Mabilis na lumipas ang mga araw at oras na para lumipat ako sa Akimrea.
Konektado ang Hyilliopolis sa Hotaru, ang kapitolyo ng kaharian nila Hoshiro at Yishein through undersea tunnel spanning more than fifty kilometers.
I resigned to my job na nagbigay sa akin ng opportunity para makatulong hindi lang sa buhay ko kundi pati na rin sa mga kababayan ko.
Mamimiss ko ang pakikipag away sa mga customers at sa pakikipagkwentuhan sa mga matatanda over the phone.
Nagpaalam na din ako kila Adeng, Sir Jeff, Hani, Torri at Winter na surprisingly ay alam na ang pag reresign ko.
They wished me luck and bade me farewell without so much as a wave.
Kinontak ko directly ang High Priestess ng Yella para magpasa thru fax ng resignation letter ko at personal na magpaalam. Pero she, as well as the Secretary of Foreign Affairs ng Pinas mismo ang nagsabi sa akin na hindi nila tatanggapin ang resignation ko. I can still work as an Honorary Permanent Ambassadress Plenipotentiary and Extraordinary ng Pinas for Hyillia as it has always been.
Nahihiya ako kay Secretary na nag asikaso sa akin when I left my country at syempre sa High Priestess ng Hyillia na tumanggap sa akin at sa mga kababayan ko so I have no right to say no to their request.
“Kuya wala pa rin si Elesa?” malungkot kong tanong sa lalaking reliever ng resepsyonista.
“Naku wala pa Ate Verna. Naka one week leave,” sagot nya sa akin.
Pinilit kong tawagan siya these past few days pero puro voicemail lang ang nakikinig ko sa kabilang linya.
“Pakisabi na lang umalis na ako ha? At tawagan naman niya ako,” bilin ko sa lalake ng makita ko ang isang brigada ng mga sundalo na sundo ko sa entrance ng condominium.
Tumango naman ang lalaki bago nagpaalam na sa akin para I assist ang isang customer.
Kung may isa man akong pinaka mamimiss dito, si Elesa yun.
Siya ang nag asikaso at naging kadamay ko sa lahat ng nangyari sa buhay ko simula ng umalis ako sa Pinas. Nakakapanibago ang buhay tyak pag walang isang Elesa na nabati sa iyo tuwing umaga at nagpapalayas sa iyo pag madami siyang kausap at pilit mo siyang kinukwento.
“Ambassadress eto lang po ba ang gamit ninyo?” magalang na tanong ng isang sundalo ng Akimrea na nakatingin sa hatak kong lumang maleta at isang malaking plastic bag.
Medyo napahiya naman ako.
“Ah oo. Ang unti ano? Nakakahiya man pero yan lang talaga ang pag aari ko sa buhay,” nakangiti kong sabi sa kanya na kinig ng iba niyang kasama na surprisingly ay mga nagsingitian.
“No need to be ashamed. You are as simple and frugal as what Crown Prince Hoshiro always tell us,” magalang na sagot nito sabay kuha sa aking mga gamit.
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
Pinalibutan ako ng mga sundalo at lumabas na kami ng building.
Bago ako sumakay sa naghihintay na armored luxury car ay napatigil ako.
“Teka lang mga kuya ha?” pigil ko sa mga nagsisialisan sanang mga sundalo sa tabi ko.
“May problema po ba?” tanong ng isa sa akin.
“Ano yung nakinig ko kaninang “always tell us” ha? Anong pinagsasasabi sa inyo ni Hoshiro tungkol sa akin ha?” demand ko sa kanilang lahat.
Mga napangiwi ang karamihan sa kanila at ang iba naman ay hindi makatingin sa akin samantalang ang ilan ay napakamot sa likod ng kanilang ulo.
“Ano nga?” ulit kong tanong sa kanila ng walang sumagot hanggang sa lumapit sa akin ang kapitan nila na magalang na nagbow sa akin.
“Im sorry Ambassadress pero wala ho kayong clearance para utusan kami o bigyan ng direct orders,” basag ng damuho sa akin.
Napailing na lang ako sa kanila at nagkibit balikat. I can’t argue with that fact.
“But sooner or later, you will be our Queen anyways. So malalaman nyo na din ano nga ba ang mga sinabi ni Crown Prince Hoshiro sa amin, Ambassadress,” sunod na sabi ng kapitan sabay saludo at turo sa nakabukas na pinto ng kotse.
I decided not to answer but instead gave them all a warm smile.
I don’t know what the future holds.
But I know that I am one step closer to the future Hoshiro and Yishein envisioned.
That much is true…
-0-
“Ambassadress? Gising po. We are now in Akimrea, specifically, the Capital City of Hotaru,” sabi ng isang boses sa akin.
I opened my eyes at nakita ko ang sundalo sa likod ng manibela na nakasaludo sa akin sabay turo sa labas ng bintana.
Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Ilang beses kong kinusot ang aking mga mata at tinampal ang mukha ko para masiguradong gising na ako.
The whole city is like Laroost, in a sense that it blends medieval architecture and technology.
Ang pakakaiba, Laroost is a western medieval setting.
Hotaru is what medieval Japan would’ve looked like or what Kyoto is today.
Mga buildings na may Asian accents. Mga fire lanterns na nakasabit sa mga bintana at pintuan ng mga bahay at buildings.
Kaliwa’t kanan din ang mga maliliit na shrines dedicated to the stars at may mga naka handmaiden dress na nakabantay sa mga ito.
Napatingin ako sa fone ko at mag aalas otso pa lang ng gabi pero ang dami dami na ding mga tao.
I learned from a fact that very much like Hyillia, sa gabi din ang buhay dito ng mga Akimreans.
Awake by night, sleeping by morning.
“Magugustuhan ninyo po tiyak dito. Unlike Hyillia which is in the cutting edge of technological engineering based on religion, Akimrea is still combined with tradition maintined by millenias of culture safeguarded by the Hyillist Religion,” masayang sabi ng guard as we speed through a highway papunta sa bulubunduking parte ng syudad.
Like Hyillia, Island country din ang Akimrea at napapaligiran din ng mga bulubundukin acting as natural defense against storms and other forces.
Walang matataas na skyscrapers dito bagkos mga buildings at pagodas na nagtataasan ang makikita m na naiilawan ng mga lanterns.
Naramdaman kong umakyat ng bundok ang sinasakyan namin hanggang sa tumigil kami sa tapat ng isang malaking gate na gawa sa bakal at napapaligiran ng matataas na batong pader topped by huge lanterns serving as search lights.
May dinaanan kaming parang kagubatan hanggang sa tumigil ang sasakyan namin suddenly.
Ilang saglit pa at pinagbuksan na ako ng pintuan ng isang sundalo.
“Ambassadress, it is my honor to be the first to welcome you to your new home. The seat of Akimrean Royal Power and Home to the Clan of Utsuwa. The Utsuwa Feudal Castle.”
Nanlaki ang mga mata ko ng pagtingala ko ay nakita ko ang isang dambuhalang Japanese Style Caste na sa t.v ko lang nakikita.
Napakagara nito and very historic ang aura.
Situated at the middle of a flowing river, nagniningning ito na parang napapaligiran ng sangkaterbang mga fireflies dahil sa mga makikinang na nakasabit sa lantern sa bawat sulok ng kastilyo.
Sinundan ko ang mga escort ko pagtawid sa lantern-lighted bridge at natuwa ako ng makita kong may mga water lily na nakalutang sa ilog sa ilalim ng tulay.
We approached the entrance of the castle at nakita ko si Yishein na natakbo papunta sa direksyon ko.
“Ate Verna!” malakas nyang sigaw sa akin at tumalon sya sa aking mga bisig at niyakap ako ng mahigpit, “Kanina pa ako naghihintay sa iyo! Halika dali!” sabi niya sa akin sabay hatak sa aking kamay papasok sa kastilyo.
The interior of the castle is more impressive than the outside that’s for sure.
Technology meets medieval Japanese ang motif ng kastilyo.
Tatami ang design ng sahig at ang mga pintuan ay mga sliding doors with Kyoto accent. May mga guard dogs statues sa paligid at ang kisame ay iniilawan ng isang dambuhalang fire lantern (o stimulated artificial fire by the looks of it) na napapaligiran ng mga malilit na lampara.
Mukhang kahoy ang mga pader but I know they are concrete dahil medyo halata sa design.
May mga electronic screens at panels sa guard stations at mga speakers sa dingding.
Everything is just breathtaking. Parang nagteleport lang ako sa Japan or something!
“Halika ate dito sa receiving area!” yakag ni Yishein sa akin as she guided me to the wide lobby at sa gitna nito ay may isang desk at isang babae na nakatalikod na parang may inaayos.
Nang mapalapit ako sa desk ay may nakita akong familiar picture frames.
Hinayaan ako ni Yishein na maglakad ng solo papunta sa harap ng desk kung saan nagulat ako sa nakita ko.
Mga picture frames ni Mochabits.
“Elesa,” mahinang sambit ko.
Then suddenly humarap sa akin ang babae, “Yes Verna?”
Hindi ako makaimik ng makita ko na si Elesa ang babaeng nasa harap ko ngayon.
Mangiyak-ngiyak ito na ngumiti sa akin, “Noong naka leave ako may nag alok ng trabaho sa akin as a front lobby specialist dito sa Akimrea. Who am I to say no? Mas malaki ang sahod, iba ang environment at free ang board and lodging with meal allowance,” masayang sabi niya as tears finally fell from her eyes, “The best of all the perks of all ay nandito ka rin Verna,” masayang sabi nito sabay bow sa akin.
“Elesa, girl,” mangha kong sabi ng hindi ako makapaniwala na nandito siya sa harap ko.
She wiped her tears and started to shoo me away just like the old times, “Hala sya, mamaya na ang iyakan at drama. Layas Verna! Nag aadjust pa ako at may inaasikaso pa akong mga papel baka magalit yung new employer ko. Ayun sya oh!” sabi nito sabay turo sa left side namin bago tumalikod ulit at nagsalansan ng mga papeles.
I looked at the direction she was pointing and I saw the master of the house.
He is smiling at me like he always did years and years ago.
A smile with his shining eyes.
“Welcome home, Verna,” masaya nyang sabi sa akin as he walked to my direction.
Hindi ko malaman kung bakit but the only thing I can say to him is, “I am home.”
Niyakap niya ako ng mahigpit bago inilayo ng kaunti sa kanya at tinitigan ang aking mukha at sumimangot.
“Yishein is right. Namayat ka sa Call Center. Don’t worry nagawan ng solusyon ng kapatid ko yan. Where is she anyways? Ay ayan na pala!” masaya nitong sabi sabay lingon sa kanan namin.
I saw Hoshiro’s sister walking towards us followed by a very beautiful girl with a very slim body of a model at maitim na buhok na aabot sa tuhod niya. She is wearing a pair of old jeans and odd oversized t-shirt na abot na halos sa hita nya.
She is very breathtaking.
Napakaganda niya. Very exotic ang beauty at kung maglakad parang napakagaan niya at any moment now ay gently syang liliparin ng hangin.
She feels so free, so weightless…
“Ate Verna, siya ang solusyon ko sa pinoproblema kong weight mo at weight na din siguro ng mga nakatira dito,” masayang sabi ni Yishein sa akin sabay turo sa kasama niyang model ata ng Victoria Secret na naligaw or something.
Nagbow ang magandang babae sa harap niya at ngumiti ng matamis.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang mga mata niya.
Green and Gray. Parang nawashout ang kulay ng isa pero green na green ang isa. Full of life and energy unlike the other.
“Ambasadora, ako si Tabithanya, Tabitha for short. Ang bagong hire na cook dito sa kastilyo. I will make sure na masarap at masustansya ang pagkain na kakainin mo dito from now on. Don’t worry magkababayan tayo at karinderya ang dati kong negosyo so sigurado magkakasundo ang mga dila natin,” masaya niyang sabi sa akin sabay abot ng isang green apple na mula sa kanyang bulsa, “For starters, kainin mo iyang paborito kong green apple. I am an expert sa pagtaba, believe me,” makuhulugan nitong sabi sabay tingin sa kanyang suot na oversized na t-shirt bago ngumiti ulit sa akin.
I have a feeling na magkakasundo kami ng babaeng ito. She is more than what meets the eye. I feel that like me, she have been to hell and back and the way she is now is the result of her rebirth.
“Verna na lang Tabitha. Sana wag mo akong patabain ng sobra,” biro ko dito.
Nagbow ito at nagpaalam ng mabilis kila Hoshiro at Yishein na babalik na sa kusina para ipagluto daw ako bago ako sagutin, “Walang problema. Ako lang promise ang may karapatang maging babaeng bapor dito. Teka pagluto na kita ng masampolan mo na ang gawa ko.”
Iyon lang at tumakbo na ito palayo, probably pabalik na sa kusina.
Hinarap ko si Hoshiro at Yishein na nakangiti sa akin, “She is something. Kung ako ay kasing ganda at sexy nya pihado hindi ako kasing bait niya. Mark my words. She definitely has a story to tell.”
Napatawa naman si Hoshiro samantalang ngumiti at tumango si Yishein sa akin, “I know right Ate Verna? Actually she is not really like that physically. Pero I will let her tell you the story. Maiwan ko na kayo dahil hindi ko pa tapos ayusin ang tutulugan mo Ate.”
Umalis na si Yishein at umakyat na ng grand staircase na sobrang taas at lawak pero ang bilis naakyat ng kapatid ni Hoshiro.
“I hope you will love it here,” sabi sa akin ni Hoshiro as he looked at me hopefully.
Tumango naman ako, “I know I will. Thank you for Elesa and Tabitha.”
“Ikaw pa. Malakas ka sa akin since the first time you rejected me,” guilt trip nito sa akin before kissing me in my right cheek sweetly.
“EHEM GUYS! GUYYYYYSSSS!”
Napalingon kami kay Elesa na nakangisi sa amin ngayon at nakapameywang, “Aba’y mahiya naman sa aming mga naiinggit!” sigaw nito sabay turo sa ilang dosenang mga sundalo at staff ng palasyo na mukhang napatigil sa mga ginagawa nila na mga teary eyed na nakangiti sa amin na nagtatawanan na sa sinabi ni Elesa.
Napapaliling si Hoshiro na kinamot ang likod ng ulo, “Alam mo Elesa, maybe I shouldn’t have hired you in the first place,” kunwari’y disappointed na sabi niya sa resepsyonista, “Nakakailang araw ka pa lang dito, mukhang nakagawa ka na agad ng unyon!” nakangising bintang nito sabay turo sa mga tauhan nya na mga ligayang ligaya sa bagong resepsyonista ng kastilyo.
“Sorry Crown Prince Hoshiro, but my contract straight from the High Priestess itself is ironclad. Hindi mo akong pwedeng sisantihin na lang. Besides,” sabi nito sabay tingin sa mga tauhan ni Hoshiro, “Anong masama sa Unyon ng mga Sawi? Diba?!” malakas na hiyaw nito sa mga katrabaho na mga nagsitaasan ang mga kamao na parang mga may pinaglalaban.
Napatawa na din ng malakas si Hoshiro.
I can never imagine that a castle with a space this big can be filled with such happy and content laughter.
I looked at Hoshiro, Elesa and my new housemates.
Maybe this is the new chapter of my life.
I know that my future will never be easy.
I can feel it…
But I always see that glimmer of hope in the hearts of everyone that I met in my life.
That made me believe that in someway, I can make it and see the end as long as that glimmer of hope in my heart never fades…