Chapter 19: Kahanginan ni Rodney Rodney's POV Nakaharap ako sa salamin ng kwarto ko ngayon, at ilang saglit pa'y kumindat kindat ako. Naks naman ang gwapo ko talaga eh noh. Kinuha ko 'yong sapatos na bigay ni Idol Tope at marahang isinuot hihihi...ang ganda talaga. Bagay na bagay sa maganda kong paa. Naglagay ako ng pabango matapos at humarap muli sa salamin at saka ngumiti. "Hanep Rodney, ang ganda mo talagang lalake! Tiyak na mababaliw sayo ang mga babae sa La Ventura,"puri ko sa sarili ko. Pagpasok ko sa hotel ay kinindatan ko 'yong isang guest kaya nag-blush siya bigla kaya napailing-iling na lang ako. "Iba rin talaga ang kamandag mo Rodney," kausap ko sa sarili at nagpatuloy sa paglalakad pero agad akong napahinto nang may marinig akong tumikhim. "Anong kamandag pinagsa

