15 year Earlier..
Huwebes na ng hapon ng makarating ako ng bahay from school. Nilabas ko na din ang mga kailangan kong gawin, tinambakan nanaman kasi kami ng assignment ngayong araw.
sinet-up ko na yung computer ko para matapos ko na agad mga assignments ko. while im in the middle of my assingments bigla nalang ang sigaw ni Mama sa ibaba.
"Fannie! May naghahanap sayo!" sigaw ni mama.
Napatingala nalang ako at napabuga ng nakakairitang hangin. ayoko pa naman sa lahat naiistorbo lalo na pag tambak mga assignments.
mabilis naman akong tumayo para tignan ang istorbong naghahanap sa akin sa baba. ganun nalang ang busangot ko ng malaman kung sino ang nandoon.
"Ano nanamang kailangan nyong dalawang ugok kayo?!" asar ko sa kaibigan kong Kane.
Tatawa tawa pa ang loko na parang nangaasar.
"Bunganga mo nga, tita oh!" ani ni Kane na parang bata. inirapan ko nalang ito.
"Napaka maldita mo talaga Fannie, kanina ka pa nila ako kinukulit na pababain ka kasi daw magpapasama daw sila sayo sa palengke." ani ni mama. may mga dala pa itong maliit na timba at tabo mukha kakatapos lang nya magdilig ng mga halaman namin sa labas ng bahay.
"ayoko! dami kong gagawin eh!" kontra ko naman dito. okay sana kung siya gagawa ng mga assignment ko pwede pa.
"Saglit lang tayo doon, bibili lang kami ng project namin sa school." ani ni Johnny na kumakain ng Siomai.
Laking gulat ko ng biglang sumulpot ito sa gilid, akala ko si Kane lang ang andito pati pala sya. di ko tuloy maiwasan kiligin bigla.
"Diba sabi mo sakin sa text kanina papasama ka din sakin sa palengke kasi nga may assignment ka din, kung ganun sige sayang nandito pa naman si Cru--"
Mabilis kong tinawid ang pagitan namin at tinakpan ang bibig nitong napaka daldal kahit kailan.
Alam kasi nyang crush ko si Johnny kaya todo paraan din sya para magkasama kami at magkaroon din ng chance na umamin ako dito.
"Wag kang maingay, andyan si mama!" impit kong bulong dito. chineck ko naman si Johnny kung narinig ang sinabi nito pero base sa facial expression niya ay mukhang wala naman itong narinig kaya nakahinga ako ng maluwag.
Bumaling ako kay Kane at Napansin ko na napaka lapit na ng mukha naming dalawa kaya agad kong nilayo ang mukha ko dito, baka mamaya isipin pa ni Johnny na ang crush ko ay si Kane hindi sya sayang puntos kung nagkataon!
Dinilaan naman ni Kane ang kamay ko kaya agaran ko din naalis ang kamay ko sa bibig nya.
"Ano ba yan! nakakadiri ka talaga Kane!" Iritang sabi ko dito.
Nilinga ko naman si Mama sa loob, nasa kusina na ito at mukhang magiging busy na ito.
"Ang alat ah," pang aasar pa muli sa akin. sinamaan ko naman ito ng tingin.
"Tse!! sandali lang magpapalit lang ako ng damit baka mamaya pag kamalan pa akong jowa nyong dalawa." tinignan ko si Johnny sa huli kong binanggit kaya pagkatalikod ko lihim akong napangiti.
"Wag kang magshort ha! pangit pangit ng legs mo eh!" ani naman ni Kane. nasa kalagitnaan na ako ng hagdanan namin pabalik ulit sa kwarto ay dumungaw ako binelatan ito.
Kita ko naman na sinamaan nya ako ng tingin, alam ko na ibig nyang sabihin dito seryoso sya kaya inirapan ko nalang at padabog na umakyat ng kwarto. nagpalit ako ng damit pang itaas na halos hindi na makikita pa ang balat ko.
Naka-long sleeves ako at naka pajama. aesthetic diba! bwisit na lalake kasi to napaka init ganitong gusto pinapasuot sa akin!
Matagal tagal din kami nagikot dito sa palengke at malapit na din mag dilim, hindi parin bumibili ang dalawa ng kailangan nila sa project.
"saan ba talaga tayo pupunta?! anong oras na oh, may assign--"
"Ano bang assignment mo?" putol sa akin ni Kane. si Johnny naman ay busy kakatingin tingin ng mga sapatos.
Nasa 2nd floor kasi kami ng palengke kung saan may mga nagtitinda ng iba't ibang sapatos. hindi ko rin maiwasang di magandahan sa mga tinitinda dito.
"Sa Math, ang hirap hirap ilan beses ko na iniintindi di ko parin talaga magets!" iritado kong sagot dito.
"Paano, iba kasi iniintindi mo." bulong nito na di ko sigurado kung tama ba ako ng pagkakarinig. kaya para makasigurado ay pinaulit ko sa kanya.
"Ano?"
"Kami nalang gagawa sabi ko! i-email mo nalanag sakin tapos kami na gagawa!" ani agad ni Kane sabay hinto sa tindahan ng mga magagandang bags.
"Dapat lang talaga na kayo ang gumawa! inistorbo nyo ko eh!" tsaka nagtingin tingin din sa mga bags na tinitignan nya.
Nagulat kami ng biglang umakbay sa amin si Johnny, napagitnaan namin ang ulo nya. ang saya saya bigla ng facial expression nya, hindi ko din naman mapigilan kiligin dahil halos isang dangkal nalang ang lapit ng mukha namin sa isat isa.
"Andyan sya Fannie! andyan sya!" kilig na sabi nito. sa sobrang kilig nito kulang nalang eh, maihi ito sa kinatatayuan nya.
"S-Sino?" pinipilit kong i-normal ang pagsasalita ko pero nautal ako, kainis na kilig na yan sa lapit ba naman ng mukha namin dalawa!
Maya-maya ay nagulat ako ng biglang inalis ni Kane ang pagkaka-akbay ni Johnny sa kanya. kinabig nya ito palayo sa akin, patalikod na humarang sa mukha ko ito kaya nasa kaliwang parte na sya ni Kane.
Kumurap kurap pa ako ng mapagtanto kung gaano pala katangkad si Kane sa akin. kahit na pinagpapawisan ang bango bango ng likod nya.
"Si Emily??" malamig na turan nito kay Johnny.
Nagising naman ako bigla sa pangalan na yon. ang crush ni Johnny. nagbago bigla ang timpla ng mukha ko sa kanya. Sinamaan ko ng tingin ang likod ni Kane.
minsan ko na nga lang talaga makita sa malapitan ang mukha ni Johnny gagawa pa talaga sya ng paraan mapalayo lang to sa akin.
Wait, is he jelous? or someting? sobrang labo naman nun. ani ko sa aking sarili.
Mabilis ko din binawi ang iniisip ko na yun dahil sa pagkakaalam ko mahal nya pa ang Ex nya. naging woman hater nga ito dahil sa babaeng yon.
Me and Kane Meet nung nagkaroon ng Christmas party sa Condominum namin. Nakita nya akong umattend magisa noon, kaya nilapitan nya ako together with his friends. Doon nya din nakilala ang kasalukuyang Ex na nya ngayon si Criselle. I was 7 years old that time, and he is 9.
Everytime na nakikita nya ako I am always alone and i love being alone pero ng dumating sya nagbago lahat. tinuruan nya akong makipagkaibigan, sya din nagturo sa akin how to play guitar. even studying, sya din naging tutor ko.
palagi syang pumupunta sa bahay noon kaya kilalang kilala na sya nila Mama.
May business ang family ni Kane na farm. kaya ang family nila ang kilalang Supplier ng Gulay at Prutas dito sa City.
When i turn 12, nalaman ko nalang na niligawan na nya si Criselle naging busy sya doon. naging bihira kami magkasama dahil doon ang i respect their relationship.
One time, inutusan ako ni Mama na pumunta sa palengke para bumili ng Mais at sa kanila ako pumunta. bukod kasi sa makakadiscount ako, kailangan ko din kausapin si Kane, dahil ilang bwan na syang di nakikipagusap sa akin noon.
At nang Araw na din na Yun, nakompirma ko ngang hiwalay na sila ng GirlFriend nya, the reason is Cheating.
That girl Cheated on him at iniwan sya sa ere ng ganun ganun nalang.
Nung nalaman ko yun, sinamahan ko sya ng sinamahan para makamove-on. A few weeks later, dumating si Johnny. magkaschool mate sila and saktong dito nagrent ang family nila sa tinitirhan namin condominium.
Naging magkakaibigan kaming tatlo, at SA pag tagal NG PANAHON, humanga ako kay Johnny dahil sa pagiging masayahin nito at sweet.
"Wag kang magulo baka mamaya makita ako, ang pangit pa naman ng porma ko!" ani nito na pilit na nagtatago sa likod naming dalawa ngayon.
Hinahanap ko naman kung nasaan na yung babaeng yun, at nang lumingon ako sa gawing kanan ay nakita kong naglalakad ito papalapit sa amin.
Pinagmasdan ko sya habang unti unting lumalapit sa amin. narealize kong maganda nga ito, maputi, mahaba ang buhok, cute, mahilig magayos, kaya hindi ko din masisisi si Johnny kung bakit gustong gusto nya si Emily. bunos pa ang hinaharap nito na parang sa lahat ng binagsakan ng biyaya sya lahat ang sumalo.
Hindi ko din tuloy maiwasan maikompara ang sarili ko sa kanya, Malabo ang mata, di gaano kaputian, di rin matalino, napagkakamalan pang tomboy dahil na din kilos, pananamit at mga nakakasama ko.
Nang makalapit na ito sa amin. binati nya si Kane pero nung ako na ang babatiin na ay nginitian ko lang ito. nagmamadali din ito, Dahil sa bilis nya lang kaming dinaanan. napabaling naman ako kay Johnny sa likuran, di nakaligtas sa akin kung gaano sya kiligin.
Nawala na ako sa mood pa na magikot ikot. kaya nagaya na akong umuwi.
"Tara na, uwi na tayo. kailangan ko pa tapusin yung assignment ko." wala kong ganang sabi sa mga ito.
"oh, sige sige." sang ayon ni Johnny. lihim ko naman itong inirapan nagulat ako ng magtama bigla ang paningin namin ni Kane na nasa kaliwa ko at naka cross-arms pa.
Kitang kita ko kung paano din sya nawala sa mood. Pinaningkitan ko ito, at pinipilit kong inintindi sa mga tingin nya kung bakit. Pero kesa may makuha akong sagot ay umiwas lang ito ng tingin sa akin at nagpatiuna maglakad sa amin.
Bago kami umuwi ay dumaan muna kami sa patahian ng sapatos at kinuha namin yung sapatos na pinatahi ni Kane.
"Hatid ko muna to Fannie sa bahay, bago ka namin ihatid pauwi" basag ni Kane sa katahimikan naming tatlo. tumango nalang ako at lihim na tumingin kay Johnny na kinikilig parin hangang ngayon.
Pagkatapos ni Kane sa bahay nila ay tumambay muna kami sa may labas ng bakanteng apartment dito sa third floor. Dito din kasi banda ang apartment nila Kane. kami naman ni Johnny ay sa Ground floor lang.
"Fannie, Kane! mauna akong umuwi sainyo, kukunin pa pala namin yung Bulk na inorder ni Mama." Paalam kaagad ni Johnny.
Mas lalo akong nakaramdam ng lungkot.
Naguukay-ukay business kasi ang Mama nito at may maliit din silang pwesto malapit sa palengke at twing gabi talaga nila kinukuha yung mga stocks nila para kinabukasan bago na ulit ang paninda. yung mga di na nabibili minsan binibigay sa amin, o minsan sila na ang nagsusuot.
Sumang-ayon nalang kami ni Kane dito at nagpatiuna na itong Umuwi. Pinagmasdan ko sya makaalis hangang sa hindi ko na ito nakita pa.
"Matunaw naman." Sarkastikong sabi naman ni Kane sa gilid ko kaya napalingon ako dito.
"Pinagsasabi mo?!" Iritable ko naman sagot dito tsaka lumakad papunta sa kaliwa nito at sumalampak ng upo sa sahig.
Napatingala din ako sa langit, kitang kita ang bwan dito wala pang 7 pm pero ganito na katingkad ang bwan. Nang maramdaman kong may nakatingin parin, nilingon ko sya Pinagmasdan ko maiigi, blanko parin expresyon nya pero ramdam mo sa bawat salita nya na may gusto syang i-point out.
Inilingan nalang nya ako tsaka umupo sa umupo sa kaliwa ko.
"Alam mo bang obvious ka na?" deretsang sabi nito kaya natigagal nalang ako dito.
"A-Anong ibig mong sabihin? Ako, magiging obvious, wala naman akong ginagawa." Pinipilit kong magpatay malisya, pero kilalang kilala ko na sya alam na alam na nya kung paano ako kiligin lalo na pag andyan si Johnny.
"Obvious ka na talagang may crush ka kay Johnny. Di na nga yata crush yan eh," ani naman nito. isa to sa ikinaiinis ko sa kanya, ang pagiging pranka nya. But he has a point.
"Wala naman akong ginagawa ah? hindi naman ako naginarte sa harap nyo kanina, paano naging Obvious yun sige nga? Kagaya nya ba ako na makita lang sa Emily grabe na kung kiligin!" inis nsa sabi ko dito.
Naramdaman kong nagbuga ito ng malalim na hinga tsaka ako inirapan.
"Ewan ko sayo! wag kang iiyak sa akin once nireject ka nya ha." bilin nito sa akin.