ENNA’S POV Hindi nga nagbiro si Jeth dahil siya na nga mismo ang nagluto ng almusal nang umagang iyon. Siya na rin ang nagpakain, nag-ayos ng gamit ni Bugoy at inihatid niya pa ito sa school nito. Ibinigay niya na lamang sa akin ang pag-aasikaso kay Jana dahil anito babae ang pamangkin ko pero ito pa rin ang naghatid sa bata sa daycare center. Maging tanghalian ay siya rin ang nagsundo rito at siya ring nagluto ng aming pananghalian. Halos sa buong araw nga na iyon ay wala akong ginawa kung hindi ang maupo at humilata dahil hindi niya naman ako pinapakilos. Nakasunod pa ito kaagad sa akin sa tuwing maglalakad ako na halos kulang na lang ay buhatin niya na lang ako patungo sa lugar kung saan ako pupunta. Daig ko pa nga ang baldado dahil sa asta nito. “Sasamahan na kita sa pagtitinda sa p

