“Ambassadress pwede papasa nung atsara sa tabi mo?” pakiusap ni Doreen sa akin pagkapasok nya sa front door ng embahada at bagsak ng sangkaterbang papel sa tabi ng isa sa aking empleyado na mukhang na eskandalo dahil may apat pa syang kaparehong tambak ng papel na hindi pa natatapos. “Girl seryoso ka dito?” naiiling na tanong nito kay Doreen na mabilis kinuha ang iniabot kong bote ng atsara at binuksan ito sabay taktak sa ibabaw ng kanin at karne na naghihintay sa kanyang desk na hindi man puno ng papel eh may tatlong pc monitor naman nakapatong at pareparehong nagpapakita ng real-time statistics at poll results ng mga kandidato habang mabilis syang kumakain habang nagtatype bago sumagot. Itinuro nito ang malalaki at itim na itim na mga eyebags nya, “Maggie tingnan mo ang mga ito at alam

