“Naasikaso na ba ang lahat, Kowru?” Tumango ang binatang naka itim na walking shorts at puting sando na nagpalabas ng kanyang may pagkapatpating pangangatawan na nagpaalala sa akin ng mala-kawayang katawan ni Ravinder noong mga teenagers pa kami. Nakaupo kami sa isang decrepit na cottage na nakatirik hindi kalayuan sa dalampasigan sa outskirts lang ng Maynila na halatang napakadalang puntahan ng mga tao dahil maliban sa mangilan-ngilang mga bata na naglalaro ng buhangin sa hindi kalayuan ay kami lang ni Kowru ang mga matatandang nandito na naghihintay ng bukang-liwayway. “Wala ka nang dapat problemahin pa, Ambassadress,” paninigurado sa akin ni Kowru na huminga ng malalim at nilanghap ang preskong hangin mula sa dagat, “Everything is completely spotless. All relevant paper files shredd

