Isang itim na sasakyan ang naka kubli sa isang malagong halamanan, naka park ito sa may di kalayuan ng bahay nila Aniah, matagal na itong naka abang doon. Tinted black ang salamin ng kotse, kaya di mo maaninag ang nasa luob nito. Di nga alam kung may tao o walang naka sakay na pasahero sa kotseng naka abang kani-kanina pa. kung susuruin ay mag hihinala kang talaga, ilang beses na kasi itong laging nakaparada sa malagong lugar na yaon, tila ba nag maman-man na di mo alam kung kaninong tahanan ang minamanman nito. Mahirap din namang mapagkamalang mangingidnap ng bata ang isang Ford EcoSport na sasakyan, sa hinuha ng Karamihang makakita nito ay magdadalawang isip nga naman.
Tulad nalamang ngayon, nag-aabang na naman ito sa di kalayuan. Ng biglang iniluwa ng gate ang isang sasakyang puti, at kasunod nito ay isang dalaga na tila ba kumakaway sa mga naka sakay sa kotseng kakalabas lamang. Madidinig pa nito ang pag paalam at pagpaalala sa mga ito na mag iingat at sinabayan pa nito ng flying kiss, kaya naman di mapigilang manibugho ang isang pares nang mata na kanina pa naka subaybay sa gawi ng mag-anak. Tila maluha-luha pa itong minamasdan si Aniah habang kumakaway sa papalayong sasakyan ng mga magulang. Tuloyan na ngang dumaloy ang kanina pa pinipigalang luha. Paimpit nitong sinambit ang pangalang “Amelie Celestine” sabay haplos nito sa tintadong salamin na tila ito si Aniah sa harapan nya.
“Boss, aalis na po ba tayo?” mahinahong saad ng driver ng tintadong sasakyan sa among nasa back seat naka-upo.
Tango lamang ang itinugon nito nang makitang isinara na ni Aniah ang gate. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito habang nakatunghay pa din sa nakasaradong gate.
Naka salamin sa mga mata nito ang labis na pangungulila, at umaasang lumabas pa sanang muli ang dalaga upang masilayan nito uli. Sa twing masilayan nito si Aniah ay may pananabik at kagustohan nitong mayakap ng mahigpit ang dalaga. Iparamdam dito ang pananabik at pagmamahal na mula noon at hanggang ngayon ay dala-dala nito. Pero mariing nag pipigil ito, dahil hinde pa napapanahon. Balang araw, mararamdaman din nito ang pagmamahal at ang mahigpit na yakap mula sa kanya. Sa ngayon masaya na itong matunghayan kahit saglit ang dalaga.
“kunting tiis na lang Amelie Celestine, magkikita din tayong muli” bulong pa nito sa kawalan.
Maya-maya lang ay marahan nang pina-andar ng driver ang sasakyan, sinadya nitong dumaan sa gate na kung saan ay tinatanaw lagi ng amo niya, araw-araw at walang palya ito sa pagsubaybay dito. Mula noon hanggang ngayon ay walang sawa pa din itong naka tunghay sa dalaga na alam nyang natatanging taga pagmana ng mga Castillo. May awa at respeto sa mga mata ng driver/bodyguard habang sinisilip ang pangungulila ng amo nya sa nawawalay na anak sa napaka tagal na panahon. Alam nyang Malaki ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay di pa pwedeng lumantad at magpakilala ang amo nya sa nag iisang tagapagmana nito. Kaya naman naipangako nyang hanggat kaya nya at buong buhay nya pa ang kapalit ay handa nya itong ipagkaluob, Sasamahan nya ito sa laban na kakalabanin nito. Sa laki ng naitulong nito sa pamilya nya, kulang pa ang buhay nya para dito. Alam nyang walang inaasahang kapalit ang pagtulong nito sa pamilya nya pero sya, kahit kilan ay di nya malilimutan ang lahat ng naitulong at ginawa nito sa kanila. Kaya isinumpa na nya mula ng maka pagtapos sya ng marine na kung di dahil dito ay di nya mararating ang pinapangarap nyang marating, instead na magpa deploy sya ay tinanggap nya na maging driver bodyguard nito. At buong puso nya itong sasamahan sa laban, lalong lalo na sa mga Ardiente.
Hinde ganon kalaki ang kabahayan ng mga Moralde, ang mag-asawang Moralde at ang dalawang anak na babae at iisang lalaki lamang ang mga supling nang mga ito. Isang labandera, isang kusinera, isang driver a.k.a hardinero pag nasa bahay lamang at isang taga linis ng buong kabahayan lamang ang kasama ng mga Moralde.
Isang kapita-pitagang doctor ang ama ng tahanan na si ginoong Fredrick Moralde at isang guro naman sa kolihiyo si ginang Dunila Moralde. Isang Enhinyero naman ang nag iisang lalaki ng mga ito na naka base na sa Englatera. At isang dentista naman ang bunsong babae ng mag-asawa. Naka pagtapos naman ng Marketing Management ang gitnang anak na babae ng mga ito. Na walang iba kundi si Aniah! Lingid sa kaalaman ng lahat ay may malaking lihim ang naka kubli sa gitnang anak ng mga Moralde. Na tanging pamilya lamang nila ang nakakaalam sa secretong yaon. Walong taong gulang lamang si Aniah noon nang kinupkop at inaaring sariling anak ng mga ito.
Isang masalimuot na pangyayari ang yumanig noon sa pamilyang Moralde nang aksidenteng mabundol nila si Aniah at ang isa pa nitong nakakabatang kapatid na babae. Subalit tanging si Aniah na lamang ang naka ligtas sa aksidenting iyon.
Di nakayanan ng mosmos na si Adelle ang natamo nitong pinsala, napurohan ang ulo ng bata na nag dudulot ng internal hemorrhage na nag clog na sa utak ng bata na syang nag dulot ng paghinto ng mga functional organ nito. Kahit gaano mang pagsisikap ng mga doctor na isalba ang bata ay sadyang mahina na ito para lumaban pa. kaya naman subrang sakit at panghihinayang din ang nadarama ng mga Acosta sa pangyayaring yaon. Kaya naman bilang kabayaran ng aksidenteng iyon ay kinumkop at itinuring nang sariling anak nila si Aniah na dating si Amelie Celestine Castillo, ang tanging natitira sa angkan ng mga Castillo. At ang natatanging dahilan kung bakit nilisan ng mga Moralde ang lugar kung saan kinalakhan at kinasanayan na nilang tirhan. Inilayo nila si Aniah sa kapahamakang maaring kakasagupain nito. Natatakot silang matunton ng kung sino man ang nagbabalak ng masama sa buhay ng bata kaya naman napagpasyahan nilang lumayo ng tuloyan, at palakihin itong di makikilala ng mga taong nag babalak ng kapahamakan dito.
Dalawampo’t walong taon na ang nakalipas mula ng trahedyang kinabibilangan ng angkan ng mga Castillo, ngunit sariwa pa din ito sa ala-ala ni Aniah. Walang gabi na di sya lumuluha sa twing maalala ang masaklap na nakaraan, minsan napapanaginipan nya ang mama nya at mga kapatid, na umiiyak at tinatawag ang pangalan nya. Ang mga senaryong kahit kailan man ay di nya makakalimutan. Na hanggang ngayon ay dala-dala parin nya ito, lalo na ang pagkamuhi at matinding galit sa angkan ng mga Ardiente. Kaya naman isinusumpa nya na balang araw, sa tamang panahon haharapin nyang muli ang mga Ardiente upang kunin at ibangon ang dangal ng pamilyang Castillo. Ibabalik nya ang nararapat sa pamilya nya.
Kahit ganon na katagal ang panahong lumipas ay di parin sya nagpakawala ng impormasyon sa lugar na kung saan sya nang galing. Palihim syang nag papaimbestiga sa isla na pinang gagalingan nya. Lahat ng iyon ay ginawa nya lingid sa kaalaman ng kinagisnang pamilya. kaya lang nya ginawa ito dahil ayaw nyang mag estress ang kinagisnang pamilya lalong lalo na ang mama at papa nya. Alam nyang mababahala ang mga ito pag malamang pinagpatuloy pa din nya ang pagsaliksik sa nakaraan. Alam nyang mahal sya ng subra ng mga ito kaya naman inilihim nya ang mga binabalak na gawin. Alam naman nyang balang araw ay malalaman din naman ng mga ito ang mga binabalak nya, pero sisiguradohin nyang ligtas at di mapapahamak ang mga ito. Minsan na syang nawalan ng pamilya at di na sya papayag na mawawala pa ang mga ito. Kaya naman isinumpa nya ito na kahit anong mangyari ay maging ligtas ang mga ito.
