Chapter Seven

2008 Words
Magsasalita pa sana si Mama pero malakas ko ng sinara ang pintuan ng opisina. Pinipigilan kong maiyak muli pero nabigo nanaman ako. Walang tigil ang luha ko sa pag agos hangang sa makarating ako ng aking kwarto. Pagkarating na pagkarating ko ng kwarto ay kinuha ko ang aking isang unan at umiyak ng umiyak. Sumigaw ng sumigaw hangang sa sumakit ang lalamunan. "I'm sorry Love, I'm so sorry.. Kane, I'm sorry.." paulit ulit kong sabi habang patuloy parin sa pag iyak. Wala na, hindi ko na matutupad pa ang mga pangako ko sa kanya. Napuno ng galit ang sistema ko at pinagsusuntok ko ang dibdib at ulo ko. "WALA KANG PINAGKAIBA KAY CRISSELLE!! WALA!! WALA KANG KWENTANG GIRLFRIEND FANNIE!! SINUNGALING KA!! NAPAKA SINUNGALING MO!!!!" sigaw ko sa aking sarili tsaka humagulgul muli. Sa apat na sulok ng kwarto ay Walang ibang ingay na maririnig kundi ang pagiyak ko. "Kane...Kane..Kane.. I'm sorry, I'm sorry.." ani ko na wala sa sariling nakatingin sa kawalan ng loob ng kwarto. Ngayon ko lang napansin na ang kama ko nalang ang hindi pa nahahakot. Wala na ang iba kong gamit, pati iba kong lagayan ay wala na din. Naikarga na sa sasakyan namin. Gustong gusto kong tumawag kay Kane pero hindi ko magawa. Napuno ng takot ang puso ko kung sakaling malaman nya ito. Alam kong magagalit sya pag nalaman nya ang nangyari. Sasabihin nya lang na wala akong pinagkaiba kay Crisselle, iniwan ko lang din sya sa ere ng ganun ganun nalang. Ayoko din syang mabalingan nila Mama at baka ano pang gawin sa kanya. Ayoko syang masaktan nila, ako nalang.. AKO LANG, WAG SYA handa ko tanggapin lahat, wag lang sya masaktan. "Fannie!!" Malakas na sigaw ni Mama sa baba. Hudyat na tapos na sila maghakot. Muling lumandas ang mga luha kong kasing tigas din ng ulo kong patuloy sa pag tulo. Kagat labi akong tumayo at sinilayan sa huling pagkakataon ang aking kwarto. Hindi ko akalain sandali lang kami magkakasama ng kwartong to. "I'm sorry rommie.. sana magkita pa tayong muli. Kung nakakapag salita ka lang, sayo ko iuutos na sabihin lahat ng nangyari kay Kane, pero hindi talaga lahat pwede." Ani ko dito na parang akala mo taong nakakaintindi ng sinasabi. Dumungaw ako sandali sa binta ng aking lilisaning kwarto at natanaw ko doon ng Unit nila Kane. Isa isa muling nagtuluan ang aking mga luha. Wala sa sariling sinuntok ang pader. Hindi na ininda kung may nabali ba o ano, wala ng sasakit pa sa nangyari sa amin ngayon. "Im sorry Kane.. I'm sorry...sorry.." Muli kong sambit. Wala akong ibang maramdaman na sakit kung hindi ang sakit na maiiwan ko sya ng hindi nya alam. Gustong gusto kong tumakbo papunta sa kanya ngayon pero hindi ko magawa. WALA AKONG MAGAWA. "Fannie," Tawag sa akin ni Papa. Bahagya na nitong binuksan ang pintuan ng aking kwarto. Malamig na tingin ang binato sa taong tumawag sa akin ngayon. "Tara na." Ani nito. Walang gana ko itong nilagpasan. Nang makababa na ako, napansin naman ng mga pinsan ko ang itsura ko. Ang iba ay napuno ng awa at ang iba naman ay napayuko nalang. Hindi ko nalang sila pinagpapansin pa at lumakad na pasakay ng sasakyan na sa tingin ko'y kanina pa naghihintay. Pagkaupong pagkaupo ko ay mabilis ko kinuha ang headphones at nilagay sa aking tenga at wala sa sariling lumingon sa labas ng bintana. Ganun nalang ang sakit sa akin ng unti unti ko ng nagsi-sync in sa akin. Ito na ang huling makikita ko ang mga kaibigan at mga kakilala ko dito. Nakita ko pa ang iba kong mga kaibigan, sila Harrid, Harris, Paolo at Johnny. Mabilis kong iniwas ang mga tingin sa mga ito ng mapansin nilang nasa loob ako ng sasakyan. Nang nasa gate na kami ay tumingala ako sa bakanteng apartment kung saan kamuntikan akong mahalikan at kung saan namin nakompermang mahal namin ang isa't isa ni Kane. Mas lalo akong naiyak, pakiramdam ko durog na durog at napaka walang kwenta ako ngayon dahil wala man lang akong ginawa para makapag paalam man lang sa kanya. Makapag paliwanag man lang. "I promise, babalik ako. Pinapangako ko, Ipapaliwanag ko sayo lahat. Sana mahintay mo pa ko, please hintayin mo ko." Bulong ko sa aking sarili habang patuloy parin sa pag iyak. Umiyak ako ng umiyak hangang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. 9 years later.. *please be mind na kasama parin ito sa flash back of the story. Thank you!* "This is it pansit!” sambit ko sa aking sarili. Kasalukuyan akong nagaayos para sa mangyayaring Interview sa akin ngayong araw. Nagslocks nalang ako na black at tinernuhan ko ng three forth na sleeves na top, na may ribbon sa harap. Pinaresan ko din ng brown na Hermes bag at black shoes. Inabot pa ako ng syam syam para lang makahanap ng maayos ayos na damit. Kung hindi lang importante tong interview, hindi ko na paghahandaan. Kaso hindi. Ang interview ko kasi sa may Makati gaganapin. Isang kilalang investors sa pilipinas na naghahire ngayon ng new secretary. Grinab ko na ang opportunity, ng icheck ko din ito sa site ay almost 350,000 ang job offer. Sakto namang kailangan na kailangan ko na ng trabaho. Dahil kung hindi kokontakin nanaman ako ng mga magulang ko para bumalik at mag manage ng negosyo nila. Don't get me wrong, gusto kong mag manage ng negosyo namin pero hindi ko talaga passion ang gusto nila na magsupply ng mga Raw materials for baking. Simula din ng ipagpilitan nila akong sumama noon, lalong lumayo ang loob ko sa kanila. I still respect and know them as my parents but hindi na kagaya ng dati. Simula ng lumipat kami ng Pampangga naging maayos naman ang negosyo namin doon. Nakapag aral ako ng high school, nakagraduate din ng college ng dalawang beses. I took Nursing and Secretarial Course para kahit papaano kung hindi na masyado in demand dito sa pilipinas ang nurse may other option pa ako makapag apply ng ibang trabaho. Advantage sa akin yun kahit papaano. Habang nasa Pampangga, nakakilala din ako ng mga bagong tao, nagkaroon din ng ilang kaibigan. Pero ni minsan, walang araw ang hindi nawala sa isip ko si Kane. Umiiyak sa twing namimiss sya, tumitingin sa bwan at lihim na nagdadasal na sana makita ko na sya. Makahingi ng tawad sa ginawa kong pagalis ng walang paalam. Nakailang pangangamusta na ako sa mga kaibigan ko doon about sa kanya. kung nakapag asawa na ba sya o ano, kung anong lagay nya after nung nangyari. Dahil matapos ng nangyari nung araw na yun, hindi ko na muli sya nakontak pa. Hindi na din sya humaharap sa mga kaibigan namin. Kung Makikita man nila ito, iiwasan o dadaanan lang daw nya ang ito na parang hindi nya ito mga nakikita. Alam ng Dyos, Lahat na ng paraan ginawa ko na, sinubukan ko ding bumalik sa Condominium namin bago ako makagraduate ng college sad to say, hindi ko sya nakita. Mapa-maaraw o mapa-umulan, hinihintay ko sya pero walang Kane na humarap sa akin. Sinubukan ko din syang puntahan sa bahay nito, pero palagi nilang sinasabi na wala ito doon. Kaya once na mahire ako sa Company na aapply-an ko ngayon, irerent ko muli ang Unit namin para hindi na ako mahirapan pa na punta-puntahan sya. Ipapaliwanag ko lahat ng nangyari, ipapaintindi ko lahat. Sinasabihan na nila akong tumigil na, na tama na, kasi mukha akong habol ng habol sa taong alam ko naman na hindi na ako mapapatawad pa, pero hindi ko parin ginagawa. Di kasi kami ganung dalawa at umaasa parin akong pinanghahawakan nya parin ang pinangako nya sa akin noon. Dahil naniniwala ako kung talagang mahal mo ang isang tao, tatahakin mo lahat para lang mapatunayan mong mahal mo sya. Hindi mo sya susukuan basta basta. Nagkaroon ka man ng pagkukulang, nagkaroon ka man ng pagkakamali, itatama at itatama mo lahat. Lalo na sa sitwasyon kong Iniwan ko sya sa mismong Anniversary pa namin. I know how he hate now that day, I'm sure of that. Sumulyap ulit ako sa salamin for the last time para icheck ang aking make up. Nang masure kong okay na, bumaba na ako at dumeretso sa aking sasakyan. "Shoot! 8:30 na! Baka traffic nanaman sa edsa." Ani ko sa aking sarili. Mabilis akong sumakay ng kotse at pinaandar ito. hinanap sa GPS ng kotse ko kung saan pwedeng makapag shortcut para makaiwas sa traffic. Nang okay na, binaybay ko na agad ang dadaanan ko pa-Makati. Narating ko ang kompanya na medyo maaga sa inaakala ko. May mga ilang traffic akong nadaanan kanina and thank God hindi naman ako gaano nagtatagal. Nang makapasok na ako sa building ay hindi ko maiwasang hindi mamangha at mailibot ang aking paningin sa bawat pasilyo ng building. Napaka linis at aliwalas ng building na ito. Ibang iba sa iniiexpect ko, kung sa bagay ikaw ba naman maging isa sa kilala at malaking Agricultural Business Greengrocer sa buong pilipinas at ilang bansa ewan ko nalang talaga. Nasa bandang parking area palang ako nito, ano pa kaya ang nasa loob. Maingat akong lumapit sa Receptionist at agad sinabi dito ang sadya ko. "Sa 18th floor po, sa right side. Here's your visitor's badge. You may use it on the elevator." Advice nito sa akin. Marahan naman akong tumango at nagpasalamat. Nang makapasok na ako sa loob ng Elevator ganun nalang ang gulat ko ng biglang magliwanag. Napalingon ako sa likod ko at napa-wow ako sa mangha ng nakikita ko. Tanaw na ang buong Makati sa loob ng Elevator na ito. The elevator was a plain glass wall pero ang sahig ay hindi. Kaya safe na safe sa mga babaeng naka skirt. Maya-maya ay nakarinig ako ng tunog na hudyat na narating ko na ang floor na pupuntahan ko. Pagkalabas ko ay lumakad ako sa gawing kanan at sumalubong sa akin ang isang lalake na sa tingin ko ay Security Guard ng floor. "For Final Interview?" Maagap na tanong nito na syang ikinatango ko. Nilahad nya ang kamay nito at tinuro ang Badge na ipinahiram sa akin ng Receptionist kanina tsaka tinapat sa isang KEY CARD DOOR. Ilang segundo lang lumipas ay marahan akong tinawag ng guard para pumasok sa loob. "Turn left ma'am and then sa dulo po. Andoon po ang iba nyo pang kasabay for this meeting." Ani nito sa akin. "Sige, salamat po Kuya." Sabi ko dito marahan syang nag-vow sa akin. Mabilis naman ako naglakad papasok. Sumalubong sa akin ang mga office cubicles. Halos lahat ay busy, at seryosong seryoso sa mga ginagawa. Sinunod ko ang sabi ni Kuya Guard at tama nga sya. May iba pa ding mga aplikante dito, nasa lima kami. 3 lalake at 2 babae. Nakaramdam ako ng pagtataka, dahil tama naman ang Email na binasa ko kanina na for Final interview ako for the Secretary Position. 1 must need to apply and be hired. nakalagay pa nga. Nagkibit balikat nalang ako doon at tumabi sa babaeng kanina pa dot-dot ng dot-dot sa cellphone, wala namang katext. Panay din ang pag-kagat ng ibabang labi nito. 'Kinakabahan ka ba teh, pareho tayo.' ani ko sa aking isip. Nagulat pa ako ng bigla itong lumingon sa akin, kaya agad ko syang nginitian. Ngumiti din sa akin si Ate na katabi ko. Tsaka marahan akong tinignan. "For Secretary Position ka?" Tanong nito sa akin na ikinatango ko. "Mhmm, kaw?" "The same." Sagot nito. Medyo nagulat at nagtaka ako sa sinabi nito dahil dinoble check ko pa ang discretion ng Hiring nila. "If nagtataka ka din, don't worry pareho tayo." Sabi nito. Napansin siguro nya ang reaksyon ko. "S-Sorry. Nakailang basa din kasi ako sa information nila sa site. Kaya hindi ko talaga maiwasang magtaka." Ani ko dito at nagkamot pa ng batok. Tumango tango naman sa akin ang katabi ko. "I'm Embry Lianne Lopez, ikaw?" Sabay lahad ng kamay nito. "I'm Fannie Madeson, nice to meet you." Tsaka tinanggap ang kamay nito para makapagshake hands. "Ang cute ng name mo, Fannie. Ang Unique." Ani nito sa akin, na nginitian ko lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD