Chapter 24

1618 Words
“Ambassadress, ayos na po ang lahat kaso,” report ng isang tauhan ni Hoshiro sa akin. But he stopped abruptly na nagpatingala sa akin at nagpatigil sa pagsusulat ko. Narito ako ngayon sa opisina ko sa kapitolyo ng Akimrea, ang Hotaru. Busy ako sa pag aayos ng mga trade agreements at deals ng kaharian ni Hoshiro at ng Pilipinas. I am now the Ambassadress Plenipotentiary and Extraordinary ng Kingdom of Akimrea to the Federal Republic of the Philippines.   And unlike the same position I hold in Hyillia, this one is not a honorary title. Fully functioning Abassadress ako with the full authority bestowed by the Department of Lineage o ang pangalawang pinakamalakas na grupo sa Akimrea. Ang department na iyon ay binubuo ng mga Clan Head o mga pinuno ng bawat miyembro ng mga tribo ng mga pamilya ng Akimrea. They serve as advisers to the ruling Head ng kaharian. Or this time, si Hoshiro. Last year ng pangalwang araw pagkadating ko sa Akimrea, dapat ay bibigyan ako ng trabaho ni Hoshiro sa Public Relations Division ng Monarchial Government. Pero bago pa kami makaalis ng kastilyo nya ay dumating na agad ang mga myembro ng DL para personal akong kausapin. Isa na dito ang asawa ni Adeng na si Daniel. Kinumbinsi nila si Hoshiro na isang malaking aksaya kung sa PR ng kaharian ako ilalagay. They wanted me to be the Ambassadress of Akimrea sa Pinas. Seeing that I have the background and the ultimate trust and respect of the High Priestes; natural lang daw na itake-advantage nila ang experience ko para sa pansariling kapakanan ng kaharian. They saw the economic rewards that Hyillia reaped when they decided to formalize their diplomatic tries with the Philippines especially in the outsourcing sector. Tutal honorary lang naman daw ang posisyon ko sa embassy ng Hyillia, I should be able to work as a full time two-way ambassadress to the Philippines and vice versa. Sa totoo lang ayaw ko na talaga maging Ambasadora but again, I received a letter of request from the High Priestess at ang Secretary ng Foreign Affairs ng Pilipinas. Tutol din sana si Hoshiro pero napagisip ko na ayaw ko din namang maging palamunin at patira lang ni Hoshiro at Yishein sa Akimrea. Besides, nakakahiya kay Secretary at kay High Priestess Yella na nagpaabot pa ng commendations sa naging papel ko sa establishment ng Hyilliopolis-Manila relations. Besides, If I accept, I have the influence and connections to enter the murky politics of my home country. Pumayag ako sa gusto ng DL at eto na nga more than one year na akong nagtatrabaho dito sa Embassy ng Pilipinas sa Hotaru. Nag aangkat ng saging, pinya at electronics ang Akimrea sa Pilipinas samantalang ineexport ng Akimrea ang communication equipments at cables sa Pinas. Unang taon pa lang pumalo na ng ilang bilyong dolyar ang palitan ang kinita ng dalawang bansa sa trade agreements not counting ang kinita ng tourism sector ng Pinas sa mga dumagsang turista from Hyillia at Akimrea sa mga beaches ng Boracay, Palawan at Versalia. Yishein (the one heading the economic sector ng Akimrea) ay tuwang tuwa sa nangyari. Lahat ng kinita mula sa trade deals sa Pinas ay napapapunta sa lumolobong savings ng bansa. Akimrea, like Hyillia is already a developed country. Unlike Pinas, salamat sa maliit na population nilang dalawa (not even more than three million combined) ay mabilis ang kanilang pag unlad. Not to mention no war, disasters o kahit anong pwepwedeng makapagpabagal sa pag unlad nila. I learned that this was mostly credited to the uniting factor ng Hyillist Religion at excellent communication abilities ng mga Akimreans. Walang kulungan dito dahil sobrang safe at kung meron mang krimen na nangyari at hindi kaya ng rehabilitation ng Hyillia, ipinapadala sa Uyghuristan kung saan may functional prison system ang mga bilanggo na siya namang kinakatakutan ng mga tao dito. Religion together with the fear or being sent to Uyghuristan ay isa if not the reason why these two countries are crime free. Aside from that, natutunan ko din na technically, one country, two government ang Hyillia at ang Akimrea. One cannot survive without the other. Religion, culture at outsourcing ang hawak ng Theocracy of Hyillia samantalang economy, defence at communications ang nakatoka sa Kingdom of Akimrea. This is the reason why si Hoshiro ay basta na lamang akong napigilan sa pag alis ng Hyillia as if he owns the country. The reason why the High Priestess of Hyillia holds so much sway in the daily life of Akimreans. Kung sa layman’s term sa Pinas, ang Pangulo ay si Hoshiro at ang Archbishop ay si High Priestess Yella. Both are equally powerful and influential in their own right. A perfect balance that really works. “Ambassadress?” tentative na pukaw sa akin ng sundalo sa harap ko. Napahinga ako ng malalim bago ko tinanggal ang aking salamin ko at ibinaba ang hawak kong ball pen para tingnan ng harapan ang sundalong halos ka edad lang ni Yishein na nakatayo sa harap ko at parang nag aalala na siguro dahil lumipad na naman ang utak ko sa kalangitan. “Sorry Kowru. Naalala ko lang bigla paano ako napabagsak sa posisyon na ito,” paumanhin ko sa kausap ko. Napakunot ang noo nito, “Maybe you should get a leave. Wala pa ho kayong vacation leave na kinukuha.” “Aba, paano mo naman nalaman yan?” takang tanong ko dito. “Lagi po kasing nag rereklamo si Crown Prince Hoshiro sa amin na hindi din daw siya makapagbakasyon dahil ayaw mong I avail ang bakasyon ninyo,” natatawang sumbong nito sa akin. Napailing na lang ako at nag mental note na wag mababangit ito kay Hoshiro dahil tyak mapaparusahan ang kawawang binatilyong sundalo sa dinaldal nito sa akin. “Naku, allergic ako sa bakasyon,” sabi ko sa kanya sabay change ng subject dahil nakaramdam bigla ako ng katamaran ng maging topic ang long overdue vacation ko, “Anyways, sabi mo ayos naman lahat kaso ano? May problema pa ba?” kabang tanong ko. My fears are confirmed ng tumango ang sundalo, “Yes, okay naman po ang pag file ng candidacy ni Senator Lycan Fortalejo. He is afterall, qualified to run for presidency. However, malalakas ang kalaban niya. One is known for the use of black propaganda and the other is known for cheating. I highly doubt he will have any advantage against the two. Not in the forseeable future,” seryosong report sa akin ng sundalo. Napatikhim ako at tumayo bago tumingin sa labas ng bintana ng opisina ko. Even until now I have to remind myself that I am not in Japan at nasa Akimrea ako. Kulang na lang ay cherry blossom at Japan na Japan na. Akimreans are descended from Japanese migrants in the Pacific Islands centuries ago combined with Filipino migrants from Luzon, same as Hyillians but instead they are descended from Polyneseans mixed with Filipino blood. That’s the reason why they speak the same language but have different cultures and religion. And in this case, completely different politics environment. While Hyillia is a pseudo-religious centered one and Akimrean is a typical feudal monarchy, ang Pinas hanggang ngayon even after war is still being hindered by the very dirty, chaotic and murky political drama. Ang dahilan bakit hindi makausad-usad ang Pinas ay dahil sa mas madumi pa sa ilog Pasig na pulitika dito. Lahat halos korap, mga gahaman sa kapangyarihan at pera. I experienced this first hand ng sa unang deal pa lang ay nanghihingi na agad ng lagay ang isa sa mga kumpanya na gustong mag import from Akimrea. Kung hindi pa ako pinilit at pinaliwanagan ni Yishein na kailangan kong magbigay ng bribes ay baka namatay na ako sa sama ng loob sa katusuhan at kaswapangan ng mga negosyanteng Pinoy. The beaureucratic part is not easier if not worst. Katakot takot na permits, mula barangay hanggay presidential permit. Halos lahat ng level may lagay! Pinagtatawanan ako ng magkapatid dahil sila nga daw eh hindi na nagugulat at namromroblema, heto daw ako at parang hihimatayin sa tuwing may nanghihingi ng suhol! Pilipino ako, I knew talamak ito pero iba pa rin talaga pag ikaw na mismo ang pikit matang naglalabas ng pera para iabot sa mga kurakot. That’s my secondary reason why I am so interested in this particular presidential election ng Pinas. I technically can vote since I am an O.F.W in papers but I know if I wanted to, I can do more than cast one vote. “Kowru, how about the father of Lycan? Is he safe?” tanong ko sa sundalo sa likod ko as I watched the clear night sky of Akimrea, not that much different from Hyillia. “Opo. But I doubt he will for long,” sagot naman niya agad sa akin, “One of their opponents according to our intel is prone to assassinating someone from the family of their rivals. Pagka president ang nakataya dito. Hindi makakapagtaka kung hindi niya gagawin ito on a grander scale, Ambassadress,” sure na sagot ni Kowru sa akin. “I see. Thank you for your report. I will see you again next week,” sabi ko sabay harap sa sundalong nakasaludo na sa akin ngayon, “May the stars bless you and your family.” “Maam!” Iyon lang at matikas itong tumalikod at naglakad palabas ng opisina ko habang naiwan akong nag iisa habang nakatitig sa isang painting ng magandang beach sa isang sulok ng silid at naalala ang mga nasabi ko years ago to a suicidal young man near the sea. I wonder If I did and say the right thing back then? Or did I just delay the inevitable?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD