bc

My Fiancé is a Bully

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
others
contract marriage
love after marriage
arranged marriage
drama
sweet
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

Si Rinku ay isang college student sa isang prestiryosong eskwelahan. Naging maganda ang unang araw nya dito ngunit napalitan na lamang ng makilala nya ang grupo ni Akash. Si Akash na ubod ng yabang at napaka bully. Wala itong sinasanto kahit sino dahil na rin sa impluwensya ng kanyang Ama. Si Rinku ay palaging nabubully ni Akash. Kaya naman dahil dito, ay palaging nakaka receive ng violations sa eskwelahan ang binata. Kaya naman wala nang nagawa ang mga magulang nito kundi ipakasal ito sa anak ng kanyang matalik na kaibigan. Ngunit, magkakasundo kaya sila Kung malalaman nilang si Akash at si Rinku ang mga ito? At ano ang naghihintay na kapalaran sa dalawa?

chap-preview
Free preview
Part One
*Bell Ringing* Inayos agad ni Rinku ang kanyang mga gamit upang makapag recess na. Hinihintay naman sya ng kanyang kaibigan na si Annie. She's one and only bestfriend sa campus na to. Pagka alis ng Kanilang teacher makikitang agad nilapitan ng binatang si Akash si Rinku kasama ang mga kasama nito. Nag alala naman bigla ang kaibigan nyang si Annie. Alam nya kasi Kung ano ang gagawin ng mga ito sa kanya. "Rinku may sasabihin kami sayo." wika ni Akash na natatawa pa. "Oo nga.. May papakita kami sayo, tingnan mo." si Jerickson na Tila nag mamagic pa. "Pwede ba, tigilan nio na nga ako for once!" naiinis na Sabi ni Rinku sa mga binata. Ngunit hindi sya nito pinakinggan at tinawanan Lang sya ng mga ito, at sa halip ay ipinagpatuloy Lang Nila ang paghawak sa kanyang buhok Para ito ay hilahin. Maya Maya pa, binugahan ng mga glitter ni Jerickson sa mukha si Rinku. Nagtawanan ang tatlong mga kalalakihan. Napapikit naman ang dalaga sa Kanilang ginawa. Matapos niyon ay Iniwan na sya ng mga ito. Hindi talaga lumilipas ang araw hanggat hindi sya nabubully ng grupo ni Akash. Ewan ba nya at bakit sya ang araw araw nilang target. Kung minsan nga ay ayaw na nyang pumasok sa eskwelahan dahil sa pakikitungo sa kanya ng kanyang mga kaklase. Habang nag aayos ng mukha si Rinku ay hindi nito mapigilan na umiyak. Agad naman syang nilapitan ni Annie. "Rinku ok ka Lang.." nag aalala na tanong ng kanyang kaibigan. Patuloy Lang sa pag iyak ang dalaga. "Nakakainis.." bulong nya. "Rinku.. Wag ka nang umiyak. Titigilan ka din ng mga Yun." Anya. "Kailan pa? Kapag patay na ko?" "Wag ka ngang mag isip ng ganyan. Halika na. Mag lunch break na tayo." agad syang hinawakan ni Annie sa kamay at saka dinala sa Kanilang canteen. Tahimik na kumuha ng Kanilang pagkain ang dalawang dalaga. Sa kabilang Mesa ay pinagmamasdan ni Akash Sina Rinku. Maya Maya pa ay Naka isip ito ng idea. Lumapit sya sa dalaga pagka upo nito sa Mesa. "Rinku, may nakalimutan ka kahapon." nakatawang Sabi nito. Ngunit hindi sya nito pinansin at nagpa tuloy Lang sa pagkain. Ngunit ito namang si Akash ay may kinuha sa kanyang bulsa at ito ay isang pekeng ipis at biglang inihagis Kay Rinku. "Hala ano yan! Ipis!!" sigaw ng binata. Sa sobrang gulat ni Rinku ay napatayo ito nagtatatalon, at nagsisisigaw maalis Lang Inaakala nyang ipis. Tinulungan naman sya agad ni Annie Para alisin ito. Maya Maya pa ay na hulog na ito sa sahig. Agad namang natigilan ang dalawa ng makita itong peke Lang Pala. Nagtawanan ang lahat ng mga estudyante sa canteen dahil sa Kanilang inasal. Tiningnan Lang ng masama ni Rinku si Akash. Malapit na syang mapuno rito. Konti na Lang at bibingo na ito sa kanya. Agad na umupo si Rinku sa kanyang upuan habang nakatingin pa rin Kay Akash. Natatawa naman sa kanya ang binata. Pagkaupo nya ay Tila nakaramdam sya lagkit at basa. Muli syang tumayo upang tingnan ito. At nagulat sya sa kanyang nakita. Napakaraming Ketsup ang nasa upuan nya at naupuan nya ito. Mukha tuloy syang tinagusan sa kanyang palda na suot. Muling Nagtawanan ang buong mga estudyante sa loob ng canteen. Napapikit at napatakip ng tenga si Rinku sa kanyang sinapit. Gusto na talaga nyang mawala na si Akash sa buhay nya!!!! Napaka Sama nito at napaka bully! How she wish she will have her revenge on him!!!! **Bedroom** Umiiyak lamang sa loob ng kwarto si Rinku habang yakap yakap ang kanyang sarili. Sobrang naiinis na sya. Gusto nya nang magpalipat ng school. Araw araw ay impyerno sa kanya si Akash kapag nakikita ito. Hindi nya maatim na makasama ito sa loob ng Kanilang classroom. Sobrang nagsisisi na sya sa kanyang sarili. Ito kasi ang eskwelahan na gustong gusto nyang pasukan Kaya nagpumilit sya sa kanyang Ama na dito sya Ipasok. Ngunit. Ngayon, ay nagbago na ang lahat. Dahil sa Akash na Mayabang at ubod ng Sama na iyon. Maya Maya pa kumatok sa kanyang kwarto ang kanyang Ina. "Rinku, anak. Kakain na. Ano pang ginagawa mo Dyan?" wika nito. Agad namang pinunasan ng dalaga ang kanyang mga luha. "Sige ma. Bababa na ako." tugon nya sa kanyang Ina na naghihintay sa labas ng kanyang pintuan. "Ok sige. Bumaba ka na duon ha? Sabay sabay na tayong kumain." wika nito at saka umalis na. Inayos ni Rinku ang kanyang sarili. Inayos nya ang mahaba nyang buhok. She's a little bit chubby but cute. Hindi sya ang tipo ng babae na bida sa Kung ano mang pelikula na maganda at sexy. Nasa kalagitnaan lamang ang kanyang standards. In short. She's just a nobody. An ordinary girl. Who happen to be a target everyday of Akash. That bully! Na isip minsan ng dalaga na baka kulang ito sa aruga Kaya ganun na lamang kanyang asal. Maya Maya pa ay bumaba na rin sya. Nakita nyang nakahanda na ang mga pagkain sa Kanilang hapagkainan. Nandun din ang kanyang Ama na nagbabasa ng dyaryo at ang kanyang Ate. Na galing Lang din sa work. Habang ang kanyang Ina ay nag aasikaso ng Kanilang Mesa. "Oh Rinku, kamusta ang pag aaral mo?" tanong ng kanyang Ama na hindi pa rin Inaalis ang dyaryong binabasa nito. "Ok naman po pa." mahinang tugon nya. Agad namang Inalis ng kanyang Ama ang hawak nitong dyaryo ng mapansin ang matamlay na tinig ng kanyang bunsong anak. "May problema ba?" Natawa Lang dalaga upang hindi na sya mapansin nito. "O-oo naman pa. No need to worry." Tumango Lang ang Kanilang Ama at saka humarap sa kanyang asawa na katabi nya na kumakain na. "Honey, bukas ay maghanda ka ng maraming pagkain ha? Darating ang pinaka matalik kong kaibigan. Nagkita kasi kami kahapon." tuwang tuwa nitong Sabi. Halata naman ang pananabik sa boses ng kanyang asawa. "Talaga ba? O sige ako nang bahala. Aayusin ko din tong bahay Para hindi nakakahiya sa Kanila." "Mhm. Sige." tugon ng tatay. Nagpa tuloy na silang kumain Para sa Kanilang hapunan. Samantala, ang binatang si Akash ay Muling I pinatawag sa office ng kanyang Ama sa loob ng Kanilang malaking bahay. Galit na galit ito dahil sa kanyang Nalaman. May mga school violations na naman kasi itong ginawa. Pagpasok ng binata, ay agad na sumalubong sa kanyang mukha ang mga papel na inihagis ng kanyang Ama sa kanya. Napapikit sya. "Wala ka na bang ibang matinong gagawin kundi puro ganto?! Hah?! Akash?! Kung Alam ko Lang na magiging ganito ka, Sana hindi na kita pinasok sa eskwelahan na ito!" galit na galit na sigaw ng kanyang Ama. "Ano na naman ito?" nagtatakang tanong ng kanyang Ina ng marinig ang sumisigaw na asawa. Hindi naman