bc

The Lustful Island of Pueblo

book_age18+
188
FOLLOW
2.3K
READ
revenge
fated
dare to love and hate
versatile
sweet
city
small town
enimies to lovers
cruel
tyrant
like
intro-logo
Blurb

"Can't wait till I hold you again....this close...soooo close.....so I can pin you to the wall again and torridly kiss you" halos pabulong na habol hiningang sabi ni Raziel, habang mahigpit na idinikit sa may dingding si Aniah. Napapikit pa lalo ang binata ng masamyo nito ang amoy ng dalaga na syang gustong-gusto nyang amoy, at tila naramdaman nya uli ang kakaibang sensasyong tanging ito lamang ang nag papagising sa natutulog nyang dragon na tila gusto na namang umalpas sa pagkakalapit nilang muli.Napaigtad naman si Aniah ng maramdaman ang mainit na hininga ni Raziel sa may leegan nya. Tila bulta bulatahing kuryente na naman ang dumadaloy sa buo nyang pagkatao, ramdam nya ang pag iinit ng kanyang mga pisnge at walang dudang pulang-pula na naman ito. Kahit anong baling ang gawin nya'y nararamdaman nya ang init ng hininga ng binata. Lalong lalo na ang ibabang bahagi nito na tila gustong umalpas at mag wawala...."you're just too good with your hands, buttt....nooo!Pleaseeee...don't, sttooopp it Raaazieeeelll...hmmm...pleassee" impit na pag pipigil na ika ni Aniah na napapikit na sa pagkakataong yaon."No! Don't beg me to stop! You don't know how long I've waited for this moment to come again! Don't you dare stop me Aniah, i felt your arousal too Honey!" Habol hininga na saad ni Raziel na diniin ang ilong sa may leeg ni Aniah na tila inubos ang mabangong samyo nito. "You know what Honey? I'm planning to make you euphoric today!" Nakakaluko ang ngiting ginawad ni Raziel na lalong ikana mula ng mukha ng dalaga.Sa pangangalawang pagkakataon maulit kaya ang nangyare sa kanila?Paano kung malaman ni Maureen ang lahat?Kakayanin kaya niya ang galit ni Maureen? Si Raziel? Mahal ba sya nito o kailangan lang sya para maibsan ang pangangailangan nito? o kailangan sya upang makaiwas ito sa namimintog na kasal nito kay Maureen Ardiente? Saan kaya hahantong ang tagpong ito?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Isang malakas na kalabog sa pintuan ang mauulinag sa kalahatian ng gabi na kung saan ay mahimbing nang natutulog ang pamilyang Castillo. Pupungas-pungas pang napabangon ang isa sa kasambahay na naninilbihan sa pamilyang ito ng marinig ang papalakas na kalampag ng pintuan sa bahay na yaon. Naka kunot man ang nuo at di maubos-ubos ang katanungan kung sino ang nang eestorbo sa katahimikan ng buong isla na tila ba mauulinagan nito ang lakas ng kalampag ng nasalabas ng pinto. Maliit lamang ang isla para di malaman o maramdaman ang unting kasikas ng paligid. Kaya naman wala sa luob na pinag buksan ng kasambahay ang pintoan na di man lang nagpasino kung sino ang nasa likod ng naka pinid na pinto. Laking gulat naman nito ng biglang tinulak ng pagkalakas ang papabukas pa lang na pinto. Napasalampak naman sa sahig ang kasambahay na nabigla sa lakas ng pagtulak ng nasal abas. At nanlaki ang mga matang mapagsino ang nasa harapan nito. Huli na para sumigaw ang kasambahay, isang putok ang pumakawala sa ilang Segundo. Mamauulinagan naman ang pag-utos ng naka maskarang kasama nito sa iba pang naruroon. “halughugin nyo ang buong kabahayan, siguradohin nyong walang buhay na matitira sa tahanang ito!” dumadagondong sa kabuoan ng kabahayan ang sigaw ng naka maskarang nilalang. Sa itaas naman ay kanina pa pala nagising si Don Mariano, mula ng magising sya sa malakas na kalampag ng pinto. Alam nyang may hinde kaiya-iyang nilalang ang nakapasok sa kanilang hacienda. Kaya naman dali-dali nyang ginising ang ginang na mahimbing na natutulog sa tabi nya. Gulat man ay nagising ito ng maulinagan ang malakas na kalampag sa baba. Napatingen sya sa asawa at nanlaki ang mga mata, kakitaan ito ng takot at pag-aalala. Suminyas ang ginoo na manahimik ito at itinuro ang kwarto ng mga bata. Napalunok at napabuntunghinga ng malalim ang ginang, tila ito na nga ang kinatatakutan nilang mangyari. Kaya naman napatango ang ginang at dahan-dahang bumangon sa kama at tinungo ang drawer sa may gilid at tila may kinuhang naka palumpon na mga papeles sa isang folder at dali-dali nitong hinablot ito at tinalunton ang sekretong pintuan patungo sa kwarto ng mga bata. Sa pagbukas ng ginang ng pintuan ay nagising na pala ang mga bata, si Aurello na syang panganay ay andon na din pala at akap-akap ang mga nakakabatang kapatid. Habang madidinig ang ipit ng pag-iyak ng mga ito. Dali-daling nilapitan ng ginang ang naghihintakutang mga bata. At pabulong nya itong pinagsabihan. “shhhhhh…..wag kayong maingay, Aurello alam mo na ang gagawin anak. Dalhin mo na sila don. Bilisan mo na!” nangingig pang bulong ng ginang sa anak na panganay. “Mama, sumama ka na sa amin!” ani Aurello na nangingilid na ang luha sa mga mata. Habang akap-akap pa din ang mga kapatid. “Susunod ako anak, kailangan ko lang tulongan si Papa nyo. Tapos susunod na kami sa inyo. At ito, Amelie, ikaw humawak nito anak, wag na wag mo itong iwala. At wag na wag mong ibigay sa kahit na sino. Kayo lang magkakapatid ang may Karapatan dito. Naiintindihan mo ba anak?” ani ginang sa sampung taong gulang na anak na babae na nakatitig sa ina ng subra ang pag-alala at takot sa mga mata nitong kay ganda sana. “Mama, natatakot ako!” aning batang nag umpisa nang manginig ang katawan sa takot. Habang hawak-hawak ang kamay ng ina. “shhhh….anak, you have to be brave, andyan si kuya mo Aurello di kayo pababayaan ni kuya mo. At ipangako mo anak itong mga dokumentong ito ay pag-ingatan nyong maigi. At wag mong pabayaan ang dalawa mo pang kapatid. Promise susunod agad kami ng ama nyo.” Aning ginang na labas sa ilong ang sinabe, alam niyang imposible pang maka sunod sila ng asawa kung sakali man. Nang biglang isang malakas na putok ang kumawala sa kawalan. Na ikinagulat ng mga bata pati na ang ginang. Mabuti naman at mabilis ang impulse ni Aurello at ng ginang para maitakip ang mga kamay sa papasigaw na sanang mga bata. Kaya naman dali-dali nang itinulak ng ginang ang mga anak sa sekretong pintuan na kung saan dadaanan ng mga bata sa pag-takas. Atubili man si Aurello na sundin ang ina ay wala syang magawa ng makita ang nangungusap na mga mata ng ina. Napatiim bagang ang binata, may luha sa mga matang pinag hihila na ang mga kapatid sa sekretong pintuan. Pa impit namang umiiyak si Amelie habang iniwan ng isang halik sa pisnge ang ina. Di lingid sa kanya ang pag-agos ng mga luha nitong kanina pa pinipigil na kumawala. Alam nya ang takot na naramdaman ng ina nya sa pagkakataong iyon, dali-dali na nyang sinundan ang mga kapatid habang akap-akap ang dokumentong binigay ng ina. Mabilis naman ang mga kilos na bumalik at ipininid nang ginang ang isa pang pinto na nag kukumbili sa sekretong pintuan na dinaanan ng mga bata. Dali-dali naman nyang tinalunton uli ang kwarto nilang mag-asawa. Bago nya mabuksan ang pintoan na nag uugnay sa kwarto nilang mag-asawa ay naulinigan ng ginang ang mga salita sa luob ng kabilang kwarto. “kahit mapatay mo man ako Alfonso ay di ka makakatakas sa kasalanang gagawin mo. At kahit kilan ay di mo makukuha ang nararapat sa mga anak ko.” Galit na wika ni Don Mariano. “sa tingen mo malalaman pa nila kung sino ang pumatay sayo at sa buong angkan mo? Ha.ha.ha! pinagsabihan na kita noon pa Mariano. Kung ibinigay mo lang sa akin ng matiwasay ang lahat ng titulo ay di mangyayare sayo at sa pamilya mo ang malagim na pangyayaring ito. Pero pinili mo ang ganto kaya ito tayo ngayon.” Tila dagundong ang boses ni don Alfonso na umalingawngaw sa buong silid. “patayin mo man ako o ang buong angkan ko, di mo parin matatakasan ang lahat ng ito Alfonso. Masyado kang kinain ng kagahamanan mo. At sa oras na may mangyaring masama sa mga anak ko, isinusumpa ko kahit sa kahulihulihang angkan mo ay magdudusa at gagapang sa hirap ang mga ito.” Nangangatal sa galit na wika ni Don Mariano. Tumawa ng malakas si Don Alfonso nang marinig ang sinasabe ng kaharap. Tila ito nababaliw sa kahibangan. At maya-maya lang ay umalingaw-ngaw ang ilang sunod-sunod na putok ng baril, at maulinigan uli ang malakas na tawa ng don. “Kung makakapanumpa pa ang kaluluwa mo Mariano. Ha.ha.ha!” aning Don Alfonso na di parin humumpay sa kakatawa. “Kayo, ano pang ginagawa nyo? Halughugin ang kabuoang kabahayaan, hanapin ang mga bata at ang asawa ni Mariano, patayin lahat ng madadaanan na maaring maging sagabal sa planong to. Siguradohin nyong patay lahat ng mga anak ni Mariano” umalingaw-ngaw na utos ng don sa mga tauhan nito. Labis ang paghihinagpis ng ginang ng marinig ang putok na alam nyang syang kumitil sa buhay ng mahal nyang kabiyak. Ipit na paghagulhol at pagdadalamhati ang tangi nyang nagawa sa panahong iyon. At ng maulinigan ang mga yapak na papalapit sa kinaruroonan nya ay dali nyang tinalunton ang isa pang sekretong silid na tanging iisang tao lamang ang maaring magkasya. Sadyang pinagawa ito ng mahal nyang asawa, dahil alam nitong darating ang panahong kakailanganin nila ang mga sekretong kwarto at lagusan. Hilam pa din sa luhang pinagkasya ng ginang ang sarili sa makipot na silid na pinag tataguan ng maulanigan nyang mga yabag at yapak na nag hahalughog sa kabuoang kabahayan. Abot-abot ang dasal ng ginang na sana’y iligtas ng maykapal ang mga anak nya, na sanay ligtas ang mga ito sa pagtakas. Sa kabilang dako naman ay mabilis na tinalunton ng magkakapatid ang makipot na daan patungo sa lagusan. Ilang dipa na lamang ay mararating na nila ang lagusan palabas ng highway ng biglang nag salita si Aurello. “Amelie, ituloy nyo ang paglayo sa lugar na ito. Babalikan ko sila mama at papa.” Ani Aurello sa nakakabatang kapatid. “kuya, wag ka nang bumalik baka mapaano ka pa, sabi ni mama dapat na tayong makalayo sa lugar na ito. At isa pa natatakot na ako ng husto kuya! Kaya please, dito ka nalang wag mo kaming iwan!” pagsusumamong wika ni Amelie sa kuya nito. “Amelie. Listen! Kailangan ako nila mama at papa. Ipangako mong alagaan at iingatan mo mga kapatid natin. At wag na wag mong kalimutan ang araw na ito. Ipangako mo sa akin na kahit anong mangyare hinding-hinde mo iwawala at ibibigay ang mga dokumentong yan sa mga Ardiente. Ipangako mo sa amin na balang araw maipaghiganti mo ang angkan natin. Ipangako mo Amelie” ani Aruello na luma-lamlam ang mga mata habang palipat-lipat ang tingen nito sa mga kapatid. At sa huling sandali ay mahigpit nya itong inakap. At walang lingon likod na tinalunton muli ang daan kung saan patungo sa kabahayan ng mga Castillo. Kahit anong tawag at pagmamaka-awa pa ni Amelie na bumalik ang kuya Aurello nya ay tila bingi ito sa pagmamaka-awa nya. Kaya wala nang choice si Amelie kundi ang ipagpatuloy ang pagtalunton sa lagusan. Akay-akay ang dalawang kapatid ng walang anu-ano’y apat na magka sunod na putok ang narinig nila sa may di kalayuan. Napa pikit ng mariin si Amelie at napatili naman ang dalawang bata na agad na inaakap ni Amelie at idiniin ang mga mukha ng mga ito sa musmos nyang katawan sa takot na marinig ng mga humahabol ang tili na nagawa ng mga kapatid. Nanginig ang buo nyang katawan at nararamdaman ito ng mga kapatid nya kaya naman ay di na pigilan ng mga ito ang mapaiyak sa subrang takot. Tila nahimasmasan naman si Amelie nang marinig ang impit na iyak ng mga kapatid. “shhhh…. Tama na. wag kayong maingay baka marinig nila tayo.! Tahan na, Adelle, tahan na Axiel! Shhh….” Pang-aalo ni Amelie sa mga kapatid na kakitaan sa mga mata ng subrang takot at pangamba. Nasa may talahiban na sila ng may maulinigan silang mga tila nag mamadaling mga yabag. “Kayo, doon! Halughogin ang kasukalan at tyak andyan lang ang iba pang mga bata na nakatago lang. wag kayong tumigil hanggat di natin naubos ang mga bata. Dahil pag nagkataon, tayo ang ililibing ni don Alfonso” sigaw ng tao sa mga kasama nito. Dali-daling dumapa ang magkakapatid at pinagtatakpan ang sariling mga bibig sa subrang takot na marinig o maramdaman ng mga humahabol ang kanilang paghinga. Nangilid na naman ng luha ang mga mata ni Amelie sa subrang takot. Agad nyang inakap ng mahigpit ang dalawang kapatid na nanginginig na din sa takot. Napausal ng mataim-tim na dasal si Amelie para sa kaligtasan nila. Dininig naman ng Dyos ang panalangin ng mga musmos. Maya-maya lamang ay narinig nilang papalayo sa kinaruroonan nila ang mga yabag ng mga humahabol. Kaya naman walang inaaksayang panahon pa si Amelie, sininyasan nya ang dalawang kapatid na gumapang sa dereksyong palayo sa kinaruroonan ng mga humabol. Tumango naman ang dalawang bata bilang pag-sang ayon sa naisip ng nakakatandang kapatid. Dahan-dahang gumapang ang tatlo sa masukal na damohan palayo sa mga humahabol sa mga ito. Di alintana ang matutulis na damo na sumusugat sa maninipis na balat ng mga bata. Ang mabatong lupa na minsa pa’y nag pa gibik sa batang si Adelle na impit na umiiyak na lamang sa sakit. Agad namang aluin ni Amelie ang kapatid na ok lang ito, hahalikan ang nuo bilang pang-alo dito. Agad naman tumahan ang bata at malamlam ang mga matang tumitig sa nakakatandang kapatid. Pilit na ngiti ang binigay nya sa dalawa at sumenyas na mag patuloy lang sa pag-gapang palayo. Narating ng mga bata ang highway mula sa dinadaanang kasukalan, naka ngiting tumingin si Amelie sa dalawang kapatid na akay-akay. Ng mapansin ni Amelie ang di kalakihang teddy bear na hawak-hawak ni Adelle. May naisip si Amelie, hinila nya ang dalawang kapatid sa may malaking puno na may masukal na damo. Nagulat ang dalawang bata sa ginawa ng nakakatandang kapatid, bahagya namang Nawala ang pag-alala ng mga ito nang sumenyas ang nakakatandang kapatid na may naisip ito, buong akala ng mga bata ay nasundan sila kaya hinila sila uli sa kasukalan. Dali-daling kinuha ni Amelie ang teddy bear ni Adelle, sinuri nito ang likodang bahagi ng laruan at napangiti, may munting zipper pala ito sa likod, agad na tinanggal nya ang malabot na tila bulak na naka paluob sa laruan ng kapatid, nag tira lang unti na pananggala, unti- unti nyang tiniklop ang mga dokumentong naka paluob sa folder na pinadala sa kanya ng ina. Pinili nya ang mga dokumentong may naka paluob na pangalan ng pamilya nila at yong may selyo at signatura ng mga magulang, di nya alam kung magkakasya ang lahat ng ito sa laruan ng kapatid. Kaya ng medyo matigas-tigas na ang laruan dahil sa mga papel ay agad nyang sinalin ang tila bulak na galing sa teddy bear upang di mahalatang deform ito. May iilan pang pirasong papel ang naiiwan, nag isip si Amelie, napahawak sya sa dibdib, ng makapa nyang medyo masikip ang nasuot nyang baby bra ay agad nyang naisip na isingit don sa parte na pweding lagyan ng pads, kaya agad nyang hinubad ang damit at baby bra, at maayos na sinalansan ang papel dito. Kukurap-kurap namang nanunuod ang dalwang paslit sa ginawa ng ate Amelie nila, tila ba sa murang isipan nila ay naka ukit ang kahalagahan ng mga papel na iyon para kaingatang maigi ng ate nila. Agad nyang sinuot muli ang baby bra at damit ng matapos nya lahat mailagay ng maayos ang mga papeles. Ng masigurong ok na ay sinilip at minanmanan ni Amelie ang paligid bago nya hinila palabas ang mga kapatid. Dahan-dahan nilang tinalunton ang daan ng highway palayo ng biglang sa may kalayuan ay may sumigaw. “Ayon! Ayon ang mga bata!” sigaw ng mga humabol sa kanila sa may di kalayuan. Tila gulat at nilukoban na naman ng takot ang magkapatid ng makita ang papalapit na mga humahabol. Dali-daling hinila ni Amelie ang mga kapatid patakbo palayo sa humahabol. Agad naman sumunod ang dalawa sa pagtakbo. “Tigiiiiil!” sigaw ng mga hudloom. Imbis na tumigil ay mas lalong binilisan ng mga ito ang pagtakbo ng walang humpay ng walang anu-ano ay isang putok ang pumailanlang. Napatili ang mga bata at nag katinginan. Napatingen si Axiel sa ate Amelie nya humigpit ang hawak nito sa mga kamay ng ate nya, napatingin si Amelie dito, tila alam na ni Amelie ang nangyayare. Umiling si Amelie mas lalong hinigpitan ang hawak sa kapatid na tila bibitaw n dito. “Ate, tumakas na kayo ni Adelle! Wag kayong papahuli sa kanila ate. Itakas mo si Adelle” pilit ang ngiting wika ni Axiel sa nakakatandang kapatid. May namumuo nang luha sa mga mat anito, at tila namumutla ang mga labi ng bata. Namimilog ang mata ni Amelie ng mapagtantong tama ang sapantaha nya, tinamaan ng bala si Axiel. Napailing si Amelie sa gustong mangyari ng kapatid. Pero disidido itong kumawala sa pagkahawak sa nakakatandang kapatid. Ayaw man ni Amelie ay ramdam na nila at dinig ang papalapit na mga yabag, hiyaw ng mga humahabol sa kanila. Lumingon pa ang bata, nakikinita na nito na pag di pa sya binitawan at tumakbo papalayo ang mga kapatid ay posibleng pareho silang lahat na mapapahamak. Kaya kinagat nya ng mariin ang kamay na nakatangan sa kanya, napasigaw naman ng matindi si Amelie ng maramdaman ang sakit ng kagat ni Axiel, agad nya itong nabitawan. Walang sabi-sabing kumawala agad at tinulak ang mga kapatid na tumuloy sa pagtakbo palayo. Nagulat man sa ginawa ng kapatid ay naiintindihan na niya ito sa gusto nitong mangyari. Maluha-luha at hila-hila nya si Adelle na umiiyak na tinatawag ang kuya Axiel nya na sa pagkakataong iyon ay nakatingen sa kanila na may ngiti sa labi at luha sa mga mata. Maya-maya lamang ay tila nababasa ni Amelie sa labi ng kapatid ang salitang “I love You Ate!” tuloyang pumapatak ang mga luha ni Amelie sa nakikitang itsura ng kapatid. Maya-maya lang ay Nakita nyang unti-unti na itong bumagsak sa kinatatayuan nito. Gustohin man nyang tulongan ang kapatid at yakapin ito ng mahigpit ay di nya magawa. Namulagat naman sya ng makitang nasa kinabagsakan na ng kapatid ang humahabol sa kanila. Mas lalong namimilog ang tsinita nyang mata ng makita kung pano pinagbabaril ng paulit-ulit ang mosmos na katawan ng kapatid. Isang sigaw ang pinakawalan ni Amelie na di na nya nakayanan ang nakikita. Nanlulumo ang buong pagkatao ni Amelie sa nakakalunos na larawan ng kapatid. “Axxxiiiieeelll!” hiyaw ni Amelie habang tangan si Adelle. Akmang tatakbohin pabalik ni Amelie ang nakakabatang kapatid ng maramdaman niya ang paghila ni Adelle sa mga kamay nya. Napatingen sya dito nang makitang hilam sa luha ang mga mata nito at umiiling hudyat na hinde ito sang-ayon sa gagawin nyang pagbalik. Tila nahimasmasan na naman si Amelie, oo nga pala andito pa si Adelle, nakailangan nyang protektahan. Binaling nya uli ang paningen sa kinaroroonan ni Axiel ng mamataang papalapit na sa kanila ang humahabol. Walang sabi-sabing binuhat nya si Adelle at patakbong palayo sa humahabol. Takbong walang humpay ang ginawa ni Amelie makalayo lamang sa mga humahabol. Lingon-takbo, ito ang laging ginagawa nya upang makalayo. Ng sa isang iglap isang malakas nakalabog at malakas na hampas sa mura nyang katawan ang naramdaman ni Amelie, at sa isang iglap ay tumilapon mula sa pagka bangga, uminog at umikot ang paningin niya sa pagkakataong iyon, ramdam niyang mawawalan sya ng ulirat, at bago pa man nya maisara ang mga mata ay kitang kita nya ang pagtilapon mula sa itaas at ang pagbulusok pabagsak sa sementadong daan si Adelle na mataimtim na nakatingen sa kanya na luhaan pa ang mga mata, at naka dipa ang isang braso na pilit pa syang inaabot habang tangan-tangan nito ang teddy bear, tila paralisa ang buo nyang katawan kahit gustohin man nyang abutin ang bunsong kapatid at akapin. Bago pa nya maisara ang namimigat na mga talukap ay naulinigan nya ang mga boses na nasa paligid nila, pilit nyang inuulinagan ang mga boses ng nasa paligid, ngunit tila pati tenga niya ay namanhid na din ata. Di nya alam kung sa humahabol ang mga tinig na iyon o sa mula sa sasakyang naka bangga sa kanilang magkapatid. At bago pa man nyang maisara ng tuluyan ang mga mata ay Nakita niyang binuhat-buhat ng isang hugis tao na di nya maaninagang maigi ang bunsong kapatid. Pilit nyang tinatawag ang bunsong kapatid ngunit pati tinig nya’y binigo sya at di naglaon bumigay na rin sya at bigla na lamang dumilim nang tuloyan ang paligid.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
98.5K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
18.6K
bc

FALLEN VOWS ( SPG)

read
9.9K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
41.6K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
320.6K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
26.1K
bc

Dr. Dave Dela Torre's Legal Wife

read
23.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook