Chapter Six

1990 Words
Natapos nya ang kanta pero hindi na kami naging kagaya kanina. Ilan beses ko syang sinusulyapan pero nawala sya sa mood. Nagkaayaan na kami lumabas ng Karaoke dahil pati ako nawalan ng gana. Di ko maintindihan kung ano bang meron sa kanta na yun para magkaganun sya. napaka babaw naman kung dahil lang doon magkakaganyan sya basta basta. Bigla naman pumasok sa isip ko ang isa sa dahilan na ayokong isatinig dahil baka pagmulan pa ng di pagkakaintindihan. Hawak nya parin ang kamay ko. napansin kong napatigil sya bigla kaya huminto din ako sa paglalakad. "Okay fine, sasabihin ko na." He confessed. Mabilis syang humarap sa akin tsaka pinaktitigan sa mga mata. Iba talaga kutob ko sa mga tingin nya na yun lihim akong nanalangin na sana mali ang aking kutob. "It's sounds lame but, Everytime I sing that song something worst will happened." Deretsang pagtatapat nito. Kunot noo ko naman syang pinagmasdan, hindi ko alam kung maiintindihan ko ba ang ibig nyang sabihin or I will just take it as a joke. "Pati ba yung kanta na yun sinumpa mo rin?" Paninigurado ko. I want this to make a point, ayokong pagisipan sya na mababaw kung totoo man pero bakit pati yun? As I confirm earlier, nasa playlist nya pa yun. Marahan naman syang tumango sa akin habang umiiwas ng tingin sa akin at dahan dahang niyuyuko ang ulo. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata, tsaka huminga ng malalim. I let go all the non sense that My brain doing right now. "Kane--Love, It was just a song there's no big deal about it." ani ko dito at iniangat ang mukha para malaman nyang hindi ako disappointed o ano. ayoko ng palakihin pa to, it is our First Anniversary for Pete sake! "There is love, there is--" "And I Don't f*****g care. Hindi isang kanta ang sisira sa atin, tandaan mo yan. kanta lang yun." I Stated. kung ano man yung ibig sabihin ng kanta na yun, wala akong pake alam. kanta lang yun. Kita ko parin ang pagaalala nito, kaya mabilis ko syang hinila para mayakap. Pinagtitinginan man kami ng mga tao wala akong pake alam. ayokong nasasaktan ng ganito si Kane, kagaya ng Pinangako ko sa kanya noon hinding hindi ko gagawin ang ginawa ni Crisslle sa kanya. HINDING HINDI. "Whatever the meaning of that is, I don't f*****g care. okay? I don't. if iniisip mo na gagawin ko sayo nangyari sa nakaraan mo, nagkakamali ka. nangako na ko, panghahawakan ko nalang yun hangang dulo. sana paniwalaan mo mga sinasabi ko." I retorted. naramdaman ko naman ang marahan nyang pagtango tsaka nya sinubsob maiigi ang ulo nya sa leeg ko. "I love you so much, Fannie. I love you so much I am so sorry if I acted weird earlier I'm so sor--" Sabay kaming natigil ng maramdaman kong magvibrate ang phone ko. humiwalay sya sa akin sandali para tignan kung sino ang tumatawag. "Si Mama." basa ko ng makita kung sinong nakalagay sa screen ng phone ko. Pareho kaming litong nagkatinginan dahil alam naman nila kung anong oras kami makakauwi and alam din nila kung sino ang kasama ko. "Sagutin mo na baka mapagalitan ka." Ani ni Kane sa tabi ko. Nung una ay nagdadalawang isip akong sagutin iyo pero ng lingunin ko uli si Kane ay nakita kong nginitian nya ako at binigyan isang tango. Wala akong choice kung hindi sagutin ang tawag. Pag si Mama pa naman tumawag iba, puno kasi ng Authority si Mama, natatakot din ako baka mapagalitan si Kane at iba na ang isipin sa amin. Even though we're One year already, hindi parin nila alam na Boyfriend ko na si Kane, Gusto ko muna makapagtapos ng High school bago ko sya maipakilala. Mahirap na baka may masabi pa sila about sa amin. "NASAN KA NA? ANONG ORAS NA UMUWI KA NA!" Bungad agad sa akin ni Mama. Sinubukan kong i-check ang oras pero Mag-5pm palang at paalam namin ay 7pm na ako makakauwi,dahil babyahe pa kami pauwi. "Am–Mama, kakarating lang po Kasi namin–" "WAG KA NG MARAMING SINASABI, UMUWI KA NA FANNIE!!" Matigas na utos nito. Magsasalita pa sana ako NG bigla akong babaan nito NG telepono. Nagaalala Kong tinapunan si Kane ng tingin. 