nakakibo ang binata at sa halio ay nilalaro lamang nito ang kanyang mga daliri habang nakatayo. "Kapag hindi ka pa tumino this time! Wala akong magagawa kundi patigilin ka sa pag aaral!" "Ee di gawin mo. Dyan naman kayo magaling ee." sabay walk out ng binata sa office. "Aba talagang.." Lalong nagalit ang kanyang Ama ngunit pinapakalma naman sya ng kanyang asawa. "Tama na.. Baka tumaas na naman nyan ang BP mo. Hayaan mo na lang sya." Wika nito. Napatingin naman ito sa kanyang asawa. "Ano ka ba. Anong kinabukasan meron ang anak mo kapag hinayaan mong maging ganyan sya. Masisira Lang ang reputasyon natin ng dahil sa kanya." galit na sagot nito sa kanyang asawa. Hindi na nakakibo ito sa kanya at saka hinimas himas ang likod nito at saka pinainom ng tubig ang asawa. >>>>>School Nasa loob ng kanilang classroom ang lahat ng mga estudyante. Nagsusulat silang lahat habang Nagsusulat din ang kanilang guro sa pisara. Habang Nagsusulat ang dalaga ay nakaramdam ito ng pagbato sa kanyang ulo at alam nyang si Akash ang bumato ng papel na yun sa kanya. Hindi nya ito tiningnan. Sa halip ay nagpatuloy lamang sya sa pagsusulat. Maya maya pa ay nakaramdam sya muli ng pagbato. This time, tiningnan nya na ito ng masama. Pero tinawanan lang sya nito. Inirapan nya lang ang binata at saka bumalik sa kanyang pagsusulat. "Ok everybody. Meron ako ditong bunutan. Nakasulat ang lahat ninyong mga pangalan sa papel na ito. Nakabukod ang lalake at babae." wika ng guro sa kanyang mga estudyante. Tila na excite naman sila ng marinig ito. "Gusto ko, pumili kayo ng inyong mga representative para sa mga lalake at para sa mga babae." "Yooooowwnnn!!!" nagsigawan naman ang mga kalalakihan. Nagkaisa na ang lahat sa pag pili ng kanilang mga representative. Ang napili ng mga babae ay si Mica. At sa mga lalaki naman ay si Michael. Pumunta ang Dalawang estudyante sa harap at sila'y nagbato bato pick. Kung sino ang mananalo sila ang bubunot ng kanilang makakapareha. Sa unang pagbato ay na-nanalo agad ang mga babae. Nagsigawan naman ang lahat ng mga kababaihan sa buong room. "Ok, ang mga babae ang bubunot ng kanilang makakapareha." wika ng kanilang guro. Isa isa nang lumapit ang mga kababaihan sa harap upang bumunot ng kanilang makakapera. Hangad naman ni Rinku nasi Annie ang kanyang makapareha. Nguni't, may nakabunot na ng kanyang pangalan. Nuong sya na ang bubunot. Naka ramdam ng konting kaba ang dalaga. Hindi nya mawari kung ano ito. Pero nagpatuloy lamang sya. Dahan dahan syang bumunot ng papel sa isang kahon. Ibinuklat nya ito. At nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ito. Si Akash. Si Akash ang kanyang makakapareha para sa project na ito. Hindi makapaniwala ang dalaga. Bakit sa dinami dami ng kaniyang mga kaklase ay sya pa ang napili? >>>>Fast Forwards Uwian na, pero nasa loob lang ng classroom si Rinku. Nakayuko lamang sya. Gusto na nyang bumagsak na lang sa project na ito kesa magkasama sila ni Akash. Sa ngayon nga, ay hindi na nya alam kung paano sisimulan ang kanyang project gayong wala na ito. Napabuntong hininga ang dalaga. Tama. Kailangan nyang magpakatatag. Sya na lamang mag isa ang gagawa ng project na ito. Pwede naman siguro iyon. Agad nyang niligpit ang kanyang mga gamit at inilagay iyon sa kanyang bag. Lumabas sya ng classroom ng bigla nyang makasalubong si Akash. Nanigas ang kanyang mga binti at tila hindi ito makagalaw. Tiningnan lang sya ng binata na may halong Inis. "Anong tinitingin tingin mo?" tanong ng bata. Hindi naman naka sagot ang dalaga dahil sa takot na kanyang nararamdaman. Hindi nya kasi alam kung ano ang gagawin nito sa kanya sakaling lumaban sya dito. "Hoy, Baka akala mo magiging madali sayo itong project nato dahil magkapareha tayo. Pwes, para sabihin ko sayo. Hindi mangyayari yun." wika ng binata habang nag aayos ng kanyang mga gamit at saka nag lakad palayo sa kanya. "Ang yabang mo.." bulong ng dalaga. Pero dahil sila lang ang tao sa loob ng classroom ay narinig naman sya ng binata. Napatigil naman ito ng paglalakad at saka dahan dahang lumapit sa kanya. Naka ramdam naman ng takot ang dalaga. "Anong sabi mo?" tanong nya. "Uh.. W-wala." sagot ng dalaga habang napapa atras sa binata. "Ano mayabang ako?" wika ng binata na lumalapit pa rin kay Rinku. This time. Napasandal na ang dalaga sa pader. "Oo. Mayabang ka! Bakit?! Totoo naman ah?" buong lakas loob na sabi ni Rinku. Lalo pang lumapit si Akash sa kanya. He smirk. "Ee ano naman ngayon? May magagawa ka ba? Gusto mong mamatay ngayon?" galit na sabi ng binata. Napapakit ang dalaga. "Huwag. Maawa ka." sagot nya na tila paiyak na. "Umayos ka ha. Kung ayaw mong makita agad si San Pedro. Ilugar mo yang sarili mo." at saka kinuha ang mga papel na hawak nya. "Ano to ha?" Agad namang nagalit si Rinku sa ginawa nya at saka nya inabot ito kay Akash. "Hoy! AKINA NA YAN!" sigaw ng dalaga. "Ahh." napangisi ang binata. "Mukhang importante to sayo ah. Gusto mo?" wika ng binata na tinataas ang kamay upang hindi ito maabot ng dalaga. "AKINA na yan akash ano ba?!" lalong paiyak na ang dalaga sa ginagawa nito sa kanya. "Gusto mo? Huh? Gusto mo to?" agad na pinunit ng binata ang mga papel nito sa harap nya. Napanganga naman ang dalaga sa kanyang ginawa. "Anong ginawa mo?!" "Ayan. Sayo na yan!" sabay itinapon ito sa kanyang mukha. Napaluha ang dalaga at saka unti unting kinuha ang mga piraso ng papel sa sahig. Natawa naman ang binata sa ginawa nya at lalong natatawa naman sya kay Rinku. "Ay naku.. Tsk tsk." at saka iniwan na nya ito. Napaka demonyo talaga ni Akash Kahit kailan. Walang araw na hindi sya nito ginagawan ng masama. Kailan ba sya nito titigilan? May Pag asa pa bang tumigil yun? Naiinis na ang dalaga! Naiinis ito sa kanya! At higit sa lahat, naiinis ito sa kanyang sarili. Hindi nya man lamang kayang ipagtanggol ang kanyang sarili laban sa hayop na lalaking yun. Sana mamatay na sya. Ang tanging hiling ni Rinku. Mga papel ito na kailangan nyang ipasa sa kanilang project sa isa pang subject nila. Nguni't pinunit na ito ni Akash. Ngayon ay babalik sya sa una at uulitin muli ang kanyang gagawin. >>>>>>>Bahay>>>>Kinabukasan<<<<<< Nagmamadaling pumasok ang dalaga sa eskwelahan. Hindi kasi nag alarm ang kanyang relo kaya na late na sya ng gising. Tumatakbo syang pumasok sa loob ng kanilang klase. "Sorry ma'am I'm late." wika nya sa kanilang guro. "Go on and take a seat." Agad naman syang umupo sa kanyang upuan. Maya maya pa, ay binato sya ni Akash ng papel sa ulo. Pero Di nya iyon pinansin. Nguni't binato syang muli nito. Tiningnan nya ito ng masama. Nag sign language lamang ang binata sa kanya. Na sinasabing basahin-mo-yung papel. Nagtaka naman sya. Agad naman nyang kinuha ang papel na iyon. Unti unti nya itong binuklat at binasa. At nagulat sya sa kanyang nabasa. "Magkita tayo mamaya sa rooftop after break. May Pag uusapan tayo." Muli nyang tiningnan ang binata. At mukhang seryoso ito. Umalis sya agad ng tingin ng tumingin ito sa kanya. Ano na naman kaya ang gusto nito sa kanya? Pupunta kaya sya? Paano kaya kung bullyhin na naman sya nito? Hmmmm...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.8K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.9K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.2K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook