"Ewan ko sayo! wag kang iiyak sa akin once nireject ka nya ha." bilin nito sa akin.
Natahimik naman ako bigla. ayoko naman na umamin kay Johnny nakakahiya naman yun, babae parin ako tsaka kabilin-bilinan sa akin ni Mama dapat ang lalake ang unang umaamin sa totoong nararamdaman nila sa babae. mukha ka daw mauubusan ng lalake kapag ganun ginawa mo.
"Edi nireject kung nireject. alam ko naman wala akong panama kay Emily. ito lang ako oh," ani ko dito na ikinabagsak ng mga balikat ko. napatingin din ako sa bwan, napapagaan lalo nito ang bigat nararamdaman ko.
"Bakit kasi si Johnny pa, dami dami naman dyang iba." deretsang sabi nito sa akin. Gulat ko syang binalingan at nakatingin na parin pala sa akin. Agad nagtama ang mga tingin namin.
Nagsukatan kami ng tingin, matagal ko syang tinitigan at inaalam kung saan basya nanggagaling sa ugaling pinapakita nya ngayon.
"Madami iba Fannie, try to open your eyes and see..kinulang yata yang grado ng salamin mo." makahulugang sabi nito without cutting his eyes off mine.
Bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa aking dibdib na hindi ko maintindihan. ayokong seryosohin masyado pinagsasabi nya, ayokong magassume, ayokong mapahiya.
"Sus! sige nga sino, ikaw?" Basag ko dito tsaka sya nginisian. unti unti naman nawala ang ngisi ko ng hindi ito umimik at nakatitig lang sa akin.
"Tss." ani nito. inilingan nya lang ako at ipinatong nya ang dalawang braso nya sa tuhod.
May isang ediyang pumasok sa isip ko para makompirma kung talagang tama ang hinala ko sa kinikilos nito. Dahan dahan akong humarap sa kanya na parang nagaasar, pero hindi parin ako pinapansin.
"Alam mo kung ikaw man ang magkakagusto sa akin, napaka labo–sobrang labo!" deretsa kong sabi dito. nahuli ko naman ang reaksyon nito na hindi makapniwala sa sinasabi ko.
"Ano?"
"Bakit paano mo ko magugustohan?" sambit ko dito ng dahan dahan akong lumapit sa mukha nito.
"Nawala na ba ang sumpa mo sa aming mga babae?" lumapit pa ako ulit habang ang mata ko naman ay dumapo sa mga bibig nito. Kinda triangle effect. Nakita ko lang yun sa youtube to confirm that a person has feelings or to intimidate from you.
"Nawala na ba yang pagiging Girl-hater mo?" nang masure ko na isang pulgada nalang ang layo namin sa isa't isa, di nakaligtas sa akin ang paulit ulit nyang pag lunok. tila ba natutuyuan sya ng laway at nahihirapan makapag salita ng totoo.
Nakita ko din gaano dahan dahang nanlaki ang mga mata nito sa mga pinagsasabi ko na sya namang ikinangisi ko.
"Ano nawal–HMP!!"
Ganun nalang ang bwisit ko ng ilagay nya ang buong kamay nya sa buong mukha ko at itinulak ito palayo.
"Napaka-baho talaga ng hininga mo." sarkastikong sabi nito. Marahas ko naman inalis ang kamay niya sa mukha ko.
"Napaka-baho din ng kamay mo! di ka ba naghugas?!" balik asar ko dito. Maya maya ay binalik nya ulit ang kamay nya sa mukha ko, this time sa mismong ilong at bibig ko na. mata ko 'nalang ang nakikita.
Nangingibabawa ang tawa ng loko. Ilan beses kong inalis ang kamay nya sa mukha ko at ilang beses din nyang binabalik.
Nataranta ako ng mawalan ako ng balanse at di ko namalayang wala na pala akong masasandalan. mariin kong pinikit ang aking mga mata, hinanda ko ang sarili na mapahiga sa malamig na sahig.
Nang maramdaman na ng likod ko na lumapat na ito sa sahig ay Pasimple kong dinilat ang mga mata ko.
Naramdaman ko ding nakatakip parin sa akin ang kamay ni Kane. Nagimbal ko at nahigit ko ang aking hininga ng makitang nakapaibabaw na sya sa akin at nakasapo ang kanang kamay nito sa aking ulo.
Halos natatakpan ang mukha naming dalawa dahil sa braso nyang nakasapo sa ulo ko. If magkakamali ka ng tingin ay maiisapan mong naghahalikan kaming dalawa.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganung pwesto. May maramdaman akong parating kaya mabilis ko syang naitulak palayo sa akin.
