“May tama ka na?” amused kong tanong kay Elesa na hindi na gaya kanina na nakangiti at tawa ng tawa lang sa kahit anong maliit na bagay na aming mapag-usapan. Itinaas nito ang panglimang bote nya ng mamahalimg tequila sa tapat ko at malalim na lumagok bago ibinaba ito ng wala nang laman, “Para… Sa wakas, tumalab na din ang pesteng alak na ito. Mamahalin pero mahina ang tadyak.” “Or mabagal. Oh baka siguro sanay kang malasing, Elesa.” “Sanay?” natatawang balik tanong nya sa akin sabay tingin sa mga empty bottles sa harap nya, “Baka nga. Maari… After all, sa sobrang hirap ng pinagdaanan ko sa buhay, ang pagpapanggap na lasing palagi at walang pakialam sa mundo araw-araw ay nakasanayan ko nang gawin for more than a decade or so to the point na kailangan ko ng alak para mahulasan sa aking i