'Nagumpisa nanaman sila sa pagiging toxic nila.' ani ko sa aking isip. Sila nanaman nasunod, pinigilan nanaman nila akong magsaya at ipagawa Ang umuwi kahit ayoko pa, kahit gusto ko pa syang kasama, kahit gusto ko pang lubusin itong sandali na to kasi hindi ko alam kung bukas makalawa may mag bago na. "I-I need to go home, Love." ani ko dito. Kitang kita ko paano bumagsak ang mga balikat nya sa pinamalita ko. Halatang halata na sa mga mata nya ang lungkot, Alam naming dalawa na pareho kaming walang magagawa pa sa ngayon. But we're strongly hoping that we can through this. "S-Sure, tara na." He answered. Maagap nya akong hinawakan sa kamay at dumeretso na kami sa sakayan ng Bus pabalik sa Condo. Matapos ng ilang oras na byahe, nakarating na kami sa main gate ng Condominium. Usapan naman lagi namin na hangang dito nalang nya ako maihahatid, dahil baka pag hinatid nya ako mismo sa bahay ay baka ano lang sabihin sa amin. Ayoko din naman syang masermunan. Okay nang ako, wag lang sya. "Magte-text nalang ako Love pag nasa bahay na ako." Bilin ko dito tsaka sya mabilisan hinalikan sa labi. "Sige." Sagot nito. May kung anong lungkot na gumuhit sa mukha nya na nahalata ko pero binawi nya rin agad. May pumipigil sa akin na umalis sa tabi nya pero inaalala ko sila Mama baka mahuli nila kami. Kilala ko sila, baka magkaroon pa ng gulo pag nagkataon. Ayoko pa man umalis pero wala na akong choice kung hindi tumakbo pauwi. Pagkarating na pagkarating ko ng bahay ay sinalubong ako ng isa sa mga pinsan ko na busy na naghahakot. Nagtaka naman ako kung ano ang hinahakot nila kaya sinilip ko ang loob ng bahay namin. Napagtanto ko na mga gamit pala namin iyon na hinahakot nila. Kakabalik lang ng pinsan ko sa labas kaya agad ko syang tinanong ng nasa harap ko na sya. "Kuya Neil, B-Bakit kayo naghahakot? A-Anong M-Meron?" Kabado kong tanong dito. Iba na talaga kutob ko sa nangyayari, sana mali ako ng iniisip. God please wag po.. Umiwas naman ng tingin sa akin ito at mabilis tinuro ang katabing Unit namin na maliit na opisina ni Papa. Nagtataka man pero hinayaan ko nalang sya sagutin ang tanong ko. "Punta ka nalang sa kabila Annie, kanina ka pa hinahanap ng Mama At Papa mo." Deretsong sagot nito tsaka bumalik sa ginagawa. Tumango nalang ako. Naiiyak na ako pero sana mali ang kutob ko. not now please, God. Pag kaakyat ko sa Mini Office ni Papa ay nakita ko sila agad doon ni Mama. Wala sa mood si Mama at si Papa naman ay nakaupo lang sa upuan nito. Ang bigat agad ng awrang sinalubong nila sa akin. Lumapit na ako sa upuang malapit sa Table nito. Di na ako nagdalawang isip pa magtanong. "Bakit po sila kuya naghahakot? Anong meron?" Deretso kong tanong. Nahuli kong tumingin ito kay Mama. Hindi ko iyon pinansin at hinintay ang sagot nito. "Pupunta na tayo ng Pampangga pag katapos nila hakutin ang mga gamit. Doon na tayo titira." Sagot nito. Para akong binagsakan ng kung ano sa Ulo sa narinig ko. "Pupunta na tayo ng Pampangga pag katapos nila hakutin ang mga gamit. Doon na tayo titira." "Pupunta na tayo ng Pampangga pag katapos nila hakutin ang mga gamit. Doon na tayo titira." Nagpabalik-balik ang mga salitang sinabi ni Papa. Hindi ko na napansing tumutulo na pala ang luha ko. Paulit-ulit akong umuling dito, habang hindi makapaniwala sa mga narinig. "P-Pero Papa, malapit na ako grumaduate ng High school diba sabi mo dito na ako gagraduate? Bakit lilipat nanaman tayo?" "Wag ka ng magtanong, sumunod ka nalang!" Singit ni Mama. "Papa, wag naman po. Dito nalang