Kaya naman palihim syang nag aral ng martial arts, nag aral bumaril at nag-eensayo ng palihim ng mga survival skills. Na alam nyang magagamit nya balang araw. Naging mapag matyag din sya sa twing kasama nya ang pamilya sa kahit saang lugar. Lahat nang ito ay paghahanda nya sa nalalapit nilang pagtutuos ng mga Ardiente.
“Hanggang ngayon ay wala pa din kayong balita don sa natitirang anak ni Mariano?” ang galit na sigaw ni Don Alfonso sa mga tauhang nasa harapan.
“Don Alfonso, matagal nang panahong din naming hinahanap ang sinasabe mo. Sa tagal na yon tyak nag bago na ang batang yon, kung may larawan lang sana tayong hawak eh di sana noon pa man ay nagawan na natin ng paraan para makilala ito.” Aning leader ng grupo. “At isa pa kung nabuhay man ang batang yon ngayon malamang lantang gulay na din o baka patay na din ito. Di ba nga’t di naka ligtas ang isang bata? At sabi nong napagtanongan natin na maaring di rin maka survive yong isa pa mula sa pagka aksidente nito?” dugtong pa nito.
“Kahit na! Ayuko ng mga Hearsay lang, gusto ko pruweba. At gusto kong makita mismo ang lapida ng punyetang batang yon kung namatay man. Ayukong e walang bahala ang lahat. At lalong ayukong mapunta sa wala ang lahat-lahat ng pinaghirapan ko.”galit pa din sita ng Don.
“Boss, sa tagal naman ng panahong itinagal eh wala naman nang lumitaw na angkan ng mga Castillo di po ba? Ibig sabihen non ubos na angkan nila boss kaya wag ka nang mag-alala.” Aning isang tauhan.
Tila nabuhayan ng luob ang don sa narinig. Oo nga naman dalawampu’t walong taon na ang nakalipas ay wala pa ding nag paramdam sa mula sa angkan ng mga Castillo, siguro nga ay namatay na din ang batang iyon. Kahit na di Nakita ang mga papeles eh nagawan naman nya nang paraan para mapa sa kanya ang kayamanang naiwan ng mga Castillo. Kaya nga naipatayo na nya ang resort at hotel na pinangarap nyang itayo, at ang anak na si Maureen ang namamahala dito. At nag expand pa nga ang resort and hotel nila. Di ba nga’t ang pamilyang Ardiente na ang pinaka mayaman sa Isla Pueblo? Halos lahat ng nakatayong establemento ay kanila na? kung darating man ang isa sa angkan ng mga Castillo ay mahihirapan na itong mabawi ang lahat-lahat ng walang katibayan. At yon ang sinusigurado ni Don Alfonso, kaya nga nya inubos ang angkang dating nagmamay-ari ng halos kalahati ng Isla Pueblo.
Sinalinan ni Don Alfonso ng mamahaling alak ang kopitang kanina pa walang laman. Nang makitang sapat na ang alak na nakalagak sa kopita ay tinakpan naman nya ang bote ng mamahaling alak at inilapag sa counter ng Bar Corner. Agad na dinala ng don ang kopita sa tila nanunuyong lalamunan. Agad naman bumahid ang magkahalong pait at manamis-namis na lasa ng alak sa lalamunan ng don. Isinaalang-alang nya ang sinabe ng tauhan. At ipinatag na ang sarile sa alalahaning di na nya dapat pang inaalala. Ng biglang bumukas ang pinid ng pintuan at dumungaw ang isang tauhan ng don.
“Boss, dumating na po ang Senyorita Maureen.” Aning Tauhan.
"Ang aga naman atang umuwi nang batang yan?” May pagtatakang balik tanong ni Don Alfonso.
Akmang ibaba ang kopita ng bumukas muli ang pintuan ng silid, bumunga mula dito si Maureen na tila maiiyak sa subrang inis. Mariin namang naka titig ang Don sa papasok na dalaga.
“Anong nangyari sayo? Bat parang maiiyak ka sa gawi mong yan?” may pagtataka sa boses na ika ng Don.
“Bullshiiitt… its really a fuckin s**t!” gigil na gigil na turan ni Maureen, habang pasalampak na umupo sa malambot na sofa.
"Heeeeyyy! Young lady watch your word.!” Paalala ng Don sa dalaga.
Naka ngiwi itong napatingen sa ama, at napasimangot na ng tudo. Naiiyak na ito habang inuukopa na ang buong sofa habang nahiga na nga sa matinding pagka sura.
“What’s wrong? At bat ang aga mo atang umuwi? Hmm…… let me guess…. Is it Raziel?” sunod-sunod na tanong ng Don sa nag aalburotong anak.
Tumango naman si Maureen bilang pag-sangayon sa panghuhula ng ama, sabay pawi ng mga nalalaglag ng mga luha.
“Why would He hurt me that much Dad? Naging mabuting girlfriend naman ako sa kanya, lahat na ginagawa ko. Pati buong oras ibinibigay ko naman sa kanya, bat parang kulang pa din?” pagsusumbong na sabi ni Maureen sa ama.
“baka naman na suffocate na sa kakasunod mo sa kanya? O baka naman subra na yang pag nanag mo don, kaya nabuburyong na sayo.” Walang gatol na sabi ng Don sa anak.
“Daaaad! Of course not! Di ko naman sya minamadali eh, tsaka all I want is his time, ni di pa nga kami nakapag date na kami lang. pag inaaya ko naman sya, ayon akay-akay nya yong retarded nyang pamangkin” ani Maureen na lalong naka busangot habang denitalye ang sumbong nito.
“Hija! You should not say bad things about his niece, alam mo naman kung gaano ka mahal ni Raziel ang batang yon. If I were you? Ilalapit ko ang luob ko don sa bata, in that? Makukuha mo ang luob ni Raziel. And nagging him won’t make you get his attention.” Pag papayo ng Don sa anak.
“But dad, that Retard make me sick, and it made me so pissed. Instead na sa akin ang attention ni Raziel eh don pa sa retard na yon” pagmamaktol na sumbong ni Maureen.
“that’s what I’m talking about anak, that niece of his is the apple of his eye kaya you should know how to ride on the boat para makuha mo ang simpatiya ni Raziel para sayo. Hinde yong ikaw ang gagawa ng ikakasira mo sa kanya.” Pagpapayo pa din ng don.
Natahimik si Maureen sa tinuran ng ama. Pano ba nya sasabihen na inaayawan ni Raziel ang magpakasal sa kanya?
“Dad? Sa tingen mo pakakasalan ako ni Raziel?” tila may pag-aalinlangang tanong ni Maureen sa ama.
Napatitig naman ang Don sa itinanong ng anak.
“Did you say about marriage kay Raziel Mauree?” mariing tanong ng Don sa anak.
Napalunok naman si Maureen habang tumango bilang pag-patutotoo sa Hinata ng ama.
Bigla namang naibagsak ng Don ang kopitang tangan ng marinig ang sinabe ng anak.
“Whaaaat? Di ba kabilin-bilinan ko sayong wag na wag mo munang banggitin kay Raziel ang napagkasunduan naming ng ama nya?” gigil na turan ng Don sa dalaga.
Tila naman namalikmata si Maureen sa galit na ama.
“Why not? And what’s wrong with that? Kung sa akin din naman sya ikakasal as what you promise me too dad!” patay malisyang sabi ni Maureen na nag kibit balikat pa.
“Ayon na nga! Raziel doesn’t have a hint about that marriage. It would be an arrange marriage between you two, na di ko alam if matutuloy pa.” nang gigil na sawata ng Don.
Nanlaki naman ang mga mata ni Maureen sa narinig. Tila nanghihilakbot sya sa katotohanang di matuloy ang kasal nya kay Raziel.
“Daaaddd! Noooo…. Di dapat mangyare yang sinasabe mo. You promise me!” pagsusumamong sabi ni Maureen sa ama, habang kay bilis nitong malapitan agad ang don.
“Kung nag iisip ka ba naman kasi. Alam mo ang ugali ni Raziel. Ngayong alam na nya, kailangan ko nang makausap si Fernando. At yan ang itatak mo sa utak mo, na wag na wag mo kong pangungunahan sa mga plano ko. Sinisira mo diskarte at mga plano Maureen.” Aning Don na napapabuntung hininga ng malalim.
Napatanga naman si Maureen. Pano na nga kaya kung di matuloy ang kasal nya kay Raziel? Mapapahiya syang tyak sa mga kaibigan, di lang sa mga kaibigan kundi sa buong angkan nila. Pinag Malaki na kasi ng mga magulang nya ang pagkakaroon nya ng relasyon sa anak na binata ng mga “del Vijo Bernardo” tyak malaking kahihiyan ang mangyayare sa kanya. Lalo nang napaiyak si Maureen sa isiping yaon.
“Noooo, it can’t be happening Dad!” Pagsusumamo na saad ni Maureen sa ama, na napaluhod na ngayon sa may kinaupoan ng Don. “Daad! Please do something, Ikakamatay ko ang subrang kahihiyan pagnagkataon.! please do something Dad! and I really need Raziel in my life!” Dugtong na saad nito na puno ng pagmamakaawa ang tinig.
Napatitig naman ang Don sa tila helpless na situasyong kinasuongan ng anak. May kasalanan din sya kung tutuosin, alam nyang impulsive ang anak nya at di mo mapagkatiwalaan na maglihim ito, lalo na kung usapang puso lalo mo itong di mapagkatiwalaan. Muli nyang kinuha ang kopitang may lamang alak at tinungga ito ng straight na tila ba don kukuha ng paraan para malusotan ng anak ang posibling mangyare. Kailangang makausap na nya si Fernando sa madaling panahon bago pa maka isip ng paraan si Raziel. Naiinis man sa anak ay di nya pwedeng pabayaan itong mapahiya, di lang din ito ang masadlak sa kahihiyan kundi ang buong pamilya nya. Kaya by hook or by crook kailangang matuloy ang kasal ng dalawa, ito ang namuo sa isipan ng Don. Sabay salin muli ng alak sa kopitang wala na muling laman.
"No Raziel, you can't get rid off with my daughter that easily. And I won't allow it to happen either! magiging del Vijo Bernardo ang anak ko!" tiim bagang na saad sa sarile ang winika ng Don habang nakatingen sa labas ng bintana na kung saan matatanaw ang mangasul-ngasol na karagatan ng Isla Pueblo.
Napatitig naman si Maureen sa ama na tila natahimik itong bigla at mariing naka titig sa labas ng bintana ng kanilang mansion.
nang bigalang nag salita ang mga taohan ng don.
"Boss, gusto mo bang sunduin namin si Raziel para kay Senyorita Maureen?" Aning pinuno ng grupo ni Don Alfonso.
Napalingon naman dito si Maureen.
"Hoyyy! wag na wag mong kakantiin si Raziel kundi malilintikan ka sa akin!" Ani Maureen na napatayong bigla.
"Senyorita, ayaw mo non? mapakasal sayo ng wala sa oras ang mokong na yon" Walang gatol na sabi ng tauhan.
"Bobo! intremitedo! ipapahamak mo talaga ako lalo don ha? alam mong lalong ikakagalit ni Raziel pag ginawa mo yan! Estopido!" gigil na sagot ni Maureen sa tauhan.
napakamot naman sa batok ang tauhan sa tinuran ni Maureen. at iiling-iling na tumungo.
"Huwag nyong galawin si Raziel. Tama ang anak ko! tyak ikakagalit lang nito lalo at lalayo lang ang luob nito sa anak ko!" sagot ng Don na humarap na sa mga tauhan na tangan pa din ang kopita ng alak. "may iba pang paraan, at yan ang pag-iisipang mabuti. kilala ko si Raziel, masyadong matinik ang batang yon, ibang-iba sa ugali ng ama nya." dugtong na saad ng Don.
napatingin na lamang ang mga tauhan sa Don na tila masinsinan ang ginawang pag iisip ng mga hakbang. Kahit kailan ay hinde nawawalan ng paraan ang Don, lalo na kung nakasalalay dito ang pangarap na makuha ang yaman ng mga del Vijo Bernardo. balak nyang makilala lalo sa alta sosyalidad di lang sa Isla Pueblo kundi maging sa Syudad na kung saan namayagpag ang mga del Vijo Bernardo.