Day of the Elections… Gaya ng nangyayari sa Pilipinas sa araw na ito ay ganun din ang nangyayari ngayon sa loob ng embahada ng Hyillia at Akimrea. All hell breaks loose. Napakagulo, napakaingay at literal na nagliliparan ang mga papel sa ere ng walang tigil. Fax machines printing out papers non-stop. Mga empleyadong naghahalungkat ng mga salansan ng files ng walang tigil at walang pakundangan kung saan nila itatapon ang mga papel na hindi nila kailangan. Kahit ang mga suot nila ay hindi na nila inisip kung appropriate pa ba o hindi na. Ang iba naka suit pero naka pajama sa ibaba. Ang iba yapak na nagtatakbo dala-dala ang mga servers samantalang ang mga babae ay hindi na inabalang magsuklay o magtuyo ng buhok dahil sobrang busy sa pagdodouble check ng data sa computers o pag tawag sa m

