Chapter 20 Confession Wag kang mag alala gusto ka rin niya. Wag kang mag alala gusto ka rin niya. Wag kang mag alala gusto ka rin niya. Paulit-ulit na sumasagi sa isipan ko ang mga salitang binanggit ni Rodney sa akin. Kinagat-kagat ko ang kuko ko sa hinlalaki ko habang nakakunot noong nag-iisip. Posible bang magustuhan niya rin ako? Totoo kaya ang sinasabi ng batang iyon o gino-good-time niya lang ako? "Ay ano ka ba Christopher! Pwede ka nyang magustuhan! Sa gwapo mong 'yan tiyak patay na patay yon sayo!" "Sinong patay na patay sa'yo?" Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang lumitaw sa harapan ko ang babaeng pinagseselosan ni Krishna. Ngumiti na lang ako at saka umiling at sinabing, "wala." "Ganon ba?" tanong niya kaya tumango-tango na lang din ako. "Tara na? Excited na ak

