ENNA’S POV Kinagabihan ay hindi ko inaasahang sasama ang aking pakiramdam. Bigla na lamang akong nilagnat at bumigat ang aking katawan. Mas lalo ko ring naramdaman ang sakit sa aking gitnang bahagi na siguro ay naging rason kung bakit ako nagkasakit. Buong gabi akong nilagnat at hindi makatayo sa aking higaan dahil sa taas ng aking lagnat. Mabuti na lamang at nariyan si Jeth para asikasuhin ang mga bata. Siya rin ang nag-alaga sa akin hanggang sa humupa ang aking lagnat. Nagising ako bandang alas-tres dahil sa alarm ng aking cellphone. Wala ang mga bata sa aking tabi dahil pinalipat ito ni Jeth bilang pag-iingat na hindi ang mga ito mahawaan. Masakit pa rin ang aking katawan lalo na ang aking gitnang bahagi pero wala na akong lagnat. Pababa na ako ng kama nang pumasok si Jeth sa kwarto.

