko. She died heroically as well. When Phidoch’s plane was crashing, she didn’t save herself, instead, she decided to stay to ensure Vernotta and her faction mates safely jumped out of the burning plane. It is one of my biggest driving force kung bakit buong tapang akong nakipagpatayan sa mga terorista kahit isa akong duwag ang makita ang eroplano na pinipiloto niya na sinadya niyang I crash sa gitna ng mga kumpol ng terorista to literaly go out in a bang. Hindi ako makatingin sa mga mata ng kanyang mga magulang dahil pakiramdam ko ay ako ang isa sa dahilan bakit wala siya ngayon sa amin. Pero niyakap lang nila akong dalawa at inabot ang isang papeles na nagpabago ng takbo ng buhay ko. It’s Silveria’s Last Will and Testament. I always thought she was joking when she said she already have her will ready just in case. Now it’s in my hands. Sabi doon na naka secure sa isang embryo bank ang egg cell niya at nasa sa akin na kung gagamitin ko o hindi. And together with that is the statement saying that she is giving me all her possesions and if her parents allow, her inheritance for being one of the three person who understood her. Siguro dahil na din sa mukha ng pag asa at pangungulila ng kanyang parents, sa kagustuhan kong mag anak at sa pag uudyok sa akin ng kapatid ko (volunteering her mattress) ay tinupad ko ang isa sa alam kong hiling ni Silmeria, ang makapagbigay ng buhay na alaala niya pag nawala na siya. Nine months after that (again sa tulong ng friends namin na mga mother superiors) ay inanak ng kapatid ko na si Stellar Mari (named after Silveria’s Mom and my sister) na dineclare ni Hazel na perfect pair kay Mystina. Buti na lang kuntento na ang lolo at lola ng anak ko na bisitahin na lang siya yearly kesa sa initial plan nila na dalhin kaming dalawa sa Norway. Dalawa na ang bata sa pamilya. Malaking gastos na at hindi na kinakaya ng sinasahod namin sa BPO. Hanggang sa nakarating sa point na nag abroad na ang kapatid ko sa pag asang makahanap ng mas magandang buhay. Nakaabot siya sa Luxembourg at doon nagsimulang magtrabaho bilang dishwasher sa isang mamahaling hotel at ilang taon pa at unti unting umakyat sa corporate ladder hanggang sa naging kitchen manager na siya at nakuha na din nya ako mula sa Pinas para magbakasyon (ayaw niya ako pag workin kasi rest rest daw dapat, mahina na kasi katawan ko because of a since birth weakness). Pero sa tulong na din ng namana kong mga lupa galing sa mga kaanak ko at sa laki ng naipon ng kapatid ko ay nakauwi na din siya ng Pinas at nakapagpundar kami ng tatlong gasolinahan sa tulong ng kaibigan naming si Polli at asawa niyang si Brycen na nagbigay sa amin ng halos tanggihan na naming bagsak presyong franchise ng X.R Gasoline Station. Yes Apollinaire Rabina-De Silva.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD