Chapter 5

2465 Words
“The 8th Girl” as the media and the nation fondly calls the disabled woman. My sister jokingly and openly calls her a baby maker dahil every year since kinsal siya ay anak siya ng anak. With the business Polli and Brycen helped us to set up (na galit pa si Brycen dahil bakit hindi na lang daw sinabi at hiningi na lang instead na binili pa) ay na achieve na namin ang pangarap naming magkaroon ng sustainable income na hindi malayo sa aming mga anak. Nabili na namin muli ang napabenta naming bahay sa Calmar at sa tulong nila Hazel at Sherri (na tinotal lahat ng assets nila at nilequedate tapos ay evenly nilagay sa trust fund at time deposit sa pangalan ng mga anak namin at inaanak nila) ay napatapos namin sa Versalia sila Mystina at Stellar. Now, the two are out there in Manila. Working at the National Center for Mental Health as a Resident Psychologist at Head Chef. Na mimiss ko na nga sila. “Kuya, tulala ka na naman!” untag sa akin ng kapatid ko sabay bato sa kamay ko ng inaamag na atang tinapay, “Signs of aging? Di pa naman tayo katandaan pero kung makapagflash back ang mga mata mo parang mga senior citizens na tayo!” sabi niya sa akin sabay upo sa sofa at nagtiklop na ng mga tuyong damit. Minabuti kong kumain na lang kesa sumagot. Mas nalungkot ako kasi special day ngayon at dadalwa lang kami ng kapatid ko sa bahay. Nasa Japan ang parents namin to take their well deserved vacation after taking care of us and our children. Kumakanta si Alyssa to the tune of “I Promise I Will” revived by a very famous singer na si Winry sa radio ng biglang may nag doorbell. “Ako na kuya, I enjoy mo na yang malinamnamn mong Spanish Bread,” masaya niyang sabi sa akin sabay tayo at labas ng bahay. “Ay sisters no solicitation!” “GAGA!” isang malakas na sigaw kasabay ang isang malakas na hampas sa ulo ang nakinig ko. “Grabe! Mother Superior na! Pero ang naging superior lang ay ang kabayolentehan!” ungol ng kapatid ko. “Open the door na teh. Mabigat itong dala namin,” sunod ng isang malambing na boses sabay parang may binuhat at bumukas na ang gate namin. Bago pa ako makatayo ay tumambad sa akin ang isang bizarre yet familiar scene kung saan may dalawang madre na naglakad papasok ng bahay at naglapag ng isang kahon ng presto, ilang tray ng itlog at isang maleta sa sahig. Nagtangal ng belo ang mga ito at nakangiting tumakbo papunta sa akin. Una ang isang matangkad, maganda at may mahabang buhok na yumakap ng mahigpit sa akin, “How are you my dear colleague?” Nagmano ako at ngumiti, “Okay naman ako, Sister Sherri. Napadalaw kayo?” Sa halip na sumagot ay isang trademark na taas kilay at tikwas ng buhok ang ginawa nito bago sinugod ang kapatid ko na hinahalukay na ang laman ng maleta na dala nila, “Alyssa! Ang kamay mo talaga! Parang hindi ka galing kumbento!” Ilang kwela at bickering pa ang palitan ng dalawa habang nagmano naman ako sa isa pang cute, petite and very lovely na madre na yumakap din sa akin, “Steven! Namiss ko kayo! Kamusta na mga inaanak namin?” “Kayo kasi, ilang taon din kayo di lumabas ng kumbento,” nailing kong sabi ng naghuhubad na ng pang madre ang dalawa para ilabas ang simpleng everyday dress na suot nila, “Si Stellar Psychologist na at sa balita ko ay nakuha ng doctorate para mag Psychiatrist. Si Mystina naman ay Head Chef at may balak mag aral ulit para tumaas ang level.” Tumango tango naman si Sherri habang tinutulungan si Alyssa na pagkasyahin sa ref ang ilang dosenang itlog, “Good good. Mabuti naman! I always send a prayer to Mystogan thanking his genes and to Selmeria for her uncanny knack for studying. Goodness! Ang swerte ko talaga ang ganda ng kinalabasan ng mga inaanak namin!” “Aba bakit ano ineexpect mo?” mataray na tanong ni Alyssa sa best friend na nagpatawa naman kay Hazel. “Ineexpect ko mapapa aga ang pagbabalik ni Hesukristo kung nanganak ka on your own, dear,” simpleng sagot ni Sherri na nagpatawa na lang sa kapatid ko, “Well, honestly speaking, I couldn’t be more proud of our girls. I have to begrudgingly admit, I am glad Mystina darling got Alyssa’s talent for convincing and charisma. And Stellar getting Steven’s knack for reading and stock knowledge,” seryosong sabi sa amin ni Sherri. Tumango naman si Hazel, “True. I am so proud ng nalaman namin na naging Representative Councilors sila not because of their lineage but because of their skills!” “Hindi ba kayo nagsisising dalawa na nagmadre kayo at hindi kayo nag asawa o nag anak man lang?” casual kong tanong na nagparamdam sa akin ng feeling kung paano matutukan ng spiritual rocket launcher at machine guns sa tingin pa lang nila. “Steven my dear, if there is one thing and only one thing we ever regret, and your parents knew these decades ago. Iyon ay ang hindi namin naikulong si Alyssa sa kumbento with us!” inis na sagot sa akin ni Sherri na tinanguan naman ni Hazel. “True, but seeing Mystina do wonders in the world. I guess we can live with it. Barely,” natatawang sabi ni Hazel sabay yakap kay Alyssa na binuksan na ang kahon ng presto na dala ni Sherri. Bago pa ako makasagot ay bumukas ang gate na parang binalibag ang bakal at isang malakas na sigaw ang narinig ko sa direksyon ng pintuan. “DUNCLE! DID YOU MISS YOUR PRETTIFUL NIECE? YES! YES YOU DO!” malakas na announce ng isang dalaga sa pinto na nagpangiti sa akin. She really, really reminds me of her mom back in the days. Yung pag dadating ay akala mo ay laging may dalang built in mega phone at may pyesta sa likod. “Mystina! Bakit kayo umuwi? May trabaho kayo diba?” taka kong tanong pero isang pares ng umiikot na mata ang sinagot niya sa akin bago tumakbo kila Sherri at Hazel para magmano at yumakap. Isang dalagang kasing tangkad ko pero hindi hamak na mas pleasing ang mukha kesa sa akin ang mahigpit na yumakap sa aking balikat at humalik sa aking pisngi, “Dad we’re home,” simpleng bati sa akin ng anak ko, not unlike the short but full of meaning words of Silveria decades ago. As I look at her, she is starting to look more and more like her mother. Thankfully, the only thing she got from me is my considerable memory and height. The rest is from her serener mother. “Oh Duncle, hug ko? Diba ako lang ay favorite mong pamangkin. The one and only?” pacute na maktol ng anak ni Alyssa sa akin na niyakap ako na halos makabali ng pobre kong spinal cord. I gaze upon Mystina and though she got her father’s looks (as Alyssa thanked Mystogan daily) her personality and behavior is more or less a carbon copy of my beloved sibling. Parang walang pinagiba! Yumakap si Stellar kila Hazel at Sherri bago tinulungan ang mga ito na maglabas ng mga kung ano ano sa dambuhalang maleta ng mga madre. “Ay Duncle! Spanish bread ba iyan?!” nguso ni Mystina sa hawak ko pa palang pobreng tinapay at bago pa ako makasagot ay mabilis na nitong kinuha sa kamay ko ang tinapay at walang kakyemekyemeng sinubo ng buo, “Sarap!” Hindi ko na nakuhang sabihin na baka sira na ung tinapay kasi what’s the point? Ang tiyan ng unica pamangkin ko ay katulad ng tiyan ng nanay niya. Kahit painumin mo ng lason, hindi tatalban. “Tabi mga patay gutom! Ilalabas ko na ang pinakaiintay intay ninyo mga dukha!” malakas na sigaw ni Alyssa na to my surprise ay may dalang isang dambuhalang tray na walang hirap nitong inilapag sa dining table. Tray na punong puno ng mga pagkain ranging from pasta, crème brule, meatballs, teriyaki and so on. Laking gulat ko na mga nakaupo na pala agad sila Sherri, Stellar, Mystina at Hazel at naghihintay na lang ng serving spoon na dala dala ni Alyssa. “Ok! Ilabas na mula sa labas at dalhin na sa loob ang cake ate!” malakas na sigaw ni Mystina na sinunod naman ni Stellar at may kinuha sa labas na isang fondue cake na may trident psychology design at purple color symbolizing my previous faction. HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY TO YOU! YOU BELONG TO THE ZOO! WITH THE MONKEY AND A DONKEY! AT MALAKING OSO! Kanta ng lahat sa paligid ko na to my surprise ay nagpaiyak sa akin as Mystina and Stellar light up the candle on top of the cake and give it to me. “Wag na mag inarte kuya! Wish na! Yung tumama tayo sa lotto ha?” udyok ni Alyssa na nagbaba ng graham cake sa lamesa sabay turo sa cake. Napatawa na lang ako at pumikit bago blinow ang kandila. Winish ko na sana mas madami pang masasayang alaala ang mangyari sa aming lahat. “Yay! Happy Birthday Dad! Eto na regalo namin ni Mystina ha? Malayo pa sahuran eh! Momtie pahiram daw ng panggayat si Mystina!” sabi ni Stellar. Napatawa naman ako at umupo na. I was about to eat but Sherri and Hazel stopped me. “Wait, saglit, stop. Eto nga pala ung regalo nila Folcurt, Polli, Brycen, Mannaflora, Tristan, Volt, Xiao and Cistina,” sangat ni Hazel sabay abot ng isang sobre. I opened it and to my surprise, isang black amex credit card at may two plane tickets to United Kingdom ang nakalagay sa loob. “Wow kuya dalawa! At damay ang momtie mo Stellar! Nakapangalan sa akin ung isang ticket! Bakasyon na itey!” masayang sabi ni Alyssa sabay wagayway ng hawak na pitsel ng juice. Tumango tango naman si Stellar habang pinag aaralan ang regalo sa akin. “Teka, kulang nasan ang gift ni Tita Vernotta?” takang tanong ni Mystina sa mga ninang. “Oh about that,” sabi ni Sherri after nyang malumod ang isang malaking meatballs ni Alyssa in one gulp, “Your escort and security is already covered on your trip,” simple nitong sagot bago sumubo pa ulit ng isang meatballs sabay bukas ng t.v. Napatingin naman ako sa sobre at meron ngang kanya kanyang message silang lahat. We were never that close to them seeing that Sherri’s group where me and Alyssa belongs to worked underground. Pero magkakasama kaming lumaban at hinarap ang kamatayan sabay sabay. That alone, I feel is enough to form a lasting relationship between all of us. “And the “Justice Under Sherri’s Team of Versalia University’s” gift to you is this!” sabi ni hazel sabay abot ng isang maliit na photo album na to my surprise ay naglalaman ng never before scene pictures ng grupo namin. Yung kuha habang pinapagawa namin ang mga barko ng bawat faction. Pictures while in Sherri’s meeting. Picture kasama sila bago kami sumabak sa gyera. Memories I thought I lost forever compiled by my comrades in life in one pocket size album. “Para wag daw magkalimutan ng utang na loob,” sangat ni Sherri habang sinisimot naman ang presto pudding ni Alyssa kasabay si Mystina habang nanunuod ng t.v sabay lagok ng tubig sa inuman na alam kong galing pa kay Polli decades ago. I just smiled as I flip the pages. Truly, ngayong tumanda na ako, mas naging mahalaga na sa akin ang mga bagay na walang kwenta sa akin nong bata pa kaming lahat. As I looked at the people around me eating and celebrating this day, I just can say that I am thankful I still have them with me. Nagkatinginan kami ng kapatid ko at she nodded to me tearfully habang pinagsasandok ng pagkain si Stellar. Life is hard. But it’s the only life I have in this lifetime. I am thankful for it no matter how hard and in our case, deadly it was. I am still glad of it. Kumain na din ako ng handa ng aking kapatid at nakipagkwentuhan na rin. Maya maya pa ay itinaas ni Sherri ang kanyang kamay na nagpatahimik automatically sa aming lahat. Tutok na tutok ito sa t.v na itinuturo nito. It’s like an international news. “THERE IS AN ONGOING TERRORIST ATTACK IN THE ARISTOCRATIC DUKEDOM OF RIKSENT AS WE SPEAK. THE HEADS OF THE TRIPARTITE ALLIANCE NATIONS AND THEIR HEIRS ARE SEIGED IN THEIR CASTLES BY ARMED INTRUDERS AND AS OF THIS MOMENT THE FULL MILITARY MIGHT OF THE ALLIANCE ARE BEING DEPLOYED TO QUASH THE ENEMIES! THIS IS A BIG ATTACK CONSIDERING THE COUNTRIES ARE CELEBRATING A VERY IMPORTANT EVENT FOR THE DUKEDOM, SPECIFICALLY THE CROWN COUNT WHO WAS EXPECTED TO CHOOSE THE FUTURE GRAND DUCHESS OF THE COUNTRY… ILL BE BACK FOR MORE UPDATES, BACK TO STUDION…” “Grabe yang mga teroristang yan,” gigil na sabi ni Alyssa sabay tusok sa pobreng crem brule na nahati sa gitna, “Parang mga ipis! Hindi maubos ubos!” “True, momtie. Ilang bansa pa ba ang sisirain nila?!” sabi naman ni Stellar na nakadikit kay Alyssa. “Duncle, dapat dyan binabaygon tapos pinapasabugan ng dinamita tapos ilibing tapos hukayin at pasabugan ulit para sigurado,” suggest naman ni Mystina na kinukuha ang meatballs ko sa plato ko. Napailing na lang si Hazel at nag offer ng dasal silently. Meanwhile, Sherri is smiling oddly. “I know that smile Sherri,” seryoso kong sabi sa isa sa pinakamakapangyarihang babae sa Pilipinas. Pre war and war era and even now in my opinion. She holds a lot of sway in the religion and the Versalian government sector together with Folcurt. “You know me too well, Steven and you too Alyssa,” natatawa niyang sabi sabay kindat sa nakangising kapatid ko na sinusubuan ang anak ko, “Let’s just say that I have a feeling that the event in Riksent like now will end in a very unexpected turn of events,” makahulugan nitong sabi sabay subo ng presto cream sabay tawa. I looked again in the t.v and nodded together with Hazel as she stares at my eyes then to Sherri who is busy polishing her plate with her spoon. If the woman who predicted the war and prepared for it said that something unexpect will happen. Then we are willing to bet our freaking lives that it WILL happen. So let’s watch out for the next chapter of this story.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD