Chapter 6

2017 Words
Hindi ko alam na ganito pala kahaba ang hallway na dinaanan namin kanina ni Drei. Parang ilang oras na akong tumatakbo sa kahabaan nito pero alam kong segundo pa lang ang nalipas. Siguro gawa ng ilusyon ng magkakaparehong mga bintana, pintuan at desenyo ng dinadaanan ko kaya parang pakiramdam ko ay hindi ako naalis sa aking pwesto kahit halos mahilo na ako kakatakbo. Sunod sunod na putok ng mga baril at isang malakas na pagsabog na nagpaliwanag sa dulo ng aking patutunguhan ang nag hudyat sa akin na malapit na ako. Ang normal na reaksyon sa ganitong pangyayari ay tumakbo palayo sa putukan hindi papunta doon. Pero kahit sa gitna ng nakakarinding ingay, sigawan at dagundong sa aking paligid ay tanging ang mga nabanggit lang ni Dex ang namumutawi sa aking isipan. Ang sinabi niyang makikita ko ang matagal ko nang gustong patunayan na totoo. At higit sa lahat, nasa akin kung paano magwawakas ang pagtatapos na ninanais-nais kong masaksihan. Matapos ang wari’y ilang oras ay narrating ko na din sa wakas ang grand lobby ng kastilyo. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang isang eksena na tanging akala ko ay sa isang pelikula ko lang masasaksihan. Kalunos lunos na paligid. Nakahandusay na mga duguang katawan. Kislap ng mga baril at nakakarinding putukan na halos magpawala ng aking ulirat. Pero sa gitna ng kaguluhan… Isang babae na nakasuot ng matingkad, ngunit nadungisan ng dugo na sirang gown ang umagaw sa aking atensyon. Tinatangay ng malakas na hangin ang kanyang mahaba at dilaw na buhok. Ang kanyang mukha, mukha ng isang babaeng papatay hanggang kamatayan. Hawak ang dalawang mga baril ay buong tikas at tapang siyang nakatayo sa gitna ng silid at nagpapaputok ng walang habas sa direksyon ilang mga lalaking sigurado akong mga terorista sa kilos at pananamit. Preparatory level pa lang sa V.U ay ipinakita na sa amin ang hitsura ng mga teroristang sumira ng aming isla, ng aming bansa, ang kumitil ng ilang milyong buhay, ang wumasak ng mga pamilya… Ang mga nagkait sa akin ng buhay na normal at masaya… It doesn’t matter if its in the Philippines or Riksent. It doesn’t even matter if its decades ago or this moment. They all have the same looks… Looks that is bereft of sanity and morality. Nakakapagtaka sa babaeng nakatayo sa harap ko ay wala itong pakialam kahit nagliliparan na ang mga bala sa kanyang paligid. Hindi siya natitinag sa kanyang pagkakatayo. Mabilis kong nalaman ang dahilan kung bakit nagmistula syang taong pananggalang. Nakabulagta sa likuran niya ang isang nakahandusay na katawan ng isang lalake na naliligo sa sarili niyang dugo at bahagyang nagtataas baba ang dibdib na para bang ilang saglit na lang ay titigil na lang ito ng kusa. Travis… Para akong estatwa na nakatayo sa aking kinakatayuan. Gusto kong sumigaw, tumakbo papunta sa kanilang dereksyon pero hindi ko malaman kung bakit hindi ko maigalaw ang aking katawan, kahit ang aking ulo at ang aking mga mata. Parang dinurog ang aking dibdib ng ilang bala ang tumama sa babaeng nakatayo sa gitna ng lahat. Pero tulad ng isang matayog na pader ay hindi ito natinag kahit umaagos na ang dugo sa kanyang buong katawan. Patuloy pa rin siya sa pagbaril na parang walang nangyari sa kanya. Ang kanyang mga asul na mata ay buhay na buhay sa gitna ng kamatayan sa paligid niya. Ang maganda niyang mukha ay walang emosyon habang ilang kalaban ang tumutumba sa kanyang harapan. Napadako ang mga mata ko sa isa sa malaking tama ng baril sa kanyang kanang dibdib. Sa halip na puting buto ang makita kong nakausli, ay isang itim na wari’y bakal ang ngayon ay muling tinamaan ng bala ng baril pero sa halip na tumagos ay kumislap ito at isang nakakangilong tunog ang narinig ko. Tunog ng pagtama ng bakal sa bakal. Hindi nagpatinag ang babae sa kanyang paglaban at parang eksperto na nagpapaulan ng bala sa mga nasugod sa kanyang direksyon. Bilang babae, alam ko ang nararamdaman nya ngayon. Tulad ng nararamdaman ng isang ina na pinoprotektahan ang anak. Tulad ng isang maybahay na pinoprotektahan ang kanyang kapareha. Tulad ng isang babaeng nagmamahal at gagawin ang lahat para sa kanyang iniibig. Isang babaeng itinaya ang kanyang buhay at handang isakriprisyo ito para lamang sa lalaking nasa likod niya ngayon. Pero ano nga ba ang magagawa ng isang babae sa harap ng wari’y hindi maubos na kalaban? Sa isang saglit ay hindi mabilang na bala ang tumama sa kanyang katawan at sa wakas, ang akala ko’y hindi matitinag na pader ay bumagsak sa tabi ni Travis at magkaharap na ang kanilang mga mukha. Kita ko ang pagpatak ng luha ng babae nang makita niya ang walang malay na si Travis. Pilit iniabot niya ang kanyang kamay sa kamay ni Travis habang naglalakad papalapit sa kanila ang mga terorista. Hindi ko malaman kung papaano o bakit pero parang tumigil ang oras. Walang kumibo. Tumigil sa paghakbang ang mga terorista. Nawala ang ingay ng labanan at tanging ang paghinga ko lang ang aking naririnig sa isang nakakarinding katahimikan. Napagawi ang aking mga mata sa kabilang sulok ng silid at nakita ko ang isang lalaki na wari’y tulad ko na hindi naapektuhan ng pagtigil ng panahon. Lalaking katulad ng kulay ng balat, buhok at mga mata sa babaeng nakahandusay ngayon sa tabi ni Travis. Lalaking sira ang damit at isang malaki at nagdudugong sugat ang makikita sa kanyang malapad na dibdib. Ang daming gasgas sa kanyang katawan at ang mukha nya ay puro hiwa at parang natamaan ng matalas na bagay. Sa lahat ng mga natamaan ng bala sa aking paligid alam kong hindi galing sa putok ng baril ang kanyang mga natamong sugat. Pero tulad ng babae kanina ay parang hindi niya iniinda ang kanyang mga sugat. Sa wakas ay natagpuan ko muli ang boses na akala ko ay tinakasan na ako kanina pa. “DEX!” malakas at takot kong sigaw habang nakatayo lang siya sa hindi kalayuan sa tapat nila Travis at malungkot silang pinagmamasdan bago tumingin sa akin. Tinitigan niya ako at sa halip na sumagot ay isang maliit na ngiti na wari’y puno ng pag asa ang ibinigay niya sa akin at tumango lang siya bago muling napuno ng nakakarinding hiyawan at pagsabog ang aking tenga. At sa isang iglap ay nawala si Dex na parang bula. Ilusyon ko lang ba na nakita siya? Nandito ba talaga siya? Nawalan na ako ng panahon para isipin pa siya ng makita kong tumakbo ulit ang tumigil na oras at mabilis na naglalakad ang ilang terorista para tapusin na sila Travis. May parang apoy na nagliyab sa aking dibdib at sa aking mga mata. Tama na… Hindi na ako makakapayag… Awtomatikong humakbang ang aking mga paa ng hindi ko namamalayan. Mga hakbang na naging takbo. Habang papalapit na ang mga terorista kila Travis ay nakaramdam ako ng hindi mapagsidlang galit at poot mula sa kaibuturan ng aking pagkatao. Nagawa ninyo nang makuha ang aking mga lahat sa akin… Hindi ko na kayo hahayaang iparanas pa sa iba ang naranasan kong pangungulila at kalungkutan.. Gagawin ko ang lahat, gagawin ko kahit ano… May nadaanan akong bangkay ng terorista sa aking pagtakbo at mabilis akong huminto para kunin ang baril sa kanyang mga maduduming kamay at hinawakan ito bago muling mabilis na tumakbo na parang nasa likod ko ang malakas na hangin ng Riksent at itinutulak ako para marating ko agad ang aking pakay. Napansin nila ang aking paglapit at nagpaulan sila ng hindi mabilang na bala sa aking direksyon. Siguro sa buong buhay na kamalasan na pinagtiisan ko simula ng magkamuwang ako ay sa wakas ay pinagbigyan na wari ako ng kapalaran at swerteng walang tumama ni isa sa aking katawan. Napasulyap ako kila Travis na nakahandusay parin hanggang ngayon sa aking likuran bago itinutok ang baril sa isa sa mga terorista at kinalabit ito. Pero isang nakakarinding katahimikan ang narinig ko mula sa hawak kong armas. Hindi ito pumutok. Ilang beses ko pa itong kinalabit pero wala. Bago nakakalokong tumawa ang mga demonyo sa harap ko at muling walang habas na nagpaputok sa aking direksyon. Pero mukhang hindi pa rin ubos ang aking swerte. Parang lahat ng swerte na pinagkait sa akin ng walang kwentang buhay ko noon ay ibinibigay na sa akin ngayong gabi dahil kahit ang mga terorista sa paligid ko ay napaltan ng gulat ang ekspresyon ng derederetso akong tumakbo sa pinakamalapit sa kanila at parang animal na sinunggaban ito at pinaghahampas ng hawak kong baril sa ulo bago muling tumalon sa pinakamalapit sa akin ng makita kong wala nang malay ang una kong biktima. Pula… Pula lang at ang kanilang mga walang kwentang ulo ang nakikita ng aking mga nagiinit na mga mata habang walang awa kong binabalya ang kanilang mga bungo gamit ang hawak kong baril hanggang sa maging kakulay na ng nakikita ko ang pagmumukha nila. Parang nakakita ng halimaw ang mga terorista ng halos magkandarapa sila sa pagtakbo sa gulat. Nagpapaputok sila pero wala akong nararamdaman na kahit ano maliban sa mainit at malagkit na dugo ng mga hayop na biktima ko. Nanay, Tatay… Hindi ako papayag… Papayag na may kunin pa sila sa akin… Kinuha na nila kayo sa akin… Kinuha nila ang masayang buhay na sana’y meron ako ngayon… Nagpakawala ako ng malakas na irit at sigaw bago ko walang awang sinaksak ang baril sa noo ng naghihiyaw na demonyo sa aking harapan na nagpatahimik agad sa kanya. Bumaling ang aking tingin sa huling terorista na ngayon ay natakbo papalapit kila Travis, tangan ang baril at sigurado akong pag nakapagputok siya ay mawawala na silang dalawa sa mundo. Nakuha man ninyo ang pamilya ko sa akin ng wala akong kalaban-laban noon… Itinaas ko ang aking kamay na may hawak ng baril… Pero hinding hindi ako papayag na kunin ninyo ang natitirang pag asa sa aking buhay… Inasinta ko ang ulo ng terorista at itinapon ang madugong armas sa kanyang dereksyon. Pag asang kahit hindi naging masaya ang buhay ko, makakaya kong gawing masaya ang buhay ng iba… Tumama sa ulo ng terorista ang baril at isang putok ang pumainlalang sa paligid. Pero ang putok na iyon ay hindi mula sa hawak niyang armas kundi galing sa baril na ibinato ko na pumutok din sa wakas sakto sa pagtutok nito sa kanyang sentido. Bumulagta ang kahulihulihang terorista sa silid. Naglakad ako papunta sa direksyon nila Travis. Tahimik sa kinaroroonan namin. Tanging mga ingay ng sirena, sigawan sa kalayuan at ang ihip ng hangin ang nakikinig ko. Nang makarating na ako sa tabi ng dalawa ay halos panawan ako ng malay sa nakita kong dami ng dugo na dumadaloy mula sa dalawa. Nagulat ako ng makita kong nakamulat si Travis at tahimik na nakatingin din sa akin ang babae na nakahandusay sa tabi niya. Inabot ko ang laylayan ng aking gown at pinagpupugit ito. Inuna kong inabot ang katawan ni Travis na may malaking tama ng baril sa hita, sa braso at sa tiyan na pinagmumulan ng dugo. Mabilis kong itinali sa kanyang mga sugat ang mga tela na galing sa suot kong damit para kahit papaano ay bumagal ang pagkaubos ng dugo niya. “Ve…Verna,” mahinang tawag ni Travis sa akin pero umiling ako at inalalayan ko siya na sumandal sa pader. “Hindi ako papayag na basta ka na lang mauna sa akin, Travis,” mabigat kong tugon sa kanya bago ko hinarap ang babae sa kabilang side ko, “Hindi ko ginawa ang ginawa ko para lang mawala kayong dalawa sa harap ko,” giit kong sabi sa babaeng naiiyak na ngayon sa kandungan ko. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa mga sugat niya at mapanganga. Ang mga baril na tumama sa katawan ng babae sa kandungan ko ay hindi bumaon sa katawan niya. Bagkos ay mukhang tumama ito sa kung anong itim na bakal na nasa pwesto ng mga buto niya. Hindi ko na nakuhang tanungin siya o magtaka. Binilisan ko ang pag bebenda sa malalaking sugat niya. This girl… She will die from blood loss, not from the countless bullets that is now stucked in her body. Just what is she?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD