Nakwentuhan kami about sa amin. Kung saan ako nakatira and saan akong school grumaduate at kung ano anu pang karaniwang tinatanong sa mga taong bagong magkakilala.
Masasabi kong mabait sya at nakagaanan ko kaagad sya ng loob dahil sa pagiging mapagbiro nito. Paminsan minsan ay tumatawa at nagbibiruan.
“Magkakilala yata kayo, kayo dalawa lang hindi kinakabahan dito.” ani ng kasabayan namin na applicant.
“Kinakabahan kami kuya, pero syempre relax relax lang muna natin isip natin. Pag nandoon na tayo tyaka tayo magseryoso.” Sagot ni Embry. Nagkibit balikat nalang ito sa amin tsaka nginitian nalang din ang lalake.
She has a point. Di talaga dapat ng bagay sineseryoso. May mga oras talaga sa mga bagay na importante sa hindi.
Bigla kaming naalarma ng may lumabas na isang babae na maputi’t napaka ganda. Sa ayos at pustura nya palang mapapaisip kang isa siguro sya sa mga may ari ng company.
Matangkad din sya, mahaba ang buhok na medyo wavy. Sa tingin ko ay aabot hangang bewang.
Ngumiti naman sya sa amin lahat at isa isa kaming binati. Hindi ko maiwasang mapaningkitan at magisip kung saan ko ito nakita. pamilyar na pamilyar kasi ang mukha nya sa akin.
"Ang mga lalake po na applicant ay pumunta po sa kabilang conference for the interview. Sa mga babae naman po ay sumunod nalang sa akin." Ani nito at ngumiti pa sa aming dalawa ni Embry.
Di naman namin naiwasang magkatinginan dalawa ni Embry, dahil sa pagtataka. Pero sumunod nalang kami sa utos ng babae.
Nakasunod lang kami sa kanya, hindi ko maiwasang pagmasdan sya maiigi. matangakad din sya at sobrang hinhin maglakad. May mga ilan din kaming nakakasalubong na mga empleyado dito, ang iba may pinapapirma sa kanya o di kaya ay may ibinibigay na mga folders.
Nahinto kami sa isang malaking Pintuan na sa tingin ko ay Office nya.
Pagbukas nya ng pintuan sumalubong sa amin ang napakaaliwalas at linis na opisina.
May ilang halaman din sa may bintana. May mga maliliit sa chandeliera sa bawat sulok ng opisina. May nagtataasang book shelf sa dalawang gilid ng pader at pinagitnaan ang malaking painting.
Napaka modernized ng office nito na pinaghalong puti, beige at green. Ang gaan gaan sa mata.
May malaking salamin din na kitang kita mo na ang buong Makati.
"Have a sit please." Ani nito sa amin at lumapit sa lamesa nito at nilapag ang mga bitbit nya papeles kanina.
Binuksan din nya ang kanyang Laptop habang nakatayo. Napansin ko namang tumatango tango ito sa tingin ko ay may binabasa sa kanyang nasa harapan.
"Well, nabasa naman nyo siguro na we are badly needed a Secretary. Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, you both are hired now." Deretsong sabi nito.
Napauwang naman ang aking mga labi sa pagkabigla at mabilis kaming nagkatinginan ni Daisy, tsaka nagyakapan.
"OMG!!" impit na sigaw ni Daisy tsaka yumakap sakin ng mahigpit.
“Talaga po?” Paninigurado ko dito.
Tawa naman ako ng tawa dahil di namin iniexpect na ganun ganun nalang kami mahahire.
Hindi man makapaniwala, pero nagtataka kong binalingan ng tingin ang babaeng nasa harap namin. Napansin naman ito iyon kaya agaran din sya nagpakilala.
"Oh—My bad, nakalimutan ko na magpakilala muna bago ko sabihin sa inyo kung ano ba ang desistion ko." Ani nito tsaka marahang tinapik ang noo.
"I'm Kristin Taylor, the CEO of this company. I already both reviews your backgrounds, and wala naman akong nakikitang mali doon, I know you can do your job here. Basta wag na wag lang kakalimutan ang mga Do's and Don'ts once magstart na kayo, okay?" Bilin nito. That’s why she loos familiar, Sya pala ang CEO.
Napakagaan ng loob ko dito. Pati na ang way nito magsalita ay napamalumanay din, Mukhang magiging magaan lang ang trabaho namin, lalo na if ganito kabait na amo.
Sabay na kaming lumabas ni Embry, after iexplain lahat pa na kailangan naming gawin to process our official hirement.
“Uwi ka na ba after natin magprocess ng Medical Embry?” tanong ko dito.
“Hmm.. Oo.” sagot nito na hindi parin mawala-wala ang ngiti sa mukha nya.
“Sabay ka na sakin. Ako na maghatid sayo pauwi.” alok ko dito. I guess this is a new start of a new friendship, again but i won't expect here to stay long enough dahil alam ko namang aalis din ako kagaya ng ginawa ko kay Kane.
“Congratulations, Ma’am” bati ng Guard sa amin dito sa floor.
Matamis naming nginitian ang Guard bago muli bumaba ng building.
Nang makalabas na kami ay halatang halata ko ang saya sa kinikilos ni Embry.
"Until now talaga di ako makapaniwalang maha-hire ako sa kompanya na yan, halos bubulol bulol pa ako nung iniinterview nila ako sa phone eh." Mahabang salaysay nito. Nginitian ko naman sya at marahang tinuro ang sasakyan ko.
"Siguro mayaman ka noh? Ganda ng kotse mo oh," ani nito ng tuluyan na kaming makasakay ng sasakyan ko.
I can’t help myself to feel timid about it, Hindi naman ganun Kagara ang sasakyan ko kagaya ng sinasabi nya. My car was just a TOYOTA COROLLA. in-upgrade ko lang para mas magandang tignan from the past few years nahilig din ako sa mga kotse at motor.
“Hindi ako mayaman kagaya ng inaakala mo, Binigay lang sa akin to ng Papa ko nung nakagraduate ko ng college.” I ellaborate. Marahan naman syang tumango.
Habang binabaybay namin ang Daan papuntang Hospital para sa aming Medical ay nagkwentuhan pa kami.
Nalaman ko din na Isa syang Orphan. Iniwan lang daw sya noon ng nanay nya sa kapit-bahay nila na syang nagpalaki na sa kanya. Nakagraduate sya ng kursong Business Administration at pangarap nyang makapagpatayo ng malaking negosyo in the future.
Patagal ng patagal unti unting gumagaan ang loob ko sa kanya. I can feel that she’s different to any body else. mabait sya, maunawain, kalog, palangiti, at napakataas ng pangarap sa buhay. and I love that side of her.
Hindi ko rin maiwasang maawa sa kanya, Hindi madaling mabuhay ng hindi mo kasama ang mga totoo mong magulang.
“Wala ka nang balak pa hanapin sila? kasi balik-baliktarin man natin ang mundo, mga magulang mo parin sila.” ani ko dito. nakapahinto ang sasakyan namin ngayon dahil naabutan kami ng STOP. Mabilis naman nya akong inilingan sa tanong.
“Hindi na, iiwan iwanan nila ako tapos hahanapin nila ako pag gusto lang nila? wag na oy!” Deretsang pahayag nito. Bigla namang may isang taong pumasok sa isip ko, pero mabilis ko din binawi iyon.
“Nagugutom ka na ba Embry? daan muna tayong Drive-thru,” aya ko dito. may nakita kasi akong fast food di kalayuan. Sakto din na hindi pa ako kumain bago umalis kanina.
“Libre mo ba?” biro nito sa akin. tumango naman ako agad.
“Huy! joke lang baka mamaya isipin mo kapal kapal ng mukha ko.” Depensa nya, natawan naman ako dito tsaka umiling.
“Hindi! sige na tara!” ani ko dito tsaka nagsignal at kinabig pakanan ang sasakyan.
Nasa Hospital na kami para makapag-medical. naipasa na namin ang mga kailangan naming ipasa at nakuhanan na din kami ng dugo pareho. Naging mabilis ang proseso ng medical namin kaya nagkaayan na agad kami umuwi.
“May boyfriend ka na din ba? o nagkaboyfriend ka na ba?” Prankang tanong nito. kamuntikanan ko naman maapakan ang preno sa tinanong nito.
Naramdaman ko nalang bigla ang pagpapawis ng mga kamay ko. Hindi ko sigurado kung dapat ko bang ikwento ito sa kanya. baka husgahan nya lang ako kagaya ng pang huhusga nya sa mga magulang nya.
Mabilis nalang ako umiling at nag-concentrate sa pag mamaneho.
“NBSB ka? ganun?” tanong muli nito. marahan kong nakagat ang aking ibabang labi at madiing pumikit bago sinagot ang tanong nito.
“Nagkaroon na ako ng Boyfriend before.” ani ko dito na hindi sya nililingon. I saw in the corner of my eye kung gaano sya naging interesado at umupo talaga paharap sa akin. Hindi ko mapigilang Ma-awkward.
“Weh? Ilang years kayo? kayo pa ba?” tanong nito na parang bata na interesadong interesado sa kwento.
Nagaalangan man, sinagot ko nalang ang mga tanong nya. bahala na kung ano isipin nya sa akin. Sa katunayan, ito ang kauna-unang pagkakataong maikwento ko ang about sa nakaraan ko. about sa taong minahal ko pero iniwanan ko.
Bukod kasi sa mga kaibigan ko ang naakaalam nito sa about sa amin, ay wala ng iba pa nakakaalam.
“One year lang.” Tipid kong sagot. mas lalo pa syang lumapit sa akin kaya kunot noo ko syang nilingon.
“Tagal non Fannie ah! bakit kayo naghiwalay?” para naman akong niliyab dahil sa sunod sunod na tanong nito. Napahawak ako sa aking batok, at huminga ng malalim bago sya muli sagutin.
“hmm.. I think you feel awkward about it, okay lang naman kung hindi mo kayang–”
“No, it is fine. no worries.” ani ko dito tsaka nginitian. tama, magandang ilabas ko din to paminsan-minsan, para gumaan gaan naman.
Matagal kaming natahimik. inaanalisa ang bawat isa, ako na nagdadalawang isip parin kung saan ko uumpisahan i-kwento ang about sa amin. at sya na sobrang gustong makinig sa kwento ko.
Huminga muna ako ng malalim tsaka sya hinarap.
“I-Iniwan ko.” utal kong sagot dito. nakita ko naman kung paano nagbago ang facial reaksyon nito. kaninang excited ngayon ay parang nakarinig ng isang masamang balita.
“Bakit? kwento mo naman–kung okay lang sayo, he-he-he.” ani nito tsaka sumalong baba sa aking. nagpasya akong iparada sandali ang kotse ko sa tabi, dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko pag ikinuwento ko ito. ayoko naman madisgrasya kami.
Matapos kong ikwento sa kanya ang lahat, humingi din ako ng Sorry dito dahil alam kong iisipin nyang naduwag ako. hindi ko ipinagalaban relasyon namin. Pero yung akala ko huhusgahan nya ako, nagkamali ako.
“Alam mo Fannie, mga bata pa kayo nun. Ilan taon na oh–It’s been 9 years, I am sure once magkita kayo at mapagbigyan ka nyang makapag paliwanag maiintindihan nya din kung bakit ka umalis.” Ani nito.
“Natatakot ako sa totoo lang, dahil pati mga kaibigan namin nadamay. hindi nya ito pinapansin o anu man lang.” Ani ko dito.
“Ganun talaga, siguro nandoon pa yung sakit. kasi saksi sila sa inyong dalawa. kung ako rin naman yun, malamang sa malamang magagalit ako. hangang ngayon mapupuno ng bakit ang utak ko. walang taong matutuwa sa ginawa mo, lalo na Anniversary nyo pa nangyari. But, let just hope na sana once magkita kayo ulit maipaliwanag mo sa kanya lahat lahat. walang labis, walang kulang.” payo nito.
“I will Embry, I will. sana lang pag dumating yung araw na yun, bukas pa ang puso’t isip nya sa mga sasabihin ko. hindi sana sya magpabulag pa sa galit nya sa akin.” I replied.
Marahan nyang hinawakan ang kamay ko. Hindi ko napansing nanginginig na pala ito.
“Ang tanong, pag nangyari ba yun makakapaghanda ka ba? Ready ka ba?” Makahulugang tanong nito. Wala sa sariling napatulala sa sinabi nya.
Kung makapagharap ba kami ay matatanggap ko ba talaga lahat ng galit nya? matatanggap ko ba lahat ng sumbat nya? paano kung pinakinggan nya nga ako, pero hindi parin pala nya ako pinatawad?
“B-Bahala na.” tanging nasagot ko nalang dito.
Marahan naman syang Ngumiti sa akin at tsaka ako tinapik sa aking balikat.
“Nararamdaman at nakikita kong hindi mo sadya yung nangyari. maganda siguro gawin mo ngayon, patawarin mo ang sarili mo. para once magkaharap kayo at kung hindi man nya tanggapin ang sorry at paliwanag mo wala ng bigat dyan sa puso mo. alam kong minahal mo sya ng sobra, hindi ka naman magkaganyan kung hindi diba?” ani nito tsaka ako umuling.
“ipagdasal nalang natin na sana magkapatawaran kayong dalawa.” tsaka ako niyakap ng mahigpit.
‘Same Embry, Same.’ Sambit ko sa saking isip.