"Criselle?" tanging nasabi ko ng makabangon na ako at makompirma kung sino ang taong nasa harap namin. It is Kane's EX. ang babaeng umiwan sa kanya sa ere.
Ang babaeng minahal nya ng sobra. ang babaeng akala nya mamahalin sya ng totoo pero kabaliktaran pala. Ang babaeng dahilan ng sumpa sa amin ni Kane.
Mabilis naman akong napalingon kay Kane, Nagulat ako ng gaanong nag-iba bigla ang awra niya. Parang kanina lang masayang masaya sya sa pambu-bwisit sa akin, ngayon ay hindi ko na alam kung galit ba sya o nasaktan sa ginawa kong pagtulak sa kanya.
"F-Fannie? Kane? anong ginagawa nyo?" tanong nito sa amin. talagang trip ata kami ng tadhana ngayon. Maske ako ay hindi natutuwa sa presensya nya ngayon hindi ko alam kung bakit.
Marahan ko syang siniko sa tagiliran at nginu-suan, pero kahit ginawa ko na yun hindi nya ito tinapunan ng tingin mas sumiksik pa ito sa akin na nakapagpakunot ng kilay ko.
"A-Ahm, Wa-Wala nag--nagkwekwentuhan lang, he-hehe-he" Pinilit kong pagaanin ang nararamdaman kong kaba na baka mamaya nakita nya yung nangyari kanina.
Tumango lang ito at binalingan agad ang kaibigan ko.
"Hi, Kane." Baling nito sa katabi ko. wala paring pinagbago ang expresyon nito, blanko man kita mo sa mga mata na ayaw nya ang nasa harapan namin ngayon.
"Tara na may gagawin pa tayo." Ani ni Kane tsaka ako hinila patayo, paalis ng lugar na yun. Inabot ko naman ang kamay nito at sumama na sa kanya. Napayuko naman ako sa hiya o sa di pagiging kompotable to be exact.
Ibang iba kasi ang way nyang tumingin sa amin, lalong lalo na sa akin. Parang ang laki ng atraso ko sa kanya kahit wala naman akong ginagawa.
Nang malapit na kaming makalagpas kay Criselle, mabilis naman nyang hinawakan sa braso si Kane para pigilan umalis.
"Wait Kane, C-Can we talk P-Please?" pagsusumamo nito kay Kane. Malamig at walang Expresyon nya lang pinasadahan ito ng tingin sa braso papunta sa mukha nito.
"Take your hands off me. can't you see we're busy? Nakakaistorbo ka." malamig na turan nito sa kanya. hindi parin binibitawan ni Kane ang kamay ko, sinubukan ko mang alisin pero mas lalo nya lang hinigpitan.
"Sandali lang naman Kane, Gusto ko lang naman kamustahin. Don't treat me that way, parang wala naman tayong pinagsamahan nyan." Ramdam ko sa boses nito ang frustration. lalo nya din hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ni Kane.
Marahan nyang binitawan ang kamay ko at marahas naman nyang inalis ang kamay ni Criselle he face her with full furious.
"Kamustahin? Di ka naman bulag diba? I am good. Very Very good. kaya pwede, wag ka na magpakita pa sakin–SA AMIN."
Pinagdiinan nito ang huli nyang sinabi. mabilis namang lumipat ang tingin sa akin ni Criselle na ikinabigla ko.
Mabilis nagbago ang Expresyon ng mukha nito sa akin, kanina ay parang pilit na pasweet pa ito ngayon mukhang asong galit na galit parang naagawan ng buto. halos lumalaki na din ang butas ilong nito sa inis.
"Can Stop acting you care Criselle. Stop acting na parang wala lang sayo yung ginawa mong pang gagago sa akin para mangamusta ka." I can hear the sarcasm in his voice. mukhang sobrang laki talaga ng atraso sa kanya nito.
"I told you nagkamali ako, nalasaing lang kami nun–hindi talaga sya ang mahal ko it is you–"
"ME?" he laugh sarcastically na para bang isang napakalaking biro ang sinabi nito sa kanya.
"C'mon,stop talking nonsense! if ako talaga minahal mo, hinding hindi ka makikipag-tirahan sa lalakeng alam mong KAMAGANAK KO PA!" bulalas nito. Hindi na napigilan pa ni Kane ang emosyon nya taong kaharap namin. Halos lumitaw na din ang ugat nito sa leeg sa galit.
Wala sa sariling Napaawang ang bibig ko sa deretsang rebelasyon ni Kane Dito. maske si Criselle ay hindi rin makapaniwala na maririnig ito sa taong minahal sya ng sobra.
"H-How dare you--"
"How dare I?? No–How dare you!?" Kane said while making head-to-toe look.
Kita ko naman na sobra naoffend si Criselle sa sinabi ni Kane sa kanya, but I understand Kane. kung ako din naman ang nasa ganun sitwasyon baka malamang sa malamang hindi ko din mapapatawad ang taong gagawa sakin ng ganun klaseng pang gagago.
"Kung tapos ka na maginarte, aalis na kami." ani Kane at hinila din ako paalis.
Nalagpasan na namin sya pero bago pa kami tuluyang makaalis ay binalaan naman nya si Criselle.
"By the way, Criselle." ani ni Kane at nilingon si Criselle. kitang kita ko kung gaano nasaktan ngayon ito dahil sa walang tigil na pag tulo ng mga luha nito.
"Don't you ever dare touch Fannie. kilalang-kilala na kita, and i am proud to say that to you face. Don't you dare touch those people who I Love! Gawin mo, ako mismo makakabangga mo." he said at lumakad na kami paalis.
"Really??! you don't know me!! iiyak ka din dahil sa babaeng yan! tandaan mo! mararanasan mo din ang ginawa mo sakin!" habol pa nito sa amin pero hindi na iyon pinansin pa ni Kane.
Nakarating na kami ng Unit namin ng magkahawak parin ang mga kamay namin. naka-intertwined to be exact.
Mabilis naman namin nabitawan ang Isa't isa. nagpalinga linga pa ako baka may makakita sa amin.
"I'm sorry about kanina." Kane said, Pamamasag ng katahimikan namin.
Inilingan ko ito tsaka napayakap sa aking sarili.
"Hindi ko ini-expect na ganun pala kagrabe ang ginawa nyang panloloko sayo?" Wala sa sarili kong tanong. buong akala ko mabait at matinong babae si Criselle, buong lalake kasi dito sa amin ay hinahangaan sya but totoo nga ang sabi nila LOOKS CAN BE DECEIVING.
Narinig kong tumawa ito, kaya kunot noo ko syang binalingan ng tingin. nababaliw na ba to? Anong nakakatawa sa sinabi ko?
"Bakit? anong nakakatawa sa sinabi ko?" nalilito kong tanong dito.
"Hindi naman kasi yun ibig kong sabihin." ani nito na patuloy parin sa kakatawa. naiirita nanaman ako sa kanya, naguumpisa nanaman syang magasar.
Parang kanina lang grabe yung galit nya halong matakot ako dahil iyon ang kauna-unahang nakita ko syang magalit sa taong nang gago sa kanya, ngayon ako naman ginagago nya.
"ano ba kasi yun!" iritable kong tanong dito.
"Y-Yung aksidente kong pag patong sayo kanina, napalakas ata pagtulak ko sayo." deretsang sabi nito.
Naramdaman ko naman ang biglang paginit ng dalawang pisnge ko. salamat nalang talaga at gabi na kung hindi kitang kita nya siguro pamumula ng mukha ako ngayon.
Mabilis akong umatras sa harap nya at pumunta agad sa pintuan ng Unit namin.
"Ewan ko sayo! bahala ka nga dyan! Good night!" nasabi ko nalang dito at mabilis na pumasok sa loob ng bahay namin, tsaka dumeretso sa kwarto.
Marahan ko naman sinara ang pintuan ng aking kwarto. matagal din akong nakatayo doon at paulit ulit tumakbo sa isip ko ang mga nangyari kanina.
Hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko na kesa pandidiri at pagkairita, para pa akong kinikilig sa hindi ko malamang dahilan.
Naglalakad na ako papauwi sa amin from School. Chineck ko ang aking wrist watch at saktong 1:45 pm na ako nakarating ng bahay. Pinaghalf-day lang kami ng mga Teachers namin, may mga aatenan daw kasi silang seminar.
Mabuti din at wala silang pinaiwan sa amin na mga assignment at project kaya petics kami ngayon.
Nakaramdam ako ng gutom tinignan ko kung may makakain ba sa kusina, bumagsak ang mga balikat ko ng malamang wala nang makakain.
Nagpasya nalang akong Lumabas sandali para bumili ng memeryendahin. palabas na ako ng Condominium namin nang makasalubong ko si Kane.
Napahinto pa ako sandali natataranta akong luminga-linga sa gilid ko at sinigurado kung sakin ba talaga sya nakatingin. nagulat pa ako ng bigla syang lumakad papalapit sa akin.
Ilang linggo na din kasi nakakalipas ng mangyari ang aksidente na yun.