tayo, please ayoko na po umalis dito please Papa." Pagmamakaawa ko kay papa. Hindi ako pwede umalis. Hindi ko pwedeng iwan tong lugar na to. Nandito mga kaibigan ko, Nandito mga kakilala ko, Nandito yung taong mahal na mahal ko. Hindi ko sya kayang iwan. "HINDI NGA PWEDE EH! MADAMI NA TAYONG NAPAGUTANGAN DITO! DI NA RIN KUMIKITA ANG NEGOSYI NATIN DITO!" Pikon na sigaw ni papa. "AYOKO PAPA! HINDI AKO SASAMA!! DITO LANG AKO–" PAK!!!!!! Naputol ang pagmamaktol ko ng bigla akong sampalin ng malakas ni Mama. "SASAMA KA SA AYAW AT GUSTO MO!!! ILIGPIT MO NA MGA GAMIT MO DOON AT IPAKARGA SA MGA KUYA MO!!! NAIINTINDIHAN MO!!!" Sigaw nito. "NAPAKA UNFAIR NYONG LAHAT!!! SOBRA KAYO!! LAHAT NAMAN GINAGAWA KO!! LAHAT NAMAN SINUSUNOD KO PERO AKO NA MINSAN LANG MAGING MASAYA HINDI NYO MAN LANG MAIBIGAY SA AKIN YON!!!!" Sumbat ko sa mga ito. Hindi ko na napigilan pa ang nararamdaman kong sakit. Napapagod na akong magpalipat lipat ng tirahan. Makisalamuha sa mga bagong tao. Makakilala ng mga bagong tao tapos sa huli iiwan ko lang ayoko na ng ganito. Mabilis ako hinablot ni Mama sa mukha at pinakahawakan sa bunganga. Nalasahan ko din ang dugo sa aking bibig. Sinubukan kong mag pumiglas pero hindi ko magawa. Napatingin naman ako kay Papa para humingi ng tulong pero yumuko lang ito para umiwas ng tingin sa akin. "KUNG UNFAIR KAMI SAYO, SANA WALA KA SA LUGAR NA TINATAMASA MO NGAYON!! KAYA KUNG AKO SAYO SUMUNOD KA!! WAG PURO SARILI MO INIISIP MO!! HIRAP NA ANG PAPA MO MAKAHANAP NG PERA PANGTUSTUS SA MGA GUSTO MO!!" tsaka nya ako marahas na binitawan. Ang daming tanong sa isip ko na gustong gusto kong itanong sa kanila para iparamdam sa akin to. Bakit di nila ako naiintindihan, kapag ba sinabi ko ang totoong dahilan ko papayag ba sila na mag-stay ako? Hindi rin naman dahil kilala ko sila kung gaano katitigas. Iiyak ka muna ng dugo bago ka nila mapagbigyan o intindihin man lang. "Please po Papa, Please po.." paulit ulit kong bulong. Para na akong sira ulo sa pagmamakaawa sa kanila. Marahan akong tumayo kahit na nanlalambot ako sa nangyayari. Lumapit ako kay Papa at dahan dahang lumuhod sa harap nya. Ito nalang tanging paraan ko para magbago pa ang desisyon nila. Dahan dahan kong tiningala ang aking mukha na basang basa na ng luha at marahan na hinawakan ang mga kamay ni Papa. "Papa, please po wag na po tayo umalis. Ayoko po umalis dito Papa. Para na po nyong awa, promise ko po magaaral po ako ng maiigi.. pangako ko po yan Papa, please po wag na po tayo umalis.. Magsusumikap po ako para magka-awaed na gustong gusto nyo po, Please Papa.." Pilit kong sabi kay Papa habang patuloy parin sa pag landas ng mga luha sa aking mukha. Yung akala kong eepekto sa kanya ang pagmamakaawa ko, hindi pala. Ganun nalang ang gulat ko ng bigla din akong sigawan ni Papa. "MAGLIGPIT KA NA NG MGA GAMIT MO AT MAGBIHIS!!! WALANG NG MAGI-STAY DITO! AT LALONG WALA NG BABALIK!! TAPOS ANG USAPAN!!!" Ito ang kauna-unahang pag sigaw sa akin ni Papa. Ni minsan ay hindi nya ako nagawang sigawan, sa sobrang bigla ko ay tuluyan na akong nanlambot. Kahit hirap na hirap ay mabilis akong tumayo at hindi na sya tinignan muli. Palabas na sana ako ng office ni Papa pero muli akong huminto. Tumingala muna ako nagba-baka sakaling maibalik ko ang mga luha ko sa aking mga mata, at huminga ng malalim. Dahan dahan ko silang nilingon mula sa aking balikat at sinabi sa kanila ang bagay na habang buhay ko ng papanindigan. "WAG NA WAG NA KAYO MAGEEXPECT PA NG KAHIT ANO SA AKIN. I WILL TREAT YOU WITH RESPECT DAHIL MGA MAGULANG KO KAYO, BUT I WILL NEVER BE THE SAME FANNIE ANYMORE. TANDAAN NYONG DALAWA YAN." Hindi ko alam kung anong bumalot sa pagkatao ko ngayon at nakaramdam ako ng kakaibang tapang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD