Chapter Five

1561 Words
"Kidding aside, I wanted to say thank you for lifting up the cursed that I've made before. I promise you that I will take more care of you if nagawa ko na noon pa, gagawin ko pa hangang dulo sana lang pagbigyan mo akong patunayan yun sayo. matagal kong ipinagdasal sa dyos na sana may isang taong makakaintindi at makakaunawa sa akin sa likod ng nangyari sa amin ni Crisselle. Hindi mo ko binigo doon. I am Big dreamer, alam mo yan. sa dami ng plano at pangarap ko kabisado mo na lahat yun, and I am always dreaming of a love story of mine na alam kong hangang dulo matatawid ko. ngayon, wala akong ibang gustong gawan nun kundi ikaw lang walang iba." pagtatapat nito. This time, ako namang ang marahang yumakap sa kanya. hindi ko mapigilan maluha dahil di ko iniiexpect na ganun na pala ang epekto ko sa kanya hindi ko pa namamalayan. Totoo lahat ng sinabi nya, ang dami nyang plano noon sa relasyon nila ni Criselle pero lahat yun sinira nya sa isang pagkakamali. hindi lang basta basta na pagkakamali, napaka bigat na pagkakamali. "Thank you for trusting me with your heart. If may mga bagay ka man na kinatatakutan na maari kong gawin sayo, please don't think about it. Alam kong takot na takot ka parin na baka magawa ko sayo ang ginawa ni Crisselle, but please ignore all of it. I promise, that i will be true to you and i will forever will be. if hindi ko man naipakita iyon sayo noon, dahil nagdadalawang isip ako please let me be. by this time let's do it together and this time we are going to mean it." ani ko dito I'ts been a Year now after we confirmed to each other our real feelings and decided to be serious about it. Masasabi kong napakagaan nyang karelasyon, at sobrang open nyang tao. Mas marami din kaming nalaman sa isa't isa. Lalong lalo na sa kanya iba kasi noon na magkaibigan lang kami. Wala talaga akong mahanap na sagot sa tanong kung bakit nagawa ni Crisselle na iwan sya nga ganun ganun nalang. Maeffort syang tao. Ilan beses nya akong hinahatid at sundo sa school. Paminsan minsan tinutulungan nya ako sa mga project at assignments ko. Same din sa kanya, pag may mga kailangan sya bukal sa loob kong tinutulungan sya. Hindi rin naman perpekto ang relasyon namin, minsan may mga bagay din kaming hindi napagkakasunduan pero both sides are always give and take. walang pataasan ng pride, at higit sa lahat hindi namin tinatapos ang araw na magkaaway kami. Ayaw na ayaw nyang magkagalit kami before matulog. Isa iyon sa mga bagay na natutunan ko sa kanya, pag dating sa relationship. Dapat lahat ng bagay napaguusapan if hindi man nagkakaintindihan. Di rin kasi healthy sa isang relasyon na magkagalit kayo ngayon tapos ipagpapabukas nyo pa ang resolbahin ang problema. Nasa isang kilalang Mall kami sa pasay ngayon to celebrating our First Anniversary. kakatapos lang namin manuod ng sine, and nagdecide syang maglaro kami sa Arcade dahil di pa naman ako nagugutom ay pumayag na ako. Naglaro muna kami ng mga pwede laruin doon kagaya ng iba't ibang COIN-OP GAMES. Pati ang mini Basketball ball doon nilaro namin, di iniexpect na nalamangan ko sya sa score kaya nilibre nya ako ng isa pang round. Napansin namin na halos lahat dito ay nalaro namin kaya nagbaka sakali akong tumingin pa sa iba at baka may hindi pa kami nalalaruan. "Karaoke tayo Love?"Ani nito sa akin. Tinitignan na pala nya ang mga Karaoke both. "Hmmm..sige Love, pero baka mahal?" I asked. mabilis naman syang umiling marahan nyang hinawakan ang kamay ko and he intertwined his hands on mine tsaka nya siniilan ng halik. "Ako bahala Love." He whispered and gave me a sweetest wink. Nagpatiuna naman itong lumakad papunta sa karaoke both and him as a gentleman I know, pinagbuksan nya ako ng pintuan at pinaunang pinapasok sa loob. Nang makapwesto na kami ay pumili na kami ng mga kantang kakantahin namin. Sya na halos lahat naglagay then pag tapos na kami maghanap ay pinapaupo ko na ulit sya. Nakailang kanta na kami. Di ko maiwasang di matawa sa kanya dahil halos lahat ng kinakanta nya ay Damang dama nya. Kung hindi sya napapatayo ay naghe-head band pa ito na sinasabayan ko din. Maya maya may nakita akong isang kanta na isa din sa mga paborito kong kinakanta nya sa akin. mabilis akong tumayo at nilagay iyon sa Que songs. sinadya ko din na harangan yung monitor para hindi nya makita kung ano yun. sakto naman last song yung kinakanta nya. "Ano yan Love?" tanong agad nito ng mapansing may nilalagay akong bagong Que. "Basta, kantahin mo nalang." Ani ko dito tsaka sya binigyan ng malapad na ngiti. Tumakbo ako pabalik sa tabi nya at naghanap pa ulit ng susunod na ipapakanta. "Ang daya ng Love ko, diba salit-salit nga tayo?" he said while pouting his lips like a kid. Ang cute cute! Binelatan ko lang ito nagulat ako ng bigla syang lumapit sa akin para sumimple ng halik, pasimple ko naman itong kinurot kaya napayakap sya sa akin maayos. Isa din iyon sa pinakanagustohan ko sa kanya, ang pagiging malambing. I didn't expect na ganito pala sya kalambing. Nang tumugtog na ang intro sa pinili kong kanta ay mabilis syang lumingon sa akin tsaka ako ginawaran ng halik sa noo. "Alam na alam mo talaga mga gusto ko," He ellaborate, I just gave him a smile. "Paano mo nalaman yang kanta na yan?" "Nakita ko lang yan sa playlist mo sa phone, and pinakinggan ko to be honest nagustohan ko yung meaning kaya gusto kong marinig yan ng ikaw naman mismo ang kumakanta."I explained. "Thank you Love," Malambing sabi nito at hinalikan akong muli sa noo. Habang pasimula na ang kanta ay Inaya nya akong tumayo. Lihim akong nabigla ng ilahad nya ang kamay nya sa akin. Nalilito man ay tinaggap ko ito at tumayo kasama nya habang kinakanta ang kantang napili ko. Marahan syang tumingin sa akin at kitang kita ko dito kung gaano sya kasaya sa nangyayari ngayon. Oh, Florida, please be still tonight Don't disturb this love of mine... Hindi nya inalis ang mga tingin sa akin. ang mga tinging gustong gusto kong sa akin nya lamang ipako. Dahan dahan kong nararamdaman na sumasabay na pala kami sa tunog ng kanta. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdamang saya ngayon, saya na parang nililipad ako ng hangin. Walang sabing iniikot nya ako at pag harap sa kanya ay maingat nyang nilagay sa mga leeg nya ang aking mga braso at sumabay muli kami sa tunog ng kanta. Habang binibigkas nya ito ay ramdam kong ang takot sa tinig nito. mabilis akong umiling dito para ipahayag sa kanyang hinding hindi ko iyon gagawin sa kanya. "I will never do that. I swear, from this day forward I will always take care of you." sambit ko dito. nakita ko naman ang pagngiti nito sa akin. Marahan nyang pinagdikit ang aming mga noo habang unti unti akong pumikit. Lihim na nanalangin na sana hindi na ito matapos pa. This time sinabayan ko na sya pag kanta. Napakasarap sa tenga ng boses nya, Boses na kailan man ay hinding hindi ko hahayaang mawala sa akin. Naglast Song na kami and may isa ulit akong nakitang kanta na alam kong pamilyar na pamilyar sya. Mabilis akong pumunta sa karaoke machine para mailagay ito. kagaya ng ginawa ko kanina ay hindi ko parin ipinakita sa kanya. Kunot noo nya lang akong tinignan, pero hindi ko na sya sinagot pa. Nang tumunog na ang intro ng kanta ay para syang natuod. hindi nya agad nakanta ang unang lyrics ng kanta kaya nagtaka ako bakit. "Love, Why? is there something wrong?" alala ko dito. maingat nya lang akong nilingon, nagulat ako ng makita ang naging reaksyon nito. kung gaano napalitan ng lungkot ang saya nya kanina. "I-I can't sing that song." utal na sagot nito. nagtataka naman ako dito kaya pinilit ko parin alamin kung bakit. "Why? nasa playlist mo din yan eh, i know you know that song. that's one of your favorites." ani ko dito. Nakaramdam naman akong kaba dahil may pumasok sa isip ko na alam kong posible, pero hindi ko hinayaang magpakain kami sa mga ganung bagay. it is our Anniversary God knows how we wish to get where we are right now. "I-I C-Can't Love please.." pagsusumamo nito. nabagsak naman ang balikat ko dito at nakaramdam ng lungkot. Nagalala naman si Kane sa inasta ko kaya dali dali nyang hinawakan maiigi ang kamay ko at itinuloy ang pagkanta. I dream a lot, I know you say Wala sa sariling napalingon ako sa monitor ng karaoke. Unti unti kong naiintindihan ang ibig sabihin ng kanta. May mga kung anu anong pumapasok sa isip ko, that God know what but I don't want to make it serios. Kanta lang to. Goodbyes are meant for lonely people Standing in the rain And no matter where I go..  Lumingon sya sa akin ng may mga luha sa mata. Nataranta ako pero mariin nya lang akong hinawakan sa kamay at pinakatitigan sa mga mata. Kitang kita kong nasasaktan sya sa ibig sabihin ng kanta. Tatayo sana ako para itigil na ang pagkanta nito pero umiling sya sa akin at tinuloy ang pagtapos sa kanta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD